HABANG patungo kami sa elevator, pilit kong hinahabol ang malalaki n’yang mga hakbang. “H-Hoy, Legis. Hindi ka ba magbibihis?” tanong ko dahil naka-pajama lang s'ya ngayon. “May sarili akong kuwarto sa black mansion. Doon ako magbibihis, Mirabella.” Hindi n’ya pa rin binibitawan ang pulsuhan ko kahit naka-pasok na kami sa loob ng elevator. I saw him press the ground floor button. “Legis,” seryosong tawag ko sa kan’ya. Binabaan n’ya ako ng tingin habang naka-tayo lang sa tabi n’ya. “Hmm?” Inangat n’ya pa ang magkabila n’yang mga kilay. “You can let go of my hand. Baka may maka-kita sa ‘tin,” mahinahong utos ko pero imbes na bibitawan, mas lalo n’ya pang hinigpitan. “Ano ngayon kung may maka-kita nga?” hirit n’ya. Hindi ko muna s’ya sinagot dahil sinubukan kong alisin ang mga daliri