KEYLA
Ididilat ko na sana ang mga mata ko nang may marinig akong pamilyar na boses na nag-uusap malapit sa akin. Mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Hindi ko akalain na magagaling din pala ang mga tauhan ng Mr. Fang na yun. Kung hindi ako nakailag ay siguradong napuruhan ako. Involved si Mr. Fang sa illegal business like drugs and human trafficking. Ibinibenta niya ang mga babae na makukuha nila sa mga parokyano niyang yakuza. At sa Casino umiikot ang kanyang negosyo. Isa siya sa high profile na matagal nang binabantayan ng TAJSO. Sinigurado ‘kong nagawa ko ng maayos ang aking ikatlong misyon ngayon taon. Anim na buwan pa lamang mula nang maging isa akong agent na kasapi ng Trial and Justice Secret Organization or (TAJSO). Kasama ko ang aking kakambal na si Nara. Sa ngayon ay nasa labas siya ng bansa dahil may sarili din siyang misyon. Ang mga magulang namin ay myembro din ng isang undercover organization pero nagretero na si Mommy dahil ayaw na ni Daddy na pumasok pa siya sa delikadong trabaho. Mas pinili ni Daddy na itira si Mommy sa hacienda dahil doon ay tahimik. Si Daddy naman ay nanatiling consultant ng TAJSO at siya din ang nag-recommend sa amin kaya kami pinili ng organization. Nalagpasan namin ang tatlong buwan na training. Hindi lang ako pati narin ng mga kaibigan ko na sina Riya, Luna at Sol na anak ni Tita Tamara at Tito Nathan. Mga kaibigan sila ni Daddy at Mommy.
Hindi ko alam kung nasaan na ako. Pero may pakiramdam akong wala ako sa hospital. Iba ang amoy ng kwarto na ito at malambot din ang kama na hinihigaan ko. Bigla kong naalala ang lalaking nakita ko kanina bago ako mawalan ng malay dahil sa tama ng baril sa likuran ko. Hindi ako maaring magkamali. Ang lalaking nagligtas sa akin kanina! Siya ang lalaking nasa auction!
Bakit niya kaya ako niligtas? Wag niyang sabihin na sisingilin niya ako ng five hundred million? Kahit ibenta ko ang Krystal de Galio private island na minana ni Daddy ay hindi siguro yun aabot sa ganun kalaking halaga.
Ano ang gagawin ko?!
“Okay naman siya Thiago, kailangan lang niyang magpahinga. Mabuti na lamang at napasalinan kaagad namin siya ng dugo tumagos ang bala sa tagiliran niya kaya maraming blood ang nawala sa kanya. Kakaiba ang babaeng ‘to. Kahit malala ang naging tama niya ay normal pa din ang vitals niya. Tawagin mo na lamang ako kapag gising na siya.”
Narinig kong sabi nang isa pang boses. Sa tingin ko siya ang gumamot sa akin. Maya-maya ay naramdaman ko nang wala ng ibang tao sa kwarto dahil narinig ko ang pagsara ng pinto. Pero napakuyom ako ng kamay ng maramdaman ko ang presensya ng umupo sa tabi ko. Hindi ko alam kung ididilat ko ang mata ko o papakiramdaman ko ang mangyayari. Wala naman siguro siyang balak na masama sa akin dahil kung meron man ay hindi na sana niya ako pinagamot. Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang mainit niyang haplos sa aking pisngi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil ayoko ng may humahawak sa mukha ko. Kaya kaagad ‘kong hinawakan ang pulso niya. Gamit ang may dextrose kong kamay. Dumilat ako at matalim ang matang tinignan ko siya.
“Anong gagawin mo?”
Bumalik sa alaala ko ang mukha niya noong gabing yun. Ganito din kaseryoso ang mukha niya. Makapal ang kanyang kilay malalim ang itim na itim na mga mata. Katamtaman ang kapal ng kanyang labi at sobrang tangos din ng kanyang ilong. Sa tingin ko ay may iba siyang lahi.
“Kanina ka pa gising?” Mahinahon na tanong niya. Kumpara sa mukha niya ay kampante lang siya kung magsalita. Binitawan ko ang kanyang kamay at sinubukan kong umupo pero napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit ng tiyan ko. Wala nang epekto ang pangpamanhid sa sugat ko at kailangan kong uminom ng pain killers.
“Wag ka munang munang tumayo. Kakatahi lang ng sugat mo.” Pigil niya pa sa akin. Bumalik ako sa paghiga. Hindi ko naman maramamdaman na delikado ako sa kanya.
“Paano ka nakawala sa kulungan?” Tanong ko sa kanya na ikinangisi niya.
“Hindi nga ako umabot sa kulungan eh.”
“Tumakas ka?!” Bulalas ko sa kanya.
“Wag mo ng itanong kung paano. Ang mahalaga nandito ka na.” Kunot noo ko siyang tinignan. Parang may mali ata sa narinig ko mula sa kanya.
“Ano naman kung nandito na ako?”
Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha kaya hinarang ko ang aking kamay.
“Nakalimutan mo na ba? One hundred million ang bili ko sa’yo kaya dapat lang na nandito ka sa
bahay ko. Pag-aari na kita Keyla.” Sambit niya na ikinagulat ko.
“I’m more than that Thiago.” Matapang na sabi ko sa kanya. Subukan ko lang kung makalusot tapos mamaya iisip na ako kung paano ako makakatakas. Masama ang kutob kong hindi na niya ako papalabasin dito.
“I’m willing to pay more. Just name your price baby.” Nakangiting sabi niya sa akin.
“Anong baby? Hindi mo pa nga ako nililigawan baby agad? Hindi ako easy to get Thiago Profaci.” Wika ko sa kanya. Sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Lumayo din siya ng bahagya pero nanatili siyang nakaupo sa tabi ko at nakatingin sa akin.
“How did you know me? Don’t tell me kasunod na ako sa mga target mong patayin?” May pambebentang niyang tanong sa akin.
“Narinig ko sa speech ni Mr. Fang ang pangalan mo pero hindi ko alam na ikaw yun. Until narinig ko kayong naguusap kani-knina lang. Bakit? Drug lord ka din ba? Kung ‘Oo’ ang sagot mo tama ka. Kaya mali ang ginawa mong pagtulong sa akin.” Seryoso ko ding sagot sa kanya. Wag niyang sabihin na gwapo, mabango at yummy-licious siya dahil kung isa siya sa salot at kailangan kong patayin hindi ako magdadalawang isip na gawin yun!
“Hindi ako drug lord Keyla. If you’re not here to kill me. You’re here to marry me.”
Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ano daw? Pakakasalan niya ako o papakasalan ko siya?
“Jesus Christ! Ang bilis mo naman ata Pogi? Wala ka pa sa ligaw kasal na agad ang gusto mo? May lakad ka ba? O baka naman wala ka na sa kalendaryo kaya minamadali mo na ako?”
Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Pero ang totoo kinakabahan na ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko hindi talaga siya nagbibiro.
“Oh! Don’t tell me na love at first sight ka sa akin kaya gusto mo akong pakasalan? Hindi kita masisisi Thiago. Maganda ako at sexy kaya lang bata pa ako at isa pa may boyfriend na ako kaya hindi pwede yang gusto mo.”
Marahas niya akong nilingon at parang na siyang lion na handa na akong sakmalin anytime. Kinilabutan ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
“Kapag sinabi kong pakakasalan mo ako. Pakakasalan mo ako sa ayaw at gusto mo. Sumunod ka na lang sa akin para hindi na tayo mag-away pa. Dahil kapag nagmatigas ka hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” Pagbabanta niya sa akin na ikinataas ng kilay ko.
“Kailangan ko na bang matakot? Kung gusto mo akong makuha ligawan mo muna ako. Para naman maramdaman ko kung totoo nga ang pagtingin mo sa akin saka tayo magpakasal.” Seryosong sagot ko sa kanya na ikinaawang ng labi niya.
“I thought you have a boyfriend.”
“Just kidding.”
Nag-peace sign pa ako sa kanya at ngumiti. Lumiwanag ulit ang kanyang mukha kung kanina at thunderstorm ngayon ay ambon na lang.
“I don’t know how to court a girl. Pero kung yun ang gusto mo. Okay I’ll do it.”
Pagkatapos niyang sabihin yun ay kinintalan niya ako ng halik sa noo at nagpaalam na rin siya sa akin. Seryoso? Hindi pa siya nakakapanligaw ng babae?
Thiago Profaci. Hindi ko alam ang tumatakbo diyan sa utak mo. Pero sa ngayon ay pagbibigyan muna kita sa gusto mong laro.