Three

1305 Words
"Ixoe, ano itong nababalitaan kong madalas kana daw pumupunta sa mundo ng mga tao ha? Anong misyon mo dun?" "Ina, Candy Mur na po ang pangalan ko, saka may basbas po ng mahal na Reyna Amethyst ang paninirahan ko sa lupa." Nagkatinginan ang lna't Ama nya sa tinuran ng anak nilang heneral ng Engkantadya. "Tila yatang nararamdaman kong hindi isang misyon ang pinagkakaabalahan mo dun anak, maari bang malaman kung ano yun?" Anang Ama nyang si King Etan, kapag ito ng nagtanong kailangan nyang sumagot ng may katotohanan dahil kapag nagsinungaling sya dito may katumbas yung kaparusahan. At ayaw nyang maparusahan, yun ang pinakaayaw nyang mangyari dahil isa lang ang ibig sabihin nun, hindi na sya makakaapak pa sa mundo ng mga tao. "Ama, umiibig po ako sa tagalupa! Hindi ko po sinasadya! nangyari lang po ito ng hindi ko po inaasahan nung itinalaga ako ng Mahal na Reyna na tagapagbantay ng Prinsesa Ayana." Kinakabahang paliwanag nya saka tiningnan ang kanyang Ina na nakikinig lang sa usapan nilang mag ama. "Ina, maaari nyu po ba akong payagan na manatili sa mundo ng mga tao! Sige na po Ina payagan nyu na po ako ni Ama." "Anak, alam mo naman ang batas ng Engkantadya diba? Ayaw ka naming mapahamak." Nag aalalang turan ni Jade kay Ixoe, sabay sulyap sa asawang tila malalim ang iniisip. "Alam ko po ang lahat ng batas dito, kaya nga isinangguni ko na po ang usaping ito sa Mahal na Reyna at pinayagan na po nya ako Ina." Malapad ang pagkakangiting sabi pa nya, saka lumapit sa Ina at niyakap ito na tila naglalambing. "Aba'y may magagawa pa ba kami kung mismong si Reyna Amethyst ng nagpasya ng kapalaran mo." Naiiling na sabi ng kanyang Ama, na lalong nagpasaya sa kanya. Sinugod nya ito saka mahigpit na niyakap. "Maraming salamat po Ama, pinasaya nyu po ako ng lubos." Saka sumulyap sa kanyang Ina. " salamat po Ina mahal na mahal ko po kayo ni Ama." Nilapitan at sabay silang niyakap ni Jade, hinalikan pang nuo nya saka tinapik ang braso ng Ama nyang nakayakap pa rin sa kanya. "Halika na mahal kong Hari, pasyalan natin ang palasyo ng Reyna Amethyst. Narinig ko ang ulat ni Amber na may nakita daw si Lorsan sa pag eespiya nya sa Gaelin." Bago maglaho ang mag asawa may ibinilin pa si Etan sa nag iisang anak nito. "Ixoe, mag iingat ka sa mundo ng mga tao! Saka wag mong gagamitin ang kapangyarihan mo kung hindi naman kailangan, baka yan pang maging dahilan ng ikapahamak mo." "Opo Ama, pakatandaan ko pong lahat ng mga bilin nyu ni Ina sakin, wag po kayong mag alala kaya ko na pong pangalagaan ang aking sarili. Kayo din po mag iingat po kayo palagi ni Ina, mahal na mahal ko po kayo!" "Anak dalasan mong uwi dito ha! Nalulungkot kami kapag dika namin nakikita!" "Sige po Ina, dadalasan ko pong uwi dito! Sige po aalis na rin po ako, hanggang sa muli nating pagkikita, Paalam!" Bitbit ang malaking bag yumukod muna sya sa mga magulang na naluluha ang mga matang nakatingin sa kanya, habang sya naman ay malapad ang pagkakangiti naglaho na sya. Tanging usok na lang naiwan. Sanay na sanay na sya sa mundo ng mga tao kaya madali na lang para sa kanya ang maglaho at sumulpot sa lugar na naisin nya. Sa bahay ng mag asawang Selya at Gardo sya naninirahan habang ang mag asawa naman ay sa Engkantadya na namalagi kasama ang anak anakan nilang si Prinsesa Ayana at ang kabiyak nitong si Dwarf. Paminsan minsan dinadalaw sya ng mga ito pero ang madalas nyang panauhin ay si Draca at kabiyak nitong si Euri, Si Alex na minsan nagtatagal ng isang buwan bago bumalik ng kahariang Umbra. Kagaya ngayon isang linggo na nyang kasama si Alex sa bahay. "Kararating mo lang din? san ka galing Alex?" "May hinabol akong lalaki sa kagubatan, nag mamanman dito sa bahay. Hene - ." "Candy! Candy Mur ang pangalan ko sa mundong ito Alex dapat masanay kana!." Naiinis nyang sabi sa kapwa diwata. Na napalabi na lang bago pahigang humilata sa sofa. "Oo, nga pala pasensya na palagi ko kasing nakakalimutan." "Gusto mo bang baguhin kong anyo mo Alex?" Nakangising itinaas ni Candy ang mga kamay. "Subukan mo lang, baka nakakalimutan mong kaya kong tapatan ang taglay mong kapangyarihan, Heneral Ixoe aka Candy Mur." Tinapatan pa ng ngisi ni Alex ang ngisi nya kasabay ng pagtaas din ng mga kamay nito sa ere. Natutuwa syang sinipa ang maleta patungo sa nakabukas na pinto ng kwarto nya at kusang bumukas ang maleta nya at nag kanya kanyang pwesto sa loob ng kwarto ang mga gamit na dala nya. "Sige dali na laban! Na miss ko to Alex." "Ako din naman hahahah.!" At naglaban nga silang dalawa mahikang kapangyarihan lang walang nakakasakit na sandata. Malakas syang natawa ng maging lamok si Alex at sya naman ay butiki. "Alex, diba kinakain ng butiki ang lamok? Humanda ka ngayon sakin hahaha." "Hhahaha.. yan ay kung mahuhuli mo ako weee." Habang nagkakasayahan ang dalawang diwata, may huminto namang dalawang big bike sa harap ng bakod nila at bumaba ang dalawang lalake dun. "Brent, sigurado ka bang ito na yun?" "Oo nga! paulit ulit ka naman eh! dito ko pa nga nakitang pumasok ang babaeng humabol sakin hanggang sa kagubatan.. f**k! Mas mabilis pa nga sakin tumakbo eh! Parang hindi tao kung kumilos paran - " Tinakpan kaagad ni Eruto ang bibig ng kaibigan. Nag aalala syang baka may makarinig sa kanilang usapan. "Ssss! Wag kang maingay baka may makarinig satin. Saka wag kang masyadong magpapaniwala kay Griffin exaggerated yun kung mag kwento eh." "Tsss.. Eh mukhang totoo naman mga sinasabi nya eh! Minanmanan pa nga namin ni Blaire yang si Candy Mur mula Europe hanggang dito sa Pinas. Ang nakapagtataka lang wala kaming mahagilap na impormasyon sa babaeng yan. Parang kusang nabubura ang lahat ng bakas nya kapag malapit na naming matuklasan." Napaisip naman ng malalim si Eruto, paano nga kung totoo na isang mangkukulam itong si Candy, anong gagawin nya? Nabaling ang tingin nya sa katabi ng bigla na lang itong sumigaw. "Tao po! May tao po ba dyan? Kung meron, pwedeng labasin nyu po kami dito, mainit ng sikat ng araw eh masakit sa balat! Araay." Masama ang tingin na akmang susuntukin nya si Eruto ng pandilatan sya nito ng mga mata. "Tumigil kana nga dyan, nakakabulahaw kana sa mga kapitbahay nila." ⚔⚔ Samantalang sa loob naman ng bahay napahinto naman ang dalawang diwata sa ginagawa. At nagkatinginan sabay na nagpalit ng anyo. Tinuro ni Alex ang labas ng bahay. "Ambilis naman ng katipan mo natunton nya agad itong lugar natin." Napangiti na lang si Candy sa sinabi ni Alex. Sabay na silang lumabas para harapin ang mga panauhin nila. "Sabi ko na nga ba, espiya yung lalaking hinabol ko sa kagubatan, at mukhang may kaugnayan sila ng katipan mo Heneral." "Ha! Ano bang sinasabi mo dyan?" Inginuso ni Alex si Brent na nakasimangot katabi ni Eruto. "Hi Candy!" Malapad ang ngiti ni Eruto habang kumakaway kay Candy na nakakunot noong nakatingin kay Brent na parang ini scan nitong buong pagkatao. Nagulat na lang sya ng biglang bumagsak sa lupa ang kaibigan. "Brent! Anong nangyari sayo? Bro, hoy!" Napabaling ang tingin nya sa dalawang babaeng nakatingin na ngayon sa kanila habang dinadaluhan ang hinimatay na kaibigan. Lumagpas ang tingin nya kay Candy dahil nakatutok ang mga mata ni Eruto sa isang babaeng malademonya ang ngiting nakatingin kay Brent. 'MayGad! Mga tao bang mga ito o totoong mga mangkukulam ang dalawang babaeng ito?' "Eruto!" "Huh" Nanlalaki ang mga mata nyang napabaling sa katabing bigla na lang nagsalita habang tinutulungan syang buhatin ang walang malay na kaibigan. Paanong nasa tabi na nya si Candy eh ni hindi nga nya ito nakitang naglakad palapit sa kanya? ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD