Seven

3342 Words
Chapter 7 CARMELLA… MAGKAKAHARAP kaming tatlo, ako, si Luther at si Napoleon. Katatapos lang naming kumain ng hapunan, at ngayon nga ay nasa sala na kaming tatlo. Luther decided to sleep here na kanina pa tinututulan ni Napoleon. “Umuwi ka na, Luther. Mama Aileen will be worried about you.” Pagtataboy na naman ni Napoleon sa kapatid nito. “Nope, Mommy and Daddy are not home today. Pupunta sila ng hospital for Mom’s chemo, so dito ako matutulog ngayon Kuya.” Sagot ni Luther na nakangisi pa habang nakatingin sa kapatid. “Chemo?” Binalingan ako ni Luther, “yes Ate Ganda. Mommy has ovarian cancer, pero stage two cancer pa lang. Maagang nakita kasi regular na nagpapa-check-up si Mommy sa OB niya. Let say, every six months yata ang check-up ni Mommy.” Naramdaman ko naman ang paglipat sa tabi ko ni Napoleon bago niya ako akbayan. “She’ll going to be fine, I believe Mama Aileen is strong and she’ll overcome this trial.” Nakatutuwa naman ang magkapatid na ito, I can easily say that their bond is strong. Even their faith is strong, na kahit hinaharap nila ay ganitong kaseryosong bagay. They think positive and have a high hope they’re going to overcome all of this at once. “I hope I can meet you Mama Aileen soon,” bulong ko kaya Napoleon. He lean down to kiss me at my forehead. “You will, soon.” Then he kissed me again at my forehead down to my eyes, my nose. Pero bago pa man umabot ng lips ko natigilan na si Napoleon. Binato na pala ng rolled tissue ni Luther. “W T H! As in what the hell, pumasok na kayo ng kwarto at doon niyo ipagpatuloy ‘yan. Hello there’s a kid in here,” maarteng reklamo ni Luther na tinawanan lang namin ni Napoleon. Natigil lang ako sa pagtawa nang halikan Pa rin ako sa lips ni Napoleon kahit na panay ang reklamo ni Luther. Tawa lang nang tawa si Napoleon while his brother is ranting non-stop after we kissed. Now, I can say that my boyfriend is a bit tease, and playful. May pagkaisip bata rin siguro kapag ang kaharap ay ang mga taong malapit dito. Pero for me, the first time I saw him all I can say is that his a serious type of a person. Not until now na para itong batang naglalambing sa akin habang iniiggit ang kapatid. We three end up playing card games. “Glad that I finally see you happy, Kuya.” Ani Luther. Natigil ako sa pagsipat sa baraha na hawak ko at tinignan ang dalawa. What is this again? May matutklasan na naman ba akong bago. “Luther,” saway ni Napoleon sa kapatid niya. Napatingin ako kay Napoleon na seryosong nakatingin sa akin. “It’s okay honey, I want to know as much possible all that is concern about is you.” “Wala ka naman dapat ikatakot Kuya. You should be proud, you have a lot of achievements. Si Daddy lang ang hindi nakaka-appreciate sa mga ginagawa mo.” Sabad ni Luther. “It’s just a simple hard work, Luther. Don’t make a puss out of it,” ani Napoleon. Sobrang seryoso niya habang nagsasalita. He even stop playing card and just sit and watch us. Tahimik na rin siya hanggang sa magpasya na kaming matulog. “Care to tell me what’s Luther trying to say?” Tanong ko kay Napoleon nang pumasok na kami sa loob ng kwarto niya. He just shrugged and hugged me tight. Naramdaman ko pa ang halik niya sa ulo ko. “My whole name is Carmella Gonzalez, I’m twenty-three years old. Panganay sa dalawang magkakapatid. My dad passed away when I was still a kid,” aniko habang magkayakap kami. Balak ko siyang kilalaning mabuti. And by doing that, I also need to introduced myself as well. Napoleon chuckle a little, “I’m Napoleon De Gracia, you my age already. And I’m so madly in love with you.” Anito bago sapuhin ang mukha ko para halikan ang labi ko. “We have a life time to learn something from one another my sweet Caramel.” Aniya habang hinahalik-halikan pa rin ang mga labi ko. Hindi ko na alam kung paano natapos ang usapan namin nang gabing iyon. Basta na lang nahiga kami at natulog nang mahimbing habang magkayakap ng mahigpit. ……………… “ARE YOU NUTS! O baka naman nabaliw ka na Ate?” this is the first time I’m hearing my sister shout at me. “Mahal ko si Napoleon,” I reason out. Sinabi ko sa kanya ang balak namin ni Napoleon. After almost two months we’ve known each other. We decided to tie our knots. We’re getting married. “Masyadong mabilis Ate,” ani Hanna habang nakatitig sa Akin. She looked frustrated and lost while looking at me. Nilapitan ko siya at niyakap, nabigla lang siguro talaga ang kapatid ko. Noong isang linggo ko lang nasabi sa kanya na may boyfriend na ako, tapos ngayon sinasabi ko na sa kanya na magpapakasal na kami ni Napoleon. Alam ko biglaan ang lahat, wala sa plano. Pero hindi na kami maghihintay pa ng matagal. Doon din naman kami papunta ni Napoleon bakit pa nga ba naman patatagalin pa. Kahapon para lang kaming nagkayayaang dalawa na magkakape nang magdesisyon kaming magpakasal. “Kahit naman ikasal na ako, ako pa rin naman ang Ate mo.” Lambing ko sa kanya. Huminga ito ng malalim bago ako yakapin pabalik, “kung pwede ko lang putulin ang bond natin,” anito na sinabayan pa ng tawa. Hindi naman ako na-offend, alam ko naman na nagbibiro lang ang kapatid ko. “Kailan mo sasabihin kay Mommy?” tanong sa akin ni Hanna nang magsawa na kaming magyakapan na dalawa. “Hmm, ayusin na muna naming ni Napoleon ang lahat. Let say, a week from now? Simpleng kasal lang naman ang mangyayari, I don’t want it to be grand, tama na ang civil wedding. Just for formality,” paliwanag ko ng gusto kong mangyari. “Hindi ka naman buntis right?” tanong na naman ni Hanna. Napahawak ako sa puson ko, hindi ako buntis at hindi pa ako mabubuntis. The PIO makes me an oath na hindi pa ako pwedeng magkaanak sa ngayon. Maraming tanggap na assignment ang PIO at kailangan nila ako. I don’t know why, pero mukhang naka-lay low si Zeus ngayon. Wala asungot na humahadlang sa mga mission ko kaya balik ako sa success mission. I start accepting mission three weeks ago at lahat iyon maayos ko na nagagawa. Even before that, maayos ang lahat ng mission ng PIO sa nakalipas na halos dalawang buwan. “Nope, alam mo naman na binigyan ako ng shot ng doctor natin. I can’t be pregnant now, malalagay lang sa panganib ang baby ko,” aniko. “Did Napoleon knew about your other job? Or planning to tell him about it?” Napaisip ako, alam ko sinabi ko na ito noon na hindi ko sasabihin kay Napoleon ang kung ano ang isa ko pang trabaho. Pero ngayon na ikakasal kami, mas lalong ayokong sabihin sa kanya. Sigurado akong pahihintuin niya ako, at hindi sa ayokong sundin siya. Pero ako kasi ang susunod na mamumuno sa PIO, I need to be in this kind of life hanggang sa pagtanda ko. To continue our family legacy. “Pag-iisipan ko, but for now wala siyang alam at wala pa akong balak na sabihin sa kanya kung ano talaga ang trabaho ko.” ……………………………………………… NAPOLEON I’M BUSY, ang daming tanggap na mga bahay na gagawin ang constraction firm kung saan ako nagtatrabaho. Pero bukod doon, busy akong maghanap ng magaling coordinator para sa kasal namin ni Carmella. Napangiti ako nang maalala ko na naman si Carmella, I can imagine that this day will come. Iyon araw na mag-aayos ako ng mga kailangan ko para sa kasal ko. Everything is smooth sailing, walang kahit na anong problema sa pagitan namin ni Carmella sa nagdaan na halos dalawang buwan nang relasyon namin. Nag-aayos na ako ng mga gamit ko, mga plano ng bahay – nang tumunog ang cellphone ko. The phone I’m only using when I’m talking to Apollo, the agent in SIS or secret intelligence service. Nakilala ko si Apollo sa isang mission kung saan nagkasama kaming dalawa. And it’s not that long, pero I find the agents in SIS good to deal with and work with. “Anong kailangan mo?” bungad ko agad nang sagutin ko ang tawag niya. “Inom tayo, sagot ni Poseidon. Text ko location,” anito sabay patay ng tawag. Napailing na lang ako, bukod sa magaling silang kasama sa trabaho mukhang magiging ka-close ko na rin ang mga ito. Hindi naman masamang maging kaibigan ang mga ito, mukha lang silang hindi harmless pero hindi talaga. Napailing ako ng makatanggap nga ako ng text mula kay Apollo kung saan kami magki-kita-kita. Kailangan kong ipaalam kay Carmella ang lakad ko, baka kasi maghintay iyon sa unit ko. So I call her to tell her that I will not be long and be with her in jifty. “Hey! My sweet Caramel,” I decided to go, sandali lang pagbibigyan ko sila. “I’m on my way, huwag mo na akong sunduin okay.” Sagot naman nito. Malalim na napabuntong hininga ako, “sorry honey, mukhang late akong makakauwi. Some of my friends call and I think they need my attention.” Natatawa kong sagot. “Aw! Okay, don’t get drunk. I need tonight,” ani Carmella na mas nakapagpatawa sa kanya. “Yes I will, be ready hindi ka matutulog ngayon.” Tawa na lang ni Carmella ang narinig niya mula sa kabilang linya bago nito patayin ang tawag. Mabilis lang siya nakarating sa sinabi ni Apollo na lugar dahil malapit lang sa opisina niya ang meeting place nila. “LINTIK KA! Lakas ng loob mong magpakita sa aking damulag ka!” inis na sigaw ni Poseidon. Alam ko kung bakit ito nagagalit ngayon, iyong nangyari sa Palawa ang ikinagagalit nito. I abort the mission, that is why we’re both have a mission failed. Hindi naman ako nagsisisi sa nangyari, dahil doon masaya siya ngayon sa pili ng babaeng mahal na mahal niya. “Ano bang agenda ng meeting na ito? Pakibilisan may date pa ako sa honey ko,” sabi ko para inisin pa lalo si Poseidon. At hindi naga ako nagkamali at mas lalong umusok ang ilong ni Poseidon. “Sino bang nagsabi na isama ang isang ito ngayon gabi?” baling nito sa dalawang kasama niya. Naupo na ako sa tabi ni Apollo, doon naman nagtaas ng kamay si Apollo bilang sagot sa tanong ni Poseidon. “Teka nga, may date kayo ng asawa mo? Wow naman sana all,” ani Apollo. Natawa ako, hindi ko pa nga pala nasasabi sa mga ito ang totoong marital status ko. Palaging pakilala ko kasi may asawa kong tao. I don’t like the idea of women getting near me. Pero iba naman si Carmella, hindi ako magsisisi na hinayaan ko siyang lumapit sa akin noon. “Walang asawa ang gago na iyan, sinungaling.” Ani Poseidon na mas ikinalakas ng tawa ko.  “Malay ko bang mga mapagpaniwala kayo,” sagot ko. “I’m one hundred percent bachelor, but not too long from now. When I met my Carmella, I’ll going to tie the knot soon.” Pagyayabang ko sa kanila. And at the same time, iniimbitahan ko na rin sila. “Whoa! Bestie I’m hurt, I thought you’re really is a married man.” Exaggerated na bulalas ni Apollo. May pagkabakla pa ang boses nito nang nagsalita. “Naaning na naman ang isang ‘to,” ani Hades sa tabi ni Poseidon. Nakita kong umiling si Poseidon, “pare-parehas naman tayong mga aning. Itong si Zeus at Apollo lang ang malala.” “Uy! Narinig ko ‘yon. Ako lang ang gwapo rito iyon ang sabihin mo.” Ani Apollo na parang batang nakikipagtalo sa kanila. Wala namang umimik sa kanila, this is why I like them. Kahit papaano hindi ko kailangan na maging seryoso sa buhay kahit sandali lang. “Pero ano ka kasing dahilan mo at nagpanggap kang may asawa?” takang tanong ni Hades. Nagkibit balikat ako, kinuha ko ang isang bote ng beer sa lamesa at tinungga ito. This will be my first and last bottle of beer tonight. Kailangan ako ng honey ko, I need to report to her na walang amats at mapapakinabangan pa sa kama. “I’m not interested with women, kaya kapag may mga babaeng lalapit sa akin I’ll just flaunt my ring and it works magic by the way. Lumalayo na ang mga babae, ilan lang ang makukulit na kahit sinabi kong may asawa na ako mangungulit pa rin. Pero ikakasal na rin naman na ako sa isang araw so this time I’m not pretending.” Aniko na masayang-masaya habang nagpapaliwag. “Hanep ang bilis ah,” bulalas ni Hades. “Baka may laman na, kailangan ko nang itali sa bewang ko. Baka maagaw pa ng iba,” pagyayabang ko naman. Iyon  naman takaga ang isang rason ko, baka buntis na si Carmella. Hindi naman malayong mangyari iyon at halos nagsasama na talaga kami sa condo ko. Umuuwi lang si Carmella to get some spare clothes or she’ll talk to her sister or mother.  “Anyway, kaya ko kayo pinatawag kasi may malaki akong problema?” pag-iiba ng usapan ni Poseidon. “Kung pera, uuwi na ako. Wala akong pera,” mabilis na sagot ni Apollo. Napailing ako, basta pera ang usapan talaga itong si Apollo kala mo palaging naghihirap. “Hunghang ka talaga, si Poseidon magkakaproblema sa pera eh bilyonaryo ang mga magulang n’yan. Ang sabihin mo baka mababaliw na ito at kailangan nating dalhin sa mental. Tama na ako?” ani Hades na tinatanguan ko naman. May point naman kasi si Hades, mapera talaga si Poseidon. I know their back ground. Ako mismo ang nag-background check sa mga ito noon. Bago makipagkasundo ang Olympus sa SIS bilang partner sa trabaho. Kaya Malabo nga namang sap era may problema si Poseidon. Malamang sa babae, baka tama si Hades, mababaliw na ito kay Jasmine. “Hulaan ko, nag-away kayo ni Jasmine? Sa experience ko kay Carmella iyon lang ang nakikita kong magiging problema ko sa mga susunod na taon kung hindi ko siya susundin,” aniko. Not that I want to have a trouble in my married life, alam ko lang ang mga dapat iwasan. Nakikita koi yon kay Henry,kung paano niya itrato ang asawa niya. Kaya alam ko na kung palaging ‘yes honey’ ang sagot mo masaya ka lang sa buhay may asawa mo. “Nadali mo,” sagot ni Poseidon na nanggigigil pa. “Si Jasmine kasi, bigla akong pinalayas sa bahay namin. Alam niyo naman siguro na nagsasama na kami. Hindi kasi kami makapagpakasal agad dahil kakasal lang ng Mama ni Jasmine at Alpha.” Paglalahad nito ng problema. I listen carefully baka mangyari sa akin ito sa hinaharap. Mainam na malaman ko na ang nagawa nitong si Poseidon nang maiwasan kong gawin. “Isang linggo na akong umuuwi sa bahay ng mga magulang ko. Pero dumadaan ako sa bahay namin, para lang paulit-ulit na palayasin ng asawa ko,” patuloy nito sa reklamo. Parang ayokong mangyari iyon sa akin. Isipin ko pa lang na hindi ko makakatabi sa pagtulog si Carmella parang kulang na ang buhay ko ng isang taon. Tawagin na akong exaggerated, dahil sa ilang buwan pa lang naman kaming magkakilala ni Carmella ganito na ako, wala akong pakialam. Basta masaya kami ni Carmella sa buhay namin, iyon ang mahalaga. “Baka nahuli kang nambababae,” bigla naman sabi ni Hades. Ito na naman ako, patangu-tango habang nakikinig sa usapan. I will give my opinion later kapag may nakita na akong magandang rason. “Hindi mo ako katulad. Si Jasmine lang lahat sa akin,” inis na sagot ni Poseidon kay Hades. “Baka buntis, naglilihi at ayaw kang makita. Ganyan mga cases ng ibang pasyente ng kilala kong OB-GYN,” ani Apollo. Napatingin ako sa katabi ko, make sense. Pwede nga sigurong gano’n ang rason ni Jasmine. s**t bigla akong kinilabutan, baka mangyari rin sa akin ang nangyayari ngayon kay Poseidon. Doon wala akong control doon, kung ayaw akong makita ni Carmella dahil sa naglilihi ito wala na akong magagawa pa doon. Mukhang malalim din na nag-iisip si Poseidon sa sinabi ni Apollo. Nabulabog lang kami ng tumunog ang cellphone ni Poseidon. Agad na naman akong napailing habang nakatingin kay Poseidon na bigla na lang ngumiti. Wala talaga, masasabi ko lang in-love talaga ang isang ito. Siguro ganito rin ako kapag si Carmella ang tatawag sa akin. Ngingiti na lang basta na parang nasisiraan nang bait.   “Yes Mahal? Pauuwiin mo na ako?” masigla na agad itong si Poseidon samantalang kanina lang parang magwawala na sa dala-dalang problema. Natahimik ito at mukhang nakikinig sa sinasabi ni Jasmine. Kinuha ko na rin ang cellphone ko, tatawagan ko si Carmella at sasabihin na pauwi na rin ako. Sigurado naman akong tapos na ang meeting na ito, kunwaring meeting. Pero okay rin na napunta ako rito, may natutunan naman ako kahit papaano. “Pinaninindigan ba ni Jasmine na driver talaga ang trabaho ko,” sabi ni Poseidon na kinakausap ang cellphone na malayo naman na sa tenga nito. Nakakatawa, iba rin talaga ang trip ni Jasmine. Mababaliw talaga itong si Poseidon kapag nagtagal na magkasama ang dalawa. “Magbago ka na kasi ng profession sabihin mo kay Alpha,” kantiyaw sa kanya ni Apollo. Hindi nito pinansin si Apollo, basta na lang itong tumayo. Okay tapos na talaga ang meeting na ito, kailangan ko na rin maghanda para sa mainit-init na sandali mamaya sa bahay. “Adios amigos.” Paalam nito sa aming tatlo. Narinig kong nagreklamo ang dalawa, mukhang naka-ready ang mga ito na malasing ngayong gabi. Tapos iyong nag-aya sa meeting na ito umalis na nang hindi manlang hinintay na magsalita pa kaming kasama nito. Tumayo na rin ako, “aalis na rin ako, like what I said I have a date. Aayusin pa namin ang kasal namin.” Paalam ko rin sa dalawa. Na tulad ni Poseidon hindi ko na sila hinintay na magreklamo pa at pigilan ako. Mas okay na umuwi, may magandang may bahay na naghihintay sa akin pag-uwi. Paglabas ko ng resto-bar kung saan kami nagkita-kita agad kong tinawagan si Carmella. Nakita ko pa si Poseidon na nagmamadaling puntahan ang sasakyan nito ng paglabas ko. Nai-imagine ko ang sarili ko na magkakaganyan sa mga susunod na mga araw. Pero kaysa matakot ako, hindi na ako makapaghintay na matali na ako ng tuluyan kay Carmella. “Hello, honey? Lasing ka na?” tanong ni Carmella nang sagutin nito ang tawag ko. “Nope, pauwi na ako my sweet caramel. Humanda ka na, sisimulan natin agad ang lahat ng dapat simulant pagdating na pagdating ko pa lang, I love you honey,” sagot ko. Hindi naman na sumagot si Carmella, narinig ko pa muna siyang umungol bago nito patayin ang tawag ko. Napatingin ako sa parte ng katawan ko na tanging nagre-react lang sa ungol ni Carmella. “Buddy, mamaya you will feel heaven on this earth. Kaya dapat humanda ka, kailangan ko ang performance level mo ngayong gabi.” After kong sabihin iyo, nagmamadali na rin akong puntahan ang sasakyan ko para makauwi na agad.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD