CHAPTER 33

1724 Words

Nasa pantry si Ruthanya at tahimik na kinakain ang baon niyang omelette at bruschetta. Dapat pala sa bahay na lang siya nag-almusal kung nalaman niya lang na magiging paksa siya ng mga mosang sa A-Cosmetics. Sumabog na ang balitang dati silang magkasintahan ng CEO ng kompanya, at ang masama pa ay may idinugtong ang mga sawsawera na kaya lang siya in-appoint na Head Cosmetic Chemist ng Development Team ay dahil sa naging ugnayan nila noon ni Luther Altieri. Gustong sumabog ng dibdib niya, pero sa kabila ng pagpupuyos ng kanyang kalooban ay sinigurado niyang hindi nakabalatay sa mukha niya ang kahit na anong emosyon. Ang ayaw na ayaw pa man din niya sa lahat ay iyong nakukuwestiyon ang kakayahan niya. Pero ayaw na rin naman niyang bigyan pa ng mapag-uusapan ang mga tao. Kaya gusto niyang ip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD