Chapter 10

2250 Words

"Sabrina!... Sabrina!....'' tawag ni Nikki sa pangalan ko na sinabayan pa niya ng pagtawa na animo'y nababaliw na. ''Nand'yan na ako, Sabrina..." Kahit halos mapasigaw na ako dahil sa sakit na aking nararamdaman dahil sa paa kong sobrang sakit na ay pinilit ko pa ring bilisan ang aking lakad. Napapaiyak na lang ako dahil sa nararamdamang takot sa tuwing makikita ko sa aking isipan ang mala demonyong ngiti ni Nikki sa akin. Maging ang talas at talim ng mga tingin niyang halos patayin ako ay ikinanginginig ng aking buong katawan. Hilam man sa luha at hirap sa pagtakbo ay nabuhayan ako ng loob nang makitang malapit na ako sa elevator. ''God! God!'' desperada ng sambit ko habang sunud sunod ang pindot sa button ng elevator. ''Please! Please!" nanginginig na saad ko ngunit wala talaga, ayaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD