Walang sinayang na sandali si Cedric. Pinabili niya ang lahat ng mga kailangan ni Gabriella. Pati mga gamot at personal belongings nito ay binili niya.
Inutusan niya ang kanyang PA para sa lahat. Alam niyang tutol ang kanyang Ina subalit, mas nanaig sa kanya na kupkupin ito. At sa madaling sabi, gusto na rin niyang kumawala sa gapos ng kanyang sakit.
At ang pinakaimportanteng kanyang ginawa ay, binilin niya ang kanilang family private investigator. Na alamin kung sino ba talaga si Gabriella.
"I heard, you adopted a girl?" Untag sa kanya ni Sofie isang umaga.
Kumakain siya sa dining room at upang pumasok na rin. Dalawang araw din siyang hindi pumasok dahil kay Gabriella.
"You heard the right humor," walang gatol na tugon niya sa kapatid.
Pangalawa sa kanilang magkakapatid. Like niya ang adventure life at kung anu- ano pang mahihirap na gawain ng palapasyal.
"Can I see her?" Tanong nito habang ngumunguya.
Napatitig siya rito at pinagmasdan.
"Don't mess with her, Sister." Nanunuyang tugon ng binata.
"Titingnan ko lang naman saka, why don't you let her outside the room?" Suhestiyon ng dalaga na tumigil pa sa pagsubo ng pagkain.
"No!" Mariing tutol na wika ng binata.
Gulat na napamaang si Sofie sa kapatid. Hindi siya nakaimik.
"I mean, not now nagpapagaling pa siya." Maalumanay nang turan ng binata.
"Okay!" Sang- ayon ni Sofie subalit nakatingin pa rin siya sa mukha ng kapatid.
Indeed, siya nga ang tiger na nagmana sa namayapa nilang Ama. Si kuya Gray nila? Malambot ang puso, masyadong maawain.
Kaya, hindi kinatatakutan ng marami. Unlike Cedric, the power of a tiger runs into his veins no matter what.
Dito sila tumitiklop lahat but ofcourse! Siya kasi ang tagapangalaga ng lahat ng kayamanan ng pamilya. He is smart, amazing and strong man.
"I've gotta go," narinig niyang sinabi ng kapatid.
Napakurap si Sofie at ngumiti.
"Okay! Take care," masaya nitong sagot.
Pagkaalis ay siya namang pagdating ni Gray, ang kanilang divine brother.
"Nakaalis na pala si Don," bungad nitong sabi at umupo saka kumuha ng pagkain.
"Hindi ka na nasanay na napakaaga niya," patay- malisyang sagot ni Sofie saka tumayo.
Nagtaka naman si Gray na tumingala sa dalaga.
"Tapos ka na niyan?" Nakamaang na tanong nito.
"Nakisabay ako kanina kay Cedie," sagot ng dalaga at tuluyan nang umalis.
Napailing na lamang si Gray at ipinagpatuloy na ang kanyang pagkain. Natanaw naman siya ni Donya Agatha kung kaya't nilapitan niya ito. Kagigising din kasi ng Donya kaya, gusto niyang sabayan ang panganay niya.
"Hi, Son!" Bati nito at hinalikan niya sa pisngi ang binata.
"Mom! Binata na ako, nakakailang na ang paghalik niyo sa pisngi ko." Tutol na sinabi ng binata.
"Ano namang masama roon, anak? Ako ang Ina niyo, anak ko kayo." Nakangiting tugon ng Donya.
"Whatever! Kumain na nga lang kayo," naiiling na tugon nito.
Nalungkot ang Donya sa iginawi ng anak. Ngunit kahit papaano ay masaya rin siya sapagkat tinatawag pa rin siyang Mommy. Hindi siya tahasang binabastos, hindi kagaya ni Xandria.
Madalian ding kumain si Gray, nang matapos ay nagpaalam na sa Ina.
Paparating na sana si Xandria nang makita ang Ina. Tila nasira ang araw nito kaya bumalik ito sa kanyang kwarto.
Tinawag ni Donya Agatha ang isang katulong at nagpalagay ng pagkain sa tray.
"Sige, ako na ang bahalang maghatid kay Xandy." Sinabi niya rito sa katulong.
Binuhat niya ang tray at tinungo ang kwarto ng anak. Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto.
"Good morning, bunso!" Nakangiting bati niya sa anak at inilapag ang tray sa side table.
Masaya niya itong pinagmasdan at umupo siya sa tabi nito.
"Breakfast ka na at baka ma- late ka sa Campus." Ani ng Donya.
Tiningnan lang siya nang anak at hindi sinagot. Humarap ang anak sa side table at nagsimulang kumain.
"Puwede bang umalis ka na? Hindi ako makakain ng maayos kapag nakikita kita," malamig na tinuran nito.
Napalunok si Donya Agatha at nawala ang ngiti sa kanyang labi.
"Anak, 'wag mo naman akong ganituhin oh! Iginagalang ako rito sa mansiyon, tinitingala sa labas at pagkatapos ganito sa akin ang mga anak ko?" Saad ng Donya na mababakasan ang hinanakit sa boses nito.
Marahas na tumingin si Xandy sa Ina.
"Gusto mong malaman o nagmamaang- maangan ka lang?" Galit na sagot nito at matalim na tinitigan ang Donya.
Hindi nakakibo ang Donya at pinigil ang huwag maiyak. Nasasaktan siya nang sobra- sobra. Tumayo siya at pinilit nginitian ang anak.
"Tapusin mo na ang pagkain mo at papasok ka na." Nasabi na lamang niya at tuluyan na siyang lumabas.
Pagkalabas niya ay doon siya napaiyak. Tinakpan ng kanyang kamay ang bibig niya upang huwag mapahikbi. Tumingala siya at humugot ng hininga. Saka inayos ang sarili.
Pababa na siya nang makasalubong niya si Yaya Ada na may dalang pagkain.
"Bilin ni Don, Madam." Sabi nito na tila nahulaan ang balak sanang sabihin ng Donya.
"Ano pa ang bilin niya?" Tanong nito.
"Paliguan at painumin ng gamot po," matapat namang sagot ni Yaya Ada.
Napabuntong- hininga si Donya Agatha. Mag-iisang linggo na ang babaeng dinala ng kanyang anak, subalit hindi pa niya nakikita ang mukha nito. Ni pangalan at kung bakit ito tinulungan ng kanyang anak.
Kilala niya ang anak niyang iyun, malakas ang pakiramdam. At higit sa lahat, wala kang maililihim sa kanya. Subalit, nag- aalala pa rin siya.
"Gusto kong siyang makita, Ada." Biglang nasabi ng Donya.
"Ho?!" Bulalas ng matanda na bumakas ang pag- aalala sa mukha nito.
"Pero, mahigpit niyang utos na ako lang ang dapat pumasok diyan. Baka po magalit, alam niyo na ang ibig kong sabihin." May pag- aalala pa rin sa tinig ni Yaya Ada.
"Gusto ko lang siyang makita, wala ng iba." Pangungumbinsi ni Donya Agatha.
Wala na ngang nagawa pa ang Yaya at sumang- ayon na rin ito.
Sabay silang nagtungo sa guestroom at pumasok doon. Nakita nilang tapos nang maligo ang babae. Nakatapis ito nang tuwalya kung kaya't nakita ng Donya ang mga sugat nito.
May mga magaling na at may mga hindi pa. Tila biglang naawa si Donya Agatha rito ngunit ikinubli niya lang. Nahiya naman si Gabriella at napayuko ito.
"Halika at pahiran ko ng cream ang mga sugat mo," maalumanay na tawag ni Yaya Ada rito.
Marahan itong lumapit at hindi makatingin sa Donya.
"Siya si Donya Agatha, Ina ni Senyorito." Pagpapakilala naman ni Yaya Ada sa babae.
"Magandang araw po," mahinhing tugon ng dalaga.
"Gano'n din sa'yo!" Pormal na sagot ni Donya Agatha.
Muling pinagmasdan ito ng Donya. Napakaganda nito, mala- anghel ang mukha at maputi. Hindi man katangkaran subalit, extraordinary ang beauty.
Napaisip tuloy siya at baka na- love at first sight ang kanyang anak. Parang hindi niya matanggap na gano'n lang ang love para sa Cedric niya.
Tumikhim ang Donya.
"Anong pangalan mo at saan ka nakatira?" Magkasunod na tanong niya rito.
Napatingin naman si Ada sa kanya. Na tila nagwawarning signal.
Hindi sumagot ang dalaga.
"Okay! I mean, your name." Pang- iiba ng Donya sa kanyang tanong.
"Gabriella po," nahihiyang sagot nito.
Napataas ang kilay ni Donya Agatha. Pati pala name nito ay maganda, bumagay sa dalaga.
"Tapos na, kumain ka na at uminom ng gamot. Pagkatapos, magpahinga ka na. Sabihin mo lang kung nababagot ka, ipapaalam ko kay Senyorito." Nakangiting wika ni Yaya Ada sa dalaga.
Tumango lang ito at nagpunta na sa loob ng bathroom at nagpalit ng damit.
"Tara na po, Madam." Yaya naman niya sa Donya nakatingin pa rin sa pinasukan ni Gabriella.
Napakurap ang Donya at tumingin kay Ada.
"Madam, pakiusap may sakit si Brie. Hayaan na natin si Senyorito, na siyang nagdala sa kanya rito." Pagsusumamo ni Yaya Ada.
Walang nagawa kundi sumunod si Donya Agatha kay Ada palabas. Gustuhin man niyang malaman ang lahat- lahat subalit nagpigil siya. Baka kasi, silang mag- ina ang magkasagutan. Na ayaw niyang mangyari, ayaw niyang lumayo ulit ang loob ng anak.
Opisina.
Maraming mga papeles ang nasa ibabaw ng mesa ni Cedric. Papahapon na subalit tila hindi ito nababawasan. Nangangalay na ang lahat ng parte sa kanyang katawan.
Nag- inat siya at tinawag ang kanyang PA. Humingi siya nang isang basong kape. Mabilis namang ibinigay sa kanya iyun ng kanyang PA. Hindi pa siya nangangalahati ay biglang sumikip ang kanyang dibdib.
Nasapo niya iyun at pinipigilan ang 'wag mapadaing. Kumikirot iyun at tila iniipit. Namumula na ang mukha niya sa sakit.
Pinindot niya ang intercom sa kanang bahagi ng kanyang mesa.
"M- medicine!" Nahihirapan niyang bigkas.
Biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa nito sina Aaron at Waren.
Agad inilabas ni Aaron ang gamot ng amo at ibinigay ito sa binata. Kasunod noon ang pag- abot naman ni Warren ng tubig dito.
"Boss, baka puwedeng magpahinga ka muna?" Nag- aalalang nasabi ni Aaron.
Hindi sumagot ang binata bagkus ay pumikit ito at tila nanghihina.
Bakas sa mukha ng dalawa ang pag- aalala. Sapo pa rin ni Cedric ang dibdib nito dahil masakit pa rin.
"Damn! Give me one more!" Bulalas nito at napapangiwi sa sakit.
"Pero, boss!" Tutol naman ni Warren.
"Damn it! Just give that damn medicine!" Singhal ng binata.
Walang nagawa si Aaron kundi bigyan pa ito ng isa pa. Halos tumirik na ang mata nito sa sakit na nararamdaman.
"Iuwi na lang natin siya, hindi ba okay kapag si Brie ang nasa tabi niya?" Naalalang wika ni Aaron.
Natigilan din si Warren. Agad silang nagpakuha ng wheelchair at isinakay si Cedric.
Tumawag naman si Warren sa mansion. Ibinilin niyang dalhin si Brie at isalubong kay Cedric sa daan.
"Sana nga gumana ang naisip mo!" Wala sa sariling na sabi ni Warren kay Aaron.
"Iyun na lamang ang alam ko, eh! Hindi naman yata tumatalab ang kanyang gamot," naiiyak na sagot ni Aaron.
Binatukan ito ni Warren.
"Anong kinaiiyak mo riyan?" Inis na tanong ng binata rito.
"Sa naiiyak ako sa kalagayan ni Don, alangan tatawa ako!" Sumisinghot na sagot ni Aaron.
Muli itong binatukan ni Warren.
"May sinabi ba ako, ugok!" Singhal nito at muling sinulyapan si Cedric na namimilipit pa rin sa sakit.
"Bilisan mo, Irong!" Biglang sabi ni Aaron sabay atungal ng iyak.
"Tumigil ka sa kakaiyak damuhong ka!" Muling singhal ni Warren dito.
Napatigil naman ito subalit nang muling sumulyap si Aaron sa gawi ni Cedric ay bigla na naman itong umatungal ng iyak. Wala nang nagawa pa si Warren kundi ilagay ang earphone nito sa magkabilang tainga niya. Upang hindi marinig ang makabasag taingang atungal ni Aaron.