Episode 2- Condom reveal

2751 Words
Kabado si Dana habang kumakain sila ng dinner kasama ang buong pamilya nya. Parang pakiramdam kasi nya gumawa sya ng krimen. Hindi naman nya sinasadya kung nakilala naman nya agad si Dylan edi sana di sya sumama dito. Siguradong kakalbuhin sya ng Tita zarina nya kapag nalaman ng mga ito na nakipag s*x sya sa fiancée ng ate Celine nya. Minsan na nyang na meet si Dylan noon 20th birthday ng ate celine nya 5 years ago. Iyon din ang araw na innounce ang engagement ng dalawa. Hindi naman sya pinakilala bilang miyembro ng pamilya. Naroon sya sa mansion pero nasa kuwarto lang sya at palihim lang na nakatanaw sa party. Never syang nagkaroon ng engrandeng birthday party. Nung debut nya ang kasama nya ay mga kasambahay at mga tauhan sa hacienda doon kasi pinagawa ng lolo nya ang debut nya noon. Humingi naman ito ng pasensya pero nagulat sya sa regalo na bigay nito. Ang titolo ng lupa ng mismong hacienda, isang swiss account na million million dollar ang laman na di daw alam ng pamilya nila kaya kailangan daw nyang ilihim. Isang condominiums building mismo na nakapangalan sa kanya. Kaya ng isama na sya ng lolo at lola nya sa manila. Doon na mismo sa condominium building na pag aari nya sa tumira. Bagamat nagalit ang mag ina zarina wala ng nagawa ang mga ito ng malaman ang tungkol sa paglipat sa pangalan nya ng ilang ari arian ng lolo nila. Wala pa daw naman iyon sa 1/4 kaya wag daw silipin ng magalit ang mag ina dahil wala daw ibinagy sa ate celine nya ng debut nito. Ang katwiran naman ng lola nya. Taon taon nag paparty sila sa birthday nito Habang sya ay wala sine celebrate na birthday. “Bakit parang balisa ka apo.” puna ni Yolanda kay Dana na nag angat ng ulo na agad na ngumiti. “Wala naman lola may inisip lang po ako.” Napatingin si Dana sa ate celine na ngumisi na di nya alam kung para saan iyon bakit ganun ito makangiti. “Nag aaral ka pa ba? Bakit pakiramdam ko e lagi kang lutang.” pagalit na wika ni Damian. “Sympre naman po papa! Iyon nalang ang maipag mamalaki ko kila lolo at lola. Mag papatanga tanga pa ba ako.” sagot ni Dana “Triconex generic name?” hamon ng ama. Gustong tumarak ng mata ni Dana. “Metronidazole papa.” “Plasil 10 mg.” dugtong pa ng ama. “Metoclopramide.” “furoxone?” “Furazolidone papa.” tamad na sagot ni Dana. Pag tingin nya sa lola nya nakangiti lang ito na kinindatan nya. Euthyrox.” “Levothyroxine papa.” “Stop testing your daughter damian. She obviously knows everything.” “At wag nyo din sya laging kampihan lola kaya malakas ang loob ng isang yan kasi alam nyang kakampi nya kayo ni lolo.” segunda naman ni Celine. “Dahil lagi nyo nalang syang pinag tutulungan. Hindi pa ba sapat na di natin sya nakakasama sa mga gatherings sa mga importanteng event dito sa bahay.” “Mama alam nyong hindi puwede lalo na ngayon na tatakbo akong mayor at isa pa anytime soon ikakasal na itong panganay nyong apo. Mahirap na kung makikilala ni Dylan si Dana ng di pa sila kasal ni Celine.” wika ni Damian. “anong ibig mong sabihin.”galit na komento ng lola Yolanda nya. Gusto naman masaktan ni Dana sa sinabi ng ama pero nanahimik nalang sya dahil in part of her binabayo sya ng konsenya nya. “Aminin na natin she’s a flirt. Walang matinong babae ang araw araw pupunta ng club at mga bar para lang makipag make out sa mga lalaki buti hindi pa na bubuntis kapag nabuntis ka wag na wag ka ng mag papakita sa amin lahat. Isa kang malaking kahihiyan.” napalunok si Dana “That’s too much Damian kung nandito lang ang papa mo. Tiyak na magagalit yun.” “Lola mukhang di na ako matutunawan akyat nalang po muna ako sa kuwarto ko. excuse me lang po aalis na po muna ako baka nasusuka na kayo sa magandang pag mumukha ko.” ani Dana saka magalang na tumayo. Balak pa sana syang pigilan ng ama pero sinaway na ito ni Zarina. “Sino ba kasi may sabi sayo na isabay mo sya sa dinner.” “Mga wala kayong modo! Sana ay magising na si Maximo ng parepareho na kayong may paglagyan.” galit na wika ni Yolanda saka galit na rin tumayo. “Mama hindi pa kayo tapos kumain.” tawag ni Damian sa ina na nag walk out na.” “Hayaan mo na! Kaya ganyan ugali ni Dana e mana sa mama. Spioled nila ang bastarda mo.” napailing nalang naman si Damian. “Papa! Baka naman kapag namatay si Lolo at lola si Dana lang ang pamanahan nila. Wag kang papayag ako ang panganay na apo at ako rin lehitimo.” wika ni Celine. “Don’t worry hija that wont happen. Kamusta na nga pala ang relasyon nyo ni Dylan nag improve na ba?” tumarak ang mata ni Celine: “Paano mag improved pa. E hindi na kami mag tagpo. Alam nyo naman ang taong yun napaka workaholic kahit isang text or chat wala.” bumuntong hininga si Zarina. “It’s okay baby. This wedding is just a business purposes malaki ang tulong ni Dylan sa pagtakbong mayor ng papa mo. kaya tyagaan mo nalang kapag kasal na kayo saka mo nalang sya pag hanapan sa ngayon mag behave ka nalang at wag kang mag maldita. Mahirap na baka bigla syang makaurong sa kasal nyo mas nakakahiya.” “Of course mama.” “Alam na ng buong pilipinas na ikaw ang fiancee ng multi billionaire na si Dylan Lagdameo. Kaya ayusin mo ang mga kilos mo wag kang gagawa ng ikabubutas mo na iintindihan mo ba.” “Mas mabuti kung mabubuntis ka nya.” “papa! Text at chat nga wala s*x pa kaya..” na iiling na wika ni Celine. “Hindi mo ba magagawan ng paraan para makabuo kayo ng bata bago kayo ikasal.” “Oo nga hija saka napaka guwapo ni Dylan tiyak na magiging maganda at guwapo ang mga apo ko.” “Hay ma pa.,, kung alam nyo lang ilang beses ko ng sinubukan pero sabi nya hindi sya bet ang premarital s*x mas okay pa rin daw ang marital s*x after marriage.” natawa nalang ang mag asawa. - - - - - - - - - - - - “So how’s your night yesterday tingin mo makakabuo ka na?” turan ni Celine na ikinahinto nya sa paglabas ng banyo. Napatingin sya sa pinto ng kuwarto nya. Alam nya sinarado nya iyon bakit nakapasok ito. Ngumisi naman si Celine na mukhang na isip kung ano iniisip nya. Itinass nito ang bungkos ng mga master key ng mansion. “Lumabas ka na ate ayokong makipag away sayo. Wag kang mag alala hindi ako dito matutulog kukunin ko lang mga importanteng mga gamit ko.” “Good dahil talagang ayokitang kasama sa iisang bahay. Isipin palang na anak sa ibang babae ng papa ko nakulo na agad ang dugo ko.” “Alam ko kaya nga diba di ko naman isinisiksik ang sarili ko sa pamilya nyo.” “Hindi nga pero sila lolo at lola nag papaka tanga sayo kainis.” “kung inaalala mo ang mana na baka mahati sa tin dalawa. Wag kang mag aalala sinabi ko na kila lola na sapat na sakin yung hacienda at ang condo building sa akin.” “Kapal din ng mukha mo kung tatanggap ka pa ng hingit don.. anak ka lang sa labas kaya wag kang mag expect ng malaki at di rin naman ako papayag na makakuha ka talaga ng malaki.” “Alam ko rin kaya di mo kailangan ipaalala sa akin.” “By the way nagamit mo ba ang condom na inilagay ko sa bag mo.” kumunot ang noo ni Dana sa sinabi ng kapatid. “I was there at the club when i saw you nakikipag landian ka sa mga lalaki. So I guess kailangan mo ng condon so I put one on your bag.” napalunok si Dana. Oo ginamit nya ang condom nakita nya iyon ng silipin nya ang phone nya para tawagan si Ode dahil bigla itong nawala. Akala nya si Ode ang nag lagay nun dahil alam nito ang balak nya. “And i put plenty of tiny whole. Tingin mo may tumapon na sperm makakabuo ka kaya ng ka s*x mo.” awang ang labi ni Dana na natulala nalang kay Celine na tumayong tumatawa. “Tell me your joking right?” ngumisi si Celine na nag flying kiss pa. “Sabihin mo ako kapag nabuntis ka sagot ko na ang lahat ng gamit ng bata tutal tatalsik ka na ng tulyan sa buhay namin kapag nag buntis ka. byeeeiii sissy.” nang iinis pang kumaway ito ng hihina na napasalampak ng upo si Dana sa floor ng kuwarto nya. Paano kung nag sasabi ito ng totoo. “Omg!” hindi sya puwedeng makabuo mamatay din ang baby kapag namatay sya 5 months nalang ang itatagal nya sa mundo may madadamay pang bata kapag nagkataon. No! No No! hindi puwede dapat ngayon palang may gawin na sya bago pa mabuo ang bata. Lalo ng mag kakagulo gulo sila kapag nalaman ng mga ito na si Dylan Lagdameo ang Ama. Hindi na sya makakaakyat ng langit kapag nagkataon. - - - - - - - - - - - - - - “Odette gumising ka dyan bilisan mo.. odette.” sunod sunod na katok doorbell ang ginawa ni Dana wala na syang pakialam kung may magising na tenant sa katabing condo ni ode. Code red ito malaking problema kapag nag kataon. Ilang katok pa bago bumukas ang pinto at sabog sabog pa ang buhok nito. Mabilis nyang itinulak ang pinto at pumasok sa loob ng unit nito. “it’s 2 am in the morning bakla san galing sunog ka ba at naka evacuate ka dito.” kakamot kamot pa ang ulo na wika ni Ode na sumalapak ng siga sa sofa after sipain ang dala nyang maleta. “Ate celine mess up.” “Ano pa bang bago sa kagagahan ng ate mo. Na mumuro na sa akin yan babaeng yan.” mabilis na ikinuwento ni Dana ang sinabi ng kapatid nya. Bigla para naman binuhusan ng mainit na tubig si Ode na nagising lahat ng natutulog na dugo. “Ano gagawin ko paano kung mabuntis talaga ako? paano na? Madami ako alam na gamot na puwede kong inumin tingin mo.” “O sige inumin mo lahat para bukas mamatay ka na overdose mauuna ka pa sa sakit ko.” “Paano na nga.” ma iiyak ng usal ni Dana. “Saglit! Wag ka muna umiyak hold it… kailangan ko munang banyo wait lang.” tumalikod na si Ode may ilang minuto rin bago ito bumalik. Busy ito sa cellphone ng maupo sa tabi nya. “Ano na?” “manahimik ka.. genegerA ko ang ate mo.” sagot nito. Dumukwang sya para silipin ang text nito at medyo na tawa sya sa sandamakmak na mura na PI na pinawalan nito pero mas natuwa sya sa huling text nitong Mabaho daw ang Penpen mo kaya ayaw kainin ni Sir dylan.. kaya ibang penpen ang kinain nya at kilala ko kung kaninong penpen pero di ko sasabihin.. mamatay ka sa inggit!!!! oo mas maganda mautas ka sa inggit dahil may ibang penpen na kinakain ang fiancee mo.” Mura din ang sinagot ni Ate celine nya sa text ni Ode ng tumatawag na ito. Mabilis yun sinagot ni Ode ng mura sabay off ng phone at ibilocked si Celine. “Hoooo! parang di pa ako satisfied sa gigil ko.” “Salamat beshy talaga kita,” ani Dana na yumakap sa kaibigan. Matagal na matagal na nyang gustong gawin iyon kay celine pero natatakot sya sa lolo at lola nya. Maayos ang pag papalaki ng mga ito sa kanya kahit malayo pa sya sa mga ito ng lumalaki. Naroon pa rin ang respeto nya sa mga ito sa kabila ng kagaspangan ng pag uugali na ipinakikita ng pamilya nya sa kanya. “Sobra na sila porket di ka nalaban akala nila okay lang lahat baka kapag nalaman nila na mamatay ka na bka instead na umiyak sila mag paparty pa ang mga demonyo mong pamilya. “Hindi naman kasama sila Lolo at lola syempre.” “Natural alam ko naman yun. ka imbiyerna.” “kapag na teggy ako promise dadalawin ko silang madalas.” “Oo wag mo silang patutulugin mga demonyo sila.” huminga ng malalim si Ode na nilingon sya. “Kelan ba huling menstration mo.” “Fertile ako that night Ode kung iyon ang gusto mong malaman.” Napapikit si Odette na nasapo ang noo. “Tingin mo kaya may natapon sa loob mo.” “Hindi ako sure pero kung may butas yun tas napuwersa dahil nga daks yun sa kanya tas virgin pa ako. Nahirapan syang ipasok kaya medyo gumamit sya ng force possible lumaki ang butas at matapon sa loob ko yung iba.” kabado talaga si Dana sa iniisip mula pa kanina buti nagawa pa nyang mag drive ng motor nya pauwi. Tenant nya si Odette sa condominium building na pag aari nya nasa itaas lang na floor ang unit nya. “Don’t tell me nag motor ka habang ngarag yan kokote mo.” “Alangan hindi wala akong ibang sasakyan Ode.” “Sinabi ko na sayo bitawan mo na ang motor mo. Baka mapahamak ka nyan paano kung bigla ka nanaman mahilo habang mag momotor ka at nasa gitna ng hiway anong mang yaya——- “Hindi ang pag momotor ko ang issue dito Ode yung possibleng pag bubuntis ko. Hindi ako puwedeng mabuntis while im having my stage 4 cancer.” “Oh! God! napaka demonyo talaga ng kapatid mo. We need to get the baby out no matter what Dana.” “Pero Ode kapag ginawa ko yun baka sa impiyerno ako pulutin kapag namatay na ako. Hindi nga ako naging virgin ghost magiging killer naman ako sa impiyerno.” “We really need adult help Dana.” “Ha?” “Walang abortion dito sa pilipinas at sa kalagayan mo i don’t think makakabuti ang abortion baka di kayanin ng katawan mo if ever.” napaisip si Dana. May ilang mga pasa na ang nag lalabasan sa katawan nya hindi nya alam kung kiss mark ba yun ni Dylan dahil sa pang gigil nito sa kanya o dahil sa sakit nya di na sya sigurado. Imposible naman kasing kiss mark iyon grabe naman na nilalang si Dylan kung nagawa nitong lagyan sya ng kiss mark sa katawan nya ano to Vampira. “Kailangan natin sabihin sa lola mo or kahit kay Daddy nalang ang kalagayan at sitwasyon mo Dana hindi puwedeng tayong dalawa lang ang haharap nito lalo nat kung makakabuo kayo ni Mr. Lagdameo.” “Makinig ka sige papayag ako na mag sabi ng sitwasyon ko pero hinding hindi puwede malamn ng kahit sino kahit ng pamilya ko kung sino ang nakabuntis sa akin if ever. Malaking gulo to kapag nag kataon na iintindihan mo ba.” sunod sunod ang tango ni Ode. “Ipanalangit mo na hindi malakas ang dugo ni Mr. Lagdameo.” “Iyon e kung aabot pa ako ng 9 months beshy.” nalungkot naman si Ode na hinila ang kaibigan at niyakap ito. “Ano bang gagawin ko sayo.. napakabait mo naman bakit kailangan ikaw pa dumanas ng lahat ng to.. “ “baka bad ako nung past life ko kaya ganito ang buhay ko.” “Gaga! Demonyo lang talaga pamilya mo.” inis na usal ni Ode saka kumalas ng yakap sa kanya at mabilis na pinahid ang luha. “Matulog na tayo bukas gagawan natin ng paraan lahat magiging maayos din ito. Dito lang ako palagi for you beshy.” Ngumiting yumakap si Dana sa kaibigan. Habang piping nanalangin na sana walang mabuo sa sinapupunan nya. Ayaw nyang may madamay na bata sa sitwasyon nya kung sa ibang pagkakataon nga lang sana jackpot na maaanakan sya ng isang Dylan Lagdameo pero hindi nya gusto matulad sa kanya ang anak na itatago at ikinahihiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD