Chapter One
"Nathaniel, Matthew and Rayver simula sa araw na ito rito na sa ating bahay titira ang anak ng Yaya niyo si Graciela," bungad ni Madam Cess sa kaniyang mga pamangkin nang makitang nagtataka ang mga ito kung sino ang babaeng nakaupo sa sala.
Kayumanggi ito, maliit ngunit makinis. Mahahaba at makapal ang pilik mata nito. Bilog na bilog ang mga maitim na mga mata na parang nangungusap ‘pag tinitigan mo. Mahaba ang kulot na buhok nito, ngumiti ito at lumitaw ang nag- iisang malalim na biloy sa kaniyang kanang pisngi.
Napasinghap si Nathaniel. Natural exotic beauty walang anumang nakalagay sa mukha pero bakit parang kamukha siya ni Cristine Reyes?
"Ikinagagalak ko po kayong makilala mga Sir," nahihiya niyang sabi sa kanila.
Tumikhim si Matthew.
“Matt, na lang itawag mo sa akin Graciela," sagot ng binata.
“Same here just call me Rayver," sabi rin ni Rayver.
" Nathan na lang," maikling tugon ni Nathaniel. Napangiti si Madam Cess.
"Okay guys hopefully you will treat her well as you do to your, Yaya Gigi before," masayang wika nito.
Tumango silang tatlo.
“Aling Cely, ihatid mo na si, Graciela sa kaniyang kwarto para makapagpahinga na," baling ni Madam Cess sa katulong na na sa tabi niya.
Tumango ang matanda at inakay na si Graciela.
"Tita, nalibing na ba si Yaya Gigi?" Kapagkuwan ay tanong ni Rayver.
"Oo, kaya nga kinupkop ko si, Graciela. Aba! Sayang at matalino pa naman ga-graduate na siya bilang teacher kesa naman huminto siya," malungkot na sagot nito.
Ngumiti si Matthew.
“Good Samaritan ka talaga Tita," kindat nito.
"Kaya idol ka namin, Tita," anang ni Nathaniel.
Ngumiti ang ginang at niyakap niya ang mga ito. Bago pa man naaksidente ang mga magulang ng mga ito ay sadyang angkan sila ng mga mababait. Sina Matthew at Rayver ay halos magkapareho madaldal, palabiro, at playboy. Samantalang si Nathaniel ay medyo naiiba tahimik at medyo mahirap abutin at kung minsan ay pihikan sa babae. Pero siya ang nabubukod tanging masasabi mong mature at responsable kahit minsan masiyadong seryoso.
Nagpaalam na ang mga ito na papasyal sa park para maglaro ng basketball.
Habang naglalakad sila ay hindi nila naiwasang pag-usapan ang kanilang bagong makakasama sa bahay ng tiyahin.
“Iba talaga ang beauty ni, Graciela ‘di ba mga bro?" biglang wika ni Matthew.
Lumingon si Nathaniel kay Matthew.
"Oo nga eh, lakas ng appeal kahit simple lang ang ganda ng mga pilik mata," nakangising sagot ni Rayver.
Binatukan sila ni Nathaniel.
“Leave her alone. She's innocent. Kawawa lang siya sa inyong mga playboy! Mahiya kayo kay Yaya Gigi," dilat nitong sabi sa dalawa.
" Ayyyts! Sshhh! Stop acting like a priest, Nathan!" Iritadong irap ni Rayver sa kanya.
Himas- himas naman ni Matthew ang kaniyang ulong masakit sa pagkakabatok. Babatukan sana ulit ito ni Nathaniel ngunit mabilis na lumayo ito sa kanya. Tumawa si Matthew.
"Oo na po, Father hindi ko na siya liligawan kahit gustong-gusto ko," ngisi nito kay Nathaniel.
Pinandilatan lang sila ng binata.Napaisip ang binata, maganda talaga si Graciella. Kahit sa unang tingin pa lang may kakkaiba na siyang naramdaman. Nang magtama ang kanilang mga mata kanina hindi niya alam kung ano iyon. Ngayon talagang sumikdo ang kanyang puso sa mga titig ng dalaga. Tila mabait din ito katulad ng kanilang Yaya Gigi. Balingkinitan din ito at maganda ang kaniyang mga ngiti. Mahinhin si Graciella, base sa napansin niya rito pero may kakaiba talaga sa kaniya na hindi pa niya nakita sa ibang babae. Was it true love or love at first sight? Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil sa kanyang iniisip.
Lihim namang nagkakatinginan ang dalawa niyang pinsan sa kanyang tabi. Manaka – nakang nagkikindatan ang mga ito. Natutuwa sila na tila nagbalik si Nathaniel mula sa pagkakalugmok dahil sa nakaraan nito.
Masayang nagkangitian ang dalawa, ngunit sa kaloob- looban ni Matthew ay iba talaga ang tama sa kanya ni Graciella. Naguguluhan siya ngunit alam niyang pag-ibig ‘yon sa unang pagkikita. Hindi nga lang niya maamin- amin at masabi -sabi sa mga ito dahil masiyado pang maaga. At tsaka nakapangako na siya kay Nathaniell. Kitang- kita niya kung paano kumislap muli ang mga mata ng kanyang pinsan na matagal ng hindi kuminang. Nararamdaman niyang may kakaiba ring naramdaman ang binata katulad niya. Lihim niya itong sinulyapan, nakangiti ito habang tila may iniisip. Kung magkatulad man sila nang nararamdaman kay Graciella ipapaubaya niya ba ito kay Nathan? Muli siyang tumingin sa kanilang dinadaanan.
"Kung sakaling muli kang iibig Nathan, sasabihin mo ba sa babaeng nagugustuhan mo?" Biglang tanong ni Matthew sa binata.
Lumingon lang ang kanyang pinsan sa kanya.
"Depende," maikli nitong sagot.
"Kung may magiging karibal ka ipaglalaban mo ba siya?" Tanong ulit ni Matthew.
Ngumiti si Rayver sa kanila.
"Hey! Math, may pinagdadaanan ka ba?" Singit nito sa usapan nila ni Nathaniell.
Sinulyapan niya ito at binatukan. Inis namang tiningnan siya ng binata.
"Nagtatanong lang, nambabatok ka na agad ungas!" Iritadong tugon nito kay Matthew.
Pinandilitan niya lang ito at hindi siya umimik.
Mahina namang tumawa si Nathan.
"Kung iibig man ulit ako sisiguraduhin kong siya na nga iyong mamahalin ako ng tapat," madamdaming sabi ni Nataniell sabay hagis sa bola para i-shoot ito.
Sumablay ang kanyang pagsu-shoot sa ring. Kinuha naman yun ni Rayver at siya naman ang nagdribol.
"Korek! Yung hindi ka basta iiwan," tugon naman nito.
Nagkibit- balikat lang si Matthew at sumali na siya sa dalawa.
"Akala mo naman seryoso ka sa mga girls," ani ni Matthew na nakatingin kay Rayver.
Nginisihan siya ng binata at inagaw ang bola. Humabol naman si Nathan para harangan si Rayver, ilang ikot pa at naagaw na ni Nathan ang bola. Siya naman itong hinabol ni Matthew habang hinaharangan siya ni Rayver. Nagdribol siya sabay hagis ng bola at ilang segundo laang ay na-shoot ito. Pasok ang bola.
"Hindi ka pa rin nagbabago ah!" Nakangiting wika ni Matthew sa pinsan.
Sumimangot naman si Rayver at kinuha ang bola.
"Sus! Tiyamba lang ‘yun," kantiyaw nito kay Nathan.
"Wanna bet?" Tila nanghahamong wika ni Nathan.
Namilog ang mga mata ni Rayver dahil sa pagtsa- challenge nang kanyang pinsan sa kanya, ngumisi ito.
"Call!" Sang- ayon nito.
At nagsimula na naman silang mag- agawan ng bola, kasama si Matthew. Laging na kay Nathan ang bola kaya medyo nayayamot na si Rayver na sinabayan pa ng kantiyaw ni Matthew sa kanya. Wala siyang nagawa kun’di sikaping maka-puntos man lang kahit isa laban sa dalawa.