Knights 08
The Five Knights and Me
-THIRD PERSON P.O.V-
Pagkarating na pagkarating nina Ash sa loob ng knight mansion at galit na pabalibag na tinapon ni Raize ang suit case na dala nito. Kanina pa nila nararamdaman sa biyahe ang init ng ulo ni Raizen kaya kahit si Tomi ay hindi magawang makipag-biruan.
“DEKÁRA TO! AFTOÍ THA POTÉ PAÍRNO MAKRIÁ AFTÓ! (Damn it! They will never get away with this.)”madiin at galit na pahayag ni Raizen.
Hindi maganda ang mood ni Raizen ngayon dahil sa nalaman nilang nag-traydor ang ilan sa mga empleaydo ng kumpanya nila na palihim na ibenebenta sa malaking halaga ang mga magazine na pino-produce ng KAC. At mas lalong nagalit si Raizen dahil nagawa pang tumanggi ng mga ito sa harapan nila at magsuningaling.
“Chill your highness, hindi naman sila makakalusot sa ginawa nila. Pagbabayaran nila ang pagtatraydor sa knight Advertising Company.”pagpapakalma ni Onyx kay Raizen na pabagsak na umupo sa sofa habang umiigting ang kaniyang mga panga sag alit.
“They test my patience! Gamó tous! (Fvck them!)”mura ni Raizen na ikinaupo ni Ash sa katapat niyang sofa.
“Imbestighan nalang natin mabuti kung sino ang nag utos sa kanila na kalabanin ang KAC, sa ngayon kumalma ka muna Raizen. Iba ka pa naman bumawi pag galit ka.”ngiting ani ni Ash.
Sa tagal na nilang magkakasama sa knights mansion, alam na nila ang ugali ng bawat isa lalo na si Raizen pag nagagalit.
“I’ll make sure that they will regret that they betrayed the knights.”seryosong saad ni Raizen na ikinasandal niya nalang sa kinauupuan niya at buntong hiningang pumikit upang ikalma ang sarili.
“Nasaan kaya si Aza? Akala ko sasalubong siya sa atin dito pag-uwi natin.”pahayag na puna ni Tomi na inikot pa ang paningin upang hanapin si Aza na ikinalingon na din ni Oynx sa paligis ng sala.
“Oo nga nuh, baka nasa second floor.”
Tahimik naman na umupo si Zild sa tabi ni Ash at bahagyang iniikot din ang tingin sa buong sala nila.
“Baka nasa kwarto ko at sinubukan ang payo ko na manood ng mga p**n?”ngising pahayag ni Onyx na ikinadampot ni Ash ng throw pillow at ibinato kay Onyx na natatawang nasambot nito.
“Stop that Onyx! She will never do that.”suway na sita ni Ash na ikinasali pa ni Tomi sa pagbibiro ni Onyx.
“Silipin kaya natin Onyx?”
“Magandang ideya yan.”ngising sagot ni Onyx na akmang ikakaakyat nila sa hagdanan ng matigilan silang lahat ng makarinig sila ng malakas na sigaw, dahilan upang mapatayo si Ash sa pagkaka-upo nito at mapamulat si Raizen.
“That’s Aza’s voice!”sambit ni Ash na ikinakunot ng noo ni Tomi
“Saan galing yung sigaw na yun?”
Nanahimik sila sa kinalalagyan nila dahil hindi nila masyadong narinig kung saan maaring nanggaling ang sigaw, akmang magsasalita si Tomi ng makarinig na naman sila ng isang malakas na sigaw na parang natatakot.
“Damn it! It’s really Aza, baka may nangyayari sa kaniyang masama?”pahayag ni Ash na may pag-aalala sa mukha nito nang itaas ni Zild ang kaliwa nitong kamay at ituro ang hintuturo niya sa kwarto na katabi ni Raizen na ikinasunod ng tingin nina Onyx sa tinuturo nito.
“She's over there.”turo ni Zild na ikinalaki ng mata nina Tomi sa kinatatayuan nila.
“Sh*t!”bulaslas na mura ni Ash na agad nitong ikinatakbo papunta sa tapat ng kwarto na may gintong simbolo na pinagbawal niya kay Aza na pasukin.
Lumapit na din sina Onyx at Tomi sa may pintuan kung saan nakatayo si Ash na nag-aalala kay Aza lalo na at mas naririnig nila ang mga tili ni Aza mula sa loob.
“She's inside!”ani ni Ash na hindi alam kung anong gagawin sa kinatatayuan niya.
“Anong ginagawa nya sa loob ng kwarto na yan? Bakit sya pumasok sa loob?”kunot noong tanong ni Tomi na ikinalingon ni Onyx kay Ash.
“Hindi mo ba sya nasabihan tungkol sa kwarto na ito?”tanong ni Onyx na may pag-aalalang ikinalingon ni Ash sa kaniya.
“Damn! I told her but not that fvcking detailed.”
“At mukhang hindi sya nakinig.” Sambit ni Tomi na pinagdaupang palad ang mga kamay niya at pumikit na kunwari ay nagdadasal.
“Ipanalangin nalang natin ang kanyang kaluluwa.”birong sambit ni Tomi na naiinis na ikinalingon ni Ash sa kaniya.
“What the hell Tomi?! Hindi nakakatuwa ang sinasabi mo!”singhal na sita ni Ash na ikinamulat ni Tomi at ikina peace sign kay Ash na sobra ng nag-aalala kay Aza.
“Nasa loob sya ng kwarto ni Safi, Ash, malamang nilalapa na sya ng leon na ‘yun.”saad ni Onyx na mas lalong ikinapag-alala ni Ash para sa kalagayan ni Aza sa loob ng kwarto na kinalalagyan nito ngayon na ikinalingon niya kay Raizen na prenteng nakaupo sa kinauupuan nito.
“Raizen do something!? Ilabas mo sya dito!”ani na pakiusap ni Ash na hindi siya nito binalingan ng tingin.
“She entered their by herself, she should go out there by herself too.”malamig na sambit ni Raizen na ikinalapit ni Ash sa kaniya at ikinatayo nito sa harapan niya.
“Sa tingin mo ba makakalabas si Aza sa kwarto ni Safi ng hindi sunusunggaban ng alaga mo ha? Just take her out in Safi’s room.”saad ni Ash na ikinahikab ni Zild na ikinatayo nito sa kinauupuan nito.
“Her curiosity will kill herself.”kumento ni Zild na naglakad pna paakyat sa hagdanan upang magpahinga.
“Raizen.”seryosong tawag ni Ash kay Raizen na ikinatayo nito sa kinauupuan nito at naglakad na papunta sa kwarto ng kaniyang alaga na ikinasunod ni Ash sa kaniya.
“Ilíthios gynaíka.(Stupid woman.)”saad ni Raizen.
“You know Raizen na ikaw lang ang nakakapasok sa kwarto na ‘yan, kahit kami pwedeng lapain ng alaga mo.”pahayag ni Ash na ikinasang-ayon ni Tomi at Onyx kay Ash.
“Tama! Bawal kami dyan.”ani ni Tomi
“We love our lives, your highness.”saad naman ni Onyx matapos makalapit ni Raizen sa kiinatatayuan nila.
“Move.”malamig na ani ni Raizen na agad ikinagilid nina Tomi at Onyx.
Hinawakan na ni Raizen ang seradura ng pintuan at ng buksan niya ito ay mas narinig nila ang malakas na tili ni Aza mula sa loob.
“Ahhh! Tulong! Ayoko pang mamatay! Ayokong maging pagkain ng mabalbong malaking puso na ito!”iyak ni Aza na ikinapigil nina Onyx at Tomi na mapatawa sa nakikita nila ngayon sa itsura at kalagayan ni Aza.
Nasa taas ng puno si Aza habang nakayap sa puno habang nakaabang lang sa may baba ng puno ang alagang leon ni Raizen na si Safi.
“Shoooo! Umalis ka dyan, hindi ako masarap.”pagka-usap ni Aza kay Safi na hindi na napigilan nina Onyx at Tomi na mapatawa na ikinalingon ni Aza sa kanila.
“Ash! Tulungan mo ko dito!” mangiyak-ngiyak na tawag ni Aza kay Ash na nakatayo sa may labas ng pintuan, bahagya namang napaatras sina Onyx ng lumingon din sa kanila si Safi at bahagyang nagtago sa may likuran ni Raizen.
“Mahirap na baka biglang sumunggab.”kumento ni Onyx habang naririnig nila ang pagmamakaawa ni Aza na tulungan nila ito.
“Raizen…”baling na tawag ni Ash kay Raizen na napaingos lang na naglakad na papasok sa loob ng kwarto.
“Raizen, baka sunggaban ka ng leon na ‘yan, isisi mo pa sa akin pag sinaktan ka niyan.” Pigil ni Aza kay Raizen na hindi siya pinakinggan at dere-deretso lang itong pumasok.
Nakatingin lang si Aza kay Raizen hanggang sa sumipol ito na kita niyang ikinalapit ng leon kay Raizen na bahagya niyang ikinagulat ng maamong umupo sa harapan ni Raizen ang malaking leon. Nakikita ni Aza ngayon si Raizen na hinahaplos nito ang mabalbong ulunan ng leon bago siya nilingon ni Raizen.
“Hindi ka ba marunong sumunod sa sinasabi sayo babae? You're not allowed in here, are you? Davis told you, right?”malamig at seryosong sermon ni Raizen sa kay Aza.
“Ma-malay ko bang may le-leon sa kwarto na ito? Akala ko simpleng kwarto lang eh.”pagdadahilan ni Aza na ikinapoker face ng mukha ni Raizen sa kaniya.
“Stupidity can kill you don't you know that?”singhal ni Raizen na bahagyang ikinanguso ni Aza dahil para siyang pinapagalitan ng isang ama dahil gumawa siya ng kalohan.
“Bakit kasi may leon dito sa bahay niyo?”
“He's my pet kaya wala kang pakielam kung may leon sa bahay na ito.”sagot ni Raizen sa sinabi niya na gulat na ikinatingi niya sa leon at kay Raizen.
“P-pet? A-as in a-alaga? Seryoso ka? Sa dami ng pwedeng pet na aalagaan mo leon talaga?”hindi makapaniwalang pahayag ni Aza na pigil si Onyx na matuwa ulit sa itsura ni Aza habang nakayakap ito sa may itaas ng puno.
“My lady, Safi is the Prince pet. Tsaka may documents yan na pwede syang tumira dito, at itong kwarto na pinasukan mo ay sa Leon na yan.”pahayag na paliwanag ni Onyx na bahagyang ikinalunok ni Aza sa nalaman habang nakatingin kina Raizen.
“Next time, when you are told it is forbidden, learn to listen!”singhal na sermon ni Raizen sa kaniya na bahagyang ikinayuko ni Aza dahil aaminin niyang kasalanan niya kung bakit nasa ganito siyang sitwasyon.
“Sorry.”sambit niya na ikinalingon niya kay Ash.
“Ash, pwede mo na ba akong tulungan na lumabas dito?”ani niya na pilit na ikinangiti ni Ash sa kaniya.
“Gusto ko man na tulungan ka na bumaba at makalabas ng kwarto ay hindi ko magagawa. Hindi ako masyadong kilala ni Safi, hindi ako makakalapit.”pag-amin ni Ash na ikinabagsak ng balikat ni Aza.
“Paano ako makakababa dito?”
“Paano ka nga ba nakaakyat dyan?”curious na tanong ni Onyx na napasimangot na ikinalingon ni Aza sa kaniya.
“Ikaw ba naman makaharap ng malaking leon na ‘yan syempre gagawa ka ng paraan para hindi malapa nyan! Reflexes ko na kaya nakaakyat ako sa puno na ito. dapat kasi ininform nyo ko na may mini jungle kayo dito.”inis na reklamo ni Aza na bahagyang ikinatawa ni Tomi.
“Kaya nga pinagbawalan kang pumasok dyan eh.”ani ni Tomi na ikina-pout ni Aza sa pagkakayapos niya sa puno.
“Talon.”seryosong sambit ni Raizen na ikinalingon ni Aza dito.
“A-ano?”saad ni Aza na walang emosyong ikinatitig ni Raizen sa kaniya.
“Are you deaf? Sabi ko talon.”saad ni Raizen na bahagyang ikinapanic ni Aza sa pwesto nito.
“Bakit ako tatalon? Mamaya sunggaban ako ng leon na yan.”ani niya sabay turo sa alaga ni Raizen na natunghay din sa kaniya.
Gusto ata ako malapa ng buhay ng alaga nya sa klase ng tingin niya sa akin eh. Saad ni Aza sa kaniyang sarili.
“Tsaka pag tumalon ako baka mabalian ako ng buto, ayoko!”angal pa ni Aza habang nakatingin sa kaniya si Raizen.
“I'll catch you, stupid.”
“Ayoko nga baka kai--h-huh?”ani ni Aza nang marealize niya ang kung anong sinabi ni Raizen sa kaniya na bahagyang ikinainis ni Raizen.
“Subukan mong magbingibingihan talagang ipapalapa kita kay Safi.”bantang singhal ni Raizen na bahagyang ikinasimangot ni Aza sa kaniya.
“S-sa hindi ko naintindihan ang sinabi mo eh!”
“Raizen, don't be too harsh on her.”bahagyang sita ni Ash kay Raizen na ikinaingos nito bago naglakad palapit sa may puno sa may tapat ni Aza na nakatingin sa kaniya.
“I said jump in and I'll catch you.”saad ni Raizen na bahagyang ikinagulat ni Aza at ikinatitig niya dito.
“Ta-talaga? Sasaluhin mo ko?”
“Yeah, I'll catch you when you start falling.”bored na sagot ni Raizen na hindi alam ni Aza kung bakit biglang bumilis ang pintig ng puso niya sa narinig niya kay Raizen. Pakiramdam niya may double meaning ang salitang sinabi ni Raizen sa kaniya.
“Ano? Are you going to jump or you'll stay here and sleep with Safi tonight?”bored na singhal ni Raize kay Aza na ikinahinga ng malalim ni Aza at inalis sa isipan niya ang salitang biglang nagpatibok sa puso niya ng hindi niya alam.
“I-ito na ta-talon na, saluhin mo ko ha? Baka mabalian ako ng buto pag hindi mo ko sinalo.”ani ni Aza na dahan-dahang umayos sa pagkaka-upo niya sa may sanga ng puno paharap kay Raizen.
“Enochlitikí gynaíka. (Annoying woman.)”
“Bakit ka ba nag e-alien language dyan ha? Baka mamaya minumura mo na ako hindi ko pa alam?”sita ni Aza kay Raizen na napipikong nakatingin sa kaniya.
“Pwede bang bilisan mo? You’re fvcking wasting my time, woman.”singhal ni Raizen na bahagyang ikinasimangot ni Aza dito.
“Sige na Aza, para makalabas ka na dyan.”pahayag ni Ash na ikinahinga ng malalim ni Aza habang nakatitig kay Raizen na nag-aabang sa pagtalon niya.
“Saluhin mo ko ha?”kinakabahang paalala niya kay Raizen.
Bahagyang ipinikit ni Aza ang kaniyang mga mata at sinabi niya sa kaniyang isipan na ipapatapon niya si Raizen sa ibang planeta pag hindi siya nito sinambot. Muling huminga ng malalim si Aza bago siya nagpatihulog sa pwesto niya na impit ang tili na lumabas sa bibig niya ng may maramdaman siyang yumakap sa bewang niya at may naamoy siyang mabangong amoy na dahan-dahan niyang ikinamulat at muling ikinabilis ng t***k ng puso niya ng makitaniyang nakayap si Raizen sa may bewang niya na hindi niya napigilang ikatitig kay Raizen.
“Damn it! Ang payat mong tingnan pero ang bigat-bigat mo.”sambit na angal ni Raizen na agad ikinababa ni Aza sa pagkakayakap ni Raizen sa bewang niya at bahagyang lumayo dahil sa kakaibang naramdaman niya ng saluhin siya ni Raizen.
“Hi-hindi ako payat, sadyang mabigat lang ako.”ani ni Aza na ikinaingos ni Raizen sa sinabi niya bago nito hinawakan ang kamay niya at hinila na siya papunta sa pintuan habang nakasunod ng tingin ang alagang leon ni Raizen sa kanila.
Nang malapit na si Aza sa may pintuan ay agad siyang tumakbo palapit kay Ash na ikinabitaw ni Raizen sa pagkakahawak nito sa kamay niya, agad naman siyang sinalubong ni Ash at hinawakan sa magkabilang balikat niya.
“Okay ka lang? Hindi ka ba napaano sa loob habang wala kami?”nag-aalalang tanong ni Ash na bahagyang ikinailing ni Aza.
“O-ok lang ako, buo pa naman akong nakalabas.”saad ni Aza na ikinahinga ng maluwag ni Ash at ikinalapit ni Tomi sa kanilang dalawa
“Grabe ka mag-alala Ash.”punang kumento ni Tomi na ikinaakbay ni Onyx dito.
“Buti hindi ka nakain ni Safi, sayang ka pa naman.”pagbibiro ni Onyx kay Aza na bahagyang ikinasuntok ni Aza sa sikmura ni Onyx.
“Stop it, Onyx.”singhal ni Ash na natatawang ikinataas ng dalawa nitong kamay at niyakag na si Tomi papunta sa kusina para maghanap ng makakain.
“Ayos ka lang ba talaga?”tanong ni Ash kay Aza na ikinatango nito sa kaniya.
“Oo, sorry kung hindi ako nakinig sa sinabi mo Ash.”paumanhin ni Aza na bahagyang ikinangiti ni Ash sa kaniya.
“Sa susunod huwag kang tatanga-tanga! Sumunod ka sa sinasabi sayo.” Singhal ni Raizen bago sila pinagsarhan ng pintuan na ikinalingon niya sa nagsara ng kwarto.
“Hi-hindi sya lalabas ngkwarto ng leon na yun?”
“Don't worry, dyan talaga minsan natambay si Raizen lalo na at mainit ang ulo nyan. Maliit palang si Safi inaalagaan na sya ni Raizen kaya nga ng pumunta sya dito sa pilipinas, hiniling nya sa amang hari nya na isama si Safi dito, na pinayagan naman ng kanyang ama.”ngiting paliwanag ni Ash na hindi mapaniwalaan ni Aza.
“Ta-talaga?”
“Magbibihis lang ako then after that, gusto mo bang lumabas? Baka kasi naiinip ka na dito.”ngiting pag-aaya ni Ash na malawak na ikinangiti ni Aza.
“Talaga? Lalabas tayo?”natutuwang saad ni Aza ng mawala ang ngiti nito na napansin ni Ash.
“Bakit?”
“Kung lalabas ako, baka makita ako ni Wilton.”saad ni Aza na ikinapatong ng kanang kamay ni Ash sa may ulunan niya at nginitian siya.
“Don't worry makita ka man nya, hindi naman kita ibibigay sa kanya. Wait for me, okay? Bibili narin tayo ng mga damit mo.”pahayag ni Ash bago ito naglakad na at mabilis na umakyat sa hagdanan habang nakasunod ng tingin si Aza kay Ash.
“Ang bait talaga nya.”sambit ni Aza ng mapalingon siya sa nagbukas na pintuan at sumilip doon si Raizen nan aka poker face na nakatingin sa kaniya.
“Ba-bakit?”tanong niya dito nang agad niyang saluhin ang isan pares ng tsinelas niya na bahagyang inihagis nito sa kaniya.
“That's yours, take it.”saad nito bago sinara ang pintuan na hindi napigilang ikasimangot ni Aza habang nakatingin sa nakasarang pintuan.
“Salamat ha! Salamat sa pag-abot ng maayos ng tsinelas ko! Bwisit na prinsipe, hindi ba sya marunong mag abot ng ayos?! What an ungentle man prince! Sungit?!”