Episode 3- Accidentally meeting you

2652 Words
Malakas na naipreno ni Dana ang kanyang BMW R1,250 rs motorcycle ng bigla nalang may isang kotse ang umatras sa parking lot. Buti nalang malakas ang preno nya at mabagal lang ang takbo nya kung nagkataon baka bumangga na sya sa sasakyan. Hindi man lang kasi ito nag signal na aatras pala ito sana man lang naka hazard ang tail light nito. Paano kung hindi sya aware at hindi sya safe driver edi baka mag hello agad sya kay san pedro. Nag mamadali pa naman sya dahil nakatanggap sya ng tawag sa lola nya na gising na daw ang lolo nya at hinahanap sya. Kaya naman nag mamadali na agad syang nag tungo sa hospital at mag hahanap ng parking. Nakasimangot na lumabas ang matandang driver ng sasakyan na handa na sana syang bubungangaan pero ng mapansin nito na marahil babae sya dahil sa suot nya. Naka skinny jean kasi syang pula at hapit na blouse na napapatungan lang ng polo na bahagyang nakabukas sa tapat ng dibdib nya na medyo nakadungaw ang maputi nyang cleavage. “Miss sa susunod mag iingat ka paano kung may nangyari masama sayo. Sagutin ka pa namin di mo ba nakita na natras ako. Saka kababae mong tao hindi ka dapat nag momotor delikado ang sasakyan ganyan para sa isang babae.” inangat ni Dana ang visor ng suot nyang helmet. Na appriciate naman nya ang mga sinabi ng matanda na mukhang driver lang dahil sa suot nitong polo na asul. “Kuya pasensya na di ko rin kasi nakita agad pero kung naka signal light lang po sana kayo di mangyayari to.” ani Dana na akmang aalisin na ang suot na helmet ng matigilan ng biglang mula sa backseat lumabas si Dylan Lagdameo na nakasimangot. “Leave her! Arman let’s go nag mamadali ako. Don’t waste my time for some stupid woman.” wika pa ni Dylan. Napa awang naman ang bibig ni Dana sa narinig ano raw stupid woman. “Maka stupid ka wagas e kayo tong stupid na di nag bubukas ng hazard light bago umatras.” turo pa ni Dana sa likod ng sasakyan ng mga ito. Na nilingon naman ni Dylan saka masama ang tingin driver na napakamot ng ulo. “Do you want compensation kaya nakikipag awa—— nahinto ang pag sasalita ni Dylan ng maamoy na ang familliar na scent na umabot sa ilong nya. Agad syang lumapit sa babae at natitiyak nyang galing rito ang amoy. “Take your helmet off.” utos ni Dylan na alarma naman si Dana. “Why would i? diba nag mamadali kayo kaya shoooo!” bugaw ni dana sa mga ito pero sinubukan na nyang iatras ang motor lalo na ng makitang ngumisi ang lalaki na namulsa. “You know me do you? stalker ba kita?” “Wow kapal naman ng face! GGSS ka rin naman ano.”kumunot ang noo ni Dylan. “Anong Ggss?” “Guwapong guwapo sa sarili at saka hello kailangan ba kilala kita?”tumikwas ang sulok ng labi ni Dylan na bahagyang hinawi ang collar ng suot nyang long sleeve nyang polo. “Hey ano ba? bastos ka ah!” tinabig ni Dana ang kamay ni dylan na lalo ng lumawak ang ngisi ng makita ang tatlong tattoo ng parang mga falling star sa medyo itaas ng dibdib nito na lalo lang nag kumpirma kay dylan na ito ang babaeng naka s*x nya almost 2 months ago na ang nakalipas. Ito lang din naman ang babaeng kilala nyang amoy fabric conditioner kesa amoy pabango. And its really weird but funny at di nya alam kung bakit pero na miss talaga nya ang amoy ng balat nito. “Kung di lang ako nag mamadali i would love to play along with you. Ms. Mighty bond.” kumunot ang noo ni Dana. “I hope to see you again and let me check if gumana ba ang mighty bond na ginamit mo.. kung hindi naman mas mabuti dahil i think hindi na ako mahihirapan next time.” kumindat pa ito bago tumalikod. Napaawang nalang naman ang labi ni Dana sa sinabi ni Dylan. “Oh My god he recognised me.” bulalas ni Dana sa sarili na nakatanaw sa papalayong sasakyan ni Dylan. bigla nyang nahawai ang damit ag napatingin sa tattoo nya. “Sh*t.” mura ni Dana ng marealize kung bakit hinawa nito kanina ang damit nya. Na alala nito ang tattoo nya. Hindi nga nya hinubad ang helmet nya dahil kinakabahan sya na baka makilala sya nito pero lintik na tattoo nya. Ang talas naman ng mata nito kaya naman pala lumapit ang nilalang na iyon. “Dana.” napalingon si Dana ng marinig ang sigaw ni Ode sa di ka layuan na kumakaway. “Mag papacheck up sila muna bago pumunta sa mga lolo at lola nya para kumpirmahin kung buntis ba sya. last week pa dapat ang monthly period nya pero mag damag na syang nag hintay pero hindi dumating kaya nag decide na sila ni Ode na mag pa check up bago sila mag punta sa vip room ng lolo at lola nya. Natitiyak naman nyang naroon ang pamilya nya kaya mamaya nalang sya pupunta. Lagdameo Servantes ang may ari ng private hospital na yun kaya di sya puwedeng makita na naroon ng ibang tao. Kaya mamayang gabi lang sya puwedeng dumalaw sa lolo nya kapag wala na ang pamilya nya. - - - - - - - - - - - - - “Hello arthur!” “Dylan my friend anong masamang hangin ang nagtulak sayo para tawagan ako.” tumatawang bungad ng kaibiagn sa kabilang linya. “May idea ka ba o kaya mo bang alamin kung kanino naka rehistro ang isang Black and red BMW R1250 Rs.” “Hindi mo ba nakuha ang plate number.” “i forgot.” “Well hindi naman lahat ng lalaki dito sa pilipinas may motor na —— “She’s a woman.” “Ha? Babae ang may dala ng BMW Motor.. wow she’ maybe hot para ipahanap mo sa akin.” “Just answer me okay kaya mo ba o hindi.” “Give me 30 minutes i call you back may tatawagan lang akong dealer.” “Ge’ sagot lang ni Dylan saka pinatay na ang tawag. Wala naman syang balak alamin pa kung sino ang babaeng nakaniig nya at di rin naman sya interesado dahil nga nag iwan din naman ito ng sulat sa kanya. “Lukemia Girl.” mahinang usal pa ni Dylan kung talagang may sakit itong lukemia bakit ang lakas pa ng loob nitong mag big bike hindi ba dapat mag pahiga higa nalang ito at mag pagaling pero sa hitsura nito kanina parang wala naman itong sakit. Mukhang pinag loloko lang talaga sya ng babaeng yun para siguro ma curious sya at isipin nya ito. Well nag tagumpay ang tacticang ginamit nito dahil after that night hindi na ito nabura sa isip nya. Kaya naman yung pag kikita nila kanina sigurado syang hindi coinsidence kilala talaga sya nito at sinadya nito ang nangyari dahilan para di niyo hubarin ang helmet pa misteryosa pa ibang klase din naman ang galawan ng babaeng ito. Una fabric conditioner ang tumatak sa isip nya. Then yung mighty bond na sinabi nito saka yung code name nitong Lukemia girl. Sino naman nga ang di makakalimot sa babaeng yun. Nasa may entrance na sya ng building nya ng mag ring ang phone nya. Si Arthur ang tumawag mukhang mas mabilis ito sa inaasahan nya well isang high expensive motorbike ang minamaneho ng babae at natitiyak nyang iilan lang ang may unit na ganun sa pilipinas. “Dana Servantes 21 years old. She lives at makati. She owned the 27th storey condominium building. I will send you the exact address if you want.” “Do it thank you.” sagot ni Dylan saka muling ini off ang call bago binalingan si Arman. “Tawagan mo si Felix sabihin mo i want him in my office asap.” turan ni Dylan. Dana Servantes? how is she related to celine… tanong pa nya sa sarili nya gusto nyang tawagan ang fiancee pero nag kukuli sya kaya sya nalang muna ang aalam ng tungkol kay Dana. “Yes sir.” - - - - - - - - - - - - Unwanted child, Anak na itinago ng pamilya Servantes… Iyon si Dana Servantes.. ayon sa nakuha nyang impormasyon kay Felix. “At totoong may Lukemia sya sir stage 4.” wika pa ni Felix saka ibinaba ang isang folder sa harapan ng mesa nya. Sa loob lang ng 24hrs nakuha agad ni Felix lahat ng hiningi nyang impormasyon tungkol sa babae. Hindi sya makapaniwal na 21 lang ang dalaga hindi mukhang 21 ang katawan nito masyado ng maganda ang hubog. For christ sake fiacee nya ang kapatid nito. Although wala naman talaga silang relasyon ni Celine pumayag lang syang mag pakasal rito dahil malaking tulong ang mga ito sa bubuksan nyang malaking amusement park sa parteng north na ngayon ay on going na. Wala palang eksaktong petsa ang araw ng kasal nila ni Celine pero anytime soon pag uusapan na nila iyon. Gamitan lang ang purpose ng kasal nila kailangan sya ng nga ito dahil sa pag takbong mayor ng ama nito na kapag nanalo malaking tulong rin sa kanya. Pag aari ng mga ito ang halos kalahati ng lupang pinag tayuan ng amusement park at kasal ang kapalit para ibenta ng mga ito ang lupa sa kanya na agad naman syang pumayag. Mas importante sa kanya ang paglaki ng empire ng pamilya nila kesa ang matrimony lahat naman ng member ng angkan nila ay puro arrangement marriage lang pero wala naman naging problema. Nag iisa syang anak at nag iisa rin tagapag mana pero marami naman syang mga angkan na member din ng Lagdameo empire para lahat sila galamay lang nya. Walang kahit isa nagtangka na agawan sya ng posisyon at kapangyarihan bilang chairman on the board sa edad na 32 ng mga kamag anak nila na gahaman rin sa yaman at kapangyarihan. Sa takot ng mga ito pulutin sa kangkungan tulad sa dalawa nyang pinsan at kapatid ng ama nyang sya mismo nag pakulong after ma discovered na ninanakawan ng mga ito ang mga kumpanyang hawak ng mag aama na under ng Sky castle Empire na syang Chairman of the board. Bata pa naman ang papa nya sa edad na 72 malakas pa rin naman ito kung tutuusin noon pinag retired nya. Gusto lang kasi nyang maranasan ng parents nyang mag happy happy nalang at mag pa tour tour around the world na walang inaalala. “Anak po sya ni Mr. Damina Servantes sa dating Secretary ng papa nyang si Maximo Servantes.” “Alam ba ng pamilya nya na may sakit sya.” umiling si Felix. “Tanging sya lang po at yung kaibigan nyang odette Sebastian ang may alam.” kinuha ni Dylan ang folder at tiningnan ang mga files na nakuha nito tungkol sa dalaga. “Odette Sebastian? Anak ni Manolo Sebastian?” taka pang tanong ni Dylan. Isang sa marami nilang kamag anak si Manolo Sebastian at minsan na nyang na meet si Odette Sebastian. Bigla parang nakaramdam sya ng pagkahabag para rito. May sakit ito at mag isa lang itong lumalaban dahil nga walang pamilyang dadamay rito dhil nga unwanted child anak sa labas na ikinahihiya. Kaya naman pala never nya itong nakita sa mga event sa mansion ng mga servantes. Alam nitong mamatay na ito anytime soon kaya naisipan nito biglang makipag s*x. Napangiti pa sya ng bahagya ng maalala ang note na iniwan nito sa kanya. Sinabi ito na ayaw daw nitong mamatay ng virgin at maging virgin ghost. Kaya pala ganun ito mag salita at umasta dahil bata papala talaga ito na di man lang nya napuna dahil nga napakaganda na ng katawan nito. Kumunot ang noo ni Dylan ng makita ang isang files. “Online schooling? Hindi sya pumapasok sa school.” napatingin sya kay Felix. “Hindi rin po ako sigurado sa bagay na yan kung bakit pero may mga nakuha akong impormasyon na di ko tiyak kung importante ba pero nakakapagtaka lang din sir e.” “what is it.” bahagyang kumamot ng ulo si Felix. “Gabi gabi po kasi syang nag ninight out. Clubbing at bar hopping. Alam nyang bawal sa kanya ang mag puyat pero walang palya ang pag punta nya sa mga bar pero may isang club po syang pinupuntahan na medyo wierd lang kasi para lang sya sa mga bakla sir.” kumunot ang noo ni Dylan. “Anong weird don? Usually diba sa mga gay bar mga babae at bakla lang tlagang customer ang allowed pumasok doon.” tanong ni Dylan. “Yes sir bakla at matronang babae at may age limit ang allowed pumasok doon ayun dun sa nakausap ko.” “and?” curious na tanong ni Dylan. “Pinapapasok daw si Ms. Dana Servantes roon na walang humaharang na guard.” “Hindi ba sya ang may ari ng club.” “Hindi po sir not related lahat.” “Hindi mo ba kayang alamin?” “Negative sir.” napaisip si Dylan. Ano ngang gagawin ng isang 21 years old na babae na may lukemia sa isang gay bar. Imposible naman nakikipag lampungan ito sa isang mga bayarang lalaki ron. Gustong uminit ng ulo nya sa isiping iyon kung tutuusin wala naman sya dapat pakialam kung makipag s*x pa ito sa kahit sinong lalaki katawan naman nito ang masisira hindi sa kanya pero na kakapikon isipin na ganun uri ito ng babae. “Sige na Felix maraming salamat sa impormasyaon ako na ang bahala rito.” tukoy nya sa folder. Agad naman itong nag paalam. Di nakapaniwala si Dylan habang nakaupo sa isang sulok ng bar. Kanina pa sya naka upo roon at nag aabang sa pag dating ni Dana. Di sya makapaniwala na nag tapon sya ng 100k para lang papasukin sya ng management ng bar ng palihim. Medyo tumaas ang kilay ni Dylan na bahagyan umayos ng upo ng sa wakas dumating na ang hinihintay nya. Medyo napalunok pa sya ng bahagya ng sundan ito ng tingin. Naka leather overall suit ito na hakab na hakab sa maganda nitong katawan. Banat na banat din ang buhok nitong nakataas ang tali wala man lang kahit konting hibla ang nalaglag sa heart shape nitong bukha na nakukulayan ng makapal na make up. Sino mag iisip talaga na 21 year old talaga ito sa hitsura palang nito. Pumasok ito sa isang pinto na nakalagay ay restricted area. Tinawag nya ang waiter na inilaan sa kanya ng may ari ng club para mag assist ng mga kailangan nya. “Anong meron sa pintong yun.” turo nya sa pinasukan ni Dana. “Naku sir di ko po alam pero nung ipinalinis po sa akin yan noon. wala naman pong kakaiba.” “ano meron sa loob?” “Computer laptod mga books po napakaraming books na parang pang doctor po.” kumunot ang noo ni Dylan. “Yung babae na pumasok dun kilala mo ba?” “Hindi po e at bawal pong mag tanong tungkol sa kanya mahigpit na bilin ng management. “Pero araw araw ba syang nandito?” “hindi po sir MWF lang sir.” tumango si Dylan. Medicine book bakit mag kakaroon ng medicine book sa isang gay club at naroon ang babaeng may sakit na lukemia. Posibleng doon nag oonline schooling si Dana. Halos 2 oras din ang inintay ni Dylan bago muling lumabas si Dana mula sa pintuan. Halatang pagod na ito dahil minamasahe nito ang batok habang papalabas ng club na nakikipag siksikan sa maraming tao. Agad naman syang sumunod rito ng palihim. Ngayon lang nya ginawa ito sa buong buhay nya ang sumunod sa isang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD