Knights 06

3225 Words
Knight 06 The Five Knights and Me -AZA’S P.O.V- Alam niyo ‘yung salitang awkward? Iyon ang nararamdaman ko ngayon oras na ‘to habang palihim kong sinusulyapan ang apat na Knights na kasama kong kumain ng hapunan, ang binubuo ko palang sa plano ko na hanapin ang mga ito ay biglang dadalhin ako ng kapalaran sa kanila. Sign na ba ‘to na makaka-ahon na ulit ang Oz at magagawa kong mahulog sa akin si Ash? Hindi ko tuloy mapigilang tingnan ang mga ito, si Onyx Samaniego, kung titingnan mo sya parang matinong lalake na hindi mo iisipin na nilalaro lang ang mga babae, parang mabait at hindi gagawa ng kalokohan. Talagang nakakapanlinlang ang kagwapuhan ng isang ito. Sunod ko namang palihim na tiningnan si Tomi Hideki, itong kalahating hapon na ito, iniisip ko kung sa pansamantalang pagtira ko dito ay maranasan ko ang mga kalokohan nya.Mukhang dapat na akong kabahan sa mga susunod pang mga araw. Si Zild Benitez naman ang tiningnan ko na tahimik lang na kumakain sa kinauupan nito, itong isa naman na ito, bihira mo lang yata marinig na magsalita, gugulatin ka nalang nya pag ginusto nyang umimik. Napakamisteryoso pa ng dating nya. Tapos si Ash---hindi ko napigilang magulat ng makita ko siyang nakatingin na sa akin. “May problema ba Aza? Hindi ka kumakain, so I assume na hindi mo nagustuhan ang pagkain.”sambit na saad nito sa akin dahilan upang bumagsak din ang tingin ni Onyx at Tomi sa akin, diresto lang naman kasi si Zild sa pagkain nito. “H-huh? Naku ang sarap nga ng mga pagkain eh, may chef ba kayo dito? Ang galing nya magluto, thumbs up.”ngiting sambit ko. Totoo naman ang sinabi ko, masarap ang pagkakaluto ng mga pagkain. Parang pang five star hotel ang lasa ng mga ulam na nasa hapagkainan namin ngayon. “Chef? Hindi namin kailangan ng ganun.”ngiting sagot sa akin ni Onyx na ikinapagtaka ko naman. “Kung ganun sino nagluluto ng pagkain nyo? Ikaw ba Onyx?”baling na tanong ko sa kaniya kaya lang wala naman sa itsura nito na magaling ‘to magluto “Cooking is not thing, so im not.” Sabi ko na eh, baka nga pag-hawak ng simpleng pagpiprito ay hindi nito kayang gawin. Baka si Tomi ang nagluluto sa kanila. “Edi ikaw ang nagluluto Tomi?”baling ko naman na tanong dito na ikinailing nito sa akin. “Nah! Ayaw nila akong papasukin sa kusina eh kaya wala akong chance. Baka bigyan ako ng bukol ni Raizen sa ulo pag sinubukan kong magluto sa kusina.”ngiting sagot sa akin ni Tomi na ikinasalubong ng mga kilay ko. “Huh? Bakit naman?” “One time kasi na nagluto sya sa kusina, muntik ng masunog ang bahay.”sagot ni Ash sa tanong ko na gulat kong ikinalingon kay Ash. “Ta-talaga?”sambit ko bago ko binalik ang tingin kay Tomi na malawak na ngumiti sa akin. “Sinubukan nya kasi na palakasin ang apoy sa stove kaya sinabuyan nya ng gas, kaya ayun lumaki ang apoy na muntik ng ikasunog ng bahay. Thanks to the Mighty Prince Raizen naapula ang apoy, dahil kung hindi baka naging abo na ang knights mansion.”sambit naman ni Onyx na bahagya kong ikinangiwi dahil hindi ako makapaniwala kay Tomi. Sino ba naman kasing normal na tao na sasabuyan ng gas ang kalan para lang lumakas ang apoy? “Simula nga nun hindi na ako pinayagan tumuntong ni Raizen sa kusina, hindi ko na sinubukan dahil ayokong katabing matulog si Safi.”ani ni Tomi sa akin na nagtuloy nalang sa pagkain nito. “Si Raizen ang cook dito sa bahay, ang totoo kasi nyan si Raizen lang ang marunong magluto sa aming lima.”ngiting pagbibigay alam sa akin ni Ash na hindi ko mapaniwalang ikinalingon ko kay Ash bago sa masasarap na pagkain na nasa harapan ko. “Ta-talaga? Si Raizen lahat ang nagluto nito? Itong masasarap na pagkain na ito?” hindi ko mapigilang humanga sa masungit na lalaking ‘yun dahil sa galing niyang magluto. “Yup, he studied culinary in one of the famous University on Greece, and he also studied Hotel and Restaurant Management and he is best student there, a topnotcher in there batch. I must say na si Raizen ang pinakamagaling magluto sa buong Asia.”kwento ni Ash na unti-unting ikinalaki ng mga mat ako sa gulat. Hindi naman magbibiro ng ganito si Ash sa akin para purihin ang masungit na ‘yun kung hindi totoo, diba? “He also studied nursing, muntik na ngang maging licensed doctor ‘yun, umayaw lang sya dahil nag aral naman sya ng Law.”dagdag na pagkukwento ni Ash tungkol sa masungit na ‘yun na labis-labis ko ng hindi mapaniwalaan sa mga naririnig ko tungkol sa masungit na lalaking ‘yun. Nag-aral magluto ang masungit na prinsipe na ‘yun? Muntik pang maging Doctor? Tapos nag aral ng Law? Baka naman lahat ng course pinag-aralan niya, nahiya pa si Ash sabihin sa akin. “Kaya nga mas sikat sa mga babae si Raizen kaysa sa akin. Hindi lang talaga sya marunong mag entertain ng mga babae.”pahayag ni Onyx nang sabay-sabay kaming mapalingon kay Zild na tumayo na sa pagkakaupo nito, kinuha ang pinagkainan nito at dinala sa kusina na ikinahabol tingin ko naman dito. Nakalimutan ko na kasama namin siyang kumain, bakit kasi ang tahimik niya? “Masanay ka na kay Zild, hindi talaga pala imik ang isang ‘yun.”sambit sa akin ni Ash habang kay Zild na kalalabas lang ng kusina at walang imik at dere-deretsong umakyat sa hagdanan. “Maswerte ka na nga kung iimikan ka isang ‘yun eh, talagang silent treatment ang ibibigay nya sayo. Si Raizen lang kinakausap nya ng maayos.”pahayag ni Onyx na ikinatayo na din nito sa pagkaka-upo nito. “Iwan ko muna kayo at lalabas muna ako, may date pa kasi ako na dapat kung siputin.”ngiting paalam ni Onyx sa amin. “Kanino? Kay Amara?”ani ni Tomi na ikinangisi ni Onyx dito. “Hindi na? Sino si Juvia, Alyna o si Patricia?” “Wala sa nabanggit, Hideki.”ngising saad ni Onyx bago nito tinapik si Tomi sa balikat nito at umalis na. Hindi man lang dinala sa kusina ang pinagkainan niya at basta nalang iniwan para sa date nito, babaero talaga. “Kumain ka na Aza, hindi pa kasi kitang nakikitang sumubo. Baka manghina ka pag kaunti lang ang kinain mo.”puna ni Ash sa akin na ikinangiti ko sa kaniya. “Ang bait nya talaga sa akin,hindi na ako magtataka kung sa mga darating na araw na naandito ako ay mahulog talaga ako sa kanya. “The best talaga magluto ang Prinsipe na yun.” Puri ni Tomi sa masungit na ‘yun habang kumukuha pa at naglalagay ng pagkain sa plato na ikinakunot ng noo ko ng mapansin kong hindi sumasabay ng pagakin sa amin ang lalaking ‘yun. “Asan pala sya? Hindi ba sya kakain? Siya ang nagluto ng mga pagkain na ito tapos siya ang wala dito?”tanong ko kina Ash. Baka naman kaya wala dito kasi ayaw sumabay ng pagkain dahil narito ako? Hindi ba niya alam ang salitang sociable? “Naku, minsan lang sumabay sa amin si Raizen pag-kakain breakfast, lunch o dinner man, mas gusto nya pa kasi kumain ng solo. Baka mamaya pa yun kakain pag tulog na tayong lahat.”sagot sa akin ni Tomi na ikinatango ko nalang. “Ganun ba?” Napaka Anti-social pala ng Prinsipe na yun, loner, pero okay narin yun hindi ko kasi keri ang kasungitan nya eh. Tsaka naiilang ako sa presensya niya, baka hindi pa ako matunawaan kung kasabay namin siyang kumain dahil mapanuring tingin niya tapos malamig at wala pang emosyon. “Sanay si Raizen na kumain mag isa.”dagdag na paliwanag ni Ash na ngiting ikinatango ko nalang sa kaniya at nagsimula na ulit akong kumain. Pag ganun ang isang lalaki, kung ganun ang attitude niya it's either iniwan ng babaeng mahal niya o niloko sya. Ganun naman yung mga lalaking nagsusungit diba? “No girlfriend since birth si Raizen.”ngiting sambit ni Ash na ikinalingon sa kaniya. “Huh? Anong sabi mo?”tanong ko na mas ikinangiti nito sa akin. “Hindi pa nagkaka girlfriend si Raizen. Sadya lang na pinanganak syang masungit.”sagot nito sa akin na bahagya kong ikinagulat sa kaniya. “Hala! Nabasa mo ba ang nasa isip ko?” “Hindi, alam ko lang na yun ang iniisip mo.”natatawang sagot sa akin ni Ash na ngiwing ikinangiti ko sa kaniya. Akal ako mind reader si Ash para malaman niya ‘yung naiisip ko. Ganun ba ako ka transparent? “Virgin pa ang mahal na Prinsipe, hindi pa yun umibig o nakaramdam ng paghanga sa kahit na sinong babae.”paliwanag ni Tomi na bahagya kong ikinalapit sa kaniya. “Baka bakla sya, tingin niyo?”konklusyon na pahayag ko na sabay ikinatawa ni Ash at Tomi sa sinabi ko. Okay, mukhang mali ang sinabi ko. “Hehehe sabi ko nga mali iniisip ko eh.” “He's not a gay, sadyang ayaw pa nya sa isang commitment. Tsaka hindi nya kasi alam ang pakiramdam ng in love.”ngiting ani ni Ash sa akin na ikinatango ko nalang sa sinabi niya at kumain nalang ako ulit. Sa gwapo ng lalaking ‘yun wala man lang naging jowa o nagustuhan? Ang swerte naman ng babaeng mamahalin nya. Iyon nga lang malas din kasi masungit ang Prinsipe na yun. Bakit ko ba iniisip ang masungit na ‘yun, pakielam ko naman sa lovelife ng isang ‘yun? Inalis ko nalang sa isip ko sa masungitna ‘yun at nagtuloy nalang ako sa pagkain ko. Matapos ang pagkain namin nina Ash ay pinataas na nila ako sa kwarto na binigay nila sa akin at sila na daw ni Tomi ang maghuhugas ng pinggan. Tumanggi ako nung una kasi nakakahiya naman sa kanila pero mapilit si Ash kaya wala akong nagawa kundi iwan sila at umakyat na sa binigay nilang kwarto sa akin. Pagka-akyat ko ayagad akong pabagsak na humiga sa kama, mas malambot ito kaysa sa kama ko sa apartment namin nina Lena. Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga ko ng maalala ko sina Lena, kaya agad kong kinuha ang cellphone ko na mabuti at hindi nawala sa akin. Umayos ako sa pagkaka-upo ko at sinimulang tawagan si Lena. (Aza! Buti tumawag ka na sa akin. Kanina pa namin hinihintay ang pagtawag mo, nakarating ka na sa province natin ng maayos ha?) “Sorry Lena, ngayon lang ako nakakuha ng time na matawagan kayo. Huwag kayong mag-alala sa akin nina C.C, ayos lang naman ako. Kaya lang hindi ako nat.uloy sa pag-uwi sa probinsya natin.”sagot ko kay Lena (Ano?! Sabihin mo nga Azalhea Liem Mcphee, kung wala ka sa province natin nasaan ka ha? Saan ka tumutuloy?!) Bahagya kong nailayo sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa pagsigaw ni Lena sa kabilang linya, alam ko namang nagulat ‘to sa sinabi ko pero nakalimutan niya yata na malapit ang speaker sa tenga ko. “Lena, chill ka lang ok! Ayos lang naman kasi ako. Heto nga nakakausap mo pa ako diba?” (Sagutin mo yung tanong ni Lena sayo, Aza nasaan ka? Saan ka nakatigil ngayong gabi?) Bahagyang napakunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Mia sa kabilang linya. “Mia? Teka naka loudspeaker ba kayo?” (Hindi naka conference call lang tayong apat. Ito nga lang pagkausap namin sayo ay patago lang dahil pinasusubaybayan kami ni Wilton sa mga tauhan nya.) Conference call? Bakit kailangan pa nila gawin ‘yun ay nasa iisang bahay lang naman sila? Kahit kailan minsa weird ang mga kaibigan ko. “C.C wala bang ginawa sa inyo si Wilton? Sinaktan ba nya kayo?”pag-iibang tanong ko dahil nag-aalala din ako sa kanila. (Don't worry Aza, galit na galit lang sya pero hidi naman nya kami sinaktan. Pinababantayan lang nya mga kilos namin para malaman nya kung saan ka pumunta. Pinapahanap ka nga nya Aza, grabe ang pagkagusto sayo ng lalakeng yun.) Nakahinga ako ng maluwag na malamang ayos lang sila at walang ginawa si Wilton sa kanila. “Mabuti naman at walang ginawa sa inyo ang doding daga na yun Lena, kung meron man sisisihin ko talaga ang sarili ko.”saad ko. (Baliw, huwag mo ng isipin 'yun, ang mahalaga hindi ka na nya mapipilit na pakasalan ka. Ok pa naman ang Oz, tsaka kung nasaan ka man ngayon at alam mong mahihirapan si Wilton na hanapin ka ay manatili ka muna dyan.) “Salamat sa inyo ha! Mag-iingat kayo dyan.”ngiting sambit ko sa kanila. (Ang dami mong sinasabi Aza ha! Hindi mo pa sinasabi kung saan ka tumutuloy ngayon?) “Sasabihin ko na nga Lena, daig mo pa si Mama eh. Pag-sinabi ko kung saan ako tumutuloy ngayon, guys don't freak out okay?”paalala ko sa kanila na alam kong kahit hindi ko nakikita sabay-sabay nagsalubong ang kilay ng mga ‘to. (At bakit kami mapi-freak out huh?) “Kasi Mia, hindi nyo papaniwalaan kung saan ako tumutuloy ngayon! Kahit ako hanggang ngayon hindi ko akalain na naandito ako ngayon.”sambit ko. (Nasaa ka ba? Sabihin mo na kaya.) “Ok, C.C, Lena, Mia, naandito ako ngayon sa tahanan ng five knights.”saad ko sa kanila na bahagyang ikinasalubong ng kilay at ikinapagtaka ko kung bakit tumahimik sila. “Hello? Guys? Andyan pa ba kayo?”tanong na paghahanap ko sa kanila. (Aza nasaan ka ngayon? Pwedeng pakiulit para kasing nabingi kami sa sinabi mo eh?) Akala ko nawala na sila sa kabilang linya. “Lena ang sabi ko, andito ako ngayon sa tahanan ng five knights.” (OMG! TOTOO AZA?) Bahagya akong nagtawa ng sabay-sabay silang magulat sa sinabi ko. “Nakakagulat diba?” (How come na dyan ka napadpad? Don't tell me Azal tinuloy mo yung plano mo ha?!Umamin ka nga?) “Hindi Lena! Coincidence kung bakit naandito ako ngayon, kahit nga ako hindi parin makapaniwala eh pero alam ko na safe ako dito dahil hindi maiisip ni Wilton na dito ako nagtatago.”paliwanag ko sa kanila. (She's right Lena! Aza is safe their kahit nakakagulat kung paano sya napadpad sa tahanan ng five knights, basta Aza mag ingat ka ok. Hanggat hinahanap ka ni Wilton ay dyan ka muna mag stay.) “Salamat C.C” buti pa si C.C napakalaki ng understanding. (Teka teka! Kung nasa five knights ka nakatira, ano gwapo ba talaga sila? Anong mga ugali nila? Mapagkakatiwalaan ba sila ha Aza sabihin mo!) “Lena kalma, maayos naman kasama ang fi--hello? Lena, Mia, C.C. hello?” kunot noo kong binaba ang cellphone ko at tiningnan ito nang makita kong patay na ‘to. “Hala! Lowbat na ako. Sayang hindi ko nakwento sa kanila na isa sa five knights ang crush ko, at baka mas magulat pa sila na may prinsipe akong kasama dito na magaling magluto, license nurse pa na muntik na maging doctor at isang lawyer.”ani ko na bahagya kong ikinatigil sa kinauupuan ko ng may marealize ako sa mga sinasabi ko. “Teka? Humahanga ba ako sa skills ng masungit na Prinsipe na yun? Aish! Erase erase, kahit gaano ka talented ang masungit na ‘yun, bagsak pa rin siya sa good manners at right cinduct.”saad ko ng makaramdam ako ng uhaw. Agad akong tumayo sa pagkaka-upo ko at ipinatong muna ang cellphone ko sa kama, naglakad na ako palabas ng kwarto ko at deretso akong naglakad hanggang sa makababa ako ng hagdanan at hindi ko naiwasan na mapalingon sa isang kwarto na sa pagkakatanda ko ay doon lumabas si sungit. “Bakit nasa baba ang kwarto ng masungit na ‘yun? Sina Ash sa taas pero syang prinsipe nasa baba lang ang kwarto?”tanong ko sa aking sarili na ikinibit balikat ko nalang at nagderetso na akong punta sa kusina nang mahinto ako ng tumambadsa mga mat ako si sungit na napatigil sa pagkain niya at napadako ang tingin sa akin. Tama nga sina Ash, kumakain lang sya mag isa. Ang malamig na tingin sa akin ni Raizen ay agad niyang inalis at bumalik sa pagkain nito, introvert ang isa pang pwede kong itawag sa sungit na ‘to. “Uhmmm, kukuha lang ako ng tubig.”paalam ko baka isipin kasi nito feel at home ako sa mansion nila kaya lang hindi naman ako sinagot at para akong hangin na hindi niya nakikita. Okay, Zild lang ang peg. Napabuntong hininga nalang ako nagtungo na ako sa may ref para kumuha ng tubig, habang nag-sasalin ako ng tubig sa baso ko hindi ko alam bakit naiilang talaga ako sa presensya ni sungit. “You should not feel at home while you’re here, it will not last so if I were you, hindi ko sasanayin ang sarili ko.”malamig na sambit nito sa akin na bunti nalang hindi ako nasamid sa pag-inom ko dahil sa biglang pagsasalita nito. Nilingon ko si sungit na kit akong deretso lang sa pagkain nito, matapos akong sabihan na huwag akong mag feel at home. “Alam ko ‘yun, hindi mo na kailangan ipaalala.” Napakasungit, sobrang layo kay Ash ng pag-uugali. “That's good.”sambit nito bago tumayo sa pagkakaupo nito bago seryosong humarap sa akin. “Knowing your place while your here is safe for you.”malamig na sambit pa nito sa akin nang maglakad ito palapit sa akin na hindi naiwasang ikagulat. Bakit kasi kailangan lumapit, naiilang na nga ako sa presensya nya eh! Bahagya akong napapitlag sa gulat ng biglang kunin ni sungit ang hawak kong baso na may laman pang tubig na ikinalaki ng mga mata ko ng ubusin nito ang natitirang tubig sa baso ko. “Te-teka a-akin ‘yan…”mahinang sambit ko na matapos nitong maubos ang tubig sa baso ko ay ibinaba niya ito sa may counter sa may likuran ko bago niya ibinaling ang tingin sa akin na ikina poker face pa ng gwapo nitong mukha. “What?” “Ka-kasi tu-tubig ko yun?”sagot ko na walang emosyong tingin muli ang ibinigay sa akin nito. “So? That's our property, besides tinatamad akong magbukas ng ref para lang kumuha ng tubig kung may hawak ka naman.” Dahilan nito na lumayo na sa harapan ko at tinalikuran ako. “Wash my plate before you go to your room.”utos nito bago ako iwan sa may kusina. Naiwan ako sa kinatatayuan ko na hindi ko alam kung anong dapat kung isipin at ibinaling ko nalang ang mga mata pinagkainan niya na hindi ko napigilang ikasimangot. “Tss! Ginawa pa akong taga-hugas mg pinagkainan nya! Ano bang aasahan ko eh prinsipe ang sungit na ‘yun. malay ba nun maghugas ng pinagkainan. Mang-aaagaw pa ng tubig ng may tubig! Property, hindi ko naman inaangkin ang baso niya ah? Nakikiinom lang naman ako.”naiinis na sambit ko na ikinakuha ko nasa pinagkainan nito para hugasan. “Sana pala hindi na lang ako bumaba! Kainis!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD