Chapter 18

1321 Words

BAKIT parang napaka-unfair ng mga sandaling iyon? May sama siya ng loob kay Lhorde, pero ang puso niya, hindi pa rin mapigilan ang lihim na humanga rito. Para itong isang prinsipe na naglalakad palapit sa kaniya. At ang mga mata nito, hindi inaalis sa kaniya ang tingin. At ano ang nakikita niya roon? Paghanga? Sa isip ay ipinilig niya ang ulo at nagbawi ng tingin bago pa nito mabasa ang nasa mga mata niya. Huminga nang malalim si Raven. Kanina, tama lang ang lamig sa labas. Pero bakit ngayon ay nanginginig ang kaniyang pakiramdam? Ganoon pa man ay hindi siya nagpahalata. Lalo na nang tumayo sa tabi niya si Lhorde. Naaamoy niya ang mamahalin nitong pabango. Pati ilong niya, humahanga sa mabango nitong amoy. Nang maalala ang mga tao sa loob ng Quinery Castle ay bahagya pa siyang lumingon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD