Pinipilit makawala ang isang magandang babae sa loob ng isang sasakyan. Huminto sila saglit sa tapat ng malaking gusali. Gusto na niyang makatakas sa pagkakakulong sa isang resort malayo sa siyudad.
Ikinulong siya ng sariling boyfriend simula nang magkita sila roon. Hindi niya sukat akalain na gagawin siyang prisoner at taga- bantay sa gabi, dahil hindi ito makatulog.
Nalaglag ang kanyang mga luha sa takot at nerbiyos. Kung susumahin, maamo ang mukha ng kanyang nobyo subalit demonyo ang ugali.
Mabuti na lang at sinakyan lang niya ang trip nito upang huwag siyang galawin. Dahil mas nanaisin pa niyang mamatay.
Nakita niyang pumasok ang kanyang mga kasama sa isang fastfood chain. Wala kasing magbabantay sa kanya kaya isinama na lang siya. Nasa abroad ngayon ang demonyo niyang nobyo.
Nakita niya ang baril nang isa, nakaposas siya subalit pinilit niyang abutin iyun. Huminga muna siya nang malalim para kumalma siya. Pagkatapos ay nagbuga siya ng hangin at inabot iyun.
Nang maabot ay ubod lakas niyang ipinukpok sa tinted na salamin ng sasakyan. Hindi kaagad nabasag iyun.
"s**t!" Mura niya sabay binaligtad ang baril.
Ang hawakan naman ng baril ang kanyang ipinupok nang malakas.
Nabasag na iyun sa ikatlong pagkakataon. Nilakihan pa niya at sumampa na sa upuan upang makatalon.
Wala siyang sinayang na pagkakataon, agad siyang tumalon mula sa bintana. Pagulong siyang bumagsak sa sementado. Napangiwi pa siya dahil nagasgasan ang kanyang mga braso at binti. Subalit hindi niya ininda iyun, tumayo siya kaagad at paika- ikang tumakbo.
Tinungo niya ang malaking gusali at pakubli- kubli upang hindi siya mapansin nang apat na bugok sa loob ng restaurant.
Papalabas na sina Cedric sa main entrance ng gusali dahil may check- up siya sa kanyang Ninong. Nagmamadali siya sapagkat may hahabulin pa siyang meeting.
Paliko na sana sila papunta sa parking lot nang bumangga ang isang babae kay Cedric at nawalan sila nang balanse. Napahiga ang binata at nakadagan sa kanya ang babae.
Nagtama ang kanilang mga mata, at nagkatitigan. The girl has an angelic face that you can't resist. Para itong anghel sa amo ng mukha nito. Maputi at alam niyang hindi ito matangkad.
Nang maalala ni Cedric na baka ma- trigger ang kanyang allergy ay agad siyang tumayo at naiwan ang babae.
"Ouch!" Narinig niyang daing ng babae.
"My medicines!" Baling naman ni Cedric kay Aaron na natataranta.
Dinukot naman ni Aaron ang kanyang bulsa nang matigilan.
Napatingin ito sa kanyang amo at tuliro.
"Warren, help the girl." Utos naman ni Cedric sa binatang na sa kaliwa niya.
Kaagad naman itong tinulungan ni Warren.
"What Aaron?" Inis na tanong naman ni Cedric sa binata na tila nababahala.
"Nalimutan ko pala sa loob ng kotse, boss." Mahinang sagot nito sa amo.
"What?!" Bulalas ni Cedric na hindi alam kung maiinis o magagalit.
Tiningnan ni Cedric ang babae sa kanyang tagiliran. Natigilan siya nang makitang nakaposas ito at namumutla. Muling nagtama ang kanilang mga mata.
Biglang lumapit ang babae sa kanya at humawak sa kanyang braso.
"Parang awa mo na, iligtas mo ako!" Pagsusumamong sinabi nito sa kanya at tuluyan nang napaluha.
Gulat naman si Cedric hindi dahil sa pagmamakaawa nito kundi ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso.
"D- Don't touch me!" Nautal na wika ng binata at nanginig ang kanyang mga kamay na pilit na inaalis ang kamay nito.
Ngunit mas humigpit pa ang hawak nito sa kanyang braso. Nang parang may makita ay agad hinatak si Cedric paharap sa kalsada at nagtago ang babae sa kanyang likuran. Mas nagsumiksik pa nga ito at halos yakapin na ang binata.
"Huwag kayong magpapahalata sa mga lalaking iyun! Parang awa niyo na," humihikbi nang sabi ng babae.
Nakita naman nina Cedric ang apat na kalalakihang tila may hinahanap.
Naramdaman niyang nanginginig pa ang babae.
"Warren, tawagin mo ang tatlong guwardiya at sitahin ang nakaparadang sasakyan sa tapat ng building." Biglang utos ni Cedric dito.
Agad sumenyas si Warren sa mga guwardiya at lumapit ang mga ito.
"Sitahin niyo ang sasakyan na iyun!" Bilin ni Cedric sa mga guwardiya.
At pinuntahan na ang mga ito ang sasakyan. Nakita nilang tila nagulat ang apat, kaya sinamantala ni Cedric ang pagkakataon.
"Ikubli niyo muna 'yan sa parking lot," baling niya sa dalawa.
Kaagad yinakag ang babae nang mabilis papunta sa parking lot. Sinamantala naman ni Cedric na lumapit sa mga kalalakihan sa kabilang kalsada.
"Anong problema, rito?" Kaagad na tanong ng binata sa mga ito nang makalapit siya.
Nagkatinginan ang apat na kalalakihan.
"Siya ang may- ari ng building," pagpapakilala ng isa niyang guwardiya sa mga ito.
"Pasensiya na kayo, Sir. May napansin ba kayong babae na nagawi sa inyong building?" Ani ng isa na malaki ang katawan.
"Kaanu- ano niyo ang babaeng sinasabi niyo?" Tanong naman ni Cedric sa mga ito.
Muling nagkatinginan ang apat na kalalakihan.
"Ah, asawa siya ng amo namin! May sayad sa ulo kaya, kailangan naming makita at baka malagot kami." Sagot din ng isa sabay tawa ng pilit.
Pinagmasdan ni Cedric ang mga ito, marami silang tattoo. Malilikot ang mga mata at iniiwasan ang kanyang mga titig. So, nagsisinungaling ang mga ito.
Base kasi sa nakita niya, nakaposas ang babae may mga sugat at pasa. Nanginginig na tila ba'y takot na takot. Umiiyak na animo papatayin.
"Hindi niyo ba alam na, ipinagbabawal ko ang pumarada sa tapat ng building ko?" Matigas na wika ng binata sa mga ito.
Mukhang nabigla ang mga ito sa kanyang sinabi.
"Pasensiya na po kayo, Sir! Ituro niyo lang sa amin kung may nakita kayong babae. Makakaasa kayong aalis din kami kaagad," hinging paumanhin ng isa.
"Walang babaeng nagawi rito, kaya makakaalis na kayo." Mariing sabi ng binata.
Aangal sana ang isa pero pinandilatan siya ng kasama nito.
"Pasensiya na talaga kayo," sinabi ng isa pa at sumakay na ang mga ito sa kanilang sasakyan.
Tiningnan pa siya ng dalawa pa nang matalim na titig. Sumenyas siya na dalian nilang umalis. Nang makaalis na ang mga ito ay tumingin ang tatlong guwardiya sa kanya.
"Wala kayong nakita at narinig, back to work!" Bilin niya sa mga ito.
Ngumiti at tumango ang tatlo sa kanya, kaya sabay- sabay na silang nagbalik sa harapan ng building.
Naglakad naman si Cedric papunta sa parking lot. Nang may maalala ay napatigil siya. Tiningnan niya ang kanyang balat pati mukha niya ay kanyang sinapo. Pati ang kanyang dibdib ay nahawakan niya, hindi na- trigger ang kanyang allergy!
Napakunot- noo siya nang maalala ang babae. Nang matauhan ay mabilis niyang tinungo ang parking lot. Natanawan niya si Warren na tila hinihintay siya.
"Where is she?" Agad na tanong niya rito nang makalapit siya.
"Nasa loob na ng sasakyan, nanginginig pa rin. Tila takot na takot," sagot naman ni Warren.
"Ang kanyang posas?" Muling tanong ni Cedric sa binata.
"Naalis na namin, okay ka lang ba? Tila hindi lumabas ang allergy mo?" Nag- aalalang tanong din ni Warren sa kanya.
"I'm surprised! There must be something into her, I want to keep her." Seryosong tinuran ni Cedric.
Hindi nakasagot si Warren bagkus, napatitig siya sa mukha ng kanyang amo.
"Huwag ka munang magtanong, let's go home. Tatawag na lang ako kay Ninong at sa sekretarya ko." Sabi ng binata dito na tila nahulaan ang nasa isipan ni Warren.
Tumango si Warren at pinagbuksan niya na ang kanyang amo. Walang imik na lumulan si Cedric sa loob ng sasakya. Nakita niyang yakap- yakap ng babae ang sarili nito.
Magkatabi sila sa gitnang upuan. Sa likuran naman sina Warren at Aaron. Nakatulala ang babae at umiiyak pa rin habang nanginginig ang katawan nito.