C-6: The cure?

1564 Words
Napakabilis ang sasakyan nina Cedric, gano'n din ang sasakyang galing sa mansiyon. Dahil dito ay nakakabahala para kay Gabriella. Halos hindi siya makahinga sa sobrang bilis. At tila hindi na bago sa kanya ang tagpong iyun. Nanginig ang kanyang katawan, namutla at maiiyak. Pakiramdam niya, anumang oras ay nariyan na naman ang demonyo niyang nobyo. Nayakap niya ang sarili at napailing- iling. Nagsumikmik pa siya lalo sa upuan ng sasakyan. Nakagat niya ang ibabang labi niya at napapikit. Tila nagtaka nman si Yaya Ada nang masulyapan ang dalaga. "Okay ka lang ba?" Agad niyang tanong dito. Hindi sumagot ang dalaga o tumingin man lang. Tinangka namang hawakan ito ni Yaya Ada. "Huwag! Maawa ka, ayoko na!" Takot na takot nitong hiyaw. Natigilan si Yaya Ada at naawa siya sa dalaga. Pinilit niya itong hinawakan at niyugyog. "Brie, Brie! Okay lang ang lahat nasa mabuting kamay ka," mahinahong alo ng matanda. Noon lamang tumingin si Gabriella sa matanda. Agad itong yumakap kay Yaya Ada at umiyak nang umiyak. "Tahan na, nasa mabuti kang kamay Brie." Wika nito sabay haplos sa likod ng dalaga. Mas humigpit ang yakap ng dalaga kay Yaya Ada. Sakto namang nagpreno ang sasakyan. Napatingin si Yaya Ada sa unahan at nakita niyang naroon na rin ang sasakyan nina Cedric. Mabilis niyang sinabihan ang dalawang kasama nila sa loob ng kotse. Upang dalhin si Gabriella sa loob ng sasakyan ni Cedric. Ayaw pa sanang bumitaw si Gabriella rito subalit pinakiusapan ito ni Yaya Ada. "Sige na, kasunod mo ako. Madali ka, Brie!" Pag- uudyok niya sa dalaga. Sumunod din si Gabriella nang nauna ng bumaba si Yaya Ada, patungo sa sasakyan ni Cedric. "Bakit ba ang tagal niyong bumaba?" Yamot na sinabi ni Aaron nang mabuksan ang pintuan ng sasakyan. Hindi sumagot si Yaya Ada bagkus ay marahan niyang hinila si Gabriella. Nasindak naman si Gabriella nang makitang namumutla na si Cedric. "D- Don!" Bigkas niya na paos ang boses. Walang sabi- sabing sinunggaban niya ito at binangon. Hinawakan niya ang mukha ng binata. "Don! Don! Huwag mo akong iiwan!" Umiiyak na sabi ng dalaga. Umungol lang si Cedric na nanghihina na habang sapo pa rin ang dibdib. Niyakap siya nang dalaga at panay ang iyak nito. Tumalikod si Warren dahil kahit siya ay tila nagsisikip ang dibdib sa tagpong iyun. Ang tagpong halos buwan- buwan nilang nasasaksihan. Dapat nga, masanay na sila subalit nakakadama pa rin sila ng takot. Hindi para sa kanilang sarili kundi sa kanilang mahal na amo. Napasulyap siya kay Aaron na umaatungal na naman sa iyak. Gusto niya itong batukan ngunit pinigil niya. Napabuntong- hininga na lang siya. Nasulyapan naman ni Gabriella ang dibdib ni Cedric na hawak- hawak niya. Marahan niya iyong hinaplos- haplos habang yakap pa rin niya ito. Natigilan si Aaron nang makitang unti- unting bumalik ang kulay ni Cedric. Pati paghinga nito ay unti- unti ring nagpantay. Agad napangiti ang binata at kinalabit si Warren. "Gumana, gumana nga!" Masayang bulalas nito saka napatawa. Mabilis na napalingon si Warren at sumilay din ang ngiti sa labi nito. Natigilan din si Gabriella dahil naramdaman niyang tila tumigil na si Cedric sa pamimilipit nito. Inangat niya ang kanyang katawan at tinitigan ang binata. Bumalik na ang kulay ng balat nito at mukha. Mapayapa na rin ang paghinga nito na tila normal lamang na natutulog. Dinantay pa nito ang isa niyang tainga sa bibig ng binata upang siguraduhing humihinga pa rin ito. Akma na sana siya lalayo sa binata nang tumikhim si Aaron. Kung kaya't napalingon ang dalaga rito. "Ah, huwag mo pa siyang bitawan. Puwede bang, yakapin mo muna siya hanggang mansiyon?" Maluwang ang ngiting sinabi ng binata. Hindi sumagot si Gabriella, nakatingin lang siya kay Aaron. "Sige na! Please?" Pakiusap pa rin nito na mas tinamisan pa ang kanyang ngiti. Nagbaba nang tingin si Gabriella at marahan niyang muling niyakap si Cedric. Nakahinga naman nang maluwag si Aaron, saka tumingin kay Warren na nakatitig lang sa kanya. Nginitian niya ang binata subalit inirapan lang siya nito. Nakasunod sa kanila ang sinakyan nina Yaya Ada at Gabriella kanina. Ilang sandali pa ay na sa bukana na sila nang mansiyon. Mabilis na tumawag si Warren upang buksan ang gate. Agad naman nang nasa labas na ang stretcher para kay Cedric. Sa pangatlong pagkakataon ay nagulong muli ay mansion nang dahil kay Cedric. Aburido naman ang Donya dahil sa pag- aalala. Lakad siya nang lakad habang naghihintay ito. Nang makita ang sasakyan ay kaagad itong sumalubong kahit 'di pa mandin pumarada. "Ada, Ada! Kumusta ang anak ko?" Kaagad nitong tanong sa Yaya. "Naku, Madam! Hindi ko alam, magkaiba kami ng sinakyan." Sagot naman nito na natataranta na rin. Kaagad namang lumipat ang Donya sa kabilang sasakyan. Sakto namang mailapit nila ang stretcher. Inilabas ang kanyang anak na tila natutulog. "Anong nangyari?" Tanong niya nang mapalingon kay Warren. Inatake po ulit siya nang sakit niya, Madam." Mahinang sagot ng binata at nagyuko. Napakrus naman ang Donya at natutop ang sariling bibig. "Natawagan na ba si Dr. Javier?" Muling tanong nito. Tumango lang si Warren at sumenyas siya sa mga kasama na ipasok na si Cedric sa loob. Akma na sanang susunod ang Donya nang mapansin si Gabriella na pababa na rin ng sasakyan. "Bakit ka nasa loob ng sasakyan ng aking anak?" Matigas nitong tanong na ikinabigla ng dalaga. Tumigil si Gabriella at hindi nakasagot bagkus ay napayuko ito. "Pinatawag kasi siya kanina, Madam. Kumalma nga si Senyorito pagkadating niya," si Yaya Ada ang sumagot at nilapitan ang dalaga. Hindi nakahuma ang Donya ngunit napakunot- noo siya. Tiningnan niya si Gabriella mula ulo hanggang paa. Hindi pa rin ito tumitingin, nanatili itong nakaupo. Hindi nagsalita si Donya Agatha. Timalikod siya at dali- daling pinuntahan ang anak. Dumeretso siya sa kwarto ni Cedric na noon ay nakahiga na at binabantayan nina Warren at Aaron. "Totoo ba ang sinabi ni Ada sa akin?" Tanong niya sa dalawa. Nagkatinginan ang dalawa at saka muling tumingin sa Donya. Magsasalita sana si Aaron subalit inirapan siya ni Donya Agatha. "Ayokong ikaw ang magsalita, mas kapani- paniwala kapag si Warren ang magsabi." Putol nito sa sasabihin sana ng binata. Napakamot sa ulo si Aaron at nagkibit- balikat na lamang siya na tumingin kay Warren. Matiim namang tumitig si Donya Agatha kay Warren. Na hininihintay ang sasabihin nito. "Opo," maikling sagot ng binata. Napabuga nang hangin si Donya Agatha at napatingala. "So, this is the reason why he kept that girl!" Mabagsik na wika nito. Nagbaba naman nang tingin ang dalawa. Magsasalita pa sana ito subalit siya namang pagdating ni Dr. Javier. Sumenyas ang Donya na lumabas na muna sila. "Hindi ba, may ibinigay ka sa kanyang gamot?" Diretsang tanong ni Donya Agatha sa doktor. "Yes! Katunayan nga, hihingi niyang doblehin ko ang dosis." Sagot ng doktor. "What?!" Hindi makapaniwalang bulalas ng Donya. Tumahimik ito at sinimulan nang suriin ni Dr. Javier si Cedric. Napapatango ito at napapailing. "Gaya nang inaasahan ko, mas marami nga ang nainom niya ngayon." Wika ni Dr. Javier. Umarko ang kilay ni Donya Agatha. "Subalit hindi naman nakasama sa kanya," muling wika nito at tumingin kay Donya Agatha. Nakahinga ang Donya. "He is like this every month but, this is the worst one." Turan nito. "At paano ito kumalma? Ngayong, mukhang hindi na tumatalab sa kanya." Nagtatakang tanong ng doktor. Napaisip din saglit ang Donya at biglang may naalala. "May sinabi si Ada but I am not sure, nag- aalinlangan pa rin ako." Tugon ni Donya Agatha. Tumango- tango si Dr. Javier. "Kailangan kong makausap sina Warren at Aaron," sabi niya na tumingin kay Donya Agatha. Lumabas ang Donya at tinawag ang dalawa. Kaagad namang dumating ang mga ito at nagtanong kung bakit sila ipinatawag. "Gusto kayong kausapin ng doktor and answer all his questions. Ayoko nang nagsisinungaling na sagot, it's for Cedric safety." Sinabi niya sa dalawa na may halong babala. Tumango ang dalawa at pumasok na sa loob. Napabuntong- hininga naman ang Donya. Hindi niya lubos maisip hanggang ngayon, kung bakit nagkaroon ng ganoong klase ng sakit si Cedric. Ito ba ang kabayaran sa kanyang nagawang kasalanan? Ito na ba ang tinatawag nilang karma? Sukat- doon ay hindi napigilan ni Donya Agatha ang mapaiyak. Tinawag niya ang isang katulong at nagpakuha ng wine. Dumeretso siya sa attic at nagsindi ng sigarilyo. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang naninigarilyo. Samantala, halos hindi nakapagsalita si Dr. Javier sa narinig na sinabi ng dalawa. Matagal bago rumehistro sa kanyang isipan ang narinig. Minsan pa niya itong pinaulit kay Warren dahil medyo magulo kay Aaron. "So, finally his dermograpsm can sustain and calm by the body of a girl." Wala sa loob na nasabi ng doktor. "Pero, bakit sa ibang babae ay hindi naman? Kaya nga, walang nagtatagal dahil lumilitaw ang allergy niya kapag hinahawakan siya ng mga ito." Sagot naman ni Aaron. "Oo nga eh! And I don't understand, why that girl can sustain his allergy?" Napapaisip pa ring sabi ng doktor. Nagtinginan sina Warren at Aaron na tila napapaisip din. "I want to see her and check her," biglang sabi ni Dr. Javier. Sinenyasan ni Warren na tawagin si Gabriella. Naiwan naman sina Warren at Dr. Javier. Nag- iisip pa rin ang doktor kung ano ang mayroon sa babaeng iyun. Habang si Warren ay nakatingin kay Cedric. Na payapang nagpapahinga na at mahimbing na natutulog. Wala na siyang magagawa pa, kundi ang hayaang makita at makilala na ng iba si Gabriella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD