bc

Meet Me Halfway

book_age16+
48
FOLLOW
1K
READ
time-travel
fated
goodgirl
instrumentalist
drama
tragedy
bxg
mystery
small town
supernatural
like
intro-logo
Blurb

“I will never let you waste your life Ryu. I know, we met for a reason. And maybe that reason is for me to help you live. I swear, the moment you decide to take your life, I will come to save you. I will save you not just once or twice. But I will save you as long as I am alive.”

Nharie came from a well-known family. She’s an intelligent and talented girl who loves to play musical instrument. Aspiring to become a famous musician, she’s looking forward to spend her summer vacation at a musical school.

But even before her summer vacation start, she received an old beautiful ring from an old man she met at the Home of the Aged Foundation. And at the same day, her family received a call coming from the province, telling that her dear grandmother from the province was admitted at the hospital and she’s at a critical condition.

And there, she accidentally met and saved Ryu, a guy who was attempting to commit a suicide due to his family problems and emotional stress. And eventually both of them fell in love while helping each other to overcome their fears. Little did they know a mystery plays a vital role on their coincidental meetings.

Will they be able to find the mystery hidden behind their fates? Will they be able to fight for each other despite their differences? Or will they just give up their love and move on with their life like they never met each other?

chap-preview
Free preview
1 - Her Dream
“NHARIE!”   Napangiwi si Nharie nang marinig ang malakas na sigaw ng matalik niyang kaibigan na si Liana. Hindi na siya nagtaka nang makitang napalingon dito ang ilan sa mga estudyanteng nakapaligid sa kanila nang mga oras na iyon. Nakataas ang kilay ay nakapamaywang na lumingon siya sa kanyang likuran upang harapin ang matalik na kaibigan.   “What the hell Liana Jade Santos! You’re too noisy.”   Tatawa-tawang lumapit ito sa kanya. “Hindi ka pa ba nasanay sakin?”   Naiiling na nagpatuloy siya sa naudlot na paglalakad. “We’ve been friends since high school. Kaya sanay na ako sa mala-wangwang mong bunganga kaso it’s kinda embarrassing you know.”   “Grabe ka! Sa dinami-dami ng bagay sa mundo wangwang talaga ang napili mong ihalintulad sakin?” nanlalaki ang mga matang itinulak siya nito.   Bahagya siyang natawa sa reaksiyon nito. “Ayaw mo? Sige, sirena na lang ng bumbero.” Humaba ang nguso nito sa sinabi niya.   “Duh! Pareho lang naman ‘yon!” reklamo nito.   “Fine, armalite na lang.”   “Kainis ka talaga! Napaka-bully mo!”   Natatawang nagpatuloy siya sa paglalakad. Nang mga oras na iyon ay pauwi na sila dahil tapos na ang klase nila para sa semester na iyon.   Umakbay ito sa kanya. “Anyway, nakuha mo na ba ang mga grades mo?”   “Yup.”   “Patingin nga ng grades mo!” Bago pa man siya makasagot ay hinablot nito ang envelope na hawak niya at tiningnan ang mga classcards niya na nasa loob niyon.   “Hindi ka lang wangwang at sirena ng bumbero, pwede ka na rin maging snatcher,” naiiling na sabi niya. Hindi nito pinansin ang sinabi niya. Nagpatuloy ito sa pagkalkal ng mga classcards niya. Ilang sandali pa’y nanlalaki at namimilog ang mga matang napatitig ito sa mga hawak na classcards niya.   “Wow ang tataas ng grades, puro uno. Iba na talaga kapag matalino.”   “Eh ikaw kumusta naman ang grades mo?”   Bumagsak ang balikat nito sa tanong niya. “Puro tres, tapos may dalawa akong singko.”   Natatawang napatingin siya sa kaibigan. “Seriously? You’re dead meat. For sure ay sesermunan ka na naman ni Tito Leandro.”   Ilang beses na itong pinagalitan ng Dad nito dahil sa mga grades nito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natututo. Honestly, hindi naman talaga ito mahina pagdating sa academics. Sadyang may pagkatamad lang talaga ito. Sa pagkakaalala niya ay ilang beses na itong napunta sa detention dahil nahuhuli ito ng professor nitong natutulog sa klase.   “No doubt. Baka hindi lang sermon ang aabutin ko.” Naluluhang iniabot nito sa kanya ang envelope.   “Goodluck Liana.” Natatawang tinapik niya ang balikat ng kaibigan.   “Salamat ha. Napakasupportive mo talaga,” she sarcastically said and rolled her eyes. “Well, hindi ko na kasalanan kung bakit ganito ang grades ko. Alam naman nilang from the very start, I’m not fond of my course. Business management? My foot! Mas gusto kong humawak ng baril at makipagbakbakan sa mga criminal.”   Napailing-iling siya sa sinabi ng kaibigan. Liana took that course because it’s her parents’ choice. Well, naiintindihan naman niya ang dahilan ng parents nito. Being a policewoman is too much responsibility to handle. And worse, baka manganib pa ang buhay nito.   “Buti pa ikaw, nagagawa mo kung ano ang gusto mo.” Nakasimangot at naiiyak na sumabay ito sa paglalakad niya. “At some point ay hindi ko maiwasang mainggit sa’yo. You have your own freedom to choose what you want. Minsan, parang gusto ko na talagang magrebelde sa kanila. Kasi sa totoo lang, nasasakal na ako sa sobrang kahigpitan nila. Ni hindi man lang nila iniisip ang nararamdaman ko.” Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli na naman itong naglabas ng mga hinanaing nito sa buhay.   At some point ay nakaramdam siya ng awa rito dahil sa mga pinagdadaanan at nararamdaman nito. Magkaiba sila ng kursong kinukuha. Magti-third year na sila sa susunod na pasukan. Liana is taking up Business Management, while she’s taking up Education major in Music. Honestly, she loves music. So most of the time, she spends her time composing songs and playing musical instruments like guitar, piano, cello and violin. She’s an aspiring musician who wants to change people in a good way through her music.   “If you do that, what do you think will happen? May maidudulot ba siyang maganda? And worst, sa tingin mo, sino ang mahihirapan?” Bahagya itong natigilan sa tanong niya. “You know Liana, sometimes, it’s too easy to be carried away by our emotions and do things that will make us feel better. And sometimes, akala natin, iyon na ang tamang gawin. But little did we know, we’re just making the situation worse than ever. We’re just creating another problem that will hurt other person. Imagine that? You will rebel just to make yourself better for a short period of time and then you’ll suffer after that and then regret it for the rest of your life.”   Napabuntong-hininga ito sa sinabi niya. “Alam mo, at some point, masaya ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang kagaya mo na handang sabihin sakin kung ano ang tama at mali. Ginigising mo ako sa kahibangan ko. Alam mo ba, minsan napapadasal ako at nagpapasalamat sa Panginoon na ipinakilala ka niya sakin. I’m so blessed to have you,” naluluha at madamdaming sabi nito.   Napapailing na lang siya sa kadramahan ng kaibigan.   “Quit the drama Liana. Hindi mo bagay ang maging best actress.”   Liana rolled her eyes. “At alam mo, nakakainis ka rin minsan. Minsan supportive ka, at madalas kontrabida.”   Natawa siya sa sinabi nito. “Anyway, anong balak mo sa summer?” pag-iiba niya sa usapan.   Kumislap ang mga mata nito sa tanong niya. “Gusto kong magtour!”   “That’s not possible Liana. Quit dreaming that.”   “And why not?” Tinaasan siya nito ng kilay.   “May bagsak ka hindi ba?” natatawang paalala niya.   “Aish! Oo nga pala.” Natiplak nito ang noo. “I need to attend summer class because of those effin failed subjects. Darn it.” Napabuga ito. Sa hilatsa ng mukha nito ay tila pinagbagsakan ito ng langit at lupa. “How about you? Anong gagawin mo sa summer?”   Nakangiting nagpatuloy siya sa paglalakad. “I am planning to take musical class.”   “Seriously?” Pinanlakihan siya nito ng mga mata. “Music na naman? Hindi ka ba nagsasawa sa music na iyan? Ang boring ng buhay mo. Wala ka bang balak magka-love life? Subukan mo kayang lumablayp nang maiba naman ang takbo ng buhay mo? Sa lahat ng kakilala ko, ikaw na lang ang walang boyfriend. Wala ka bang kainte-interes sa mga lalaki?”   Kinunutan niya ito ng noo. “Why all of a sudden love life na ang topic natin?” nagtatakang tanong niya. “Wait, don’t tell me may lalaking pumatol sa’yo?”   “What the hell Nharie Louise? Pumatol talaga ang term? Hindi ba pwedeng nahulog lang sa mala-diyosang kagandahan ko?” anito at hinaplos ang sariling mukha.   Maganda naman ang kaibigan niya. May pagkaweird nga lang ito ng kaunti. Paiba-iba kasi ito ng kulay ng buhok. Minsan closed clothes and suot nito, minsan naman ay revealing. Minsan ay gusto na niyang isiping nababaliw na ito. Dahil sa pabago-bago nitong fashion style ay napagkakamalan na rin ito ng iba na may multiple personality disorder ito.   “Baka mala-disgrasyang kagandahan,” natatawang pang-aasar niya.   “Anong sabi mo?”   “Ang sabi ko ang ganda mo. Pero mas maganda ka sana kung natural ang ayos mo.”   “Hay naku! Ilang beses ko bang sasabihin sayong normal na sakin ang paiba-iba ang fashion style.” Napahinto siya sa paghakbang nang harangan siya nito at walang babalang hinawakan siya nito sa baba. “Look at me! Titigan mo ang kagandahan ng diyosang nasa harap mo.”   Napabuga siya at pagkuwa’y pinalis ang kamay nito.   “Oo maganda ka, pero hindi ka diyosa.” Naiiling na nagpatuloy siya sa paglalakad.   “Kontrabida ka talaga kahit kailan.” Muli itong sumabay sa kanya.   She just rolled her eyes. “Bahala ka sa buhay mo. So, saan at papaano mo naman nakilala ang lalaking sinasabi mo?”   Lumiwanag ang mukha nito sa tanong niya. At ilang sandali pa’y nagsimula na itong magkwento tungkol sa lalaking nakilala nito sa f******k.   Naalarma siya sa nalaman lalo na at alam niyang marami at uso na ang manloloko ngayon sa social media.   “My goodness Liana! Sa dinami-daming lalaki sa mundo, sa f******k pa talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya at marahan itong niyugyog. She doesn’t want her friend to get hurt.   Malawak ang ngiti at tila nakalutang sa alapaap na napatango ito. “Oo friend. Feeling ko talaga siya na ang ka-forever ko.”   “Forever? Are you crazy? Ni hindi mo pa nga namimeet iyang lalaking iyan! Malay mo, poser lang pala ‘yan. Don’t conclude too much Liana! Or else you’ll only get hurt afterwards. Bakit hindi si Pedro na lang ang boyfrienden mo?”   Tumaas ang kilay nito. “Pedro? As in yung kababata kong hindi naliligo? Yuck naman! Jusko! Kung siya, huwag na lang!” nandidiri at nakangiwing sabi nito.   “Why not? Eh sa pagkakaalala ko, may gusto siya sa’yo. Tsaka isa pa, malay mo, naliligo na siya ngayon.”   “Kahit magunaw na siguro ang mundo, hindi ko lalapitan ang animal na ‘yon,” nakairap na sabi nito. “No way! Over my dead body!”   Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. She can’t blame her. May pagkabully kasi ang lalaki.   “Anyway, balik na tayo sa nameet ko sa f******k,” kinikilig at nagniningning ang mga matang pag-iiba nito.   “Huwag ka nang mangarap. Walang forever.”   “Wow, maka-forever ka diyan akala mo nasawi ka sa pag-ibig.” Isang tawa ang isinagot niya sa sinabi nito. “Anyway, whatever friend. Sobrang hulog na hulog na talaga ako sa kanya. Yung mga ngiti niya. Yung mga titig niya sakin, hindi ko maiwasang mainlove sa kanya. Ang gwapo-gwapo niya. Iihh!”   Nakangiwing tinakpan niya ang tainga nang bigla itong tumili.   “Alam mo, ang tanga mo. Ang sarap mong iuntog sa pader.” Naiinis na napasabunot siya sa sariling buhok. “Ano bang pangalan ng lalaking iyan, nang maichat at mabalatan ko.”   “His name? It’s Lee Min Ho.”   “Letse!” sa sobrang inis niya ay isinampal niya sa mukha nito ang envelop na hawak niya. “Bwiset ka!”   Napabunghalit ito ng tawa sa reaction niya. “I was just kidding you know.”   “Tss! Baliw! Ang lakas ng amats mo.” She rolled her eyes. Naiiling na nagpatuloy siya sa paglalakad at iniwan ang kaibigang halos ay mamatay na sa kakatawa. “Sige itawa mo lang ‘yan. Magsaya ka. Isinusumpa ko talagang si Pedro ang makatuluyan mo.”   “Ang bad mo! Sa iba mo na lang ako isumpa, huwag na siya parang awa mo na.” Naiinis na itinulak siya nito na ikinatawa niya. “Anyway, back to our topic. So, kailan mo balak magkaboyfriend? Or bakit hindi mo na lang pagtuunan ng pansin yung kasama mo sa orchestra niyo na laging nagpapapansin sa’yo?” tanong nito at muling umagapay sa paglalakad niya.   Bahagya siyang napangiwi nang maisip kung sino ang tinutukoy nito. “Sino? Si Euno? He’s not my type. And one more thing, he’s a flirt. Kaya huwag na lang.” Ikinibit niya ang balikat. “As of now, wala pa akong balak magka-boyfriend. I want to focus on my music career.”   “Tss! Porke maganda ka na at ang daming nagkakagusto sa’yo naging choosy ka na,” nakairap na palatak nito. “Eh paano kung bigla na lang dumating ang destiny mo? Anong gagawin mo? Will you pursue him? Or will you let him go just because of your music career?”   Ikinibit niya ang balikat sa tanong nito. “Ayoko munang isipin ang ganyan kakomplikadong bagay Liana.”   Napailing-iling ito sa sagot niya. “You are not prepared, are you?”   “I think so.” Muli niyang ikinibit ang balikat.   “My grandmother once told me that we meet the right person in an expected place and time. So, you should remember that too Nharie. I hope, if that time comes, you’re ready and strong enough to choose what’s right for you.”       “HELLO dad, mom, I’m home,” nakangiting bati ni Nharie sa mga magulang na naabutan niyang nanunuod ng news sa TV nang hapong iyon sa malawak na living room ng mala-mansion nilang bahay. Humalik siya sa pisngi ng mga ito.   “Hello sweetie. How’s your last day in school for this second semester?”   “It’s okay as usual mom. By the way,” aniya nang maalalang nasa kanya na ang classcards niya. “I already have my classcards.” Iniabot niya ang hawak na envelope sa mga ito.   “Really? So, how’s it?” nakangiting tanong ng mommy niya at excited na kinuha mula sa kanya ang envelope upang tingnan ang grades niya.   Nakangiting umupo siya sa pang-isahang sofa na katabi ng kinauupuan ng mga magulang. Habang isa-isang tinitingnan ng mommy niya ang mga classcards niya ay nakangiting nakasilip naman ang Dad niya sa mga iyon.   “I’m so proud of you baby,” masaya at tila proud na proud na sabi ng Dad niyang si Narzen at binigyan siya ng isang yakap at halik sa buhok. Sunod na yumakap sa kanya ang ina niyang si Luisa.   “I’m so happy for you sweetie.”   “So tell us, what is your wish today? Do you want something?”   Napangiti siya nang malapad sa tanong ng mga ito. Actually, she made a deal with her parents 3 years ago. If her GPA at the end of each semester is 1, they will grant her wish. All her previous wishes were all about her hobby and music career, like buying her musical instruments. But now, she wanted to do something to reach her goal.   “I want to spend my vacation in a music school this summer.” Plano niyang mag-aral ngayon upang lalong linangin ang kakayahan at kaalaman niya sa musika.   “You want to enrol in a music school this summer?” ulit at paninigurong tanong ng Dad niya.   Tumango siya. “Yes, dad.”   “What about your musical organization? Are you going to quit?”   Kabilang kasi siya sa isang musical orchestra organization, ang High Key Symphony Orchestra. And karamihan sa mga miyembro niyon ay college students kagaya niya, kaya madalas ay saka lang siya nagiging active during summer vacations.   “I can do it at the same time.”   “Are you sure about that?” nag-aalalang tanong ng mommy niya. “Hindi ka ba mai-stress diyan anak?”   “I’m fine, I can do it.”   Napabuntong-hininga ang mga ito sa sinabi niya. “Okay fine, basta just in case if you have a problem, just tell it to us.”   “Yes dad.”   “Okay then, wish granted. Just tell us where. We will enrol you right away.”   “Yes! Thank you Dad, mom!” tuwang-tuwang pumalakpak siya. Dahil sa matinding tuwang nararamdaman ay niyakap niya ang mga ito at hinalikan ang mga ito sa pisngi. “I love you!”   “So, saang music school ang gusto mo?”   “I want Grand Octave’s Music School.”   “Okay, copy that,” nakangiting sabi ng Dad niya.   “Thank you so much!” Tuwang-tuwa at walang-pagsidlan ng tuwang pumanhik na siya sa hagdan. Pagpasok niya sa silid niya ay nag-ring ang cellphone niya. Mabilis niyang sinagot iyon nang makitang si Arvie ang tumatawag. She’s the president of the High Key Symphony Orchestra in Junior Level.   “Hello Ate Arvie?”   She met Arvie when she entered high school, may banda ito noon at president ito ng Music Club. She joined the club at nang makita nitong may potential siya ay inalok siya nitong sumali sa High Key Symphony Orchestra.   “Hi Nharie! Summer vacation niyo na hindi ba?”   “Yep.”   “Are you free tomorrow?”   “Yeah, I’m free tomorrow Ate.”   “That’s good to hear. Favor naman bebe, baka naman pwedeng ikaw na muna ang pumalit kay Hanah? Naospital kasi yung anak niya kaya hindi siya makakapunta. Kulang ng isa pang violinist eh.”   “Yeah sure Ate, no problem. So, saan tayo tutugtog bukas?”   “Sa Home for the Aged Foundation.”   “Okay Ate, just send me the address, and the details of the songs we’re going to play. I’ll be there tomorrow.”  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
327.5K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.8K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
828.3K
bc

Contract - Tagalog

read
756.9K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook