Four

1571 Words
Tulala pa rin si Eruto habang pinagmamasdan si Brent na wala pa ring malay habang nakahiga ito sa sofa nila Candy. 'Alex, anong ginawa mo sa kasamahan ni Eruto?' 'Ala ah! Ano naman ang gagawin ko sa tagalupa na yan?' Inosenteng sagot ni Alex kay Ixoe, na may pagdududang nakatingin sa kanya. Sa isipan lang sila nag uusap na dalawa kasi ayaw nyang lalo pang matakot si Eruto. Hinimatay pa nga lang kaibigan nito natulala na eh , mas lalo na kapag may nakita itong kakaiba sa kanilang dalawa ni Alex. 'Kilalang kilala kita Alex kaya wag ka ng maglihim pa sakin, anong ginawa mo sa binatang yan ha?' Napilitan tuloy magsabi ng totoo si Alex, alam kasi nitong hindi sya tatantanan ng heneral kakatanong kaya nagtapat na sya dito. 'Wala naman akong ginawa, pinatulog ko lang.' 'Yung totoo Alex!' Seryoso ng mukha ni Candy kaya alam na ni Alex ang kasunod nito. 'Sinabuyan ko ng sleeping potion yun lang pangako heneral wala nakong masamang ginawa sa tagalupa.' 'Hmmmm... Bakit tila nahihirapan akong paniwalaan ang sinasabi mo? Parang meron ka pang hindi sinasabi sakin.' 'Ay grabe sya magbintang sakin! Nakakasama ng loob , nakakasakit pa ng damdamin.' 'Kasi alam kong may kasamang parusa yang sinasabi mong sleeping potion, at huhulaan ko basi sa reaksyon ng mukha nitong tagalupa nasa isang masamang panaginip sya ngayon.' 'Hahaha tama! Nasa masamang panaginip talaga sya ngayon kung saan sinisikap nyang mabuhay sa pakikipaglaban sa mga mangkukulam na nag anyong mababangis na hayop at tinutugis sya para lapain at kainin.' Naaawang napatitig si Candy kay Brent na pawis na pawis at tila hirap na sa kung anumang kinakaharap nito. 'Tama na Alex, itigil mo na yan pakiusap! Nakakaawa naman ang tagalupang yan, mamamatay ng walang kalaban laban.' ' Hmp! pinahirapan nya kaya ako kanina.' Nakasimangot na sagot ni Alex sa kanya pero sumunod din naman, yun nga lang may kasamang irap pa sa kanya. "Bro, anong nangyari sayo?" Agad na tanong ni Eruto sa kaibigan ng dahan dahan na itong gumagalaw, tinulungan pa nya itong makabangon at makaupo ng maayos. Habang abala ang dalawang lalake sa pag uusap ipinitik naman ni Candy ang kamay na nakatago sa likod nya. Lumitaw sa harap ni Alex ang isang set ng inumin at makakain, nakalutang lang ito sa hangin ni hindi nito kinuha ang mga iyon. 'Kunin mo na at ibigay sa dalawang tagalupa! Yan ang parusa mo sa kapilyahang ginawa mo sa kanila. Hala! lapitan mo na sila at pagsilbihan.' 'Hmp! Kasi naman eh!' Reklamo pa nito pero sumunod din naman, nangingiti na lang si Candy habang pinagmamasdan si Alex na nagbibigay ng pa meryenda sa dalawang lalake. "Candy, pasensya na kung na abala kayo namin, pumunta lang naman kami para ipaalam sana sayo na 1month magsasara ang E&S Gym. Mag a abroad kasi si Sundae at may business trip naman ako. Pasensya na kung maaantala ang training mo!" "Sus palusot pa to e! Pede naman itawag o itext sa cellphone, bakit nag hirap pang pumunta dito?." Pabulong kunyari ni Alex pero sadya namang nilakasan para iparinig sa mga bisita nila. Natawa na lang si Candy sa inaasal ng kapwa diwata. Lalo na ng makita nya ang makahulugang tinginan ng dalawang lalaki. "Wala kang dapat ihingi ng paumanhin Eruto, naiintindahan ko, sige pasyal na lang ako dun sa susunod na buwan." "f**k! Ang sakit ng tiyan ko! Ano ba tong juice nyo parang nangangagat ng bituka?" Ngumingiwing reklamo ni Brent na ikinatawa naman ng malakas ni Alex. "Hahaha baka naman marami kang bulate, mag purga ka rin kasi pag may time, haha." Alam ni Candy na may ginawa na naman itong kalokohan kaya sinaway na nya si Alex sa pamamagitan ng tingin, umayos naman kaagad ito. "Anong pangalan mo?" Si Brent kay Alex. "Bakit? Nabibighani kaba sa kagandahan ko? Panunuksong tanong ni Alex kay Brent na napa ismid naman saka inilayo ang basong iniinuman na tila may nakitang gumagalaw sa juice nito. "Uu gandang gandang ako sayo! Lalo na sa sungki sungki mong ngipin, pero in fairness amputi ng ngipin mo ha! saka dika bad breath hehe." Balik pang aasar ni Brent sa diwatang naiinis na naman, nakita ni Candy ang pagpitik ng daliri ni Alex sa hangin. At kasabay nun may bumagsak na insektong maraming mata at tinik sa katawan, shoot sa hita ni Brent na biglang napatayo at nagpapadyak. "Waaa... Anu yannnn?" "Hahahah, grabeh magulat parang bakla lang ganurn.. hahahhah." Namumula at nanggagalaeting nilapitan ni Brent si Alex na tawa pa rin ng tawa. Walang sabi sabing hinapit nya ito sa bewang at sinapo ang batok sabay halik sa labi nito. Wala pang isang minuto napabitaw bigla si Brent at napalayo kay Alex, nanlalaki ang mga mata nito habang sapo ang bibig na dumudugo. "Sa susunod na ulitin mo pang ginawa mong paghalik sakin puputulin ko yang dila mo! hmp!" Sabay nag marcha ito palayo sa kanilang tatlo, pero ng palabas na ito ng pinto nilingon pa nito si Brent na parang may naalala at ngumisi ng nakakaloko dito. "Alexis Martinez.' Sabay kindat. "Ikinagagalak kitang makilala Brent Red, mag iingat ka palagi! lalo na sa isang katulad ko." Tumalikod at lumabas na ng pinto si Alex, habang nagkatinginan naman si Candy at Eruto saka sabay na napatingin kay Brent na nakatanga pa rin sa pintong nilabasan ni Alex. "Sandali lang Eruto ha! Kukuha lang ako ng gamot para sa sugat ng kaibigan mo." "Sige! Ahm.. Candy, salamat ha at pasensya na sa storbo at pasensya na rin dito sa kaibigan ko. Alam kong nakakahiyang mga ginawa nya kaya pasensya na talaga!" Ngumiti si Candy, yung klase ng ngiti na makapag pagaan ng loob ni Eruto, saka inabot nya ang nuo nito, hinimas nyang nakakulubot nitong nuo para mawala iyon saka kinurot nya ito sa pisngi. "Ngumiti kana! Ayokong nakikitang ganyan ang mukha mo! Pag pasensyahan nyu na rin sana si Alex, bugnutin at alaskador talaga ang diwat - ahm.. babaeng yun." Napakagat labi pa si Candy ng muntikan nyang masabi na diwata si Alex. Buti na lang di nakahalata ang dalawa, nag excuse na sya't kumuha ng gamot kunyari sa kusina, pero ang totoo nun isang pitik lang ng daliri nya may epektibong gamot na agad syang hawak. Pabalik na sya sa dalawa ng maulinigan nyang nagtatalo ang dalawa kaya kaagad syang naglaho muna saka nakinig sa usapan ng dalawa. "Bro, naniniwala kana ba samin ngayon ha? s**t! Katalas ng ngipin ng babaeng yun ah! Muntik ng matanggal ang laman ng bibig ko." Si Brent habang pinupunasan ng panyo ang dumudugong bibig. "Gago ka kasi! ba't mo hinalikan yung Alex ha?" Inis na singhal ni Eruto sa kaibigan. "Bro, dimu ba narinig? Tinawag akong bakla ng impaktang yun! Kung wala lang kayong dalawa ni Candy dito kanina baka naikama ko na yun eh!" "Tigil tigilan mo na nga yang kahalayan mo at baka sa susunod di lang labi ang dumugo sayo. Saka tandaan mo na magkamag anak yata sila Candy at Alex, kaya please lang bro, wag sya ok! "Bakit, wala naman akong sinabing kursunada ko yung Alex na yun ah! Saka yoko sa kanya Bro, hindi pa nga kami, sinasaktan na nya ako, eh panu pa kaya pag kami na? Baka di lang ganito ang sapitin ko baka mabalitaan nyu na lang chop chop ng kaibigan nyu." "Hahaha, hindi pa nga kayo under kana ni Alex? eh, panu pa nga kaya kung kayo na? Yan bang walang kursunada ha! Eh mismong sa bibig mo na nanggaling na nahulog kana sa kanya Bro. Kaya Good luck na lang sayo!" Lumitaw na si Candy sa harap ng kusina saka naglakad palapit sa magkaibigan. Umayos naman ng upo ang mga ito saka tumahimik. Gagamutin nya sanang sugat sa labi nito pero kaagad na kinuha ni Eruto ang first aid nyang hawak saka ito ng gumamot sa kaibigan na panay ang mura at reklamo. "f**k! Tama na nga yan! lalo lang nadadagdagan ang sakit eh! Hindi mo naman ginagamot lalo mo pang dinadagdagan ang sugat ko." Natatawa na lang si Candy habang pinagmamasdan ang magkaibigan, ng marinig nya sa isip si Alex. 'Heneral, may nagmamanman sa paligid, apat na kalalakihan, walang mga sandata pero kaduda dudang mga ikinikilos.' 'Ganun ba! Sige bantayan mu muna sila lalabas na kami." Hindi na nakasagot pa si Alex kaya alam nyang kailangan na nyang labasin ito. "Ahm! Pwede bang lumabas muna ako? Hahanapin ko lang si Alex." Kunwaring paalam nya sa dalawa. Hindi na sya nagulat ng sabay na tumayo ang mga ito saka naglakad ng palabas ng pinto. "Tara na Candy, hanapin na natin si Alex." Nakangiting tumango sya at sumabay ng lakad kay Eruto patungong pinto, nauna namang lumabas si Brent. "f**k! Anong ginagawa nyu rito?" Napabilis ang paglakad nila ni Eruto ng marinig si Brent mula sa labas ng bahay. At ng makalabas sila ng pinto, napatanga na lang si Candy ng makita ang apat na nag ga gwapuhang lalake sa labas ng hanggang bewang na bakod. Lahat nakangiti sa kanila pwera kay Alex na nasa likuran ng mga ito at seryoso ang mukha nito habang sinusuri ng tingin ang apat na kalalakihan. "Yow! Bro!" Sabay sabay na bati ng apat sa kanila habang si Brent at Eruto naman ay nagtatakang nakatingin lang sa apat na malapad ang ngiting nakatingin sa kanila. "P - paanong..." Nagtatanong na sambit ni Eruto. "Griffin!" Sagot naman ni Prince sa kanya, na kaagad naman nyang naunawaan. "Oh." 'tangnang singkit na yun. Pahamak talagaa! ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD