Napatingin sa kalendaryo si Ruthie at lihim na napatili. Isang buwan na silang magkasintahan ni Luther, at sobrang saya niya sa relasyon nila. Dama niyang ibinubuhos ng binata ang lahat ng kaya nito upang matutunan nitong maayos na tugunin ang damdamin niya. Ni hindi nito binabanggit si Anemone, at kapag magkasama sila ay sa kanya lang nito itinutuon ang buo nitong atensyon at oras. Kaya kahit nakakatakot umasa ay ganoon na nga ang ginagawa niya. She was hoping and praying so hard that Luther would finally learn to love her back… very soon. Para gawing mas espesyal ang unang buwan nila ay nais niya itong sorpresahin. Matagal na niyang pinag-isipan ang dapat na gawin para sa mahalagang araw nilang iyon. Mamayang hapon pagkatapos ng klase nito ay iimbitahan niya ito sa talampas. Ngayon ay b