C-2: The Relationship

1202 Words
Hindi nga bumaba si Cedric Don, kaya dinalhan na lang siya ni Yaya Ada ng kanyang pagkain. Tahimik ito nang ilapag ng kanyang Yaya ang dalang pagkain. Hindi na rin umimik pa ang matanda at tahimik na itong umalis. Sinulyapan lang ng binata ang naka- tray na pagkain sa kanyang side table. Wala siyang gana, naiisip pa rin niya si Yzabelle. Alam niyang nag- iinit na ito kanina, dangan lamang at biglang lumitaw ang kanyang allergy. Nakailang inom na siya subalit jindi pa rin naglalaho ang mga marka sa kanyang balat. Sa inis niya ay pinalayas niya ang dalaga. Napabuntong- hininga si Cedric Don. Saka niya ibinalibag ang hawak na diyaryo. Tumayo siya at palakad- lakad, binuksan niya ang mirror door sa gawing kanan niya. Lumabas siya at tinungo niya ang veranda sa kanyang kwarto. Napatanaw siya sa kabuuan ng City sa kanilang lugar. Oo, tanaw na tanaw niya ang kabuuan nito at ang mga tila nagpapaligsahang mga ilaw. Napakarangya at napakaliwanag, alam niyang sa labas ay may kanya- kanyang mga buhay ang bawat mga tao. Mga kapwa niya tao, mayaman man o mahirap. Ilang taon na ba siyang gano'n? Ah...simula pala noong highschool days niya! At ngayon, isa na siyang tinatawag na boss sa bawat madaanan niya. Nagbago ang estado niya sa buhay ngunit ang kakambal niyang sakit ay hindi. Sa tingin nga niya eh, mas lumala pa nga ito. Nakakabanas at nakakaimbiyerna! Hindi na nga niya mabilang ang mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay. Bumalik siya sa loob at kinuha ang kanyang wine sa loob ng maliit na cabinet. Nasa tabi nito ang baso kung kaya't inilabas na rin niya ito. Nagsalin siya sa baso ng alak at muling bumalik sa veranda. Sumimsim siya at muling pinagmasdan ang siyudad. Nasa bukana ng siyudad ang mansiyon, ayaw niya sa pusod nito dahil alam niyang magulo at maingay. Naputol ang kanyang pagmumuni- muni nang biglang tumunog ang kanyang phone. Nilingon niya lang ito na nasa ibabaw ng kanyang kama. Muli itong tumunog, kung kaya bantulot niyang pinuntahan. Nabasa niya sa screen ng phone na si Yzabella ang tumatawag. Patay- malisya niya iyong sinagot. He press the green button. "Honey! I am sorry! Hindi kita dapat iniwan," narinig niyang sinabi ng dalaga. Napangisi siya sa sinabi nito. "You know my rules! Once you stepped your back on me, were done." Malamig na sagot ng binata sabay inom ng wine. "I'm sorry! I know that I am wrong but please hear my side!" Pagmamakaawang turan ng dalaga. "Yzabella, sana pinag- isipan mo 'yan noong iniwan mo ako sa date natin." Madiing wika ng binata. "You drove me away! Kaya, iniwan kita! Masisisi mo ba ako, Don?" Naiiyak nang sabi ng dalaga. "You know, I hate to explain myself. I guess, it is clear to you that we are done." Pinal na sagot ng binata at pinatay na niya ang kanyang phone. Kasabay noon ang pagbura niya sa number ng dalaga sa kanyang phone. Ibinulsa niya iyun at nagpatuloy sa ginagawa kanina. Malalim na ang gabi nang dalawin ng antok ang binata. At nagpasya na siyang matulog na rin. Kinabukasan. Maaga pa ring gumising si Don at kaagad naghanda para pumasok sa opisina. Dati nang nakahanda ang kanyang mga susuotin palagi, dahil sa kanyang Yaya Ada. Bago ito natutulog sa gabi ay inihahanda na niya ito para bukas. Kaya, no hassle para sa kanya kahit tanghaliin siya nang gising. Nakahilera ang mga katulong pagbaba niya ng hagdan. Sabay- sabay ang mga itong bumati sa kanya. Tinanguan lang niya ang mga ito at dumiretso na siya sa dining room. Nadatnan niya roon ang kanyang Yaya Ada at kanyang Ina. Nakangiti ang dalawa sa kanya. "Good morning, my son!" Masayang bati ng Donya sa binata. Tumango lang ito at umupo na. Agad namang sinalinan ng pagkain ni Yaya Ada ang plato ng binata. "Thank you," matipid na sinabi ng binata. "My son, okay na ba ang iyong pakiramdam?" Tanong ni Donya Agatha sa anak. Sumubo ang binata at tumango ito sabay ngumuya. Nakahinga nang maluwag ang Donya. "Okay na rin ba kayo ni, Yzabella anak?" Muling tanong ng Donya. Napatigil ang binata sa kanyang pagsubo. Tumingin siya sa kanyang Ina. "Mom, stay out of it! Be quiet and let's eat!" Malamig na sagot ng binata saka muling itinuon ang kanyang tingin sa plato nito. Natameme naman ang Donya at napatingin kay Yaya Ada. Sumenyas ang matanda na lalabas na siya at naiwan na ang Donya sa tabi ng anak. Sapo pa rin ni Yaya Ada ang kanyang dibdib ng makarating sa malaking sala. Muli siyang napatingin sa gawi ng dining room at napailing. Lumabas na ito sa yard para hanapin ang dalawang binata. Nakita niyang nakabihis na rin ang mga ito. Lumapit siya sa dalawa at sinutsutan. Magkasabay na tumingin ang mga ito sa kanya. "Maghanda na kayo, papatapos na si Don. Mukhang hindi maganda ang timplada kaya, kayo na ang bahala." Bilin nito sa dalawa. Sabay lang tumango ang mga ito at nagpunta na sa sasakyan. Naiwan naman si Yaya Ada na nababahala. "Bad mood na naman ang ating, boss." Himutok na sinabi ni Aaron. "Manahimik ka, kahit sino maiinis kapag ganyan ang nangyayari sa iyong buhay." Kontra naman ni Warren. "Hayts! Kung bakit kasi, may ganyan siyang sakit hayan tuloy hindi happy ang lovelife niya." Patuloy na sabi ni Aaron. Binatukan siya ni Warren at pinadilatan sabay nguso sa likuran nito. Lumingon naman si Aaron at nakita niyang dumarating na pala ito. Inayos niya ang kanyang sarili at tindig. Pagkalapit ni Don sa kanila ay sabay silang yumukod. Napaigtad pa si Aaron nang malingunang nasa di- kalayuan pala si Donya Agatha. Matiim na nakatingin sa kanila saka niya pinandilatan si Aaron na parang may ibinibilin. Napakurap- kurap ang binata at alanganing ngumiti. Hinila naman siya bigla ni Warren nang makitang tila ito nakatunganga. Napakamot na lang ito sa kanyang ulo. "Hanggang ngayon ba Aaron, nasisindak ka pa rin sa mga pandidilat ng Mommy?" Biglang tanong ni Don nag umuusad na ang kanilang sasakyan. "Ha?" Bulalas naman ng binata. "Takot pa rin yata, eh!" Nakangising sabad ni Warren sa kanila. Marahas naman siyang tiningnan ni Aaron. "Hindi naman sa gano'n, boss. Siyempre! Mommy niyo siya, eh!" Napipilitang sagot ni Aaron. "So meaning, mas susundin mo siya kaysa sa akin?" Tanong ni Don sabay lingon sa binata. Napaawang ang labi ni Aaron at hindi agad nakasagot. Napakurap- kurap ito kapagkuwan. "Ayts! 'Wag niyo naman akong ipitin, boss!" Reklamo nitong sinabi na ikinatawa nina Warren at Don. Pinitik ni Don ang isang tainga ng binata at pinandilatan. "Matuto kang magdesisyon sa sarili mo, ugok!" Pasinghal na wika ng binata dito. Nahaplos na lamang ni Aaron ang tainga nitong napitik. Saka siya marahas na tumingin kay Warren. Nagkibit- balikat na lamang ang binata at tumahimik na sila. Halos gano'n ang nangyayari sa kanila, kapag nakikipagbiruan si Don sinasamantala din nilang pinapayuhan. Subalit kapag bad mood naman, manahimik ka na lang at 'wag itong pakialaman. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa CDV building. Agad lumabas si Cedric kasunod ang dalawa. Binati ang mga empleyado ito at tuloy- tuloy na siya sa kanyang opisina. Naiwan na rin ang dalawa sa labas ng opisina kung saan may waiting's area roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD