Chapter Two
Masaya silang naglaro at pagkatapos ay nagpahinga na sila at saka nagpasyang umuwi na dahil papadilim na ang paligid. Ilang minuto lang naman ay nakkarating na sila sa Villa Inocencio.
“Were home!" Sabay-sabay nilang bungad at sabay- sabay nilang hinalikan ang kanilang Tiyahin.
"Magshower na kayo at maghahapunan na tayo," wika ni Madam Cess.
Tumalima naman ang tatlo.
"Nathaniel, pakitawag si Graciela pagkatapos mo at sabihin mong kakain na," pahabol niyang sabi.
Tumango ang binata. Pagkatapos niyang magshower ay nagpasiya na siyang tawagin ang dalaga. Na sa ikalimang kwarto ito sa kaliwa. Isang kwarto lang ang pagitan nila kwarto ng kanilang Tiyahin. Kumatok ito, dalawa hanggang tatlong beses. Walang nagbukas kaya’t kumatok uli siya wala pa rin. Pinihit niya ang seradura ng pinto hindi ito naka-lock. Sumilip siya at nakita niya ang dalaga na mahimbing na natutulog. Pumasok siya at pinagmasdan ito.
“Ang amo ng mukha niya, at ang ganda talaga ng pilik- mata nito.”
Ani niya sa kanyang isipan. Ang pula nang bibig parang ang sarap halikan. Hinaplos niya ang kanyang buhok, malambot ito at shiny kahit kulot pero bumagay naman ito sa kanya.
Kumilos ang dalaga at nagmulat. Nagtama ang kanilang mga mata at tilla’y nag-uusap. Namula sila pareho nang mappagtantong ang awkward nilang posisyon. Posisyon ng dalawang newly wed couples.
"Sir Nathan?" Anas ni Graciela.
Tila natauhan si Nathaniel at tumikhim ito.
"Dinner time is ready my Aunt told me to call you," tarantang sagot nito at mabilis tumayo.
Bumangon ang dalaga.
“Opo, susunod na lang po ako," nahihiyang wika nito.
Tiningnan siya ng binata.
"Hurry! I’ll be waiting,” seryosong utos nito.
Mabilis tumayo ang dalaga at pumunta sa bathroom para maghilamos. Sapo niya ang kanyang dibdib na halos mabingi siya sa lakas ng kabog nito.
“Whoa! Grace Grace kalma,” aniya sa sarili.
Kumilos na siya at mabilis na naghilamos. Pagbukas niya ng pinto ay nandoon pa rin ang binata. Tumingin siya rito. Napaatras siya nang makitang lumalapit ito sa kanya. Hinawakan siya sa kamay. Gulat na gulat siya at napapikit.
“Relaks! I won't eat you," anas ni Nathaniel sa kanyang tainga.
Napalundag siya sa init ng hininga nito.
"S-sir! Naman," utal niyang sinabi rito.
Ngumisi ito sa kanya ng nakakaloko.
“Let's go," sabi nito at hinila na siya palabas.
Susubo na sana si Matthew nang mapalingon ito sa hagdan. Napangisi ito.
"Whoa! Ang prinsipe sinundo ang kanyang prinsesa," tukso niya sa binata.
Tumawa si Rayver at tumingin kina Nathan at Grace.
"Stop it! Na sa hapag tayo," saway ni Madam Cess.
Huminto ang dalawa at nagkatinginan. Sabay namang umupo ang dalawa.
"Did you rest well iha?" Magiliw na tanong ng Ginang sa dalaga.
Tumango ito at ngumiti siya kay Madam Cess.
"Good to hear that, okay kain ka na," nakangiting wika nito.
"Salamat po," nahihiyang tugon ni Graciela.
"Graciela, ano bang nickname mo?” Sabat ni Rayver.
"Grace na lang po, Sir Rayver,” sagot niya sa binata.
"Wow! As in Grasya? Then from now on I will call you Grasya," bulalas ni Matthew.
Ngumiti siya at tumingin kay Nathaniel. Kumakain lang ito at seryoso.
"Okay stop it now and let's eat," kapagkuwan ay wika ni Madam Cess.
Kumindat ang dalawang binata. Tipid na ngiti ang sukli niya sa mga ito. Tumingin siya ulit kay Nathaniel at tumingin din ito sa kanya. Agad siyang nagbawi ng tingin at kunwaring nakatuon ang pansin niya sa kanyang plato.
“I will call you little Grass,” ani Nathaniel sa isipan niya.
“Dahil para kang damo na biglang lumitaw at binulabog ang tahimik kong paraiso,” ani parin niya sa kanyang isipan.
Bumuntong hininga siya at muling tumingin sa dalaga. Bakit ba parang magkaugnay na sila noon pa? Bakit parang matagal na niyang nararamdaman sa kanyang puso ang dalaga? Ibinaling niya sa kanyang pagkain ang kanyang tingin at baka mahalata siya ng kanyang mga kasama. Papapakin na naman siya ng pang-aasar ng dalawang mokong na na sa kanyang tabi. Baka mabatukan na naman niya ang mga ito kahit nasa hapag sila. Nakita niyang nakayuko lang ang dalaga at konti lang ang kinakain. Nahagip nang kanyang tingin ang mga mahahabang pilik-mata ng dalaga parang kay sarap hawakan ang mga iyun. Lihim siyang napangiti.
“Little grass, lakas ng dating mo sa akin you make me alive and happy again,” piping sabi niya sa kanyang sarili.
Magana siyang kumain at panaka- nakang sumusulyap parin sa dalaga.
Habang si Grace ay kanina pa naaasiwa sa mga titig ni Nathan. Parang gusto niya tuloy maglaho sa harapan ng mga ito dahil nahihiya siya sa mga titig nito. Hindi nga siya tumitingin ngunit ramdam niya na nakatitig sa kanya ang binata. Para kasing tumatagos ang mga titig na iyon sa kaloob-looban ng kanyang katawan. Ninenerbiyos siya na parang kinikiliti naman.
"Kumusta naman ang iyong Tiyo, iha?" Biglang tanong ni Madam Cess.
Nag-angat ng tingin ang dalaga at tsaka tiningnan ang Ginang.
"Okay naman po sila kahit wala na po si Inay," malungkot na sagot ng dalaga.
Tumango- tango ang ginang. Sammantalang nakatitig lang ang tatlo sa kanya.
Bigla siyang namula ramdam niya ang kanilang mga titig lalong lalo na kay Nathan. Para namang sinisilihan ang kanyang puwet dahil sa tensyon na kanyang nararamdaman.
Lihim ding sinusulyapan ni Matthew ang dalaga.
“ Napakahinhin talaga nito,” aniya sa kaniyang isipan.
Ipinagpatuloy na nila ang kanilang pagkain habang wala na ni isa kanila ang umiimik. Tanging mga mata na lang nila ang tila nag-uusap habang kumakain.
Minadali naman ni Graciella ang pag-ubos sa kanyang pagkain para makahinga siya sa nerbiyos at hiya na nararamdaman dahil sa mga titig ng tatlong binata. Ewan niya kung napapansin ito ng Ginang ang mga sulyap ng tatlong binata sa kanya.
"Tapos na po ako mauuna na po ako," paalam niya sa mga ito nang matapos na niya ang kanyang pagkain.
Tumango si Madam Cess sa kanya.
"Ahhmm Grasya, pwede kang magpahangin sa balkonahe. Doon kami nagpapatunaw ng aming kinain bago matulog," sinabi ni Rayver sa kanya.
Ngumiti siya dito at tinanguan niya ito. Dali-dali na siyang umalis at dumeritso siya sa balkonahe. Sumagap siya ng hangin at huminga ng malalim. Ngumiti siya at tumingala sa langit. Nagkikislapan ang mga bituin na tila walang malungkot na nangyayari sa paligid. Sumilay ang lungkot sa kanyang mga mata at naalala ang kanyang Ina. Minsan-minsan lang niya ito nakakasama, kung kaya’t dobleng sakit ang kanyang naramdaman nang mamatay ito. Hindi niya alam na malubha na ang colon cancer nitong sakit dahil wala naman itong sinasabi sa kanila. Maski dito sa Villa ay nagulat din nang malaman ang kanyang sakit dahil wala rin siyang pinagsabihan ni isa rito. Sadyang malihim talaga ang kanyang Inay ayaw niya sigurong mag-alala siya para makapag-concentrate siya sa kanyang pag-aaral.