Two

869 Words
Name: CANDY MUR Age: 23 Birthday: No Specific data Occupation: No Specific data Hobbies: No Specific data Nationality: Ukraine Motto: "Don't hurt the person whose only intention was to make you happy." "Ano ba naman to puro "No Specific data? " Naiinis na sabi ni Eruto pagkatapos ilapag sa mesa ang folder na inabot ni Griffin sa kanya. "Pasalamat ka na lang at may nakuha pa'kong impormasyon sa babaeng yan." "Ang mahal mahal ng bayad ko, tapos ganito lang malalaman ko? Saka bakit tumagal ng ganito? Isang buwan talaga ha! Bumabagal kana yata ngayon singkit?" " Tangna! Ikaw kayang magka asawa ng Amazona tingnan ko lang kung magiging malaya kapa." "Ginusto mo yan kaya panindigan mo!" Tiningnan nya ulit ang litratong hawak. Nakita nyang gumalaw ang labi ni Candy, ngumiti ito sa kanya. Dahil nagulat bigla nya itong nabitawan. "f**k! " Nanlalaki ang mga matang nakatutok sa picture na nalaglag sa sahig, biglang nagtayuan ang mga balahibo nya't kinilabutan sya. "Bro, what happened?" "Bro, nakita mu bang picture na yan ha?" "Yeah, why? "N - ngumiti sya sakin Bro! Oh God, kinikilabutan ako! Huuuu." "Hahaha! Your imagination getting worse, Eruto my friend." Nanginginig ang mga kamay nyang dinampot ang picture sa sahig saka di tinitingnan na inabot ito kay Griffin. "Look!" Tiningnan naman yun ng kaibigan. Saka napapailing na tinapik sya sa balikat. "See! Nothing happened? Relax, your just imagining fictional things." "Basta! Totoo yung nakita ko Bro!" Tinitigan sya ni Griffin, minuto rin bago ito sumeryoso at nagsalita ulit. "I shouldn't tell you this, but I think you have the right to know cause I can see you already fallen with this woman." Nalilito na may bahagyang takot na nararamdamang napatitig sya sa seryosong mukha ni Griffin. "Bro, she's a witch." "A what? Shock ang mukhang di kaagad nya na gets ang nais ipahiwatig ni Griffin kaya paulit ulit syang nagtanong dito. "Bro, wag kang magbiro ng ganyan! Please lang!" "I'm not joking, it's true she's a white witch. Bro." "f**k! No - no - noooo...!" Nanginginig dahil sa nerbyos at sa takot na rin na bigla na lang syang napalabas ng private office ng Gym at tumayo sa harap ng boxing ring, umikot ang tingin nya sa paligid at huminto sa isang taong abala sa pagbubuhat ng barbel. 'I can't believe that you are a witch! How come? What I mean, Is it true? No - no! Your not!" Naiiling na napayuko na lang sya ng biglang lumakas ang t***k ng kanyang puso. Naramdaman nyang may tumayo sa kanyang harapan at sa pag angat ng tingin nya nagtama ang mga mata nila ni Candy. Ngumiti ito kagaya ng pagkakangiti nito sa litrato saka kumaway pa sa kanya. Napaatras sya sa kabiglaan, naramdaman na naman nyang kilabot na dumadaloy sa kanyang katawan. "Hi Eruto, your free today?" Napakaganda ng ngiti nito na tila may mahikang humihigop kay Eruto para mas lalo syang lumapit dito. Isang hakbang na lang at magkakabungguan na sila ng may biglang humatak sa balikat nya pabalik sa dating kinatatayuan nya kanina. Para naman syang nagising sa pagkakatulala ng akbayan sya ni Griffin at bahagyang piniga nito ang balikat nya. "Sorry Miss., we have a business meeting now, excuse us!" Ni hindi man lang sya nakaimik ng kaladkarin sya ni Griffin palabas ng Gym. Sa labas na sya pinakawalan ng kaibigan. "Bro, be careful to that woman, I can feel it, she's starting to do her thing with you." Nag aalalang sabi pa sa kanya ni Griffin. "Are you sure about that witch one bro? Baka naman nagkamali ka lang!" Pangungulit nya kay Griffin, baka kasi ginu good time lang sya nito. "f**k! I travel to Ukraine, just to gather that f*****g information! and now that you know about her, you won't believe me? f**k youuu!" Sigaw nito bago sya tinalikuran at basta na lang sumampa sa kotse nito at paharorot na umalis dun. Naiwan naman syang nakatunganga at nakatitig lang sa kawalan. Ng biglang may maramdaman syang malamig na bagay na dumampi sa braso nya. bumaba ang tingin nya sa braso at nanlaki ang mga mata nya ng makita ang isang kamay na nakakasilaw sa kaputian ang nakahawak dun. "Eruto" Alanganin ang ngiting tumingin sya kay Candy na nag go glow ang katawan dahil sa sikat ng araw. Napaka ganda talaga nito lalo na kapag ngumingiti. "H - hi Candy!" "Libre ka ba ngayon? kasi gusto sana kitang imbitahan na mag lunch kung ok lang sayo?" Matamis ang ngiti nitong tila nang aakit. At itong si Eruto naakit naman, walang salitang lumabas sa bibig nya pero tumango naman ito. Lihim na napangiti si Candy sa nakikitang sagot na unti unting mag papabago sa buhay nya. "Let's go!" Naging sunod sunuran na lang si Eruto sa lahat ng gusto at nais ni Candy. Ang bilis ng mga pangyayari, parang isang falling star lang si Candy na bumagsak sa lupa at si Eruto ang unang taong nakakita dito. At kagaya ng isang falling star na pinaniniwalaan ng lahat, na may dala at taglay itong mahika na tumutupad sa kahilingan ng kung sinuman ang humiling dito. Nahiling ni Eruto na sana si Candy Mur ng babaeng ipinag kaloob sa kanya. Ang kanyang Destiny Ang kanyang Forever... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD