THIAGO
Pagkalabas ko ng kwarto ay nagtatakang mukha ni Harvey ang sumalubong sa akin.
“May nangyari ba? Nabawasan kasi ng isang linya ang wrinkles mo don’t tell me naka-score ka agad kay Miss K?” Nakangising sabi niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at nagmadali akong bumaba ng hagdan. Nakasunod siya sa akin hangang makababa na ako sa sala at umupo ako sa malaking sofa.
Pina-tingnan ko muna si Keyla kay Doctor Alvin. Para malaman ko kung okay na ba siya at kung pwede na siyang kumain. Narito kami sa mansyon ko, malayo ito sa city at nasa tagong bahagi pa ito ng mataas na bundok. Kaya bangin na ang likuran nito. Para makarating dito ay kinakailangan pang sumakay ng helicopter. Pinasadya ko ang ganito kalayong palasyo para walang ibang makapunta dito. Wala din ibang nagtatangka na pumunta dito dahil bukod sa kontrolado ko ang buong lugar ay heavily guarded din ang lugar na ito. Hindi lang nagkalat ang mga tauhan ko sa labas. Nagkalat din ang mga Doberman pinscher sa nasasakupan ng lupa ko. Kaya dito ko dinala si Keyla upang masiguro ko na hindi niya ako madaling matatakasan.
“Harvey, maupo ka sa harapan ko may itatanong lang ako sa’yo.” Seryosong sabi ko sa kanya. Kaagad naman niya akong sinunod. Nang makaupo na siya nagdadalawang isip naman ako kung sasabihin ko ba sa kanya dahil ito ang unang beses na manliligaw ako sa isang babae.
“Ano?” Naiinip na tanong niya sa akin. Napabuntong hininga muna ako bago ko ibuka ang aking labi.
“Nagka-girlfriend ka na ba?” Seryosong tanong ko sa kanya. Sumandal siya sa sofa at inilagay pa niya ang kanyang kamay sa arm rest.
“Oo naman! Hindi ko na nga mabilang eh. At lahat sila patay na patay talaga sa akin. Bakit mo naman naitanong?”
“Tulungan mo akong manligaw.”
Laglag ang panga niyang tumingin sa akin.
Hinihimas pa niya ang baba niya na parang ino-obserbahan kung totoo ba ang sinabi ko.
“Ikaw? Manliligaw? May tama ka din ba? Ang pagkakaalam ko si Miss K lang ang tinamaan.”
Tumayo ako at humarap sa salamin na bintana overlooking dito ang kulay green na bundok dahil bangin na ang likuran nito.
“I’m serious, kung yun lang ang paraan para pumayag siyang magpakasal sa akin ay gagawin ko. Kaya tulungan mo akong manligaw.”
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. At tinapik niya ang balikat ko.
“Thiago, pinapataas mo lalo ang respeto ko sa’yo. Isa ka talagang tunay na lalaki. Biro mo? Sa dami nang babaeng binasted mo? Si Miss Keyla lang ang tanging gusto mo tapos pinahirapan ka pa?” Hindi makapaniwalang pahayag niya. Napapailing na tinangal ko ang kamay niya. Hindi ko siya masisisi kung bakit hindi siya makapaniwala. Walang babae na nakakuha ng atensyon ko tanging siya lamang. Kahit maraming babae ang lumalapit sa akin. Wala akong ibang nararamdaman sa kanila.
“Okay, tutulungan kita. Kailan mo balak umpisahan?” Seryosong tanong niya sa akin.
“Mamayang gabi, kaya magisip ka na ng pwedeng kong gawin. Hindi ko alam paano manligaw pero wag na wag mo akong tuturuan ng katarantaduhan kung ayaw mong ipadala kita sa Russia.” Banta ko sa kanya.
“Grabe ka! Wag naman doon! Gusto mo na ba akong mamatay ng maaga? Gusto ko pang mabuhay at magkaroon ng anak. Hindi ko pa nga nahahanap magiging asawa ko eh.” Reklamo niya sa akin. Kumpara dito mas less ang gulo kaysa sa ibang bansa. Hindi kasi sila takot na pumatay doon dahil may mataas na posisyon sa goberno at mga may empluwensya kaya nagagawa nila kahit illegal. Dati ganun din ang gawain namin. Pero matagal ko nang tinalikuran yun. Mas interesado ako sa mga armas at mamahaling bagay na pwede kong bilhin sa murang halaga. Sakit lang sa ulo kung palagi kang target ng authoridad.
Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam na siya sa akin.
Kinagabihan ay dumalaw ako sa kwarto ni Keyla. Gising na siya at naka-elevate na rin ang ulo niya. Derecho ang tingin niya sa akin nang makita niya ako. Sinara ko ang pinto bago ako lumapit sa kanya.
“Kailan mo ako pauuwiin? Baka nag-aalala na ang pamilya ko sa akin.” Seryosong sabi niya. Inayos ko ang kumot upang itakip sa katawan niya dahil malamig naman dito sa loob ng kwarto. At naghila ako ng upuan upang maka-upo sa kanyang tabi.
“Call your family, sabihin mo nasa maayos kang kalagayan. Hindi kita puwedeng pauwiin sa ngayon. Kung inaakala mo na sa pagpatay kay Mr. Fang matatapos ang mission mo nagkakamali ka. Sa ngayon nalaman ko na kumakalap na sila ng imbistigasyon upang mahanap ka. Kung mananatili ka dito hindi ka nila mahahanap. Ngunit kung lalabas ka at pupunta ka sa siudad siguradong malalaman nila kung nasaan ka. Malawak ang connection ni Mr. Fang. Napatay mo man siya hindi titigil ang kanyang pamilya para makaganti sa gumawa noon sa’yo. Ang tanging magagawa ko lang ay sirain ang CCTV na nakunan sa casino at pati na rin ang itago ka sa kanila. Kung ako sa’yo sabihin mo na rin sa pamilya mo na lumipat at magtago na rin sila dahil kapag nalaman nila ang tunay mong pagkatao. Lahat ng angkan mo siguradong babalikan nila.” Paalala ko sa kanya ngunit hindi ko man lang siya nakitaan ng takot sa lahat ng mga sinabi ko. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin. Dahil nakatitig naman siya sa akin at minsan naiilang na rin ako sa tingin niya.
“Ehem! Naintindihan mo ba yung sinabi ko Keyla?”
Nagulat siya sa pagtikhim ko at para siyang nagising sa mahabang pagkakatitig sa akin.
“Naintindihan ko pero bago ako tumawag sa kanila pwede bang pakainin mo muna ako? Kanina pa kasi nag-aaway ang mga dragon ko sa tiyan. Baka kainin na ng mga bituka ko yung mga bulate ko sa gutom.” Nakangiwing sabi niya sa akin sabay hawak ng tiyan niya. Hindi man lang seneryoso ang sinabi ko sa kanya.
Nakarinig kami ng katok sa pinto kaya tumayo ako upang pagbuksan si Harvey.
“Thiago, ito na yung mainit at masarap na sopas na ipinaluto mo.” Bungad niya sa akin.
“Wow! Amoy masarap ah! Salamat Harvey.” Nakangiting sabi niya kay Harvey na ikinakunot ng noo ko.
“Walang anuman yun Miss K, pagaling ka—”
“Alis na!” Inis na singhal ko sa kanya pagkatapos kong kunin ang malaking mangkok na dala niya. Sinipa ko pa pasara ang pinto para lang tuluyan siyang lumabas ng kuwarto.
“Ay galet? Hinatiran lang naman niya ako ng pagkain bakit ka nagagalit? Nagseselos ka ano?” Nang-iinis na tanong niya sa akin.
Umupo ako sa tabi niya at hinila ko ang maliit na mesa upang pagpatungan ng tray na may lamang mangkok ng sopas at tubig sa baso.
“Hindi ako nagseselos.” Walang emosyon na sabi ko sa kanya.
“Weh? Nagseselos ka kay Harvey kaya pinaalis mo siya.” Natatawang sabi niya sa akin na lalong ikinakunot ng noo ko.
“Pumunta ako dito para sana subuan ka. Pero pina-init mo na ang ulo ko kaya kumain kang mag-isa.” Padabog akong tumayo at naglakad patungo sa pinto pero nang akmang pipihitin ko na ang doorknob ng pinto ay narinig ko ang nasasaktang boses niya. Nagmadali akong lumapit sa kanya. Hawak niya ang kutsara at nakalabas pa ang dulo ng dila niya.
“What happen? Napaso ka?”
Nakangiwing tumango siya sa akin.
“Alam mong umuusok bakit mo sinubo kaagad?” Inis na singhal ko sa kanya.
“Eh ikaw naman kasi! Nagtampo ka kaagad syempre uunahin ko muna yung sikmura ko at kagabi pa ako walang kain.”
Biglang nawala ang inis ko dahil sa nakakaawa niyang mukha nasaktan talaga siguro siya kinuha ko ang kutsara sa kamay niya at dumampot ako ng tissue upang punasan ang baba niyang may natapong sabaw.
“Sorry na, ikaw naman kasi. Hindi na nga maipinta ang mukha ko pagtatawanan mo pa ako.”
Sumandok ako ng isang kutsara na sabaw at hinipan ko para bahagyang lumamig.
“Aaaa.”
Napatingin ako sa naka-awang na labi niya na nag-iintay na isubo ko sa kanya ang sopas na nasa kutsarang hawak ko.
Pinigilan ko ang sarili kong wag mag focus sa natural na mapula niyang labi. At dahan-dahan kong sinubo sa kanya ang sopas.
“Hmmm! Ang sarap.”
Dinilaan niya ang itaas niyang labi niya na parang bata kaya doon napunta ang mga mata ko.
“Subuan mo pa ako, gusto ko yung may hotdog favorite ko kasi yan lalo na yung malalaki.” Nakangiting sabi niya sa akin. Napasinghap ako dahil sa paraan ng pagkakasabi niya iba kasi ang pumapasok sa isip ko. Delikado ang babaeng ‘to, kapag hindi niya tinigil ang ganito baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at mahalikan ko na siya.
“Can you please shut your mouth first? Nguyain mo na lamang ang sinusubo ko sa’yo.”
Nakasimangot niya akong tinignan. Hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy ako sa pagsubo sa kanya. Hangang naubos niya ang isang mangkok.
“Thank you sungit…” Nakangiting sabi niya sa akin. Pinainom ko siya ng tubig at ini-abot ko pa ang napkin sa bibig niya upang punasan ang labi niya.
“Thiago…sino ka ba talaga? Bakit mo ito ginagawa? Bakit mo ako dinala dito? Bakit gusto mo akong pakasalan? Ano ang intensyon mo sa akin?” Sunod-sunod niyang tanong sa akin. Inayos ko ang tray at nagpasyang tumayo na upang lumabas na sana.
“Thiago.” Tawag niya sa akin nang akmang bubuksan ko na ang pinto. Bumaling ako ng tingin sa kanya.
“Hindi ko alam, pero gustong kong manatili ka lang dito sa tabi ko.”
Pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas na rin ako.