3 - Bad News

2196 Words
“SWEETIE, there’s a package delivery for you.”   Napahinto siya sa pag-akyat sa hagdan dahil sa sinabi ng ina pagkadating nila ng Kuya niya sa bahay nila galing sa Foundation.   “Package? Where did it come from? And who’s it from?” nagtatakang tanong niya. As far as she could still remember, she’s not expecting something like that. She didn’t even order something in any online shop.   Ikinibit nito ang balikat. “Pinadala ni Kuya Zaren mo.”   “Huh? At bakit naman ako papadalhan ng package ni Kuya Zaren?” nagtatakang tanong niya. He’s one of her cousin on her mother’s side.   “Just check it yourself baby,” anang Dad niya. “Nasa kwarto mo na yung package.”   “Okay.” Nagtataka man ay nagkibit-balikat na lang siya at mabilis na umakyat sa hagdan upang magtungo sa sariling silid. Pagkapasok niya sa silid ay mabilis niyang ikinalat ang paningin upang hanapin ang sinasabi ng mga magulang. And right there, she saw a box at the top of her study table. She hurriedly headed towards her study table to check and examine that box.   “Mmm, at ano naman kayang pakulo ni Kuya Zaren at pinadalhan niya ako ng ganito?” nagtatakang tanong niya sa sarili at bahagyang inalog iyon. “At ano naman kaya ang laman nito?” Buong pagtatakang dinala niya iyon sa kama. And there she started to unwrap it.   “It’s a tin box.” Napakamot siya sa ulo. “Ano naman kaya ang laman nito?” She was planning to open the box when she noticed something. “At ang loko-lokong iyon. Nilagyan pa talaga ng kandado?” Halos ay hindi na maipinta ang mukha niya nang mga oras na iyon. “So, where’s the key?” Sinubukan niyang hanapin ang susi sa gilid niyon at maging sa tinanggal niyang wrapper ngunit wala naman siyang makita. Napabuga siya. “Ang lakas talaga ng trip ng lalaking iyon. For sure ay pinagti-tripan na naman niya ako.” Inilapag na niya iyon sa tabi.   Naiiling na sumandig na lang siya sa headboard ng kama at nakangiting pinakatitigan ang suot na singsing. Hindi niya talaga maintindihan. Habang tumatagal ay lalo lang siyang naiinlove sa ganda ng singsing na iyon. Abala siya pagkakatitig doon nang ilang sandali pa’y biglang bumukas ang pinto.   “Ay palaka!” Halos ay mapatalon na siya sa kinauupuan dahil sa matinding gulat. “What the hell Kuya!” anggil niya nang makita niya itong nakatayo sa bukana ng pinto ng silid niya. Namumutla ito at tila anumang oras ay iiyak na. “Don’t you know how to knock? What the hell is wrong with you?”   “Nharie..” garalgal ang boses na sambit nito sa pangalan niya. Bago pa man ito makapagsalita ay nanghihinang napasalampak ito ng upo sa sahig at nagsimula itong humagulgol.   Nataranta siya sa inakto ng kapatid. “Wh-what’s wrong?” Nag-aalalang dinaluhan niya ito. “Are you okay?” Knowing him, he doesn’t cry like that without any reason.   Lumuluha, nanginginig at nanlalamig ang mga palad na ginagap nito ang mga palad niya.   “Nharie.. Tita called.. She said.. grandma.. is in the hospital. They said she’s in a critical condition.”         “GOOD morning dad, nasaan na tayo? Malapit na ba tayo?” pupungas-pungas na bati at tanong niya sa ama nang magising siya. Nang mga oras na iyon ay nasa biyahe na sila patungo sa San Mateo province sa norte kung saan ay nakatira ang Lola niya, na ina ng kanyang mommy.   Matapos nilang matanggap ang balita tungkol sa nangyari sa Lola Dolores niya ay agad silang nag-impake ng mga gamit nila at nang matapos ay bumiyahe na sila pauwi sa naturang probinsiya. Balak sana nilang dumiretso sa hospital ngunit maaga pa para bumisita.   “Malapit na tayo sweetie. Papasok na tayo sa barrio Masicong.” Ang tinutukoy nito ay ang mismong baryo ng Lola niya.   Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay sakto namang pagdaan nila sa arko ng naturang baryo. Agad na bumungad sa paningin niya ang napakagandang kapaligiran na punung-puno ng mga halamang namumulaklak at mga iba’t ibang uri ng mga nagtatayugang puno. Hindi pa sementado ang daan sa lugar na iyon ngunit gayunpaman ay hindi nakabawas iyon sa kagandahan ng paligid.   Magbubukang-liwayway na nang mga oras na iyon kaya naman ay kitang-kita niya kung gaano kaganda ang paligid lalo na ang mga punong nakatanim sa magkabilang gilid ng kalsada, ang Gloden Shower Tree at Delonix Flame Tree. It’s summer kaya naman ay namumukadkad ang naggagandahang mga bulaklak ng mga punong iyon. The view made her happy and nostalgic. She loves that place during summer because of those lovely and beautiful flowering trees.   “Here comes your favorite cherry blossom trees.”   Napangiti siya sa sinabi ng ama. “Yeah, my cherry blossom trees. They bring back memories.”   Hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala ang kabataan niya. Naalala niya, gustong-gusto niyang higaan ang mga bulaklak ng mga punong iyon na nasa lupa. And she even argue with everyone that those trees are cherry blossom trees that has a yellow and fiery red colors. Minsan ay pinagtatawanan na siya ng mga nakatatanda at ibang mga kamag-anak nila dahil sa paniniwala niyang iyon. And now that she’s old enough, ngayon niya narealize na hindi naman talaga cherry blossom tree ang mga iyon.   Habang naglalakbay sila sa liblib na lugar na iyon ay nakatanaw lang siya sa labas ng bintana at nakangiting nakamasid sa napakagandang kapaligiran. Ilang sandali pa’y napatanaw siya sa burol na nasa di kalayuan sa may paanan ng bundok at lalo siyang napangiti nang makita kung gaano kaganda ang lugar na iyon. Sa pinakatuktok kasi ng burol ay mayroong isang malaking Flame Tree na ngayon ay namumukadkad ang mga naggagandahang mga bulaklak.   “It’s still beautiful as ever,” nakangiting bulong niya. Kapag umuuwi sila sa probinsiyang iyon noong bata pa lang siya ay mas pinipili niyang pumunta tuwing summer dahil namumulaklak lang ang mga punong iyon during summer. She always loves to see those trees in bloom. Hindi niya maintindihan but she loves those trees. It felt like she was connected to it or something was connecting her to that tree. Lalo na sa kaisa-isang punong iyon na nasa tuktok ng burol. Kaya naman noong bata pa lang siya ay madalas siyang tumatambay sa lugar na iyon.   Habang papalayo ang sasakyan nila sa lugar na iyon ay patuloy lang siyang nakatanaw at nakatingin sa naturang lugar. Inalis lang niya ang tingin doon nang tuluyan na niyang hindi matanaw iyon.   “We’re here.”   Ang sinabing iyon ng Dad niya ang pumukaw sa atensiyon niya. Nang ikalat niya ang paningin ay hindi na siya nagtaka at nagulat nang makitang ipinapasok na ng Daddy niya ang kotse sa nakabukas na gate ng malaki at medyo may kalumaan na ring bahay ng Lola niya. Lihim niyang pinag-aralan ang bahay. It’s been 7 years when she last visited the place. The wall is still made of bricks but according to her Dad, it was renovated by her aunt 5 years ago. Kaya naman ay nakakapagtakang ganon pa rin ang itsura ng bahay. Parang wala pa ring ipinagbago iyon maliban lang sa mga magagandang halamang nakatanim sa paligid ng bahay.   “I thought it was renovated Dad. But why does it looks the same?” nagtatakang tanong niya sa ama na kasalukuyang ginigising ang Mommy at Kuya niya.   “Yeah, the interior part was renovated. Ayaw kasing ipabago ng Lola mo ang exterior ng bahay kaya hinayaan na lang na ganyan. Kapag nandito ka sa labas, parang walang nagbago at mukha pa ring luma.”   Napatango-tango siya sa sinabi nito. Nauna na siyang bumaba ng kotse. Pagkalabas niya ay humahangos na lumabas ng bahay ang Tita Rubielyn Gregorio niya, ang nag-iisang kapatid ng mommy niya. Nakasunod dito ang asawa nitong si Tito Zoren at ang anak ng mga itong si Kuya Razie. Mugto ang mga mata ng tatlo at tila hindi pa nakakatulog ang mga ito.   “Good morning po,” bati niya sa mga ito at humalik sa pisngi ng tatlo.   “Good morning din hija.”   “Ate Ruby..” paos at nanginginig ang boses na tawag ng mommy niya sa kapatid nito. At bago pa man sila makapagsalita ay agad na nagyakapan ang dalawa at napahagulgol.   “Luisa, si Mama..”   Tila may kumurot sa puso niya nang sumampal sa kanya ang dahilan kung bakit sila biglaang umuwi sa lugar na iyon. Naluluhang inalis niya ang paningin sa dalawa. As of this moment, ayaw niyang umiyak. Tila hindi pa handa ang puso niya sa mga nangyayari. Tila hindi pa maabsorb ng utak niyang nasa kritikal na condition ang lola niya.   “May update na ba sa condition ni Mama?” narinig niyang tanong ng Daddy niya kay Tito Zoren.   “Wala pa bayaw. Tinawagan ko si Zaren kanina at ang sabi niya ay hindi pa raw siya nagkakamalay. Ang sabi ng doctor kahapon, kailangan pa niyang mag-undergo ng ilang tests ngayon,” sagot nito. “Ang mabuti pa, pumasok na tayo sa loob at nang makapag-agahan tayo,” yaya nito. Inakay ng dalawa ang kanya-kanyang asawa at habang naglalakad ang mga ito ay inaalo ng dalawang nakatatandang lalaki ang dalawang babae.   Matapos magbatian ang dalawang binata sa isa’t-isa ay nagtulungan ang mga itong ibaba ang mga gamit nilang nasa compartment. Nang makapasok siya sa bahay ay bahagya siyang napanganga nang makita kung gaano kaganda at kaenggrande ang loob ng bahay. The wall’s paint is white at halos lahat ng mga gamit na nasa loob ng bahay ay puro antics at mukhang mga mamahalin.   “Kumusta naman ang siyudad Zen?” tanong ni Kuya Razie habang pumapanhik sila sa hagdan dala-dala ang mga gamit nila. Iniwan na nila ang mga magulang nilang nag-uusap sa living room.   Ang dalawa ang magkaedad kaya naman ay close ang mga ito. They’re both 21 years old. Kuya Zaren is 23 years old, while she is just 18 years old.   “Okay naman.”   “Marami bang magagandang chicks?”   She rolled her eyes when she heard their conversation. Sa tatlong lalaking magpipinsan ay si Razie ang mukhang babaero. Pero kahit ganon ay madami pa ring nagkakagusto rito dahil gwapo ito at likas na palabiro. Kabaliktaran naman ito ni Kuya Zaren na hindi palaimik at mukhang seryoso. Ang Kuya naman niya ay combination ng dalawa. Minsan madaldal at palatawa ito sa mga ka-close nito pero madalas ay seryoso, suplado at maattitude ito sa iba.   “Marami rin pero karamihan inahin na,” tatawa-tawang sagot ng Kuya niya.   Napabuga siya. Naaalibadbaran at naiirita siya sa pinag-uusapan ng dalawa.   “Quit the conversation, it’s disgusting.” Naiiling na nauna na siya sa paglalakad at mabilis na lumayo sa mga ito. She doesn’t like to hear their conversation. Mukhang puro kalokohan lang naman ang mga iyon.   Mabilis siyang pumasok sa pinakasilid niya sa family house nilang iyon. Pagkapasok niya ay agad niyang inilibot ang paningin sa loob niyon. The room looked so new and clean. Mukhang palaging pinalilinisan iyon ng Lola at Tita niya. Ang hindi lang nagbago ay ang ayos ng mga gamit niya. Inilapag na niya ang dalang bagahe sa ibabaw ng kama at pagkuwa’y tinungo niya ang kinaroroonan ng terrace ng silid niya.   Nang buksan niya ang pintuan ay bumungad sa kanya ang sariwa at malamig na hanging pang-umaga. Inilibot niya ang paningin. Bahagya siyang napangiti nang makita kung gaano kaganda at kalawak ang kabukirang nasa harapan na natatamnan ng mga palay. Hindi pa rin nagbabago ang lugar na iyon. It’s still peaceful. Hindi pa kasi ganoon karami ang mga bahay kaya naman ay wala pang masyadong katao-tao sa lugar. At mula sa kinaroroonan niya nang mga oras na iyon ay tanaw na tanaw niya ang burol na may Flame Tree. Habang pinagmamasdan niya ang lugar ay hindi niya maiwasang mapangiti. It felt like she was being enchanted again by that place.   Ilang sandali pa’y nagpasya na siyang pumasok sa silid upang ayusin ang mga gamit niya. Pagbukas niya ng bagahe niya ay natigilan siya nang bumungad sa kanya ang kahon na natanggap niya mula kay Kuya Zaren kahapon. Nagtatakang dinampot niya iyon.   “What the hell? Why is it here?” nagtatakang tanong niya sa sarili at pilit niyang inalala kung siya ba ang naglagay niyon sa loob ng bag. Ilang sandali pa’y natiplak niya ang noo nang maalalang dahil sa pagmamadali at katarantahan niya sa pag-iimpake ay nailagay niya iyon kahapon. Naiiling na inilagay na lang niya iyon sa loob ng cabinet niya. “I’ll just put you here for the mean time. Tsaka ko na lang tatanungin si Kuya Zaren kapag okay na situation dito sa bahay. I’m sure kahit kulitin ko siya kapag nakita ko siya ay wala akong matatanggap na matinong sagot sa kanya.”  

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD