Chapter 7. Pagtakas

1374 Words
KEYLA Nagising ang diwa ko dahil may naramdaman akong humihila ng laylayan ng damit ko sa hita. Hinanda ko na ang aking sarili na sugurin ang sira ulong humihipo sa hita sa akin. Sisipain ko na sana siya pero pagdilat ko ay ang guwapong mukha niya ang bumungad sa akin. Naka-loose pajama siya at fitted na gray t-shirt, hawak niya ang laylayan ng damit ko. Nagulat din siguro siya dahil yun ang nakita ko sa mukha niya. “Anong ginagawa mo?” Napa-upo ako at napa-atras sa headboard ng kama. “Ah, eh wala akong balak gawin sa’yo. Inaayos ko lang ang damit mo dahil baka pumasok si Doctor Alvin dito makita itong makinis at maputi mong hita.” Kunot noo niyang sabi sa’kin. Hinila ko ang kumot at itinakip ko sa aking hita pababa. Malikot talaga ako matulog kaya dapat palagi akong naka pajama ang problema itong malambot at mahabang damit ang binigay sa akin. Kapag tinangka kong lumakad sa gabi sa labas mapagkakamalan na akong white lady. “Eh ano naman kung makita niya? Doctor siya at walang malisya yun sa kanya.” Wala sa sariling sagot sa kanya. Lumapit siya sa akin kaya napa-atras ang ulo ko sa headboard. “Kahit doctor pa siya lalaki pa rin siya. At walang ibang puwedeng tumingin diyan kundi ako lang. Hindi mo na puwedeng ulitin ang ginawa mo noon Keyla. Para sa mission mo pumayag kang magsuot ng kapirangot na tela?” Naniningkit ang mata na sabi niya sa akin. Siguro yung tinutukoy niya ay ang suot ko noon sa auction. “May red lace dress akong suot noon nakalimutan mo na ba?” Pang-aasar ko sa kanya. “Damn it! Dress na ang tawag mo doon? Kahit suot mo pa yung— whatever you call dress na yun kitang-kita ko pa din ang kurba ng katawan at dalawang bundok mo!” Galit na singhal niya sa akin. “Tapos doon sa party kulang na lang masilaw ako sa likod mo. Wala ka bang ibang matinong isusuot?” Dagdag pa niya na ikina-usok ng ilong ko. “Bakit ka ba nangingi-alam? Hindi pa nga tayo possessive ka na. Anong gusto mong gawin ko? Sabihin doon sa auctioneer na ibalot ako ng kumot? Paano ako mabebenta kung hindi nila makikita ang kagandahan ko at ng katawan ko?” Nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya. Napamura siya at lumayo ang mukha sa akin. Akala niya siguro masisindak niya ako kapag pinagsingkitan niya ako ng mata. Aba! Kahit siya lang ang pinaka-guwapong nilalang na nakilala ko ay hindi talaga ako papayag na may komontrol sa akin! As is never! “Kung alam ko lang na ganyan kang klaseng babae hindi na sana kita pinahanap pa at dinala dito.” Seryosong sabi niya na ikina-awang ng labi ko. Masamang tingin ang pinukol niya sa akin bago siya lumabas. Nagulat pa ako nang malakas niyang ibinagsak ang pinto. “Abay! Sira ulo yan ah? Sinabi ko bang dalhin mo ako dito?!” Malakas na sigaw ko sa kanya. Nagmadali akong tumayo kahit ramdam ko pa din ang kirot ng sugat ko. Sumilip ako sa veranda kung saan ako puwedeng tumakas. Mataas na pala ang araw, ngunit nalula ako nang makita kong bangin na pala bubungad sa akin sa pababa. Sinong sira ang ulo na magtatayo ng bahay sa gilid ng bangin? Paano ako makakatakas dito? Wala akong ibang puwede labasan! No choice ako kundi dumaan sa malaking pinto. Kinuha ko ang scalpel knife na nakita ko sa gamit ni doc nang hindi niya nalalaman. Sapat na siguro ‘to upang protektahan ko ang aking sarili laban sa may saltik na yun! Akala niya siguro madali niya akong mapapasunod sa gusto niya! Puwes! Ipapakita ko sa kanya kung sino ako! Pinakingan kong maige kung may tao ba sa labas. At nang wala akong marinig na kahit ano amng ingay at yabag ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nalaglag ang panga ko nang mahabang pasilyo ang bumungad sa akin. Yung totoo? Nasaan ako? Bakit mukha na itong palasyo? Nakita ko ang hagdanan pababa sa gawing kanan. At may nakita din akong pailan-ilan na naglalakad na armadong lalaki. Hawak ko ang sugat ko at pati na rin ang mahaba kong damit habang tinutungo ang pasilyo pababa sa hagdan. Naka-paa lang ako at tahimik na humahakbang pababa sa bawat baitang. Lahat ng pagkibot ko ay puro pag-iingat. Kailangan kong makatakas dito kahit sa ano mang paraan! Galit na galit ako sa lalaking yun daig pa ang babaeng nire-regla kung tupakin! Pasalamat siya mukha siyang alpha na nakikita ko sa mga wolf movies kung hindi kanina ko pa siya binayagan. Pero kawawa naman baka hindi kami magkaanak kung kami ang nagkatuluyan kaya pagpasensyahan ko na lang siya. Pero kung palagi na lamang niya akong sisigawan at iinisin dahil sa walang kuwentang dahilan mabuti pang umalis na lang ako dito. Ang problema, hindi ko alam kung nasaan ako at kung anong lugar ito! Pagkarating ko sa ibabang hagdan ay medyo nakahinga na ako ng maluwag. Kapag nakalabas ako ng pinto madali na akong makakatakas! Hinanap ko ang likuran dahil sigurado naman ako na bukod sa entrance ay may exit din sa lugar na ito. Grabe! Ang yaman siguro nang lalaking yun! Bukod sa napakalaking bahay ay napaka-elegante din tignan ang mixed black and gold na kulay ng interior design. Bukod doon nabubusog ang mga mata ko sa mga nakikita kong mga antique na gamit. At mga sungay ng exotic animals na ginawang desenyo sa bawat sulok ng bahay. May malaking chandelier din sa gitna ng sala at maliwanag dahil sa maraming nakabukas na ilaw. Pero dark pa rin tignan ang kabuohan ng palasyo niya. Tamang-tama sa dark eyes niya ngunit hindi pa rin ako papayag na ikulong niya ako dito! At sigaw-sigawan ng ganun! Nang makita ko ang maliit na pintuan sa likuran ng hagdan ay doon kaagad ako nag-tungo. Ngunit bago ko pa mabuksan ang pinto ay nagulat ako sa malakas na boses na umalingaw-ngaw. “Keyla!” Naku! Nalaman niyang wala na ako sa kuwarto at galit na ang wolf! Kailangan ko na maka-alis dito! Mabilis 'kong binuksan ang pinto at nagulat ako sa lalaking nakatayo sa labas at nakatingin sa akin. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa. “Miss? Ano pong ginagawa niyo dito?” Kunot noo na tanong niya sa akin. Lumapit ako sa kanya. “A-Ah, kasi magpapahangin sana ako. May beach ba dito?” Kunwari’y tanong ko sa kanya. “Keyla! Where are you?!” Sigaw na namang ng wolf. Narinig ata ng lalaki ang sigaw niya pero bago pa niya ako mahawakan ay kaagad kong kinuha ang kamay niya at ibinalibag ko siya sa lupa. “Ah!” Impit na ngiwi niya habang hawak ang balakang niya. “Sorry!” Nagmadali akong tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako papunta pero hawak ko ang kumikirot kong sugat at mabilis akong tumakbo palayo sa mansyon. Mabuti na lamang at walang bakod kaya madali lang sa akin ang makalayo. Nagpasikot-sikot ako sa matataas na damo. “Tumigil ka!” Nagulat ako sa umalingaw-ngaw na putok ng baril. Napalingon ako sa lalaking may hawak na baril at nakataas ang kamay sa ere. Binigyan niya ako ng warning shot para tumigil ako pero hindi ako tumigil mas binilisan ko pa ang pagtakbo. “Don’t shoot her! Bastard!” Narinig ‘kong sigaw ng galit na galit na wolf. Kapag nag-transform yun yare na ako! Hulihin mo ako kung kaya niyo! Ramdam 'kong marami na ang humahabol sa akin kaya hindi ako puwedeng huminto ngunit nang mapatingin ako sa kamay ko ay puro dugo na pala ang sugat ko. “s**t!” Nasaan na ba ako? Bakit parang walang katapusan ‘tong tinatakbo kong malalago at matataas na damo? Kahit may sugat ay mabilis pa rin ang pagtakbo ko ramdam ko din sa paa ko ang matatalas na bato pero hindi ko ininda yun dahil ang gusto ko ay makatakas dito. Akala ko ay napagod na silang humabol sa akin ngunit nanlaki ang mga mata ko nang mapalingon ako at malalaking aso na ang humahabol sa akin. At kapag naabutan ako ng mga aso niya katapusan ko na! Siguradong lalapain ng mga yun ang aking virgin na katawan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD