2 - The Ring

2979 Words
“HI NHARIE!”   Pagkababang-pagkababa ni Nharie sa sasakyan ay ang nakangiting mukha ni Euno ang bumungad sa kanya. Sa lahat ng lalaking miyembro ng orchestra ay ito ang kinaiinisan niya. Sa tuwing magkikita kasi sila ay wala itong ibang ginawa kundi ang magpacute at magpalipad ng hangin sa kanya.   Napabuga na lang siya at humarap sa Kuya Zen niya na kasalukuyang inaabot ang violin case niya. Ito kasi ang naghatid sa kanya sa Foundation kung saan sila tutugtog ngayon.   “Hi Kuya Zen!” nakangiting bati ni Euno sa Kuya niya at bahagyang sumilip sa bintana ng kotse ng Kuya niya.   “Stop calling me Kuya, you’re not my brother, as*hole.”   Pinigilan niya ang sariling matawa sa naging sagot ng Kuya niya. Hindi na siya nagulat pa sa naging reaction nito. He’s a protective brother. That’s why he always acts like that whenever a guy approaches her.    “Whoah! Mission failed! You didn’t pass dude!” Nagtawanan ang tatlong kaibigan ni Euno na pareho rin nitong tumutugtog ng saxophone.   “Paano ba ‘yan pre, bagsak ka na nga kay Nharie pati ba naman sa Kuya niya?”   “Shut up!” anggil nito sa mga kasama nito. “Lalambot din ang mga ‘yan sa karisma ko.”   Tinaasan ito ng kilay ng Kuya niya. “Wow, and you even have the guts to tell that to your friend while I am still here. You’re so full of yourself, cocky jack@ss. You can flirt with anyone but not my sister. Oh and by the way, just so you know, she’s out of your league. So obviously, you will never have her, keep that in mind.” Napanganga ang apat na lalaki sa kaprangkahan ng kapatid niya. “Nharie,” baling ng Kuya niya sa kanya.   “Yes Kuya?”   “Just call me when you’re done here. Mahirap na baka kung anong gawin sa’yo ng mukhang tukong iyan.”   “Yes Kuya, ingat ka, bye!” nakangiting sabi niya at hinalikan muna ito sa pisngi bago niya tuluyang isinara ang pinto ng kotse. Natatawang iniwan na niya ang apat na lalaking ngayon ay nakanganga na dahil sa sinabi ng Kuya niya. Nang makalayo siya ay agad na pinaharurot ng Kuya niya ang kotse nito at hinayaang magkandaubo ang apat sa usok at alikabok na iniwan nito.   “Is that Zen?” salubong sa kanya ni Ate Arvie habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ng Kuya niya.   If she’s not mistaken ay naging magkaklase ang dalawa noong high school ang mga ito kaya magkakilala ang mga ito.   “Yup.”   “He looked so pissed off.”   “Yeah, someone ruined his day.”   Natawa ito. “Is it because of those flirty saxophonists? Tsk! Hindi na ako magtataka.” Napailing-iling ito. Sanay na rin kasi sa kalandian ng apat ang ibang miyembro ng orchestra nila. “Sa tuwing magkakasama ang apat na saxophonists na ‘yan, nag-uumapaw sila sa kalandian. And every time they play their instruments together, geez, I can’t help but cringed,” nakangiwing sabi nito at niyakap pa ang sarili.   “Yeah right,” natatawang sang-ayon niya sa sinabi nito. “And I feel the same.”   Mabilis nitong ipinilig ang ulo. “Anyway, I think, we’re all here. So, let’s go inside,” yaya nito at tinawag na ang iba nilang mga kasama.   “Hindi ba’t mga senior members ng orchestra natin ang tumutugtog dito annually? Bakit tayo ang ipinadala nila ngayon?” nagtatakang usisa niya habang naglalakad sila papasok sa building ng nasabing foundation nang mga oras na iyon.   Ikinibit nito ang balikat. “Sabi ni Chairman Vasquez may sasalihan daw na orchestra concert ang mga seniors natin. They’re preparing for it. So tayo ang ipinadala ngayon para makapagfocus sila sa practice.”   Napatango-tango siya. Pagkapasok nila sa naturang building ay agad silang sinalubong ng may-ari at namamahala sa naturang foundation.   “Hello! Good morning! I am Hilda Smith, the owner of this foundation. And this is my husband, Gregory Smith. You must be Miss Lopez?”   Nakangiting inabot ni Ate Arvie ang pakikipagkamay ng dalawa.   “Hello po! Yes po, I’m Arvielle Lopez, the president of Junior High Key Symphony Orchestra. I’m glad to meet you po. And we are very happy to be here.”   “Come on, let’s go inside. You know, sabik na sabik ang mga lolo’t lola natin sa mga ganitong events,” nakangiti at excited na yaya ng ginang. “For sure ay magi-enjoy sila sa araw na ito.”       “AWW.. My shoulders and arms hurt,” nakangiwing daing ni Nharie habang hinihimas at minamasahe ang sariling mga braso. Napabuga siya at dinampot ang mineral bottle sa table na nasa harapan. Halos ay dalawang oras kasi silang tumugtog sa hall ng nasabing foundation. At nang mga oras na iyon ay nagpapahinga na sila at kumakain kasama ang mga matatanda.   “Gusto mo i-massage kita?”   Muntik na niyang maibuga ang iniinom na tubig nang biglang sumulpot si Euno sa tabi niya. She gave him a deadly glare.   “No thanks, I can handle it. Hindi pa naman paralisado ang mga kamay ko para humingi ng tulong sa’yo.”   “Ang sungit mo talaga.” Napailing-iling ito. “Actually, ako rin, medyo masakit na ang panga ko,” anito at bahagyang hinimas-himas ang sariling panga. “Wala na kasi akong ibang ginawa kundi ang mag-blow.”   “No wonder lumaki ang panga mo,” bulong niya. Nasamid ang katabi niyang si Ate Arvie sa sinabi niya. Halos ay magkandaubo na ito habang sinusuntok ang sariling dibdib. “Ate, ang tubig iniinom, hindi sinisinghot.”   “Can you blame me?” natatawa bagama’t ay umuubo pa ring sagot nito. “My god! Magkapatid talaga kayo ni Zen. Pareho kayong maattitude.”   Ikinibit niya ang balikat. “It runs in our blood.”   “At proud ka pa?”   “Of course.”   “Ano? May sinasabi ka?” tanong ni Euno at nilinga siya. Mukhang hindi nito narinig ang naging pag-uusap nila ni Ate Arvie.   “Wala, ang sabi ko, buti hindi ka naubusan ng hangin sa baga,” sagot niya.   “Wait lang, ayoko munang uminom, baka birahan mo na naman ‘yan,” natatawang bulong sa kanya ni Ate Arvie. “Baka hindi lang singhot ang gawin ko. Ayoko pang matuluyan bebe.”   Bahagya siyang natawa sa sinabi nito.   “Kung maubusan man ako ng hangin sa baga, siguro naman ay isi-CPR mo ako,” hirit pa ni Euno.   Tumalim ang mga mata niya sa narinig. “Ikaw? Isi-CPR ko?” ulit niya.   “Yeah,” nakangiting sabi nito at kumindat pa sa kanya.   Pakiramdam niya’y nanindig ang mga balahibo niya sa katawan sa ginawi nito. Nag-iinit ang ulong dinampot niya ang tinidor sa mesa. Pagdating talaga sa lalaking ito ay ang bilis niyang ma-highblood.   “Eh kung tuluyan na kaya kitang hayop ka at nang tuluyan ka nang maubusan ng hangin sa katawan?”   “I’m just joking!” Dahil sa takot ay mabilis pa sa alas-kwatrong kumaripas ito ng takbo palayo sa kanya.   “Relax girl!” natatawang tinapik siya sa balikat ni Ate Arvie.   Napabuga siya. “Hinahigh-blood talaga ako sa lalaking ‘yon. Can’t he read between the lines? I don’t like him. Darn it! Kailan ba niya ako titigilan?”   Natawa ito. “Don’t mind him. Kung papansinin mo siya, lalo ka lang maistress. Just ignore him.”   Muli siyang napabuga. “Hindi na ba tayo tutugtog Ate?”   “Yeah, tapos na.”   “Can I go home na?” Naisip niyang mas mabuti siguro kung uuwi na siya. Baka kasi bigla na namang bumalik ang Euno na ‘yon at lalo lang masira ang araw niya.   “Yeah, sure.”   “Sige, mauna na ako Ate,” paalam niya. Humalik muna siya sa pisngi nito bago siya tuluyang naglakad palayo dala ang backpack at violin case niya.   “Sige, ingat Nharie. Just call or text me if nakauwi ka na.”   Isang kaway lang ang isinagot niya sa sinabi nito. She immediately texted her brother.   Tinatahak na niya ang kahabaan ng hallway nang ilang sandali pa’y magawi ang tingin niya sa bintana kung saan ay tanaw ang garden. Bahagyang kumunot ang noo niya nang makita ang isang matandang lalaki roon. Nakaupo ito sa bench habang pinapanuod ang mga paru-parong dumadapo sa mga bulaklak ng mga halamang nasa harap nito.   Tila may malakas na pwersa ang nagtutulak sa kanyang puntahan ito. And right there she just found herself being carried away by that force.   “Lolo?”   Bahagyang sumulyap sa kanya ang matanda. His body is thin. He has a little amount of white hair on his head. He must be on his 80’s. Sa kabila ng kulubot na balat nito ay sigurado siyang gwapo ito noong kabataan nito. Sa kabila ng katandaan nito ay mukhang hindi pa naman yata masyadong malabo ang mga mata nito. He must be blessed to be healthy like that at his age.   Hindi niya maintindihan. But by just staring at him, it felt like there’s something strange in him that she can’t name nor explain. His presence can make anyone feel safe and calm. His aura is so overwhelming.   “Bakit mag-isa po kayo rito?” usisa niya at umupo sa katabi nitong bench. “Nagkakasayahan po sila sa loob.”   “Gusto ko lang mapag-isa hija,” sagot nito at ibinalik ang paningin sa mga paru-paro.   “Kanina pa po ba kayo rito?” Tumango ito sa tanong niya. “Eh di hindi niyo po napanuod ang performance namin?”   “Mas gusto kong manatili rito hija.”   Napatango-tango siya sa sinabi nito. ‘This place must be his sanctuary.’   Ikinalat niya ang paningin sa paligid. At hindi niya maiwasang mapangiti nang makita kung gaano kaganda ang garden na iyon sa dami ng mga bulaklak na naroon. Idagdag pang napakatahimik ng lugar na iyon.   ‘No wonder mas gusto niyang manatili rito.’   “Matagal na po ba kayo rito sa foundation?” usisa niya. She just wanted to kill the time while waiting for her brother to arrive. “Wala po ba kayong mga anak or kamag-anak na pwedeng mag-alaga sa inyo?”   Napatingala ito sa kalangitan. “Wala hija, mag-isa na lang akong nabubuhay sa mundo ngayon. Pumanaw na ang kaisa-isang babaeng minahal ko buong buhay ko ilang dekada na rin ang nakalilipas. Nang mawala siya’y hindi na ako nagka-interes pang magka-asawa.” Bakas ang matinding kalungkutan sa boses nito. At hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot at awa rito nang dahil doon. “Hanggang ngayon ay akin pang naaalala at malinaw pa sa aking isipan ang mga nangyari, noong mawala siya sakin ay hindi ko iyon matanggap nang lubusan. Sinubukan kong tanggapin ang katotohanan pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang tanggapin na wala na siya kaya sa loob ng ilang dekada ay sinubukan kong mabuhay na tila ba ay kapiling ko pa rin siya. Pilit kong pinaniwala ang sarili kong buhay siya at kasama ko siya para maging masaya ako. At ang simpleng kasiyahan kong iyon ay itinuring akong nasisiraan ng bait ng marami. Mga kaibigan, kamag-anak, halos lahat ng nakakakilala at nakakakita sakin ay hindi man lang inintindi ang hirap at kalungkutang nararamdaman ko. Dahil imbes na unawain nila ako ay hinusgahan nila ako at nilayuan na tila ba ako’y may nakakahawang sakit.” Napangiti ito nang mapait na tila ba ay may naalala ito sa nakaraan nito.   “Being judgmental is a human’s nature. We can’t do anything about that Lolo.”   Napatango-tango ito sa sinabi niya. “Maniniwala ka ba sakin kapag sinabi kong buhay siya? Na nakakausap at nahahawakan ko siya kahit sa paningin ng iba ay patay na siya?”   Hindi niya napaghandaan iyon kaya hindi siya agad nakasagot sa tanong nito. She didn’t saw that coming. Dahil na rin siguro sa awa ay minabuti na lang niyang manahimik at huwag sagutin ang tanong nitong iyon. She doesn’t want him to feel lonely and alone by her judgment.   Napangiti ito nang malungkot sa pananahimik niya. “Siguro nga ay nababaliw na ako.” Inabot nito ang bulaklak at naluluhang hinaplos iyon. “Alam mo bang mahilig siya sa bulaklak?”   “Kaya po ba palagi kayong nandito?”   “Oo hija, dahil sa mga panahong natanggap ko nang wala na siya, sa haba ng panahong pagkakakulong ko sa kahibangang tinatawag ng marami ay tanging mga bulaklak na lang ang nakakapagpaalala sakin ng tungkol sa kanya. Habang tumatagal ay unti-unti nang nabubura sa alaala at isipan ko ang masasaya at magagandang alaala niya. At ang tanging naiiwan sakin ay ang sakit at kalungkutan ng aking pag-iisa nang ako ay iwan niya.”   Pakiramdam niya’y tila may dumagan sa dibdib niya sa narinig. Pasimple niyang pinunasan ang namumuong luha sa mga mata niya. She never felt empathic on anyone before. Ngayon lang. Hindi niya maintindihan, but there’s really something in him that can move anyone’s emotions. It seems like she can feel all his burdens in those years. Huminga siya nang malalim upang paginhawain ang sarili.   “Gusto niyo po bang alayan ko kayong dalawa ng isang musika?” She know how powerful music is. Alam niyang ayaw pa rin ng matandang bitiwan ang alaala nito sa babaeng mahal nito. And she knew, music can help him remember her. By doing that, he would be able to remember, grasp and embrace their happy memories together. Kahit ngayon lang. Iyon din naman ang isang dahilan kung bakit naroon silang mga musicians ngayon. To make them happy.   “Maaari ba hija?”  “Opo,” mabilis niyang sagot at nakangiting inilabas niya ang violin sa case. Ilang sandali pa’y sinimulan na niyang tugtugin ang kantang Love Story ni Andy Williams. Habang tumutugtog siya ay nakangiting ipinikit ng matanda ang kanyang mga mata na tila ba kasabay ng pagdinig nito sa musika ay naglalakbay ang isip at diwa nito sa nakaraan.   ‘I wanted him to hear this song for him to remember how he felt when he first met her. I wanted him to remember the sweet love story they had shared together.’   Nang matapos niyang tugtugin iyon ay sunod niyang tinugtog ang My Heart Will Go On ni Celine Dion.   ‘Now, I wanted him to listen to this song for him to remember how powerful and true his love towards her. That even if they’re world apart, his love for her will never fade nor die, not even once. That even if she’s already gone, he still continued on loving her with all his heart.’   Nang matapos siyang tumugtog ay nakangiting pinahid ng matanda ang mga namuong luha sa mga mata nito.   “Maraming salamat hija. Ang unang tinugtog mo ay isa sa mga pinakapaborito niyang kanta. Naalala ko noon ay madalas ko siyang alayan ng awiting iyon.” Habang nagkukwento ito ay may ngiti sa mga labi nito. Bakas din sa mga mata at mukha nito ang matinding kasiyahan. “Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Muli ko na naman siyang naalala, ang ganda niya, ang mga ngiti at halakhak niya, mga katangian niyang kinagiliwan ko. Masaya ako dahil muli kong naalala ang lahat ng iyon, mga alaalang babaunin ko hanggang sa huling hininga ko. Maraming salamat hija.”   “You’re welcome po, Lolo.”   Ilang sandali pa’y may dinukot ito sa bulsa nito. Mula roon ay inilabas nito ang isang puti at may kalumaan na ring panyo. Binuklat nito iyon mula sa pagkakatupi. Ilang sandali pa’y dinukot nito ang isang bagay roon.   “Nawa’y tanggapin mo itong aking munting regalo hija bilang pasasalamat ko sa’yo sa ginawa mo ngayon.”   “Naku, huwag na po Lolo,” tanggi niya. Base na rin kasi sa pagkakatago nito sa bagay na iyon ay alam niyang mahalaga at pinakaiingatan nito iyon.   “Sige na hija, alam kong malapit na rin kaming magkapiling ni Angelina. At gusto kong ipamana ito sa’yo. Wala na rin naman akong ibang mapagbibigyan nito. Kaya tanggapin mo na, bilang pasasalamat na rin sa pag-unawa at pakikinig mo sa aking kwento na kinalimutan na rin ng iba.”   Dahil sa sinabi nito ay napahinuhod siya nito. “S-Sige po.” Iniumang niya ang palad upang tanggapin iyon. Inilapag nito iyon. Bahagya siyang natigilan nang makita kung ano iyon. “It’s an infinity ring.” Pinakatitigan niya iyon. “It’s kind of unique though. Maybe it’s because of the materials used or maybe because of its color.” Kulay pula kasi iyon. Sa totoo lang ay ngayon lang siya nakakita ng ganoong klase ng singsing.   Nakangiting tumango ito. “Kakaiba ang singsing na iyan. Gawa iyan sa kulay pulang kwerdas.”   Napatango-tango siya. “It’s cute. I’ll keep it po Lolo. Maraming salamat po,” nakangiting pasalamat niya. Halos ay hindi na niya matanggal ang tingin sa pagkakatitig sa naturang singsing. It felt like she fell in love with it the first time she laid her eyes on it. At habang tumatagal ay lalo lang niyang nagugustuhan ang singsing na iyon. Nakangiting isinuot niya iyon sa palasingsingan. At napangiti siya nang makitang bumagay iyon sa daliri at kamay niya. “It’s really cute. I like it so much.”   “Mabuti naman at nagustuhan mo hija.”   Mabilis niyang dinukot sa bag ang cellphone nang tumunog iyon. Her brother is calling.   “Hello Kuya?”   “Where are you? I’m already outside the building.”   “Sige Kuya, papunta na ako r’yan.” Matapos niyang kausapin ang kapatid ay hinarap niya ang matanda. “Nasa labas na po ang sundo ko. Alis na po ako Lolo, maraming salamat po sa oras niyo at sa singsing na ‘to.”   “Sige, mag-iingat ka hija, nawa’y pagpalain ka ng Diyos.”   “Bye po!” masayang paalam niya ay tumalikod na. Nang may maalala siya ay nilingon niya ito. “Ako nga po pala si Nharie. Kayo po? Ano pong pangalan niyo?”   “Marshal hija.”   Napangiti siya sa narinig na pangalan. “Marshal, a name that means to guide. What a wonderful and meaningful name. Sige po, mag-iingat po kayo Lolo. I hope to see you soon next na pagpunta ko rito Lolo Marshal.”   Isang ngiti ang isinagot nito sa sinabi niya. Akmang hahakbang na sana siya nang magsalita ito.   “May nakalimutan pala akong sabihin sa’yo hija.”   “Ano po iyon?”   “Kayang baguhin ng singsing na ‘yan ang kapalaran mo. Sa oras na hindi mo na alam ang gagawin mo, puntahan mo ako rito hija.” Ngumiti ito sa kanya. “Hihintayin ko ang pagbalik mo.”   Bahagyang kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Gusto niyang mag-usisa ngunit nang marinig niya ang muling pagtunog ng cellphone niya ay nagkibit-balikat na lang siya.   “Sige po Lolo, alis na po ako.” Tumakbo na siya at nagmamadaling tinungo ang gate. Mabilis siyang pumasok sa sasakyan ng Kuya niya. Nang makasakay siya ay pinausad na ng Kuya niya ang kotse.   Habang binabagtas nila ang kahabaan ng kalsada ay itinaas niya ang kamay upang takpan ang sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Noon dumako ang tingin niya sa suot na singsing. With the help of the sun’s light, the ring looks like glowing.   “Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Lolo Marshal sa sinabi niya. Are you some kind of a magic ring?” Bahagya siyang natawa sa sinabi niya. “I must be out of my mind to believe that.”   Habang pinagmamasdan niya ang singsing na kumikinang at umiilaw nang mga oras na iyon ay naalala niya ang kwento ni Lolo Marshal.   “They fell in love at the right place and time, but not at the right lifetime,” bulong niya sa sarili. “Sometimes, there are right things and feelings that are not meant to be at all. Fate must be cruel sometimes.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD