“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Summer sa kaibigan na ang sarap na ng higa sa sofa ng shop n’ya. Nag kalat ang lata ng beer sa sahig na ininom nila kanina.
“Bakit bawal na ba ako matulog dito?” balik tanong naman ni Rj na halatang antok na antok na.
“Hindi naman pero baka lang gusto mong tabihan ako sa kama ko mas maganda yun." ngisi ni Summer nag dilat naman ng bahagya ng mata si RJ.
“Hoy! Summer lasing lang ako pero hindi ako sira-ulo. Magtigil ka sa pang mamanyak sa akin.” wika pa ng binata na papikit-pikit na pinipilit na lang nitong kausapin s'ya.
“Mas masarap mahiga sa kama ko. Sure, ka na ayaw mo?” pilit pa ni Summer sa kaibigan.
“Tumigil ka na tsupi!” ini-extend ni RJ ang binti para bahagyang itulak ang dalaga.
“Mag bihis ka na lang.”
“Ayoko.” sagot ni Rj na biglang nadakot ang p*********i nito na bumangon. Natawa naman si Summer sa reaction ng kaibigan.
“Ang OA mo hindi ko hahawakan yan.”
“Wag mo pati susubukan sira ang buhay mo kapag to nagalit sa’yo.” anito habang nakapikit at nakayuko ang ulo.
“Okay lang magalit basta magandang lahi ang kapalit.” nag dilat ng mata si RJ at sinamaan s’ya ng tingin. Natawa naman si Summer, siguro kung ibang lalaki si RJ matagal na s’yang pinatos sa pang lalandi n’ya.
“Wag mo na akong landiin Sum baka------baka bumigay na ako. Ayoko kitang maging girlfriend it’s a No! No! A big N0! No!" sunod-sunod ang iling ni RJ kasabay pa ng daliri nito.
“Bakit naman hindi ba ako pasado sa standard mo. Hindi ba ako kaibig-ibig."
“Lampas ka sa standard ko. Ikaw yung babaeng dapat pinakakasalan at iyon ang ayoko.’ muling humiga nanaman si RJ padapa na sa sofa.
“Ayokong mawala ka sa akin Summer, ang girlfriend nawawala at wala akong paki-alam dun, Ang mag asawa nag hihiwalay kapag sawa na sila sa isa’t-isa pero yung friendship natin ayokong matapos yun. Sa’yo lang ako kampante, sa’yo kaya kong maging ako. Sa’yo nagagawa kong kalimutan lahat kaya utang na loob, wag mo na akong landiin dahil konting-konti na lang papatulan na kita.” halos pabulong ng wika ni RJ. Napangiti naman si Summer na napatingin sa kaibigan na halatang pinipilit lang imulat ang mata. Sa dami nitong ininom tiyak ng lasing na talaga ito.
“Amen! Sige na matulog ka na. Ayoko rin naman mang gahasa ng lasing sabi ng mga frenster ko matagal daw labasan ang lalaking lasing.” wika pa ni Summer habang nakangiti nakayuko nakatingin sa kaibigan.
“Alam mo kung ‘di lang kita kilala iisipin ko na laspag ka ng mga lalaki sa kama sa dumi ng mga lumalabas d’yan sa bibig mo kaso alam ko na wala ka pang 1st kiss kaya. Sadyang kanal lang yan bibig mo kung anong ikina demure ni Shine. Ikaw ewan ko sa’yong babae ka para kang inidorong hindi binubuhusan.” anito sabay subsob sa sofa.
“Bakit mas maganda ba sa akin si Shine, sabagay si Shine Brain and Beauty talaga.”
“Ayoko sa babaeng hubadera.” natawa naman si Summer na naupo na lang sa sahig sa may paanan ni Rj saka ipinahinga ang ulo sa sofa malapit sa hita ng binata.
“Natural na mag hubad si Shine. Swimsuit competition yun at candidate s’ya ng beauty pageant.”
“Basta ayoko sa babaeng nag huhubad at pinakikita sa lahat ang katawan n’ya. Mas gusto ko pa rin yung babaeng hindi nag lalabas ng singit.” mahabang lintanya ni Rycko.
“In short gusto mo ako kasi hindi ako nag lalabas ng singit?’ pigil ang matawang tanong ni Summer na nilingon si RJ.
“Juicko ko, sa itim ng singit mo wag mo ng tangkain ilabas baka magdilim lang paningin ko,” natawa naman si Summer na pinalo sa hita si RJ.
“Hoy! Maputi ang singit ko kahit ipakita ko pa sa’yo pati puwet ko baka nga mas makinis pa sa mukha mo.”
“Wag kang sinungalin nakita ko na ang puwet mo noon parang pinaputukan ng firework at binahayan ng anay.” ihit na si Summer sa kakatawa kahit si Rj na tatawa na lang din sa pinag sasabi kahit nakapikit na ito.
‘Oi! Linti* ka matutulog ako dinadaldal mo ako.” sinipa pa s’ya ni Rj kaya tumaob s’yang tumatawa sa sahig.
“Baka mabaliw ka sa akin Ryko kapag nakita mo ang alindog ko?”hamon pa ni Summer.
“Lasing ka ba? Akala ko ako ang lasing ikaw pala.”
“Hindi mo ba nakikita ang kasing ganda ako ni Barbie.’ pinagdikit pa ni Summer ang kamay sa baba sabay pretty eyes pa. Ngumiti naman si RJ na sandaling nag mulat saka pumikit muli.
“Sinong barbie? Barbie doll ba? E Mukha kang si Anabelle. Barbie hitsura mo, mag turok ka muna ng gluta baka sakaling pumuti ka kahit lasing ako hindi ka gumanda sa paningin ko.” mag sasalita pa san muli si Summer ng sipain muli ni Rj.
“Matutulog na ako wag kang maligalig d’yan. Alis na dun ka na sa kuwarto mo.” tumayo naman na si Summer.
“Wag kang masyadong mahimbing na matulog baka pag gising mo bukas mapikot na kita.”
“Goodnight Chuchay.” wika na lang ni Rj. Napabuga na lang naman ng hangin si Summer na imbis na sa kuwarto mag punta. Nag tungo na muna s’ya sa kusina at kumuha ng garbage bag at nilinis ang sala n’yang nag kalat ang mga lata ng beer in can. Saglit muna s’yang nag linis at nag map ng sahig ng mapagod muli s’yang naupo sa sahig sa paanan ni RJ bago isinandig ang ulo. Mag papahinga na muna s’ya mamaya na s’ya papasok sa kuwarto n’ya dahil baka makabira nanaman ng ihi sa likod ng pintuan n’ya si RJ. Ganun kasi ito pag lasing basta na lang ito tatayo at mag hahanap ng pader na iihian. Akala nito nasa banyo ito pero habang nag papahinga hindi na namalayan ni Summer na nakatulog na rin pala s'ya.