NAILIBOT ni Raven ang tingin sa paligid sa pangamba na baka may nakasunod na estudyante kay Lhorde. May suot na naman itong sumbrero sa ulo. Tinanggal pa nito iyon nang maglakad palapit sa kaniya at maupo sa karatig niya. “Lunch time pero narito ka,” patuloy ni Lhorde na sinulyapan pa siya. Lihim siyang napalunok. “Big deal ba sa iyo kung narito ako habang ang lahat ay kumakain ng tanghalian? Ikaw, ano ang ginagawa mo rito? Dapat kumakain ka rin doon sa cafeteria,” aniya na nagbawi na ng tingin. Hindi naman inalis ni Lhorde ang tingin kay Raven. “Wala ka kasi roon,” walang gatol na sagot ni Lhorde sa kaniyang tanong. Marahas ang ginawa niyang pagbaling dito. “Anong sabi mo?” “Wala ka kasi roon,” ulit nito. Kumunot ang noo ni Raven. “Ano naman kung wala ako roon? Hindi mo na dapat pan