Nagkagulo ang buong mansiyon nang maiuwi nina Cedric ang babae. Pinatawag pa ang kanilang family doctor para ma- check ito kung okay ang babae.
Nagtatanong ang mga mata ni Donya Agatha subalit walang ni isang sumagot sa kanya. Nanatiling nakatikom ang bibig nina Warren at Aaron.
Nang mabigyan ang Donya nang pagkakataon, pahablot niyang hinila si Aaron sa likod ng pader.
Gulat na gulat naman ang binata dahil sa kabiglaan.
"Madam, papatayin mo ako sa nerbiyos!" Bulalas ng binata habang sapo ang dibdib nito.
"Tigilan mo 'yang kaartehan mo, Arong!" Sermon ng Donya rito.
Napangiwi si Aaron sa narinig na sinabi ng Donya.
"Ambantot naman ng Arong, Madam. Ibaon niyo na sa limot ang pangalang iyan, hindi bagay sa akin!" Himutok ng binata habang nakangiwi pa rin.
Tinampal siya ng Donya sa kanyang braso dahil sa kapilosopohan niya.
"Alam mo ang gusto ko sa'yo, tigilan mo ako!" Pandidilat na sinabi ng Donya.
Mas lalong napangiwi ang binata.
"Diyos ko! Ano ba ang kasalanan ko at ako laging ako ang iniipit," usal ng binata na tumingala pa.
"Arong!" Saway ng Donya at pinameywangan ang binata.
Napakurap- kurap naman ito at napilitang tumingin sa Donya.
"Senyorito!" Bulalas ni Aaron na nakatingin sa likuran ng Donya.
Kaagad namang lumingon ang Donya kaya sinamantala iyun ni Aaron at kumaripas ng takbo.
Naiwan ang Donya na naiinis at nagngingitngit, una dahil hindi nagsasalita ang kanyang anak. Pangalawa, kahit kailan ay mapanlinlang si Aaron na nakakainis talaga.
Napakunot- noo si Cedric nang makitang humahangos pabalik si Aaron. Sapo pa nito ang sariling dibdib at panay ang hingal.
"Nangyari sa'yo?" Nakamaang na tanong ni Warren dito.
Napabuga nang hangin si Aaron at lumunok muna bago nagsalita.
"Nakorner ako ni Madam, mabuti na lang natakasan ko." Humihingal pa ring sinabi nito.
"Himala, nakatakas ka ngayon." Pagpapatuloy na sabi ni Warren.
"Mabuti na lang 'kamo, kung hindi-" naputol ang sana ay saabihin nito.
"Kung hindi ay kumanta ka na naman," sabad naman ni Cedric.
Tumingin si Aaron kay Cedric.
"Natumbok mo, Senyorito." Pagsang- ayon nito.
Napatawa si Warren sa narinig. Umiling- iling na lang ito at kinutusan si Aaron.
Nasa taas sila sa labas ng guestroom, hinihintay na lalabas si Dr. Smith na sumuri sa babae.
"Ano nga pala ang pangalan niya?" Naalalang tanong ni Aaron.
Kapwa nagkibit- balikat ang dalawa. Napahalukipkip si Cedric samantalang napasandal naman sa pader si Warren. Naupo naman sa may sofa si Aaron at nakatingin sa may pintuan.
May isang maliit na living room kasi sa pinakagitna ng mga silid. Para iyun sa mga tamad nang bumaba upang magrelaks sa malaking living room, sa ibaba.
Maya- maya pa ay lumabas na ang doktor. Napaayos nang tayo sina Warren at Cedric, samantalang napabalikwas naman ng tayo si Aaron.
Isinenyas ni Cedric na maupo muna ang doktor upang makapag- usap sila. Magkaharap silang umupo sa sofa at iniabot ng doktor ang isang papel sa binata.
"I think, masyadong mapait ang kanyang naranasan. Kahit hindi pa man din siya nahahawakan, she's avoiding it and seems she's afraid." Saad ng doktor.
Hindi umimik si Cedric.
"Ano po ang gagawin namin?" Sabad na tanong ni Aaron dito.
Bumuntong- hininga si Dr. Smith at malungkot na umiling.
"She's tortured, and every part of her body have scars. A deep scars, and time can heal." Muling saad ng doktor.
Napaawang ang labi ni Cedric. Biglang kumuyom ang kanyang mga palad.
Who the hell tortured that girl?
Tao pa ba ito o isa nang demonyo? Nagngangalaiting tanong ni Cedric sa kanyang isipan.
"And what to do, Smith?" Mula sa kanilang likuran ay lumitaw si Donya Agatha na seryoso ang mukha.
Yumukod ang doktor pagkakita sa Donya. Tumango lang ito at saka umupo. Matalim niyang tinitigan si Aaron kaya napapitlag ang binata, at nag- iwas ng tingin.
"Donya Agatha, we must not rude for her. May trauma siya like us, time can tell kung babalik siya sa dati . 'Yung wala na ang takot na nararamdaman niya, all we have to do is guide her and teach her." Saad ng doktor.
"Any medicines or treatment?" Tanong din ni Cedric kapagkuwan.
Tumingin ang doktor sa binata.
"Every tuesday, bring her in my clinic. And for the scars, nasa hawak mo ng papel. Mga reseta at tips on how to tamed her, nandiyan na lahat. Be careful, patience and cooperation, 'yan lamang ang gagawin." Mahabang bilin ng doktor.
Nahilot naman ni Cedric ang kanyang sentido at napapikit.
"Anyway, thank you Smith." Narinig niyang sinabi ng kanyang Ina.
"Buweno, magpapatuloy na ako." Pagpapaalam na ni Dr. Smith at saka tinapik sa balikat si Cedric.
Tumango lang ang binata bilang tugon.
"Ano ba itong napasok mo, Cedie? You are in big trouble!" Hysterical na sabi ng Donya.
Hindi sumagot ang binata, nanatili itong nakapikit. Tahimik lang sa isang tabi si Warren, habang si Aaron ay hinatid ang doktor sa labas ng mansiyon.
"You know what? Maaaring ang babaeng iyan ay isang, spy or hired ng mga kalaban natin sa negosyo!" Pagpapatuloy ng Donya.
"Mom!" Mahinang tugon ni Cedric.
"Ibalik mo ang babaeng 'yan! Maybe she will ruined our family or property, mas mainam ang nag- iingat!" Sermon pa rin ng Donya.
"Mom! Tell me, where I am supposed to bring her back? And do you have a proof na isa siyang spy, or hired from other people?" Damagundong ang boses ng binata sa lahat ng sulok ng mansiyon.
Nangatal ang Donya at hindi nakahuma. Napapikit naman si Warren at natakpan ang kanyang tainga.
"M- malay mo lang, isa siya sa gano'n." Wika ni Donya Agatha nang makabawi sa kabiglaan.
Nagbuga nang hangin ang binata, at taas- baba ang dibdib nito sa inis.
"Do you hear what you're saying, Mom? Hindi ka ba nakikinig sa sinabi ni Smith? She's tortured at buong katawan may pilat at pasa!" Nanggagalaiti pa ring turan ng binata.
Hindi na nakasagot ang Donya. Feeling niya tuloy siya ang inapi rito. Ang tigre kasi ay nagalit sa Ina mismo.
Walang sabi- sabing umalis ang Donya dahil sa sama ng loob. Naiwan naman si Cedric na nagtatagis ang kanyang mga ngipin. Inis niyang sinundan ng kanyang tingin ang Ina nito.
Dumiretso ang Donya sa wine cellar. Kaagad na nagbukas ng alak at saka ito uminom. Nanginginig ang kanyang kamay dahil sa sama ng loob sa kanyang anak.
Apat nga ang kanyang anak, subalit ni isa walang close sa kanya. At mas naiiyak siya sa isiping iyun.
"Okay lang po ba kayo, Madam?" Nag- aalalang tanong ni Yaya Ada na sumunod pala sa kanya.
Hindi siya sumagot bagkus ay muli siyang sumimsim ng alak.
Umupo naman si Yaya Ada sa harapan ni Donya Agatha. Malungkot niya itong pinagmasdan. Nalaglag ang luha ng Donya kaya kaagad niya iyong pinahid.
"Bakit gano'n, Ada? Hindi ko pa rin ba nakuha ang loob ng anak ko, sa haba na ng aming pinagsamahan?" Gumaralgal ang boses nito na nagtanong.
"Hindi naman po sa gano'n siguro, Madam." Kiming sagot ni Yaya Ada.
"Kung ituring niya ako, parang hindi ako ang Ina niya. Katulad siya nina Sofie, Gray at ni Xandria." Tuluyan nang naiyak ang Donya.
Nilapitan naman ito ni Yaya Ada at niyakap. Tinapik- tapik nito ang likuran ni Donya Agatha.
"Akala mo lang iyun pero, mahal ka ng mga anak mo." Pang- aalo nitong sabi.
Suminghot ang donya at hindi nagsalita.
"You're drama was great! Congratulations!" Narinig nilang sinabi ng nasa likuran nila.
Nagkahiwalay ang dalawa at kaagad na pinahid ni Donya Agatha ang kanyang mga luha. Pinilit nitong ngumiti saka lumingon sa nagsalita.
"Sofie, kailan ka pa dumating anak!" Bulalas niya at nilapitan ang anak.
Niyakap niya ito at hinagkan sa pisngi.
"A while ago, anyway nagpapasundo si Gray. Nasa airport na siya," malamig na sagot ng dalaga.
"Ha?! Bakit hindi tumawag?" Gulat na bulalas ng Donya.
Nagkibit- balikat lang si Sofie at iniwan na ang Ina. Nanghihinang muling umupo ang Donya at malungkot ang mukha.
"Sige na! Ayusin mo na ang sarili mo, isa- isa nang umuuwi ang mga anak mo. Dapat matuwa ka at ipakita mong, mahal mo sila." Payo ni Yaya Ada rito.
Ngumiti ang Donya at inayos na nga ang sarili.
Pumasok naman sina Warren at Cedric sa loob ng guestroom. Nakita nilang nakatalungko ang babae sa gilid ng kama. Mas lalo pa itong sumiksik nang makita sila.
Muli nitong niyakap ang sariling mga binti at tumungo.
"What's your name?" Maalumanay na tanong ni Warren dito.
Hindi umimik ang dalaga, tumingin lang ito sa kanila.
"Naalala mo ba kung paano mo ako binangga kaya narito ka ngayon?" Maalumanay ding tanong ni Cedric dito.
Nag- angat nang tingin ang dalaga at tinitigan siya. Muling nag- usap ang kanilang mga mata. Unti- unting umusog ang babae papalapit kay Cedric. Marahan itong tumayo at yumakap ito sa kanya.
Hindi nakahuma ang binata dahil sa kabiglaan. Aawatin sana ito ni Warren subalit pinigilan niya.
He want to proved something if it's true.
Nanatiling nakayakap ang babae sa kanya ng ilang minuto. Nang walang maramdamang kahit ano ay lakas- loob niya itong hinimas ang likuran ng babae.
Buong mangha namang nakatingin lang si Warren sa kanilang dalawa. Hindi maintindihan ni Cedric kung ano ang kanyang mararamdaman.
Finally, he found this girl. Eventhough, he doesn't know about her. But soon, he will investigate her background. Where she came from, her family and those why's in his mind.
Maya- maya pa ay iniupo niyang muli ang babae at tinabihan niya ito.
"Tell me, what's your name?" Marahang tanong ng binata rito.
Tumingin ang babae sa kanya.
"It's okay! You are in a good hands now," muling sabi ni Cedric.
"G- Gabriella," mahinang sagot ng babae saka muling nagyuko.
"How old are you?" Tanong ulit ni Cedric dito.
"T- twenty five," tugon ng dalaga.
Napasinghap si Cedric sa narinig.
This girl is young, he is thirty years old. At ang kaedad nito ay si Xandria, ang spoiled brat niyang kapatid.
"Where did you came from?" Again, Cedric asked hoping that this girl will answered him, honestly.
Para mas madali niya itong mahanap kung saan nga ito galing.
"Magsaysay, " maikling sagot ni Gabriella.
"Okay! Gusto ko, sabihin mo sa akin ang apelyido mo." Mahinahon pa ring wika ng binata rito.
Natigilan ang babae at muling tumitig kay Cedric. Tila nag- aalangan itong sabihin.
"I promise that you are safe for this," matapat na tugon ng binata at hinawakan pa ang kamay ng dalaga.
Malamig iyun, tila ito nagulat at agad hinila ang sariling kamay mula sa kamay ni Cedric. Naiintindihan naman ng binata dahil may trauma nga ito.
Pinagsalikop ni Gabriella ang dalawa niyang kamay. Nagyuko ito at tila napapaiyak.
"Gab or what should I call you?" Sabi ng binata at saglit tumigil saka nag- isip.
"Ayokong tatawagin mo ako sa Gab," biglang sagot ng dalaga.
Awtomatikong napatingin si Cedric dito at tinitigan. Lihim siyang napangiti, that is a good sign. Nag- iinteract na ang babae.
"Gabby or Gabriella?" Masiglang wika ng binata.
"Ikaw na ang bahala," kiming sagot ng dalaga.
Napatingin si Cedric kay Warren nasa isang tabi. Tumango ito na tila alam ang sinasabi ng binata.
"May karugtong pa ba ang pangalan mo? I mean, I want to know your whole name." Kapagkuwan ay tinuran ng binata.
Matagal bago nagsalita si Gabriella. Makikita mong may pag- aalinlangan pa rin ito.
"Gabriella Angelika De Vega," sa wakas ay nasabi rin niya ito.
Napangiti naman sina Warren at Cedric. Napatango- tango si Cedric at nakahinga nang maluwag.
"Angel, para hindi ka matunton ng mga naghahanap sa'yo." Sabad ni Warren.
Muling nagyuko ang dalaga at hindi sumagot.
"Angel, magpahinga ka na muna, babalikan ka namin." Baling ni Cedric dito at tumayo na siya.
Bigla ring tumayo ang dalaga at pinigilan si Cedric. Napatitig na naman siya sa mga mata nito.
"Pakiusap, 'wag mo akong iiwan dito! Ayoko ng Angel! Ayoko!" Nakikiusap nitong sabi .
Napakurap - kurap ang binata at hinawakan ang kamay ng dalaga.
"Don't worry! This is my house, and you are safe. Kung ayaw mo ng Angel then I will call you, Brie." Pang- aalong sagot ng binata.
Sukat- doon ay kumalma ang dalaga. Bumitaw ito kay Cedric at muling umupo sa gilid ng kama.
"Babalikan mo ako, ha?" Wika nito na takot ngang mag- isa.
Tumango nang marahan ang binata. This is the first time na he is gentle at pasensosiyo sa babae. And this is the first time na, he made a promise to a girl.
Agad na silang lumabas para makapagpahinga ang dalaga. Samu't- saring emosyon ang nararamdaman ni Cedric nang mga sandaling iyun. Hindi niya alam kung tama ang kanyang ginawa o hindi.