Knights 07

2796 Words
Knights 07 The Five Knights and Me KINABUKASAN ay maaga akong nagising sa pagtulog ko kahit may kaunting inis akong natulog dahil sa sungit na ‘yun, nasa sala ako ngayon kasaa sina Ash habang nakaupo ako sa sofa at nakatayo silang tatlo sa harapan ko. Ang gagwapo nilang nakatayo sa harapan ko dahil nakasuot sila ng suit dahil papasok sila ngayon sa kumpanya nila which is ang Knights Advertising Company, hindi mapagkaka-ila na talang gwapo ang tatlong five knights pero mas umaangat talaga sa mga mata ko si Ash dahil narin sa mabait ito sa akin. “Magiging ok ka lang naman dito kung aalis kami diba?”sambit na tanong sa akin ni Ash. Kung ganiyan lagi siya na mabait sa akin at parang nag-aalala baka tuluyan na akong mahulog sa kaniya, crush palang ‘tong nararamdaman ko paano pa sa mga susunod na araw? Isipin ko palang hindi ko na mapigilang kiligin. “Oo naman Ash, siguro maglilinis nalang ako dito para di ako masyado mainip.”ngiting pahayag ko sa sa prince charming ko. “Hindi ka naman namin katulong para maglinis ah?”sambit naman ni Tomi sa akin na ngiting ikinalingon ko sa kaniya. “Naku okay lang! Kaysa naman nakatunganga lang ako dito diba? Tsaka hindi naman pwede na pinapatira niyo ako dito ng libre tapos wala akong gagawin, kaya maglilinis nalang ako dito.” “Hayaan na natin sya, mukhang desidido si Aza na maglinis.”pahayag ni Onyx na ngiti kong ikinatango dito. Nakikitira ako sa kanila at ayoko naman na maging pabigat habang nasa bahay nila ako, kaya hangga’t may kaya akong gawin para makabawi sa pagpapatuloy nila sa akin dito, gagawin ko. “Malaki ang bahay na ito Aza, baka mapagod ka lang.”sambit na paalala ni Ash sa akin na alam ko namang nag-aalala sa akin na syempre sinong hindi kikiligin? Grabe sa bait at maalalahanin talaga si Ash, hindi na talaga ako magtataka if one day gusto ko na talaga sya. “Keri ko yan Ash, sisiw lang yan sa akin!”pahayag ko na ikinatawa ni Onyx na ikinalingon ko dito. “Talaga lang babe ha? Baka pag uwi namin dito madatnan ka naming pagod na pagod. This mansion is too big for you to clean using your so innocent hands.”sambit ni Onyx sa akin na nagawapa akong kindatan. Babaero talaga ang Onyx na ito. Kawawa naman ang mga babaeng nahuhulog sa mga binibitawang salita nya. Pero infairness hindi nakakailang ang pagkindat niya, kasi kung iba ‘yan baka nagtaasan na ang balahibo ko. Mabuti nalang gwapo si Onyx. “Tara na, may board member meeting pa tayo.”ani ni Tomi na nakatingin sa relo niya bago nauna ng umalis at lumabas ng knights mansion. “Huwag ka masyadong magpakapagod, huwag mo na linisin lahat. Marami namang pwedeng paglibangan dito.”bilin ni Ash sa akin na ikinaakbay pa ni Onyx sa kaniya. “Tama si Ash, sa second floor naandun ang entertainment room o kaya manood ka ng mga movie.I will give you my permission to enter in my room to barrow any movies you will like. I suggest you to watch p**n movies mag-eenjoy ka marami ako nun.”ngising alok ni Onyx sa akin na bahagya kong ikinangiwi sa suhestiyon nito na ikinalis ni Ash sa pagkaka-akbay nito sa kaniya. “That’s not a good suggestion for her, Onyx.” “Joke lang.” natatawang sagot ni Onyx na bahagya ko nalang ikinailing. Babaero na p*****t pa, kaso katanggap-tanggap ang pagka p*****t nito kaysa kay Wilton kikilabutan ka. Maalala ko lang ang mga pagtitig niya sa akin kinikilabutan talaga ako. “Don't mind what Onyx said.”saad ni Ash sa akin na agad kong ikinatango sa kaniya. “Oo naman, never akong papasok sa kwarto niya.”sagot ko na ikinangiti ni Ash sa akin. “May music room din sa taas, pwede mong puntahan kung ayaw mo manuod ng movies. Sige mauna na kami, let's go Ash.”sambit ni Onyx na nag-umpisa ng maglakad na lumingon pa sa may hagndanan. “ZILD, LET'S GO MAGBIBIGAY KA PA NG FINANCE REPORT!” sigaw na pagtawag na parang cue kay Zild dahil sa pagsulpot nito sa may hagdnana at tahimik lang na bumababa. Ang tahimik talaga ng awra ni Zild, matutuyuan siguro ako ng laway pag sya ang nakasama ko dito sa bahay. Nakasunod lang ako ng tingin kay Zild na nakababa na ng hagdanan ng mapalingon ito sa akin. “Ingat kayo.”ngiting sambit ko na nagawa ko pang kawayan si Zild na hindi naman ako sinagot at inalis lang ang tingin sa akin at sumabay na sa paglabas kay Onyx. Deadma ang ganda ko. “Isnabero.”kumento ko na hindi ko napansin na nasabi ko kaya napalingon nalang ako kay Ash ng bahagya itong matawa. “Masasanay ka din kay Zild, anyway tulad ng sinabi ko, you don't have to do any chores here okay? May magpupunta naman dito para maglinis, tsaka do you see that room with gold symbols over there?”pahayag ni Ash na may itinurong pintuan na katab ng kwarto ni sungit. May gintong simbolo nga sa taas, ngayon ko lang napansin. Hindi ko kasi napansin gaano ang kwarto na ‘yan. “Anong meron dun?”balik tingin kong tanong kay Ash na kit akong ikinaseryoso ng mukha nito habang nakatingin sa akin. “I suggest to you na huwag mong pasukin yun, for your own safeties Aza, okay?”pahayag na bilin nito na kahit naku-curious ako sa kwartong tinutukoy ni Ash ay tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. For my safeties? Bakit kaya? Ano kaya meron sa loob ng kwarto na ‘yun? Tanong ko sa sarili ko habang binibigyan ko ng tingin ang kwarto na pinagbabawal ni Ash na pasukin ko ng bahagya akong magulat ng hamplusin ni Ash ang buhok ko na ikinabalik ko ng tingin sa kaniya. “Mauna na ako Aza, just remember what I told you okay?”malamyos na bilin nito sa akin na ikinatango kong muli sa kaniya. “O-oo, h-hindi ako papasok diyan kung hindi naman pwede.” “Good, I have to go.”ngiting sambit ni Ash bago ito umalis sa harapan ko at naglakad na palabas ng knight mansion na ikinasunod ko ng tingin kay Ash. “Ang bait talaga nya.” Kumento ko nang maibalik ko ang tingin ko sa pintuan na may gold symbol na muli kong ikinatitig sa pintuan na ‘yun. “Ano bang meron sa loob ng kwarto na yun at bawal pumasok? Tsaka talagang kalapit pa ng kwrto ng masungit na ‘yun.”ani ko ng bahagya akong matigilan ng makita kong lumabas na si sungit sa kwarto nito na bahagya kong ikinasimangot. “Water stealer.”bulong na sambit ko na hindi ko napigilang pagmasdan ang kabuuan ng masungit na ‘to. Nakakainis kasing aminin na mas angat ang kagwapuhan nya kay Ash, siguro pinag-aagawan ang masungit na ‘yan sa company nila. Kaso masungit, siguro nung nagpasabog ng kagwapuhan at kakisigan si Lord talagang nag abang ang isang 'to, pero tulog nung mabuting ugali ang isinaboy at wala siyang nakuha kahit kaunti. “Do you know that it's rude to stare too much huh?” Bahagya akong napakurap ng sitahin niya ako na hindi ko napansin na nakatingin na pala siya sa akin. Damn! Nahuli nya pa akong nakatingin sa kaniya. “Masama bang tumingin?”angal ko na ikinaingos niya lang sa sinabi ko. Grabe, pati pag-ingos gwapo sa masungit na ‘to, unfair! “Clean every part of this mansion, understand?” seryosong bilin nito sa akin na ikinatayo ko na sa kinauupuan ko at nagawa ko pa talagang magpamewang sa harapan niya. “Hindi naman ako katulong dito ah!”bahagyang angal ko na malamig na tingin ang ibinigay niya sa akin. “And you’re not either a guest here, so you have to obey me.” “Oo na! Maglilinis na your highness.”saad ko na hindi ko napigilang ikasimangot at bahagya ko pang ikinayuko dito dahil grabe siyang mag-utos. Tapos iingusan lang ako at lalayasan. “Nakakaimbyerna ang ugali ng lalakeng yun, bossy masyado. Hindi ka magkaka-girlfriend pag ganyan ka kasungit!” inis na sambit ko ng mawala na si Raizen sa harapan ko. “Ano pa bang magagawa ko kundi maglinis talaga Aza, utos ng kamahalan, ‘yung masungit na prinsipe.”saad ko na ikinalibot ng tingin ko sa buong mansion. “Ang tanong saan ako magsisimula?” Dahil nagprisinta din naman ako, wala akong magagawa kundi panindigan ang paglilinis at para walang masabi ang sungit na ‘yun. Agad ko ng kinuha ang mga panglinis na nasa may kusina at inumpisahan ko na. Akala ko magiging okay lang ang paglilinis ko pero akala ko lang pala, pabagsak akong umupo sa sofa matapos kong malinis ang first floor ng knights mansion. “Nakakapagod, grabe sumakit yata ang buong katawan ko sa kakalinis.” Sambit ko na ikinasandal ko sa kinauupuan ko at ikinapikit ko dahil sa pagod. First floor palang ang nalilinis ko may second floor pa, nasaan na ‘yung sinasabi ni Ash na naglilinis ng mansion nila? Tiningnan ko ang relo ko at hindi ko napansin na mag-aalas dose na, kaya pala nakakaramdam na ng gutom ang tiyan ko. Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at naglakad ako papuntang kusina. “Magluto kaya ako? Kaso wag nalang baka malait lang ng prinisipe na ‘yun ang luto ko. So anong kakainin ko?”pagka-usap ko sa sarili ko na ikinabukas ko sa ref nila. Ang daming laman pero wala naman akong matipuhan na kainin sa mga nakikita ko sa loob ng ref. Napalingon nalang ako sa may sala ng marinig ko ang pag-tunog ng telepono na agad kong ikinasara sa ref at ikinatakbo ko pabalik sa sala upang sagutin kung sino man ang tumatawag. “Hello?” (Hello Aza, it's me Ash.) “Ash?” Napaupo ako sa kalapit na sofa na kinalalagyan ng telepono, hindi ko inasahan na tatawag si Ash. “Napatawag ka?” (Kakamustahin lang sana kita dyan sa bahay? Hindi ka ba naiinip mag-isa dyan?) Gusto kong kiligin sa dahilan ng pagtawag ni Ash sa akin ngayon, talagang naisip niya pa akong tawagan para kamustahin. Parang mag-asawa ang peg namin, nagtatrabaho siya tapos plain house wife ako. Langya, pwede bang kiligin? (Aza, hello?) Naputol ang pagpapantasya ko ng marinig ko ang boses ni Ash na tinatawag ako, malala na yata ang mga naiisip ko sa aming dalawa ni Ash. Kalma lang dapat Aza, dapat prim and proper ka. “Kaya ka lang ba tumawag para kamustahin ako?”tanong ko dito baka kasi mamaya hindi pala ako ang kinakamusta masyado akong nag-assume. (Yeah! ikaw lang kasi mag isa dyan? Hindi mo naman siguro nililinis ang buong mansion, right?) “Naku! Hindi naman, first floor palang naman ang nalilinis ko hehe.”sagot ko sa kaniya dahil ‘yun naman talaga ang nagawa ko na. (Ikaw talaga, you don't have to clean the whole house. Hindi ka katulong mansion, you’re a guest and not our maid.) Napasimangot naman ako sa kinauupuan ko ng maalala ko ang sinabi ni sungit sa akin kanina. “Tss! Pero sabi ng masungit na yun hindi ako guest dito.” (May sinasabi ka ba Aza?) “Ha? W-wala naman akong sinabi ah? Ok lang naman na maglinis ako kaysa naman tunganga lang ako dito diba?”sagot ko sa kaniya na bahagya kong ikinangiwi. Akala ko sinasabi ko lang ‘yun sa isipan ko, naibulaslas ko pala. Buti nalang hindi nagets ni Ash ang sinabi ko baka makarating pa kay sungit. (Ok pero huwag kang magpapagod, anyway kumain ka na ba ng lunch?) “Oo, kakatapos ko nga lang eh” Sinungaling, gutom ka na nga! (That's good, ah sige, I have to go. Nagwawala na kasi si Raizen sa meeting room, nabadtrip dahil may mga magazine na hindi nakarating sa Europe.) “Sige, good luck sa work nyo.”saad ko na ikinawala na ni Ash sa kabilang linya kaya binaba ko na din ang telepono. Grabe talaga ang lalakeng ‘yun, masungit na nga maikli pa pasensya. Kami ngang Oz kalmado lang pag nadedelay ang delivery ng mga Ads namin eh. Pero bigla akong napaisip, kanila kasi kilala at sikat ang Advertising nila, mataas ang tingin ng netizen sa kanila. Pressure siguro ‘yun kina Ash at lalo na sa masungit na yun. Tumayo nalang ako sa kinauupuan ako dahil kailangan ko ng makapaghanap ng makakain ko para makapagsimula na ulit ako sa paglilinis ko, may second floor pa akong lilinisin. Tsaka susubukan kong silipin ang music room sa taas, binigyan naman ako ng rights nina Onyx na silipin ‘yun. Babalik na sana ako sa kusina para maghanap ng makakain ko ng mapatingin ako sa pintuan na may gold symbol na ibinilin ni Ash na huwag kong papasukin. “Ano kayang meron sa kwarto na yan at nasabi ni Ash na safe ako kung hindi ko papasukin yan? Nakaka intriga pero kailangan sundin ko ang sinabi ni Ash, baka pag aari ng masungit na Prinsipe ang kwarto na ‘yan, katabing kwarto nya kasi eh! Tama baka magalit si Prince sungit pag pinasok ko yan kaya safe ako if hindi ko pakikielaman yan.”sambit ko sa aking sarili na ikinahakbang ko na para pumunta sa kusina kaya lang kusang tumigil ang mga pa ako at naiinis akong binalingan muli ng tingin ang pintuan na ‘yun. “Ahhh! Hindi maalis ang kyuryosidad ko sa kwarto na yan eh!” angal ko. Pag na-curious kasi ako alam kong hindi ako matatahimik hanggat hindi nawawala ang curiosity ko sa isang bagay. Si Ash kasi pinagbawalan ako ayan tuloy gumana na naman ang pagka curiousty side ko. “Ok lang naman sigurong sumilip.”ani ko na ikinalakad ko papunta sa tapat ng kwarto na may gold symbol at huminto ako sa tapat nun ng makalapit na ako. Sisilip lang naman eh, hindi naman malalaman ni Ash na sinilip ko. Siguro mga importanteng gamit ni Prince Sungit ang naandito. Huminga ako ng malalim bago ko hinawakan ang seradurua ng pinto ng bahagya akong magitla ng makarinig ako ng lagabog mula sa loob kaya napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa seradura. “Hala anu yun? Sa loob ng kwarto galing yung lagabog, sisilipin ko pa ba?”tanong ko sa sarili ko na talagang pinag-isipan ko pa pero talo ako ng curiosity ko. “Bahala na nga.” Hinawakan ko ulit ang seradura at dahan dahan itong binuksan ng mapakunot ang nook o dahil madilim ang loob nito. Pumasok ako sa loob at kinapa ko ang switch ng ilaw. “Asan na ba ang switch ng ilaw dito?”tanong ko sa sarili ko habang kinakapa ko ang pader ng kwarto hanggang sa may mapindot ako at magbukas ang ilaw sa loob. “Nabuksan ko din.” Natutuwang saad ko na ikinalibot ko ng tingin sa kabuuan ng kwaarto ng mapakunot ang noo ko dahil sa nakikita ko. “Paamno nagkapuno dito? Parang jungle naman ang kwarto na ito? Parang saffari ang peg ah.”kumentong saad ko na ikinasara ko sa pintuan at ikinalakad ko palapit sa may malaking puno sa may gitna at hinawakan ito. Bakit kaya sinabi ni Ash na safe ako kung hindi papasukin ito eh ganda nga dito sa loob, parang nasa safari ako. Natutuwa ako sa malaking puno na hawak ko ng matigilan ako dahil parang may narinig akong ungol na ikinalingon ko sa paligid ng kwarto. “A-ano ‘yun? Parang pamilyar sa akin ang ungol na yun ah?”sambit na biglang ikinakaba ng dibdib ko. Hi-hindi naman siguro, guni-guni ko lang yun. Tutal naman nalaman ko na ang loob ng kwarto na ito, kakain na ako para makapaglinis na ulit. Kailangan ko ng lumabas, tatalikod na sana ako para makalabas na ako ng kwarto ng makita ko at tumambad sa mga mata ko ang isang hayop na nagpalaki sa mga mat ako ng lumabas ito mula sa likuran ng malaking puno na nasa harapan ko. Napalunok ako sa kinatatayuan ko habang malalim na tingin ang binibigay nito sa akin na parang ikinamuo ng mga pawis ko sa buo kong katawan lalo na ng maglakad ito at huminto di kalayuan sa harapan ko. “Pa-papaanong…” Hindi ko na napigilang matakot ng buksan nito ang malaki nitong bibig na parang humikab na hindi ko napigilang ikasandal sa malaking puno. Bakit may malaking leon dito sa loob ng kwarto na ‘to?! Sigaw ko sa isipan ko ng malakas itong umatungal di kalayuan sa harapan ko. Sh*t! Katapusan ko na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD