Episode 5- Leaving with a jet plane!

2596 Words
“No! aalis tayo ngayon mismo. Ipahanda mo ang private jet Yolanda.” galit na wika ni Maximo. Iyak naman ng iyak si Yolanda habang yakap yakap si Dana na nakaluhod sa giliran ng kama ng lolo nya. Habang na kikiusap sa mga ito na alisin ang baby sa sinapupunan nya. Nagalit ang mga ito ng malaman na buntis sya at sinabi nyang di nya alam kung sino dahil nag sinungaling syang lasing at di nya nakilala ang lalaki galit na galit ang lolo nya pero di pumayag ang mga ito na ilaglag nya ang bata. Hayaan nalang daw ang nandun na pero kakailanganin daw nyang lumayo para ipag buntis ang bata ng lihim. Inaasahan na nya iyon pero ng sabihin na nya na may Lukemia sya kaya hindi puwedeng mabuo ang bata doon tuluyan na syang humagulgol. Shock naman ang rumihistro sa mukha ng mga ito hanggang sa mapahagulgol na ng iyak ang lola nya na agad na niyakap ni odette para kalmahin. Nag hihisterical na kasi ito kakaiyak. “Hindi ako papayag na mamatay ka nalang marami tayong pera kung kelangan ubusin ko yun gagawin ko. Hinding hindi ka mamatay pati ang apo ko tandaan mo yan Dana.” “Lolo.” “Makinig ka gagawin namin lahat ng lolo mo para gumaling ka aalis tayo. Hmmm.. aalis tayo anak.” wika ni Yolanda.” tumango naman si Dana na mahigpit na niyakap ang lola nya. - - - - - - - - - - - - “Hindi pa ba lumalabas ng hospital ang lolo max?” tanong ni Dylan habang kumakain sila ng dinner sa isang fine dinning restaurant ni Celine. “Ah! Nakalabas na si Lolo di ba nabanggit sayo ni Papa. Actually umalis na rin sila ni Lola balak nilang mag bakasyon para sa full recovery ni Lolo.” “Umalis? Saan sila pupunta?” “Sa Us lang” “Tamang tama next week papunta ako Us Madadalaw ko sila kapag nagkaroon ako ng fre—— “No! no…” mabilis na turan ni Celine na nabitawan pa ang hawak na tinidor. “Bakit may problema bawal ko ba silang dalawin?” “Hindi naman kaso lang nakalihim kasi ang pag alis nila.” “Ah ganun ba? pero hindi naman siguro masama kung bibisitahin ko sila dun.” “Well sige sabihan mo lang ako para naman sabay na tayo.” “may mga kasama ba silang umalis o silang lang ni lola.” “Well may kasama naman silang doctor at Nurse.” tumango si Dylan. Tingin nya kasama si Dana na umalis ang dalawa. Marahil sinabi na ni Dana sa dalawang matanda ang sakit nito kaya biglaan ang ginawang pag alis. “Nga pala i heard na bumili ka daw ng condo sa blue pearl. Sana sinabi mo sa akin na nag hahanap ka ng condo para naman na i offer ko sayo yung condo ng friend ko na ibenebenta na din.” umangat ang tingin ni Dylan rito. Paano nito nalaman ang tungkol sa pag bili nya ng condo. Pinababantayan ba nito ang kilos nya. Binaba nya ang kubyertos na hawak nya saka masama ang tingin ang pinukol rito. Ayaw na ayaw nya sa lahat yung binabantayan ang galaw nya at inaalam ang mga ginagawa nya. “Paano mo nalaman na bumili ako ng Condo.” halatang kinabahan ito na napatingin sa kanya. Alam nito ang rules nya bago pa man sila ma engaged noon na wag na wag itong makikialam sa buhay nya. “Well it happen na friend ng friend ko ang may ari ng buildings na yun.” “Friends of friends… i heard na servantes ang may ari ng condominiums na lilimutan ko lang palang itanong sayo.” “Talaga ano daw pangalan?” “I forgot… “ kunwari nag isip si Dylan. “Dhalia.. Daisy.. Dana i dont know hindi naman ako ang nakipag transaction si Felix.” sagot ni Dylan na hinihintay ang magiging reaction ni Celine na halatang kabado. “Baka ka apelido lang namin marami naman ganun na halos mag kakaapelido.” “Maybe di ko naman na meet at di rin naman ako interesado kung kamag anak nyo ba o hindi.” ngumti si Celine. “By the way i heard some weird news marami na kasi nag lalabasan ngayon at malapit na ang election. Tutal nandito ka nalang din naman for confirmation only.” “what is it?” “May kapatid ka ba like illegitimate.” “What?” bahagya pang tumawa si Celine. “saan mo naman narinig ang kuwento yan well i know naman na hindi totoo kasi kung totoo makikilala ko din naman ang kapatid mo right.” “Of course marami ang naninira kay Papa.” “I thought so pero mabuti na din sabihin mo kay tito Damian about what i heard para naman mapag handaan nya if ever na pumutok.” “well wala din naman masamang pumutok dahil hindi naman totoo. My God! Nag iisa lang akong Servantes sa pamilya namin.” tumango si Dylan. Mariin na nakahawak si Dylan sa tablet na hawak nya. Confirm umalis nga ng bansa sina Maximo yolanda at Dana. Private jet ang ginamit ng mga ito para walang bakas na kasama ng mga ito si Dana. Hindi sya sigurado sa dahilan ng pag alis ng mga ito. Kung ipapagamot ba ng mga ito si Dana o itatago dahil malapit na ang election. Hindi si Damina Servantes ang nakalagay sa family registry ni Dana. Si Yolanda at Maximo ang tumayong magulang nito sa birth certificate ng dalaga. Talagang itinatago ng mga ito si Dana. Now he pity her most. After nyang maka usap si Celine saka lang sya nalinaw sa sinasabi ni Dana na magugulo ang buhay nito kung ipipilit nya ang sarili nya rito. Sa loob ng 21 years ng buhay nito tahimik lang itong nagtatago sa likod ng mga servantes at kung bigla nalang syang makikialam sa buhay nito magugulo ang pag tatago nito at possibleng maging miserable ang buhay nito. Huminga sya ng malalim sana lang maging maayos ang buhay nito sa america o kung saan man ito naroon. Sana makarecover ito at tulungan ito ng mga lolo at lola nya. he will back off gaya ng hiling nito. Hindi naman syang mahilig tumawag sa langit o mag dasal pero madalas naman syang nag papasalamat sa lahat ng blessing nya sa buhay pero ngayon gusto nyang hilingin na sana dugtungan ang buhay ni Dana dahil she deserve to be happy after all. - - - - - - - - - - - - - “what? how come?” gulat na bulalas ni dylan ng sabihin ni Felix na patay na raw si Yolanda Servantes. At iuuwi sa pilipinas ang labi nito para iburol. It’s been 2 years simula ng umalis ang mga ito at ngayon sanang taon na ito ang kasal nila ni Celine. “Atake sa puso sir they learned that someone manipulate Dana servantes Laboratory examination.” kumunot ang noo ni Dylan. “Walang lukemia si Dana Servantes sir.. Celine paid for the fake result.”mariin na napapikit si Dylan sa narinig pero bakit dumudugo ang ilong nito ng gabing iyon at nag susuka rin ito saka na hihilo. “Paano nila nalaman.” “Matagal na po yata nilang alam right after ng dalahin nila sa america si Dana but there is no Confrontation happen kaya pina imbestigahan ng matandang servantes pero kahit ang imbestigasyon nagawang harangin at manipulahin ng mag aama kaya natagalan bago lumabas ang katotohanan.” “Sinasabi mo bang sariling pamilya ni Dana ang kalaban nila.” takang tanong ni Dylan. “i believe sir.. agawan ng mana ang naging dahilan.” “paanong agawan ng mana.” “Walang napunta kay Damian Servantes na mana mula sa Mag asawang Maximo at Yolanda. Lahat ng ari arian at lahat ng asset napunta kay Dana maging ang lupang binili nyo sa mga servantes kay Dana naka pangalan. Wala papala usapan sa lupang iyon. Tanging special power of attorney lang ang hawak ni Damian kaya nai benta sa inyo ang lupa na walang consent galing sa matanda.” parang sasakit bigla ang ulo ni Dylan sa mga naririnig. “Bakit si Dana ang biglang nag mana ng lahat kung anak lang naman sya ni Damian.” “Ampon lang si Damian Servantes ng mga servantes. Si Dana ay anak mismo ni Maximo at Yolanda Servantes. Si Rica Salvador ang dating secretary ni Don Maximo. Isa lang syang surrogate mother na nag dala ng healthy embryo ni Doña Yolanda Servantes. Nagka affair sila ni Damain during that time kaya inakala ni damian na sa kanya ang bata. Na pinanindigan nalang ng dalawang matanda.” “Sinasabi mo bang inilihim ng dalawang matanda ang pagkatao ni Dana kahit sa mismong pamilya nila.” “Yes! protection para hindi nila magalaw si Dana pero tingin ko nasagad na ang pasensya ng don kaya sumabog sa kanila ang katotohanan na si Dana ang nag iisang tunay na servantes.” “Kung ganun walang sakit si Dana.” “wala sir pero hindi sya babalik ng pilipinas sa burol ng mama nya.” kumunot ang noo Dylan. “Bakit?” “Iyon ang di ko alam sir ang alam ko lang si Don Maximo lang ang uuwi kasama ng bangkay ng asawa nya.” “Anong mang yayari sa pamilya ni Celine.” “Wala pa pong lumalabas na balita pero tiyak na may kalalagyan sila kung kililos si Don maximo. Hindi makapaniwala si Dylan sa mga narinig. Hindi nya akalain na ganid din pala sa pera ang pamilya ni Damian buong akala talaga nya pag aari nito ang Lupang binili nya. Ibig sabihin mag kakaproblema sila sa nangyaring bentahan noon lalo pat iba ang tunay na may ari kung kelan malapit ng matapos ang construction saka naman nag ka problema. Ang original plan isasabay sa opening ng amusement park ang kasal nila ni Celine pero dahil sa pag kamatay ni Doña Yolanda malabo na iyong mangyari at natitiyak nyang gagawa ng malaking problema si Don Maximo dahil sa nangyari sa asawa nito dahil kung sya ang nasa kalagayan nito at anak nya si Dana na sinabotahe ng mga kinilala nitong pamilya. Titiyakin nyang pag babayaran nito ng mahal ang pag mamanipula ng mga ito. “Set me a meeting with Damian Servantes. I will full out all my asset to them ayokong madamay sa magulong pamilya nila.” “How about your wedding to Celine sir. Naka ayos na ang lahat?” “tingin mo mag papakasal pa ako after ng kaguluhan ng pamilya nila. No! Over my dead body ilalaban ko ang amusement park i already paid billions of peso sa mga Servantes kaya di nila puwedeng bawiin sa akin ang lupa.” galit na napabayo si Dylan sa mesa. “S**t! s**t! Sh+t!” sunod sunod n mura ni Damian na mayat maya nag lalakad pabalik balik sa loob ng library. Nag sisimula ng kumilos ang papa nya para isa isahin alisin lahat ng malalaking ari arian na nasa pangalan nya. “Anong gagawin natin Damian.” galit na tanong ni Zarina. “Itanong mo dyan sa magaling mong anak. Kasalanan nyan kung bakit nagkandaletse letse ang lahat.” galit na turo ni Damian kay Celine na kanina pa umiiyak. “Ano bang naisipan mo at ginawa mo ang bagay na yun. My God! Tingin mo hindi sasabihin ni Dana sa papa at mama ang sakit nya.” “Inilihim naman nya mama kaya di ko alam kung bakit nya sinabi akala ko tahimik lang syang mukhang tangang mag hihintay ng kamatayan nya.” “ta**ga!” galit na sigaw ni Damian. “Isa kang bobo! Sana bago ka gumawa ng katangahan sinabi mo muna sa amin.. Hindi kung kelan nag iimbestiga na sila papa saka ka nag sabi ng ginawa mong kapalpakan. Ta**ga ka.” sigaw pa ni Damian. “Sorry na papa.” “Sorry! anong sorry… alam mo bang pati ang Lagdameo nag fufull out n ng lahat ng asset nila sa atin at tingin mo may kasalan pang magaganap.” “Papa! Hindi puwede hindi matuloy ang kasal ko alam na ng buong business world ang kasal namin pati mga kaibigan ko. Pagtatawanan nila ako kapa——- “Damian.” malakas na sigaw ni Zarina na niyakap ang anak na malakas na sinampal si Celine ng ama. i’m “Ialis mo sa harapan ko ang babaeng yan sasamain sa akin yan.” “Ano ba kumalma ka nga.. “Paano ako kakalma ha! kasalanan ng anak mo kung bakit mawawala sa atin ang lahat ang tagal kong pinag hirapan ang lahat ng meron ako pero isang iglap mawawala lang at malalaman ko na anak pala ni Papa at mama ang Dana na yun. sige nga paano ako kakalma kung sya ang tunay na servantes at ampon lang ako.” hiyaw ni Damian. “Then killed your father bago pa nya maalis lahat sayo ng karapatan mo sa mga ari arian.” “Isa ka pa rin tonta manang mana sayo ang anak mo. Gagawin mo pa akong killer.. lumayas kayong dalawa baka kayo ang mapatay ko.” “Kausapin mo si Dylan baka matutulungan nya tayo.” “paano nya tayo tutulungan sya nga ang unang umatras dahil ayaw nyang madamay. Pera ang mahalaga sa taong yun Zarina kaya nga pumayag sya sa kasal nila ni Celine na walang kahirap hirap dahil para sa kanya ang kumita ng pera ang mahalaga. Palagay mo tutulungan nya pa tayo kung tuso si Papa mas tuso si Dylan. “Ngayon lasapin mo ang mga katangahan mo Celine ipanalangin mong maawa sayo ang lolo mo ayaw wag tayong limasan ng lahat dahil kapag nangyari yung mag kanya kanya na tayo ng landas.” “Damian.” “Nag sasabi lang ako ng totoo Zarina dahil hindi ko kayang mag hirap na kasama kayo masakit kayo sa ulo.” ani Damian saka sila iniwan mag ina sa library. “Mama paano kasal ko. Gusto kong makasal kay Dylan.” “Di ko alam Celine.. Kasalanan mo to sinabi ko na sayo pa dati na mag pabuntis ka at i seduce mo na si Dylan.” “Paano ko gagawin yun ma’ ni halik nga di nya ginawa sa akin. s*x pa kaya.” maktol ni Celine. “Akala ko ba sabi mo mabubuntis si Dana ano nangyari palpak lahat ng plano mong pag sira sa kanya kung sinabi mo lang sana kahit sa akin hindi nangyari ang lahat ng to sana noon palang nalinis nanatin ng wala ng nangyaring ganito.” “Anong gagawin ko mama.” “Puntahan mo si Dylan kung kelangan mag hubad ka sa harapan nya gawin mo. Mag maka awa ka sa kanya na ituloy nya ang kasal nyo.” “Paano kung ayaw nya mama.” “Puwes kulang ka sa tyaga bakit ka titigil kung ayaw nya. Pilitin mo hanggang sa pumayag sya. Isa ka pa rin naman servantes.” “Paano kapag nakilala nya si Dana. Paano kung si Dana ang alukin nya ng kasal dahil si Dana ang tunay na may pera at tunay na servantes. Kaya lang naman nya ako pakakasalan diba dahil servantes ako at kailangan nya ang lupa natin.” “Hindi nya makikilala si Dana tiyak na itatago sya ng lolo mo.” kumpiyansang sagot ni Zarina. “Tiyak na susuwagin na tayo ng babaeng yun kaya kailangan natin mag handa if ever na makabalik sya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD