Chapter 6
CARMELLA…
BALAK ko sanang surpresahin ang jowa ko. Pero ako ang nasurpresa. May isang nilalang sa lahi ni Adan ang nadatnan ko sa unit ni Neo —nickname ko kaya Napoleon ang haba kasi ng name niya.
“Hi I’m Luther, Kuya Nap’s younger and only brother.”
Napataas ang kilay ko sa way ng pagsasalita. May sabit eh, parang feeling ko Pa nga may pilantik ang pinky finger nito.
“Carmella, girlfriend ng Kuya mo.”
“OMG really?” Gulat na gulat ito sa pagpapakilala ko.
And that’s my confirmation, baklush ang hitad na kapatid ni Napoleon. Hindi naman ako against sa mga bakla, I find them fun to be with pa nga. I smile at him genuinely, I want to get along with him too. Mukhang close naman yata ito kay Napoleon. I might as well be close with him too.
“Yes, nauto ako ng kapatid mo eh. Pinakitaan ba naman ako ng matigas na—“
“TMI Ate, TMI. I have that too no need to tell me how hard my kuya’s genitalia,” exaggerated na awat niya sa sasabihin ko.
Ako naman natawa ako sa sinabi niya. “I didn’t mean that, I was refering to his abs and biceps,” tawa ako nang tawa habang nagsasalita.
Mas natawa ako nang makita Kong namula ang pisngi ni Luther. “Ilang taon ka na?”
Pinanghabaan niya ako ng nguso, “eighteen po,” ang galang masyado.
Naupo na ako sa sofa, mamaya ko na ilalagay sa kitchen ang mga pinamili ko. Balak Kong ipagluto ng kare-kare si Neo ngayon for our dinner. Iyong mga ingredients ang mga dala-dala ko.
“Ang galang mo naman masyado neh! Wag mo na akong i-po. Feeling ko ang tanda ko tuloy,” makikipagkwentuhan na muna ako.
“Why did you call me neh? Ate hindi ako girl, kita mo naman ‘di ba? I’m a man,” anito na ikinatawa ko na naman.
“I can smell you, Luther. No need to hide it,” sabi ko na lang.
Hindi ko naman siya nakitaan na nagulat or something. Malalim na buntong hininga lang ang sinagot nito sa Akin.
“Halatang-halata na ba ako?” tanong niya sa akin makalipas ang ilang sandali.
“Nope, malakas lang siguro ang radar ko.” Totoo naman ang sinabi ko. Hindi naman talaga siya mukhang bakla. Malambot lang talaga siyang kumilos at may lantik ang kamay. Mahinhin din sa pananalita, pero kung titignan mo naman lalaking-lalaki naman siya talaga.
“Anyway, I’ll cook tonight. Dito ka na kumain saluhan mo na kami ni Neo. I will cook kare-kare for him,” tumayo na ako at binitbit na ang mga dala-dala ko.
“Oh! I think you didn’t know it yet but Kuya is allergic in peanuts and seafoods. So it’s a no no for Kare-kare, may peanut at alamang iyan eh.” Ani Luther na ikinatigil ko.
Honestly hindi ko naman talaga alam iyon. Napatingin ako sa dala Kong mga ingredients. “Sayang naman ‘to. Akala ko magugustuhan niya ang Kare-kare ko,” malungkot ako. Favorite ko Pa naman ang kare-kare.
“Kuya loves adobo and sinigang, maybe we can cook it for him. Tulungan kita ate,” presinta naman ni Luther.
Well I need to adjust, hindi ako mawawalan nang gana sa nalaman ko. Hindi ko pa naman ganoon kakilala si Neo at least ngayon may isa nang nadagdag sa mga alam ko tungkol sa kanya.
“How did you and my Kuya end up together? Sorry ha, hindi sa hindi kita gusto para sa kanya. It’s just that…”
“Nakakabigla? Believe me kahit ako nabigla sa lahat. I was just having a vacation in Palawan, pagbalik ko ng Manila may Napoleon na akong sabit,” sagot ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kusina.
“Wow! Is it only three weeks ago?”
Tango lang ang sinagot ko sa kanya, I happened to be busy right now. Nagtitingin na ako ng pwedeng pamalit sa iluluto ko sanang kare-kare. Plano kong magsinigang na lang pero wala rin Pa lang ibang ingredients na gulay.
“Adobo na lang,” bulong ko habang inilalabas na ang mga kailangan ko sa pagluluto.
Thankfully maaga kaming namulat sa gawaing bahay na magkapatid. Kahit na may kaya naman ang pamilya namin hindi kami pinalaking spoild ng Mommy namin. Wala na kaming nakalakihan na ama na magkapatid, nakasama ko pa naman ang Daddy namin, mga three years old ako nang mamatay ang daddy namin. Samantalang two months old pa lang naman noon si Hanna, it was a failed mission. Gaya ni Mommy isang agent din ang daddy ko, isang magaling na agent. Kaso hindi lahat ng pagkakataon talaga nasa panig ng isang agent.
My dad died in a mission, sabi ni Mommy nagkaroon ng anay sa ahensya namin noon at ang daddy ko ang nag-suffer.
“Natulala ka na ate? Is there something wrong?” tanong ni Luther na ikinagulat ko.
Nakatulala na pala ako, sasagot na sana ako sa kanya ng tumunog ang cellphone. Napoleon is the one who is calling me. I immediately smiled when i saw his name in my phone.
“Hello Honey,” masigla na ako agad nang sagutin ko ang tawag niya.
“I miss you honey,” sagot nito, na feeling ko nakangiti ito tulad ko.
I missed him too, gusto na siyang makita kahit na wala pa kaming isang buong maghapon na hindi na nagkita. Ayoko lang na istorbohin siya sa trabaho niya baka nasa site siya o kaya naman meeting. Ako kasi pinahaba ko pa ang bakasyon ko. So pasilip-silip lang ako sa boutique ko ngayon, hindi pa ako nagpapakita sa PIO head quarters.
Natawa na lang ako ng makita ang kapatid ni Napoleon na nakatitig sa akin na parang hindi nandidiring palaka. Naka-loud speaker kasi si Napoleon, kaya narinig ng kapatid nito kung paano maglambing ang Neo ko. Mukhang hindi ganito ang pagkakakilala ng kapatid ni Napoleon sa kanya.
“I miss you too, uwi ka na.” Natatawa ko na lang na sagot sa kausap ko.
“Yes pauwi na ako, but before that I’m going to pick you at your work then UUWI na TAYO,” ani Napoleon na mas ikinatawa ko.
Nakikita ko na, nanggigigil na ito sa akin, tatlong araw na kasing tigang? I still have my period so its a big no no to him until these very moment. Or maybe not, baka miss lang talaga niya ako. Ganito rin naman kasi ako sa kanya. Miss ko na siya at gusto ko na siyang makita agad.
“Ow! Sorry boyfriend, pero nauna na akong umuwi. I’m already here at you place.”
I want to surprise him, pero may balak pala itong sunduin ako so kailangan kong sabihin sa kanya kung nasaan ako. Para hindi na sayang ang efforts niya, besides i want him at my side right now. As fast as possible, dapat nasa tabi ko na siya ngayon I miss him so much.
Nakita ko si Luther na lumapit sa akin sabay dukwang sa cellphone na hawak ko.
“Kuya, uwi na dali!” sabi nito sabay tawa.
Maging ako natawa, sigurado nagulat si Napoleon nito. Mas nauna ko pang nakilala ang kapatid nito kay sa ito ang magpakilala sa akin. Plano ko rin na ipakilala si Napoleon kay Hanna and soon kay Mommy.
“Is that my brother?”
Natawa na naman ako, nakita ko kasi tumirik ang mata ng hitad na Luther.
“Brother ka raw ba?” tanong ko kay Luther.
Umiling naman ito habang bumubungisngis, kaya mas natawa na lang ako.
“Uwi na honey,” iyon na lang ang huling sinabi ko kay Napoleonbago ko tapusin ang tawag niya.
…………………………………
“CLOSE kayo ni Neo ano?” tanong ko kay Luther habang naghihiwa ako ng sibuyas.
Wala pa si Napoleon, pero any minute from now alam ko nandito na iyon.
“Yes, sabi ko nga ‘di ba. I’m his only brother,” anito habang pinapanood naman ako sa ginagawa ko.
Huminto ako sa paghihiwa sabay tingin sa kanya, “akala ko ba hindi ka brother?” panunudyo ko sa kanya.
Ngumuso ito, “nope, hindi ko naman pwedeng ilagay ang sarili ko sa gender ng sister. I still know that i’m a male and no can change it, kahit pa magpa-gender re-assignment ako.”
Sabagay, I do respect those in l***q+ community so I respect his opinion.
“Alam ng Mama at Papa niyo na ganyan ka?” curious ako okay hindi mawawala sa akin na magtanong.
Alam ko masyado naman akong nagmamadali sa ganitong sitwasyon, pero I really like to get close with Napoleon’s family.
“Si Mommy lang ang nakakaalam and Kuya, my dad−“ huminga ito nang malalim na parang nahihirapan na magsalita. “Any way okay naman ako do’n, as long as my mother accepted me and my brother is spoiling me okay na ako.” Pinasigla na nito ang boses nito.
“I want to hug you, pero dahil sa naghihiwa ako ng sibuyas hindi na lang. Baka mag-amoy sibuyas ka pa, kakahiya naman sa fafa mo.” Pagpapagaan ko ng loob niya kahit na hindi ko alam kung tama ba ang mga salita na sinabi ko.
“My boyfriend is not maarte, he’ll kiss me even I didn’t take a shower a decade,” anito na nakangisi na.
Napanganga ako at napatigilan sa ginagawa ko, hindi ko alam na ang hula ko lang ay totoo pala. Na may fafa nga talaga ang baklitang ito.
“Change topic, Ate. What do you want to know about my Kuya. Knowing him dinaan ka sa gulatan ng isang iyon. Do you know na hindi siya marunong manligaw? And you’re the only female species who came to get near him. Bukod sa Mommy ko of course,” ani Luther.
Natawa na naman ako, nakabawi na rin sa wakas sa kabiglaan na nalaman kong may jowa ang isang ito.
“Silly, syempre sinong nanay ang hindi makakalapit sa anak niya. But I didn’t believe you na ako lang ang babaeng nakalapit sa kuya mo. Ako na nagsasabi sa ‘yo his kind a expert in bed department, hindi naman iyon basta na lang susulpot na skills hindi ba?”
Kampihan ninyo ako, tama naman ako hindi ba? Ang mga gano’n bagay hindi basta na lang lalabas na expert ka kung hindi mo naman iyon ginagawa ng madalas.
“Nope, my Mommy is not Kuya’s mother per se. We’re only half brother, you know our Dad is kind habolin noong araw so, that’s makes my Kuya alive and kicking.” Paliwanag ni Luther na ikinagulat ko na naman.
Marami talaga akong hindi pa alam kay Napoleon, maybe we should undergo in what other call ‘get to know each other’ tutal nasa relasyon na kaming dalawa. And I want this relationship to work so I need to make it work.
……………………..