C-1: The Heir

1274 Words
Isang guwapo, matangkad at nakakaakit na lalaking naglalakad sa pasilyo ng gusali. Sa kanyang likuran, may sumusunod na dalawang lalaking naka-itim na suit. Sa madaling sabi, ang boss kasama ang kanyang mga bodyguards. Siya si Cedric Don Villafuerte, President ng CDV Corporation. Isa sa pinakamalaki at pinakamataas na kumpanya, sa buong mundo. Ngunit, sa kabila ng karangyaan at kayamanang nasa kanya, mayroong isang bagay na hindi maaaring maging perpekto. Ang lovelife nito! Oo! Ang kanyang lovelife ay hindi maayos at masaya. Lagi siyang nakasuot ng guwantes sa kanyang magkabilang kamay. Nais mong malaman ang dahilan kung bakit? Dahil mayroon siyang allergy, minsan ay hinawakan niya ang isang babae. At nangati, nagkapantal, namaga ang kanyang katawan. Nagiging pula, at hindi makahinga kung hinahawakan niya ang katawan ng babae. Kahit na halikan niya sila, nagkakaganoon siya. Kaya, walang nagtatagal na karelasyon niya at nabubuwisit siya. At umiinom siya ng gamot upang matanggal ang kanyang allergy. Kailangan niyang uminom ng gamot bago niya hawakan ang kasintahan, o bago sila maghalikan. At iyon ang dahilan kung bakit, siya ay malamig at malayo kapag ito ay sa isang babae. Maraming mga doktor na ang kanyang kinunsulta ngunit, hindi nila mahanap ang eksaktong gamot. Kaya, bawat buwan o isang taon ay natatapos niya ang isang relasyon at kumukuha ng isa pang kasintahan. "Boss, uuwi na ba tayo o may gusto ka munang puntahan? Gusto mo bang pumunta sandali sa klinika ni Dr. Javier?" Sinabi ni Aaron at sinulyapan niya ng isang iglap ang kanyang among si Cedric. Bumuntong hininga si Cedric at nag-isip sandali. Pagkatapos, tumingin siya sa mukha ni Aaron at ngumiti ito sa kanya. Tumango si Aaron at ngumiti din, pagkatapos ay kumindat siya kay Warren. Nagkibit- balikat naman nang tingin si Warren at iniwas ang mga mata. "Gusto kong doblehin niya ang dosis, mukhang hindi na ito epektibo." Sabi ni Cedric at malungkot ang mukha niya. "Kung doblehin niya ang dosis, may malay ka ba sa mga side effects?" Lukot ang mukha na tanong ni Warren at tinitigan si Cedric. "Wala akong pagpipilian kundi ang tanggapin ang mga side effects! May sakit ako sa kalagayan kong ito na allergy, sinira nito ang aking buhay!" Sarkastikong boses ni Cedric. Walang sinabi ang dalawa. As if, ayaw nilang idagdag ngayon ang galit ni Cedric. Ngunit seryoso, naawa sila sa kanya. Para sa kanyang buong buhay, alam nila kung gaano kahirap para kay Cedric. Ang mga ito ay bodyguards ngunit isang bestfriend, sa parehong edad. Sila ang bodyguards at tagapayo ni Cedric. At pareho nilang nalalaman na ang kanilang amo ay namamatay at naiinis na upang maghanap ng lunas. Nais ng kanilang boss ang isang panghabang buhay na lunas. Kasama ang isang matapat at hindi isang babae na naghuhukay ng ginto. Kaya, hinahanap nila kahit saan ang ganoong klaseng babae. Isang babae na makakakuha ng puso ng kanilang boss. At isang babaeng tatanggap ng karamdaman ng kanilang amo. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa klinika ni Dr. Javier. Bumaba sina Cedric at ang dalawa niyang bodyguards papunta sa loob. At dahil regular at hindi basta- bastang pasyente si Cedric, ay pinatuloy na siya kaagad. Naiwan na lamang ang dalawa sa waiting area. Kumatok muna saglit ang binata bago pa siya pumasok s kinroroonan ng doktor. Nang marinig niya ang boses nito ay agad na nagsabi ng " come!". Marahang pumasok si Cedric at mukha ng nakangiting doktor ang bumungad sa kanya. Nagkangitian sila at nagkabatian. Saka siya pinaupo ng doktor. "So, what's bring you here Don?" Nakangiting tanong ng doktor. Diretso namang tumingin ang binata sa mga mata ni Dr. Javier. "I want you to double the dosage," walang gatol na sagot ng binata. Bumakas sa mukha ng doktor ang pagkabigla. Hindi ito agad nakasagot, mataman niyang pinagmasdan ang binata. "Are you sure?" Paniniyak pa rin na tanong ni Dr. Javier kay Cedric. "It's seems, the medine is not effective lately. So, I've decided to tell you about this." Kalmadong sinabi ng binata. Napabuntong- hininga ang doktor. "Willing ka ba sa mga side effects and consequences, kapag dinoble natin ang dosis?" Seryosong tanong pa rin ng doktor. Napabuga nang hangin si Cedric. "The hell, I care! I'm dying and sick of this f*****g sickness!" Paangal na tinuran ng binata. Hindi umimik si Dr. Javier, nakatingin lang siya sa binata. "I'm sorry, Ninong." Maalumanay na sabi ng binata kapagkuwan. Tila napagtanto niyang, nasigawan niya ang kanyang Ninong. Ito lang ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng kanyang doktor. Kumpare kasi ito ng kanyang Ama at Ninong pa niya. "I'm sorry, Don. But my priority is your health, I will not take you the risk. Patience is the key of it," pinal na desisyon ng doktor. Napalaglag baga na lamang binata. Tahimik itong nakatingin sa mukha ng kanyang Ninong. "Huwag kang magmadali, it's take time trust me." Payo nito sa binata. Bumuntonghininga na lamang si Cedric bilang tugon. Tumayo si Dr. Javier at lumapit sa binata. Tinapik- tapik niya ito sa balikat. Napatango- tango na lamang ang binata. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Cedric Don. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha kaya, hindi na nagtanong pa ang dalawa niyang bodyguards. Alam na kasi nila ang ibig sabihin no'n, hindi maganda ang resulta. Mahirap kausapin ang kanilang amo kapag ganoon ang mood nito. Tiyak, sasabog ang nuclear bomb sa buong universe. Wala pa ring imik si Cedric hanggang makarating na sila sa mansiyon. Ni hindi niya pinansin ang kanyang Ina na nasa sala. Pati ang Yaya nitong nagtatanong sa kanya. Dire- diretso itong umakyat sa kwarto nito at pabalibag pang sinarado ang pinto. Nagtataka namang nagkatinginan ang lahat. Saka tumingin ang mga ito sa dalawang bodyguards nito. Pilit naman ang ngiti ng dalawa nang pandilatan sila ng Donya. "Galing po kasi kami kay, dok." Pangungumpisal ni Aaron habang kamot ang ulo. Tumango lang si Warren nang siya naman ang tingnan ng Donya. Binalingan naman ni Donya Agatha si Yaya Ada. "Ada, telepono." Agad nitong sabi sa matanda. Agad namang tumalima ang matanda at kinuha ang telepono. Ibinigay niya ito sa Donya at may tinawagan. Nang sumagot ang tinawagan ay lumayo ito upang makag- usap sila ng doktor. Lumapit naman si Yaya Ada sa dalawa. "Ano ba kasi ang nangyari?" Paanas na tanong nito. "Kasi, umalis si Yzabelle nayamot kay Senyorito." Paanas ding sagot ni Aaron. Binatukan siya ni Warren. Inis siyang napatingin dito. "Tsismoso! Umayos ka nga! Para kang parrot," sermon ng binata kay Aaron. "Tssss!" Pairap nitong tugon. Pinandilatan siya ni Warren. Natawa na lang si Yaya Ada sa dalawa. "O, siya tama na 'yan at baka marinig tayo ni Donya Agatha. Pumunta na kayo sa quarters niyo, at baka tatanungin na naman ulit kayo mamaya pagbalik." Pagtataboy na sabi ng Yaya sa kanila. Nauna nang naglakad si Warren kasunod si Aaron. Nagpunta a rin sa kusina si Yaya Ada upang ihanda ang pagkain ng kanilang senyorito. "Ada, dalhin mo na lang sa kanyang kwarto iyan. Nakakatiyak akong, hindi na iyun bababa para kumain." Biglang wika ni Donya Agatha mula sa likuran nito. Medyo napaigtad pa ang matanda dahil sa biglaang pagsulpot nito sa kanyang likuran. Napakrus tuloy ang matanda dahil sa kabiglaan. "Nakakatakot ba ang boses ko, Ada?" Nagtatakang tanong ng Donya. Pumihit paharap si Yaya Ada at nagpumilit na ngumiti. "Nagulat lang po, Donya Agatha." Kiming sagot nito. "Gano'n ba? Anyway, sundin mo na lang ang inutos ko." Tinuran nito saka tuluyan nang tumalikod. Nakahinga naman nang maluwag si Yaya Ada. May pagkatigre kasi ang Donya kaya bawal galitin. Dito nagmana ang kanilang Senyorito, maikli ang pasensiya at mainipin. Pero, gano'n pa man, mabait naman silang lahat. Parang ibinabagay lang nila ang lahat kapag oras ng trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD