CHAPTER 3

1823 Words
ORLENE Kakapasok ko lang ng employees entrance. Pang-umaga kasi ang schedule ko ngayon. Medyo maaga pa naman at may enough pang oras bago ang oras ng pasok ko. Agad akong tumuloy sa may naka-dutyng guard at nag-log in sa logbook nito. Habang nagsusulat ay napatigil ako nang mapansin ko ang isang bulto sa may sulok na nagyo-yosi habang nakapamulsa. Ang hot talaga nitong tignan. Medyo maangas ang tindig kahit pa napaka-formal nito sa suot na puting long sleeves at slocks. Nakita kong panay hithit at buga ito sa sigarilyong hawak. Swabeng-swabeng ang mga galawan nito. Agad na nagning-ning ang mata ko nang makilala iyon walang iba kundi ang my loves ko na si Sir Lorenzo Clyde. Dahil sa presensya nito ay nabuo na agad ang araw ko pagkakita ko sa kanya. Mas lalo akong na-inspired na magtrabaho ngayon dahil sa kanya. Sakto lang talaga na pumasok ako ng maaga. May pasulyap agad dito. At nakakatuwa lang na siya agad ang unang nakita ko. Gusto ko tuloy kiligin at tumili ng bongga. Shit talaga! Napapangiti na lamang ako habang nakatingin dito. Hindi ko inalis ang mga mata ko rito. Pinanood ko lang siya. Lalo kong binagalan ang pagsusulat ko. 'Di bale nang magka-stiff neck ako kakalingon dito basta masilayan ko lang siya ay okay na ako. "Miss, ayos ka lang ba?" nagtatakang tanong ng gwardya sa akin. Bumaling ako sa gwardya. "Oo, naman, kuya. Bakit may problema ba?" tanong ko rito. "Wala naman napapansin ko kasi panay sulyap mo kay Sir Lorenzo Clyde. Type mo siya, no?" malisyosong saad pa ng gwardiya sa akin. "Ikaw, kuya! Masyado kang ma-isyu," sabi ko rito. "Bakit ba? Eh, halata naman. Kitang-kita naman kung paano mo siya titigan. Para mo na ngang hinuhubaran." "Hoy! Grabe ka, kuya! Hindi naman gano'n," tanggi ko rito. "Pero masyado bang obvious?" nahihiya ko pang tanong. "Naman! Halatang-halata kaya. Ako nga nahulaan ko agad kahit tinitignan lang kita. Paano pa kaya si Sir?" "Shocks! Nakakahiya!" nahihiyang reaksyon ko. "Ngayon ka pa talaga nahiya. Mahal mo na, no?" "Hindi lang mahal. Mahal na mahal ko siya," kinikilig ko pang saad. "Kung gano'n goodluck. Basta 'wag mo lang akong kalimutan na imbitahan sa kasal," anito. "Kasal agad?" reaksyon ko. "Doon din 'yong punta no'n." "Talaga lang kuya, ha? Pag iyan hindi nagkatotoo, yari ka talaga sa akin." "Sure ako diyan, Miss!" Muli ay tinuloy ko na ang pagsusulat ko. Natuwa ako sa mga sinabi ni Kuya Guard. Sana talaga ay magdilang-anghel ito. At kung mangyare talaga iyon ay ako na yata ang pinakamasaya at pinakaswerteng babae sa buong mundo. Pagkatapos ko magsulat sa logbook ay bumaling ako sa kinaroroonan ni Sir Lorenzo Clyde. Ando'n pa rin ito at tuloy pa rin sa paninigarilyo. Hindi na yata ako magsasawang panoorin ito. Bukod sa high na high ang pakiramdam ko ay feeling ko ay nasa alapaap pa ako. Solve na solve na ako 'pag nakikita ito. Maya-maya pa ay narinig kong tumunog ang cell phone nito. Mabilis nitong itinapon ang upos ng yosi sa basurahan na nasa gilid. Nakita kong agad nitong kinuha iyon sa bulsa niya at sinagot. Pinatalas ko ang pandinig ko para marinig ang usapan nila nang tumatawag kaso hindi ko masyadong maintindihan. Ilang minuto din yata silang nag-usap. "Okay. See you on weekend. I miss you! Love you!" Narinig kong patapos na sabi ni Sir Lorenzo Clyde at inilagay sa bulsa ang cell phone. Sabay pumasok na pabalik sa loob. Napangiwi ako sa mga narinig ko. Napa-isip ako kung may jowa na ba ito. Ang pagkakaalam ko kasi ay single pa ito at wala namang pinopormahan. Wala rin akong nakikitang dinadala nito rito sa hotel. Masyado kasing tahimik at malihim ito. Hindi rin nakikipag-usap maliban na lamang sa mga department heads na pagkaka-alam ko rin ay mga kabarkada nito.Napaka-private person nito. At naka-focus lang talaga sa trabaho nito bilang Housekeeping Manager. Kaya tuloy marami ang curious dito kahit na ako. I find him interesting. At gusto ko talaga ang pagka-misteryoso nito. Parang may thrill kung mag-iimbestiga. Sa pogi at hot ni Sir Lorenzo Clyde ay 'di ko alam kung meron ba talaga o wala. Pero wala akong pakialam do'n basta akin siya. Kahit na anong mangyare sa akin pa rin siya babagsak. Hangga't wala akong nakikita at nakikilalang kasintahan nito ay hinding-hindi ako susuko. Tuloy pa rin ang laban. Ipaglalaban ko talaga ang pag-ibig ko sa kanya. Because we are meant to be. Nasa locker na ako at ako pa lang ang tao roon nang dumating si Ms. Lovely. Nakadama agad ako nang pagkailang dahil sa presensya nito. Bukod kasi sa palagi niya akong sinusungitan at iniirapan ay hindi ko alam kung bakit gano'n ang pakikitungo nito. Dati naman ay okay naman ito sa akin. Siya pa nga ang naging mentor ko no'ng nagsisimula pa lang ako bilang chambermaid sa Hotel Trevino. Siya ang nagturo ng mga kailangan kong matutunan sa trabaho. At siya rin ang unang naging ka-close ko pero nagbago ang lahat nang ma-promote ito sa pagiging supervisor. No'ng una ay naiintindihan ko naman kung bakit kailangan na nitong mag-iba. Rank and file na kasi ang posisyon nito at medyo malayo na ang agwat namin. Gano'n naman talaga pagnakaka-angat na nagbabago talaga ang ugali at marami akong kilalang gano'n. Pero habang tumatagal ay mas lumalala pa ito. Lumabas na rin ang tunay nitong ugali. Hanggang sa tuluyang nag-iba ang pakikitungo sa lahat lalo na sa akin. At iyon ang hindi ko maintindihan. Palagi itong nagsusungit at umiirap 'pag nakikita ako. Na para bang wala kaming pinagsamahan dati. Na parang hindi kami naging malapit at naging magkaibigan dati. Hinayaan ko na lamang siya. Gano'n talaga siguro 'pag lumaki na ang ulo at hindi ko naman masisisi ito. Nagsalubong agad ang mga mata namin dalawa. Pero agad itong umiwas. Binalewala ko na lamang iyon. Sanay naman na ako na gano'n ito. "Good morning, Ms. Lovely," bati ko pa rin dito. "Anong good sa morning?" saad nito sabay lampas sa akin at nagtuloy sa designated locker nito. Hindi ko inaasahan na gano'n ang magiging tugon nito sa pagbati ko. Nag-iba na nga talaga ito. Kaya hindi na rin ako nagdalawang-isip na komprontahin at diritsahin na ito. Gusto ko rin kasi malaman kung anong ikinagagalit nito sa akin. Kung bakit nagkaganito ito at kung bakit gano'n na lang ang approach nito. Sa totoo lang ay napapa-isip na talaga ako. "Ano po bang problema, Ms. Lovely?" Hindi ko na napigilang tanungin at komprontahin ito. Itinigil nito ang pagbubukas ng locker at humarap sa akin. "Wala akong problema," sagot nito sabay taas pa ng kilay sa akin. "Talaga po? Sigurado po kayo na wala kayong problema sa akin?" "Wala akong problema sa 'yo. Baka ikaw ang may problema sa akin? Teka nga! Ano bang gusto mong palabasin, ha?" ani Ms. Lovely na halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Gusto ko lang po malaman kung bakit nagbago kayo? Bakit ganyan niyo 'ko pakitunguhan?" magkasunod kong tanong. "Ganito naman ako dati pa, ah. Isa pa, ginagampanan ko lang ang trabaho ko," malayo sa tanong kong sagot nito. "Really po? Mukha kasing name-mersonal na kayo." "Name-mersonal? C'mon! Ayos ka lang ba, Ms. Simeon? Why would I do that?" ani Ms. Lovely at napapangiti pa. Halatang nang-iinsulto talaga ito base na rin sa reaksyon na nasa mukha nito. "Hindi ko alam. Feeling ko kasi, I mean napapansin ko kasi na may galit po talaga kayo sa akin. At gusto kong malaman ang dahilan niyon. Ayoko lang din ang may hindi kasundo sa trabaho." "Wala akong dapat na sabihin sa iyo lalo na ang ipaliwanag. Sino ka ba? Baka nakakalimutan mo ako pa rin ang supervisor mo. Under pa rin kita at mas mataas pa rin ako sa 'yo," saad ni Ms. Lovely na para bang gusto nitong palabasin na wala na akong karapatan pang magtanong. "Alam ko po at hindi ko po nakakalimutan iyon. Kahit paano ay iginagalang ko pa rin kayo. Pero sa mga pinapakita niyo kasi sa akin at sa way nang pakikitungo niyo po ay halata talagang may isyu kayo. Bakit hindi niyo na lang po ako diritsahin para alam ko kung bakit kayo nagkakaganyan?" matapang kong saad total ay narito na rin lang kami. Para matapos na at mapanatag na rin ako sa rason ng kakaibang pakikitungo nito. "Bakit? Nagrereklamo ka ba? Bakit ayaw mo ba sa pamamalakad ko? Hindi mo ba gusto ang paninita at pagiging strikto ko sa inyo, ha?" aniya na parang napikon na. "Hindi naman sa gano'n, Ms. Lovely. Ang sa akin lang po ay sana maging okay po tayo. Kung may nagawa man akong mali sa inyo, kung meron man, sorry po. Hindi ko po sinasadya iyon," hinging paumanhin ko rito. "Sorry? Why sorry?" reaksyon nito na parang hindi makapaniwala. "Bakit po ayaw niyo po ba? May mali po ba sa sinabi ko?" "Wala naman. Hindi ko lang ma-get's kung bakit nagso-sorry ka." "Kung gano'n ayaw niyo po ba sa sorry ko? Ano po ba ang gusto niyo? 'Wag na po tayong magpaligoy-ligoy pa, Ms. Lovely. Imposible naman po kasing walang dahilan kung bakit po kayo ganyan sa akin. Kahit na itanggi niyo pang wala, alam ko meron pero ayaw niyo lang sabihin," saad ko. "Sa totoo lang, Ms. Simeon, pwede ka namang mag-resign kung gusto mo, eh. You are free to leave. Hindi ko rin kailangan ng mga masyadong pabida under my team." "See? Sa inyo na po mismo galing. Gusto niyo akong mag-resign kahit wala namang dahilan. Totoo nga talaga na may galit kayo sa akin," sabi ko kay Ms. Lovely. "Isipin mo na ang gusto mong isipin pero I do not owe you any explaination," mataray na pahayag ni Ms. Lovely. "Pwes, asahan niyo rin po na hinding-hindi ako magre-resign ng gano'n-gano'n na lang. Asa po kayo na aalis ako ng basta-basta dito sa Hotel Trevino," matapang ko namang sagot sa pahayag niya. Hindi ako nagpasindak sa kanya. Sa halip ay nilakasan ko ang loob ko at nakipagmatigasan dito. "Ah, talaga? Pwes, tignan natin kung sino sa atin ang unang mapapaalis," ani Ms. Lovely at sabay lagay ng mga gamit nito sa locker. Hindi na ako nagsalita pa at baka kung ano pa ang lumabas sa bibig ko. Baka hindi na ako makapagpigil pa at masampal ko lang ito. Tinignan ko lang siya. At hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Pagkasara nito ng locker ay agad din itong lumabas. Muntikan pa silang magkabungguan ni Marian na papasok din ng locker na napatili pa sa sobrang gulat. "Uy, 'day! Anong nangyare at mukhang nakabusangot ang bruha? Na-buljak ka na naman ba?" tanong agad ni Marian nang makalapit ito sa akin. "Siya na lang ang tanungin mo," wala sa mood kong sagot kay Marian. "Eto, naman parang others. Sige na! Chumika ka na." At pinalo pa ako sa braso. "Saka na lang 'pag malamig na ulo ko," sabi ko at tumalikod na para lumabas. "Bilisan mo na diyan. Male-late ka na!" pahabol ko pa at saka nagtuloy sa pinto para lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD