"P-Po?" Halos nabingi ako sa mga narinig ko ngayon. Hindi ko pa mas'yadong na-absorb 'yong mga sinabi ng mayordoma. She didn't respond. Pasimple n'yang tinulak ang suot n'yang de-gradong salamin sabay tumikhim. I have a bad feeling about this. Parang kahapon lang, pinuri n'ya pa ako dahil maaga kong natapos 'yong pinalinisan n'ya sa 'kin na bathroom. Normal servants can clean that wide bathroom within 4 hours pero ako, natapos ko 'yon sa loob lang ng dalawang oras. Ganoon ako kasipag. She even checked every corner of the bathroom kung pulido ba ang service ko. I didn't disappoint her. "But ma'am, you said... I did a great job yesterday. Ano po ang problema bakit naman bigla-bigla nag bago ang isip n'yo?" magalang na usal ko. "Miss Mirabella, you are quite skilled enough to do servant