Episode 4- Corner!

2525 Words
Sumakay sa motor si Dana bago isinabit sa manibela ang helmet nya saka isinuot ang gloves nya. Hinilot muna nya ang sintido nya saka ipinilig ang ulo medyo nakakaramdam sya ng hilo. Medyo malamit lang naman ang condo nya rito siguro naman ay kakayanin nyang makauwi ng safe. “May balak ka na ba talagang mamatay.” bungad ng isang britonong tinig na ikinalingon ni Dana na ikinagulat nya saka nag mamadaling kinuha ang helmet na isusuot sana nya pero napigilan iyon ni Dylan bago pa man nya maisuot. “No need to hide your face Ms. Mighty bond.” napalunok si Dana at umiwas ng tingin rito. “Give me back my helmet kelangan ko ng umalis.” “No! your not riding that damn motorcycle going home.” tumaas ang kilay ni Dana na saglit itong nilingon. “At sino ka naman para pagilan ako.” “Sino nga ba ako you decide a brother in law or the one who f*cked you.” halatang na shock si Dana sa narinig nanlalaki pa ang mata nito na lumingon sa kanya. “Now baba ka dyan sa motor mo o tatawagan ko ang ate mo.” obviously natakot ito sa sinabi nya dahil dahan dahan ito bumaba. “Masunurin ka pala now give me the keys.” utos pa ni Dylan. Nakita pa ni Dylan ang pag kukuli sa mata ni Dana na napakagat labi napalunok naman ng lihim si Dylan ng makita ang pagkagat nito sa labi ng lumapit si Dana i tataas na sana ni Dylan ang kamay para kunin ang susi rito ng motor pero nagulat sya ng halikan sya nito sa pisngi. “I give you a kiss kaya sana naman wag mo akong isusumbong kila ate celine.” gustong matawa ni Dylan sa ginawa ni Dana. Grabe ito lang talaga ang nag papatawa sa kanya. Keys na susi ang hinihingi nya hindi kiss na halik. “Im asking the keys of your motorcycle not the kiss you gave me. How stupid can you get.” di na pigilan na tawa ni Dylan. Awang naman ang bibig na napatingin si Dana kay Dylan. Ang tanga naman nya ano nalang iisipin nito. Barado na ba ang tenga nya o talagang loading na utak nya dahil sa antok. “Kung alam ko lang na halik ibibigay mo sa akin sana sa lips ko nalang sinabi.” “E kung di ka naman isat kalahati kang abnoy ang sabi mo “Give me a kiss.” “Excuse me i said give me the keys! yang tenga mo ang may deprensya. i used the not an A.” katwiran pa ni Dylan. Mag sasalita pa sana si Dylan ng bigla iangat ni Dana ang kamay at sinapo ang bibig bago parang may hinahanap na tumakbo palayo sa kanya pero agad syang sumunod rito. Di nya alam ang gagawin ng makitang nag susuka ito sa isang drainage. Gusto nya itong hawakan sa likod pero nag aalangan sya. Halatang nahihirapan ito sa pag suka at wala syang nakikitang inilalabas nito. Sapo sapo nito ang tiyan pumapadyak ang isang paa nito na parang na iinis marahil dahil nahihirapan nga ito sa pag suka tas wala pang lumalabas. Mabilis syang tumakbo pabalik sa kotse nya at kumuha ng isang bottle water ng maalala na meron sya sa kotse. pag balik nya naka upo na ito sa semento na sapo ang tiyan at ulo. Nakayuko ito kaya tinawag nya. “I need to go home.” “Let’s go ihahatid na kita. Hindi mo kayang sumakay ng motor sa hitsura mo.” “Ayoko sayo.” mahinang usal ni Dana. “Wala kang choice and the feeling is mutual wag kang assuming.” ganti nya rito. “Your not suppose to know me bakit nilapitan mo pa ako.” nag angat ng tingin si Dana para bigyan ito ng masamang tingin. “Kung di ka biglang sumulpot sa parking lot wala nama akong balak na ——jesus your nose is bleeding.” bulalas ni Dylan na mabilis na dinukot ang panyo sa bulsa at inilagay sa ilong ni Dana ng dumugo ang parehas na butas ng ilong ng dalaga. Tinabig naman ni Dana ang kamay nito. Normal na sa kanya ang pag dugo ng ilong nya lately. Sinabi naman sa kanya iyon ng doctor at ang pag susuka nya sign naman ng pag bubuntis at heto ngayon nasa harapan nga ang dahilan. Kailangan na talaga nyang masabi sa lolo at lola nya ang sitwasyon nya para matulungan syang alisin ang bata sa sinapupunan nya. Hindi puwedeng mabuhay ang bata sa tiyan nya tulad na din ng sinabi ng Tito Manolo ama ni Odette na una nilang pinag sabihan dahil possibleng makuha ng bata ang cancer cells nya at di nya kakayanin kung itutuloy nya ang pag bubuntis parehas lang silang mag inang mag susuffer. Pinilit ni Dana na tumayo pero hilong hilo talaga sya ngayon buti nalang mabilis na naka alalay sa kanya si Dylan. “Uuwi na kita whether you like it or not.” nang hihina na sya kaya di na sya nakapalag ng buhatin sya nito ng maisakay sya sa kotse agad rin itong umikot sa driver seat. “Dadalhin kita sa hospital.” “No!” malakas na sagot ni Dana. “But you doesn’t look okay.” “Baba nalang ako kung ipipilit mo.” “Fine! Inis na sagot ni Dylan saka inilapit ang sarili rito para ikabit ang seatbelt nito na bahagya pa syang itinulak ni Dana. “Wala akong gagawin sayo ikakabit ko lang ang seatbelt mo napaka arte mo naman. May nangyari na sa atin kaya wag kang pa virgin.” inis na wika ni Dylan. Sinamaan lang sya ng tingin ni Dana na hawak pa rin ang panyo na nasa ilong nito saka pumikit. “Your family doesn’t know your situation bakit di mo subukan sabihin sa kanila.” “Nakilala mo ako dahil pina imbestigahan mo ako tama.” hindi pinansin ni dylan ang sinabi nya. “They are your family. They need to know.” pagak na tumawa si Dana na ikinalingon saglit ni Dylan rito habang nag mamaneho ito after tawagan si Felix para abangan sya sa address ng dalaga para ipakuha rito ang motor ni Dana sa club. “Akala ko pina imbestigahan mo ako pero mukhang hindi kumpleto ang impormasyon nakuha nyo about sa akin.” “My point is pamilya mo sila kapag nalaman nilang may sakit ka baka mag bago ang trato nila sayo,” “Wag mo nalang akong paki alaman. sana ito na ang huli natin pag kikita. Wag mong subukan ipasok ang sarili mo sa gulo dahil sa akin. We had s*x iyon lang yon. Sooner or later mamatay na ako so Hindi ko na kailangan ng isa pang makikiramay sa burol ko iyon ay kung ibuburol ako ng pamilyang sinasabi mo.” “Mabait si Celine.” “Wala akong sinabi na masa kahit isa sa kanila. Basta Wag mo akong pakikialamanan at wag kang mang hihimasok sa buhay ko. Wala akong pakialam sayo kaya dapat wala ka rin paki alam sa akin.” “Ang yabang mo.” “At mamatay akong mayabang.” marahas na napabuga ng hangin si Dylan. “Makikialam ako sayo sa ayaw at sa gusto mo. Bar hopping clubbing.. You were not going anywhere without my permission.” Kumunot ang noo ni Dana na nilingon ito. Inalis nya ang panyo sa ilong ng matiyak ng wala ng nalabas. “Anong tawag sa ginagawa mo? Paki explain nga dahil talagang hindi kayang sabayan ng utak ko.” “Your sick and yet nagagawa mo pang mag puyat para lang—— “Teka nga nag papalapad ka ba ng papel sa akin dahil ate ko si Ate celine? Gusto mo tawagin kitang kuya? Well guess what hindi mo kailangan mag paka kuya sa akin kung sarili ko ngang ate hindi nag paka ate sa akin ikaw pa kaya na hindi ako kadugo.” “Puwes ibahin mo ako. Hindi ako nag papaka kuya sayo at mas lalong hindi ko matatanggap na tatawagin mo akong kuya dahil una sa lahat ayoko kitang maging kapatid pangalawa wag mo ng alamin dahil iba ang tumatakbo sa utak ko.” “Alam mo sa ginagawa mo ginagawa mong mas komplikado ang buhay ko.” “Mayaman ang pamilya mo kung sa america ka mag papagamot baka sakaling makatulong. May kilala akong mga doctor na ——“ “Tumigil ka na.” Di na nakatiis na sigaw ni Dana na ikinagulat ni Dylan. “Bakit sumisigaw ka? Magkatabi lang tayo..” inis naman sagot ni Dylan. “May pinag aralan kang tao. Pina imbestigahan mo ako nalaman mo ang sekreto ng pamilya ko maging ang sakit ko na kahit pamilya ko walang alam. Wag kang umasta na parang close tayo dahil hindi. Fiancee ka ni Ate Celine. Kapatid nya ako sa labas na isinusuka ng buong pamilya ko. Mula pag ka bata wala akong pamilya tas ngayon gusto mo mag pagamot ako para humaba ang buhay ko! pu****na! wala kang alam sa buhay ko…” kung nag lalabas lang ng apoy ang mata ni Dana baka lumiyab na si Dylan sa sobrang sama ng tingin nya rito habang pumapatak ang luha nya sa mata na di na nya napigilan. Kung makapag salita kasi ito akala mo naman maraming alam. “Ihinto mo ang sasakyan baba na ako.” “Hindi.” “Ihinto mo sabi.” sigaw ni Dana ng biglang kabigin nya ang manibela at gumewang sila sa kalsada. “Your crazy!” bulalas ni Dylan ng ihinto sa gilid ang kotse nito. Wala naman pakundangan na kinapa ni Dana sa suot nito ang susi ng motor nya na kinuha nito sa kanya kanina ng buhatin sya ng makuha nya iyon agad sya bumaba ng kotse. Tanaw naman na nya ang condominium building nya mag lalakad nalang sya kesa makipag baliktaktakan pa rito. “Ano ba Dana. Bumalik ka.” sigaw ni Dylan na pinaandar ang kotse ng mabagal para sabayan ang pag lalakad nito. “Kapag hindi ka sumakay tatawagan ko talaga si Celine.” napahinto sa pag lalakad si Dana saka masama ang tingin na nilingon ito. Bigla naman na alarma si Dylan ng makita nag pipigil nalang umiyak ang dalaga hanggang sa bumunghalit na nga ito ng iyak na parang bata. Buti nalang wala ng tao sa kalsada dahil madaling araw na at kokonti nalang ang sasakyan nag daraanan. Napapikit naman si Dylan. Napakasexy nito sa kasuotan nito pero heto at nakasalampak ng upo sa sidewalk habang malakas na umiiyak. “Hindi ba puwedeng mamatay nalang ako ng tahimik. Kung nakilala lang sana agad kita na ikaw si Dylan Lagdameo. Hindi sana ako sayo bumukaka. I messed up bigtime! Bakit ba kasi hinila mo pa ako palabas ng bar na yun e. Sana hinayaan mo nalang na ma gang rape ako mamatay lang din naman ako.” “Dahil lang ba fiancee ako ng ate mo kaya ganyan ka.” ani Dylan saka lumabas ng kotse saka tinabihan ito ng upo sa gilid ng kalsada pero nag palingalinga muna si Dylan bago nya gawin yun baka kasi may makakita sa kanila nakakahiya lalo nat baka makilala pa kung sino sya. “Hindi ko mahal ang ate mo at mas lalong wala kaming relasyon. Were getting married dahil sa isang business merged. No Feelings envolved.” “Hindi ka talaga marunong umintindi ano. Wala ka bang pamilya? “Meron syempre sino ba ang taong walang pamilya.” “Ako.” “You have your lolo and lola.” “They were old and sooner or later iiwan na din nila ako kaya mas mabuting ako na mauna kesa sila.” “Kaya susuko ka nalang ganun nalang yun.” “Alam mo hindi ka nakakatulong promise! matanda ka na pero di mo pa rin naiintindihan ang sitwasyon ko.” Napapikit si Dylan para sinapak sya ng kaliwat kanan sa pag kakasabi nito sa kanya ng matanda. Mukha ba syang matanda 32 palang sya well built at not to mention ang daming babae ang gusto pumikot sa kanya. “Alam mo ikaw ang nag papakomplikado ng buhay mo. Bakit di mo subukang sabihin sa pamilya mo na may sakit ka.” “Mag paparty sila kapag na teggy ako dahil wala na silang makakahati sa mana.” kumunot ang noo ni Dylan sa sinabi ni Dana. “Apelido ko lang ang Servantes but i never be a servantes to them para sa kanila kaagaw lang ako sa mana kila lolo at lola. Oo iiyakan nila ako kakaawaan sa harapan nila lola at lolo pero tingin mo ba ibuburol nila ako at sasabihin nila sa lahat na isa kong servantes.” Suminghot si Dana at pinahid ang luha sa pisngi saka tumayo tsaka nag lakad. “Kapag nalaman nila na mag kakilala tayo yung tahimik kong mundo magugulo. Kung di ka naniniwala sa akin puwes alamin mo kung anong possibleng mangyari kung ipag papatuloy mo ang ginagawa mong to.” “Hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanila.” mapait na tumawa si Dana na huminto sa pag lalakad at nilingon ito. “Then learned to know them kung anong at sino ang magiging second family mo. Sabi mo nga business merged ang dahilan ng pag papakasal nyo kaya wala naman issue kahit makilala mo ang pamilyang kinabibilangan ko pero i never be the part of that family. So please back off! what we share that night ended that night also kung pinag nanasaan mo pa rin ako hanggang ngayon well thank you masyadong lang siguro akong maganda at sexy. Wag na wag ka ng lalapit sa akin dahil kapag ginawa mo yun my life will end like a miserable one.” Tumalikod na muli si Dana para lumakad pero ng maramdaman na nakSunod pa rin si Dylan lumingon sya. “Stop!” “Promise hindi na kita guguluhin after this ihahatid lang kita kahit hanggang sa building mo lang.” “Hindi na kaya ko na hindi na ako na hihilo.” “Bakit ba kasi ang kuli—— “Ikaw ang makulit. Wag ka na susunod utang na loob.” marahas na bumuga nalang ng hangin si Dylan na napasunod nalang ng tingin sa dalaga na basta nalang tumawif sa kabilang kalsada na di man lang natakot sa mabibilis ba sasakyan na dumadaan na panaka naka nalang. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman pakiramdam nya kailangan nya itong bantayan parang ayaw nya itong lubayan tulad ng gusto nito. Pakiramdam nya he needs to protect her and be a part of her life. “Na aawa ka lang sa kanya yun lang yun.” ani Dylan sa sarili habang pabalik ng kotse nya. Parang ang hirap paniwalaan lahat ng sinabi nito tungkol sa pamilya nito dahil napaka bait naman ng mga ito sa kanya pati si Celine kaya yung sinasabi ni Dana at maging ang imbestigasyon ay nag tutugma naman. Iba lang ang ipinakikita ng pamilya servantes sa kanya. Nag dadalawang isip tuloy sya sa kasal nya ngayon kung tama ba o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD