Ikaw

1384 Words
Napadilat ng mata si Rycko habang bahagyang na pabangon sa damuhan at napatingin sa asul na kalangitan. “Come on! Summer talagang nasundan mo pa rin ako.” ani Rycko na bumaling ng lingon sa papalapit na kaibigan. “Paano mo nalaman na ako ang parating.” “Ikaw lang ang taong kilala kong ginagawang pabango ang downy.” anito na muling na higa sa damuhan. “Do you wanna die?” tanong ni Summer ng maupo sa tabi ng binata na naka higa sa ibabaw ng libingan ng ina nito na nakapatong ang dalawang kamay sa tiyan na akala mo ay naka higa sa kabaon. “Ano kaya feeling ng namamatay?” tanong pa nito. “Aba, muslak ko and beside ayoko ko pa rin mamatay masyado pa akong bata.” “Kung ayaw mo pang mamatay bakit ka na sali sa motorcross?” tanong ni Rycko na nilingon pa s’ya sandali. “Pang-alis boredom.” “Mag-asawa ka na lang at gumawa ng maraming anak para mawala ang boredom mo.” turan naman ng binata nakatingala sa langit. “Kung pakakasalan mo ako why not?” sagot naman ni Summer na lumiyad at itinuon ang dalawang kamay sa likuran at tumingala na din sa kalangitan. “Dumale ka nanaman, siguro talagang hindi ka pa rin nakaka get over sa akin ano.” biro ni Rycko. “Hindi ba puwede na ayoko lang mag asawa tulad mo.” “Sino naman may sabi sa’yo na hindi ako mag-aasawa. Mag-aaswa ako ano. Hini-hintay ko lang bigyan ako ng basbas ng father-in-law ko.” umasim naman ang mukha ni Summer. “Bakit may bago ka nanaman inaasawa, Ikaw nga Rycko James ay mag bawas-bawas sa pang chi-chicks mo baka mag ka tulo ka na sa kababayo ng iba’t-ibang babae. Hindi ka ba na didiri?” natawa naman si Rycko. “OA mo talaga! Bakit ka ba sumunod dito. Nag punta ako dito para mag muni-muni ng buhay ko.” “Wala, gusto lang kitang makasama.” ngisi ni Summer na tinawanan ni Rycko na napabangon. “Tayong dalawa nga ay magkaaminan. May gusto ka pa rin ba sa akin?” tanong nito habang naka-upo na at naka tinging sa kanya. “Isa akong normal babae may mata at puso na marunong umappriciate ng nilikha ng Diyos. Pinagdikit pa ni Summer ang thumb finger at index finger para mag hugis bilog sabay silip doon na sakto sa mukha ni RJ. “Kung kasing guwapo at kasing matipuno mo ang lalaki parang gusto na kitang lawayan.” natawa naman si RJ. “Puro ka kalokohan! Hindi na kita naka-usap ng matino e. Tara na nga parang biglang uulan.” yaya ng binata na tinulungan s’yang tumayo. “Tara kain tayo.” yaya pa ni Rycko habang nag lalakad na sila palabas ng sementeryo. “Anong gusto mong kainin.” tanong pa ni Rycko. “Ikaw.” sagot naman ni Summer sabay kindat sa binatang natawa na nag susuot na ng gloves. “Saan tayo kakain?” “Sa motel or hotel kung saan mo gusto.” “Alam mo konti na lang babanatan na talaga kita.” wika naman ni Rycko. “Seryoso ako! Pakipot kang masyado.” Natatawang wika ni Summer. “Ako tigilan mo chuchay.” “Maniwala ka sa akin mamahalin mo rin ako.” wika pa ni Summer habang nag susuot ng helmet. Narinig n’yang may sinabi si Rycko pero hindi na n’ya maintindihan dahil parehas na silang naka helmet. “Anong sabi mo?” “sabi ko mag-ingat ka sa pag mamaneho dahil mamahalin pa kita.” sigaw ni RJ. “Hala! S’ya.. Wag mo akong masyado pinakikilig RJ baka ‘di ko kayanin mag karoon ako ng palpitation maging tatay ka bigla.” sabay pa silang nag katawanan dalawa. “Hay naku Summer ang lungkot siguro ng buhay ko kung wala ka.” wika pa nito na binuhay na ang makina ng motor. “Kaya nga pakasalan mo na ako bago pa may mag kagusto sa akin sige ka nasa huli lagi ang pag sisi.” sagot naman ni Summer na binuhay na rin ang makina ng motor. “Hay! Kelan kaya ako seseryosohin ng mokong na to, maari bang puro mean joke na lang ako.” ani Summer sabay iling. “Anong gusto mong kainin?” tanong ni Rj ng huminto sila sa paborito nitong karinderya. Panalo kasi talaga ang luto ni Aling Choleng na dati ‘di umanoy yaya ni Rycko noon bata pa ito na umalis na rin ng malaking bahay ng mga Lopez ng maglayas si Rycko noon. “Ikaw nga kulit! Paulit-ulit.” “Pepektusan na kita promise.” umangat naman ang kamay ni Rj na tinawanan naman ni Summer na tumingin na ng mga lutong ulam sa eskaparate. “Magkasama nanaman kayo lovebirds.” bungad ni Aling Choleng na mukhang bagong dating na agad na sinalubong ng boy na kinuha ang mga pinamili ng matanda. Agad naman silang nag mano sa matandang mataba. “Kaawaan kayo ng langit! Saan nanaman kayo galing dalawa at naka motor nanaman kayong parehas.” “Hindi kami lovebirds nay. Batchoy sa akin saka Lumpiang shanghai at 2 kanin.” turo ni Rj sa estante. “Kung hindi kayo lovebirds anong tawag sa inyong dalawa.” tanong naman ni Kuya Xerxes nag-iisang anak ni Aling Choleng na matanda lang ng 3 taon kay RJ. “Husband and wife.” sagot naman ni Summer sabay kindat kay RJ. “Lumpiang sariwa sa akin ate, kasing sariwa ko dalawang order.” wika naman ni Summer. “Ikaw sariwa?” tiningnan pa s’ya ni Rj ng mula paa hanggang ulo sabay tawa. “Kapal ng mukha, oi! Sariwa pa ito mukha lang hindi.” natatawang biro ni summer. Hindi na s’ya sariwa nalawayan na s’ya ni RJ noon 6 years ago. “Kung ako sa’yo Rj papatusin ko na tung si Sum, para ka ng nanalo sa lotto.” biro naman ni Aling Malou katulong ni Aling Choleng sa pag luluto. “Hindi mamaari baka ibaon po ako ng buhay ng tatay nito.” biro ni RJ. “Edi ibaon mo rin sa akin yan?” nguso ni Summer sa harapan ng pants ng kaibigan na nakatayo pa rin habang nauna ng na upo na si Summer at nakapangalumbaba pa. Malakas naman nag tawanan ang mga nakarinig pulang-pula naman ang tenga ni Rj na binato s’ya ng tissue na binilot. “Hanep talaga bumanat ito si Summer. Matatameme ka na lang talaga RJ.” iling ni Aling Choleng. “Daig pa n’ya humihit-hit lagi ng rugby. Daig pa lagi ang sabog.” iling ni Rj. “Aling Choleng, baka meron kayong ipapahiram sa akin d’yan na wedding gown sayang naman ang pormahan nitong si Bakulaw.” “Hindi ka nanaman tumuloy sa b-day ng Papa mo.” wika naman ng matanda habang inihahain na ang pagkain nila. “Hindi naman masarap ang pagkain dun puro pang sosyal. Mas masarap pa ang pagkain n’yo dito.” “Hanggang kailan mo iiwasan ang Papa mo, matanda na s’ya at maaaring 1 of this days mawala ang Papa mo hindi ka ba mag sisi pag nangyari yun?” “Ang tabang ng bachoy n’yo ngayon Aling Malou.” pag-iwas na tugon ni Rj. Napatingin naman si Summer sa kaibigan na tuloy tuloy na ang kain senenyasan na lang n’ya ang mga na roon na wag ng mag comment. May ilang minuto na silang nakain ng matapos ito agad na itong tumayo. “Hoy! Sukli mo naiwan mo.” bulalas ni Summer ng basta na lang s’yang iniwan na hindi man lang nag iwan ng perang pang bayad. “Bayaran mo muna maya ko send sa’yo.” “Grabe ka talaga! Ikaw nag yayang kumain tapos ako pala ang mag babayad. Budol ka talaga e, dinukot ni Summer ang cellphone at nag bayad ng thru gcash saka nag mamadaling sumunod sa binata na kumaway na lang na umalis na wala nanaman ito sa mood basta tungkol sa papa nito ang naging topic. Ayaw na ayaw nitong na babanggit ang ama na wawalan ito ng gana kaya lagi lang s'yang tahimik pag tungkol sa family nito. Wala rin naman kasi itong sinasabi sa kanya kaya ayaw din naman n'yang mag tanong baka pag mulan pa ng away nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD