Chapter Three
Ugali nilang magpahangin sa balkonahe ng ilang oras pagkatapos kumain.
"Na-transfer na kita sa pagmamay- ari naming school, Grace. Don’t you worry now okay?" Wika ng ginang.
“Maraming salamat po maam," nahihiya niyang sagot.
"Tita, is she not graduated already?" Tanong ni Matthew.
"Ga-graduate pa lang ulol!" Sabat ni Rayver.
"Ahhh oo nga pala nakalimutan ko engot," ani ni Matthew.
Nathaniel sighed.
"Oh? What's the problem my dear cousin?" Maang na tanong ni Rayver.
"Ang ingay niyo kasi!" Irap nito.
Tipid na ngumiti ang Ginang.
"Pasensiya ka na iha," baling nito sa dalaga.
"Okay lang po," turan ni Graciela.
" Tita na lang, Grace," ani nito.
"Parang nakakahiya naman po," tugon ng dalaga.
"Grace, may boyfriend ka na ba?" Sabad ni Rayver.
Napatingin si Nathaniel dito.
"Ano? Tinatanong ko lang," dilat nito sa kanya.
Ngumiti si Graciela.
" Dati po," matipid niyang sagot.
"Ngayon wala na ba, Grasya?" Si Matthew ang nagtanong.
Napapikit si Nathaniel at umiling naman si Graciela. Lumuwang naman ang ngiti ni Matthew.
"Pwede bang maki-fall in line?" Tanong ulit nito.
Nagulat si Graciela. Hinampas ni Nathaniel ng newspaper si Matthew.
"Aray! Nathan naman!" Himutok nito.
Pinandilatan niya ito habang tumawa naman si Madam Cess.
"Pasensiya ka na Grace, ganiyan talaga ang mga ‘yan," sabi nito sa dalaga.
Ngumiti ulit siya.
"Okay lang po nagpapasalamat nga po ako at malugod niyo akong tinanggap dito," ani nito.
"It’s our duty iha, dahil napakabait at napakatagal sa amin ng iyong Ina lalong lalo na kay Nathan na talagang alaga niya," sagot ng Ginang.
Napatingin siya sa binata at nginitian niya ito. Tiningnan lang siya nito. Marami pa silang pinag- usapan. Napansin niyang kalog sina Rayver at Matthew madaling makapalagayang loob. Pero si Nathaniel, tahimik lang ngumingiti paminsan minsan. Parang may sariling mundo ito seryoso at parang malungkot.
Nakatulugan na ni Graciela ang pagiisip sa tatlong binata. Kinabukasan. Naalimpungatan si Graciela. Maingay sa baba. Bumangon siya at naghilamos saka nagpasyang bababa na.
"Tita, mauna na ako may problema daw sa rancho," sabi ni Rayver na nagmamadali.
"Ako din Tita, mauuna narin ako at marami po akong gagawin sa planta," ani rin ni Matthew.
Umiling- iling ang Ginang. Naglaho ang dalawa at sinapo naman ni Madam Cess ang kanyang noo.
"May problema po ba?" Untag ni Graciela rito.
Lumingon ang Ginang at nginitian siya nito.
"Wala iha, masanay ka na sa kaguluhan ng mga batang ‘yun ganito sila everyday every morning," sagot nito.
"Ahmm si, Sir Nathan po?" Tanong niya.
"Hay! Maaga ang batang iyon. Iyong dalawa lang ang late bumangon," paliwanag ng Ginang.
"Saan po siya nagtatrabaho?" Tanong ulit niya.
"Siya ang nagtatrabaho sa kumpanya dahil ayaw naman nang dalawa. Mas gustong e-manage ni Rayver ang Rancho. Mas gusto naman ni Matthew sa planta ng tubuhan at maisan," mahabang sagot nito.
Tumango tango ang dalaga.
“Napaka-responsable pala ni, Sir Nathan,” ani ng kaniyang isipan niya.
Kumain na siya at naligo, maghahanda na rin siya ng kanyang mga gamit at papasok na rin siya bukas. Dalawang buwan na lang ang bubunuin niya at magtatapos na siya bilang isang guro. Mapait siyang ngumiti. Sana nandito pa ang kanyang Inay. Naluluha siya at namimiss na naman niya ang kanyang ina. Kahit hindi sila lagi nagkakasama, pero saludo ito sa pagiging responsableng single mother para sa kanya. Kung bakit kasi malala na ang sakit nito nang matuklasan nila. Malihim talaga ito. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at ngumiti siya ulit. Nagpapasalamat na rin siya at nakatagpo siya ng mabait na pamilyang kumupkop sa kanya. Bumaba na siya at nilibot ang Villa. Hangang- hanga siya sa laki at lawak nito. Napaka-ganda ng malawak na garden nito. Punong- puno ng iba't- ibang uri ng bulaklak. Kay gandang pagmasdan, nakakarelaks. Umupo siya sa swing.
"Feel better?" Mula sa likuran niya ay lumitaw si Nathaniel.
Nagulat siya at nilingon kung sino ang nagsalita.
"Kayo po pala," nahihiya niyang sabi dito.
Tumayo ito sa harapan niya at napatingala siya dito.
" Do you want me to push that swing for you?" Tanong nito na nakatitig sa kanya.
Napamaang siya.
"Little grass, do you want?" Tanong ulit nito.
Nandilat siya sa narinig. Little grass? Damo ang tawag sa kanya? Himutok ng kaniyang isipan.
Nilapit pa ng husto ni Nathan ang mukha niya sa mukha nito. Halos hindi humihinga si Graciela. Napapikit siya. Bakit ba kapag ito ang na sa harapan niya ay tinatambol ang kanyang dibdib? Naramdaman niyang natulak ang swing na kinauupuan niya. Nagmulat siya na sa likuran na pala niya ang binata. Napasimangot siya dahil hiyang-hiya siya sa ginawa nito kanina lang. Biglang tumigil ang swing, nakiramdam siya. Napaigtad siya nang maramdaman ang hininga ng binata sa kanyang tainga.
"It's already lunch time," anas nito.
Nagsitayuan ang mga balahibo niya. Nanginig siya at dali-daling tumayo. Nawalan siya nang panimbang ngunit maagap siyang nasalo ni Nathaniel. Nakasandal siya sa dibdib nito, habang nakapulupot ang mga bisig ng binata sa beywang niya. Kung magkakamali ka sa tingin, nakayakap si Nathaniel kay Graciela.
"Be careful little grass next time," anas nito ulit sa kanyang tainga.
Muli siyang nanghina sa init, sa nerbiyos at sa kabog ng dibdib niya.
Samantalang kahit si Nathan ay kakaiba rin ang kanyang nararamdaman dito. Tila gustong-gusto nitong lapitan at biruin. Hindi niya napipigil ang kanyang sarili na lapitan ito o amuyin. Para sa kanya, napakagaan nang kanyang pakiramdam sa tuwing nalalapitan niya ito at nakakausap. Katunayan nga, kagabi ay napanaginipan niya ito. Magkahinang pa rin ang kanilang mga mata na tila nag-uusap. Wala ni isa sa kanila ang kumurap sa pagkakatitig. Tumikhim si Nathan para matauhan si Grace at baka ‘di niya mapigilan ang sarili na halikan ito. Baka kapag nagawa niya iyon ay sasabihin pa nitong bastos siya at tuluyan na itong lalayo sa kanya. Hindi pa rin tuminag ang dalaga na tila nahulog na ito sa napakalalim na bangin at hindi na makakilos. Muli’y pinagmasdan niya ang dalaga. Ang maamo nitong mukha, mahahabang pilik-mata at nangungusap na mga mata. Idagdag mo pa ang napaka-cute nitong biloy na nag-iisa sa kanyang pisngi. Lalong nagpatingkad sa kanyang exotic beauty. Masasabi mong isa rin siya sa mga may magagandang mukha sa larangan ng showbiz kung artista sana ito. Tumikhim ulit ang binata dahil sa nag-iinit na talaga siya. Gumagalaw-galaw ang kanyang adam's apple, dahil sa kakalunok nito sa nakikita niyang magandang mukha nang dalaga.
Tila naman natauhan si Graciella. Agad itong kumurap-kurap at biglang namula ang kanyang pisngi, palatandaan lamang na nahihiya na ang dalaga sa kanya.