Breakfast

1976 Words
Na alimpungatan si RJ ng mangalay sa pag kakahiga sa sofa. Napa dilat pa s’ya ng maramdaman na may tinamaan ang kamay n’ya sa baba ng sofa. Pag lingon n’ya nakita n’ya si Summer na nakatutulog sa sahig at may throw pillow lang na gamit. Natawa s’ya sa hitsura nito na sabog-sabog ang buhok at bahagya pang naka nganga at may kumakayat na laway sa gilid ng labi. Si Summer lang ang babaeng nakita n’yang walang ka kiyeme-kiyeme sa katawan. Di tulad ng ibang babae na ingat na ingat na maging pangit sa paningin n’ya. Si Summer walang humpay ang pang lalandi sa kanya pero hindi naman nag eeffort na mag paganda para akitin s’ya. Napangiti pa s’ya ng maalala noon bata pa ito at nag tapat ito ng pag-ibig sa kanya. Totoong na inis s’ya rito noon pero nag bago ang lahat ng hindi na n’ya namamalayan. Basta naramdaman na lang n’ya na komportable na s’yang lagi lang itong nasa paligid. Akala ng lahat may relasyon sila kaya kinausap pa s’ya ng masinsinan ng Kuya Devin n’ya na anak-anakan naman ng Mama Odette n’ya na ama naman ni Summer. Nilinaw nito sa kanya na ayaw daw nito sa kanya para sa anak nito dahil wala daw dereksyon ang buhay n’ya. Ipakita daw muna n’ya na responsible s’yang lalaki bago s’ya nito tanggapin bilang boyfriend ng anak nito. Ang gusto pa ng Kuya Devin n’ya bumalik s’ya sa poder ng tatay n’ya dahil balik-baliktarin daw ang mundo mag-ama pa din daw sila. Alam naman n’ya iyon sino bang may sabi na naka limot na s’ya. Hindi na lang n’ya gustong makipag plastikan sa bago nitong pamilya. Okay na s’ya sa life choice n’ya. Hindi naman s’ya mahirap pero hindi rin mayaman pero kung papatusin n’ya ang mga offer sa kanyang trabaho sa showbiz baka mayaman na s’ya. Natawa si RJ ng biglang mag kamot si Summer ng kabibe nito, talagang ibang klaseng babae ito. Hindi ba nito alam na tinitigasan din naman s’ya sa mga pang lalandi nito sa kanya sadyang hindi lang n’ya ito gustong patulan dahil mas importante sa kanya ang friendship nila kesa sa libo* na nararamdaman n’ya. Kaya ibinaon na n'ya sa limot yung isang beses na pag kakamali nila buti na lang talaga parehas silang idenial. Hindi n’ya gustong mawala sa kanya si Summer, mawala na ang lahat wag lang si Summer. Kapag oras na tinawid n’ya ang boundary sa pagitan nila tiyak ng walang kasiguraduhan ang forever at iyon ang iniiwasan n’ya. Pero ang araw na yun hindi s’ya lasing si Summer lang. Napatid ang iniipon n’yang self-control at aksidente n’ya natawid ang boundary sa pagitan nila. Kaya ganun na lang ang takot n’ya na baka dahil sa nangyari iwasan na s’ya ni Summer. Pinilit n’yang mag panggap na wala s’yang maalala at nag kunwari pa s’ya sa harapan ng kaibigan pero ang totoo sa sahig ng hotel nila naiwan ni Summer ang susi ng motor nito noon na marahil na nalaglag ng may mangyari sa kanila. Buti na lang tulad n’ya mukhang takot din naman si Summer na masira ang friendship nila kaya nag panggap na lang din ito. Hindi n’ya kayang mawala si Summer sa buhay n’ya. Hindi n’ya ito matawag na bestfriend dahil wala naman s’yang sinasabi rito tungkol sa mga problema n’ya sa buhay pero lagi naman itong nasa tabi n’ya at iyong ang importante sa kanya basta nasa tabi lang n’ya ito okay na s’ya dun. Bigla s’yang naka isip ng kalokohan. Tiyak na kaya doon natulog si Summer dahil marahil binabantayan nanaman s’ya nito na baka umihi nanaman s’ya sa pader ng shop nito. Mabilis s’yang nag hubad ng pantalon at basta na lang inihagis sa sahig. Naka brief at boxer short pa naman s’ya kaya hindi naman masyadong mahalay ang hitsura n’ya. Inabot n’ya ang bottle water na naka patong sa center table. Hindi pa man n’ya na ibubuhos rito ang tubig na tatawa na lang agad s’ya. Inalis muna n’ya ang bara sa lalamunan n’ya. Saka ibinuhos ang tubig sa tapat ng dibdib nito papunta sa mukha nito na agad nitong ikinabangon. Nag panggap naman s’ya naka pikit after ihagis sa likuran ang hawak na bote at nag kunwari na inaayos ng garter ng boxer. Halos mabasag ang eardrum n’ya sa lakas ng sigaw nito saka nag tatakbo patungo sa likod ng shop nito kung nasaan ang bahay nito. Natawa naman si RJ. Sinundan naman n’ya si Summer sa bahay nito. Panay pa rin ang mura nito habang nasa loob ng banyo na mukhang na liligo sa pag aakalang inihian talaga n’ya ito. Nag tungo na muna s’ya sa kusina nito para mag hanap ng pag kain, mag liliwanag na pala akala n’ya sasaglit lang s’yang nakatulog. Inumaga na s’ya. “Sum, bilisan mo maligo. Na gugutom na ako.” sigaw pa ni RJ na naka-upo na sa harapan ng ref at nag hahanap ng puwedeng kainin. Muntik pang mapasubsob si RJ sa loob ng ref ng sapukin s’ya ng dalaga. “Mukha bang inidoro ang mukha kong gag* ka.” galit na wika ni Summer sabay sabunot pa sa kanya. “Tang* joke lang yun tubig lang yun bakit kasi dun ka natulog muntik pa kitang matapakan.” “puts* ka akala ko talaga inihian mo na ako e, tabi d’yan.” hinila pa ni Summer ang kaibigan para paalisin sa harapan ng ref n’ya. “Nakaligo tuloy ako ng di oras ang lamig-lamig pa naman ng tubig.” “Oi! Mag bihis ka kaya muna.” inis na wika ni RJ ng mapansin na naka bathrobe lang itong pula. “May underwear akong suot sa loob wag kang mag-alala.” sagot naman ni Summer. “Abnoy ka lalaki ako.” “Anong problema kung lalaki ka.” tugon pa ni summer na kumuha ng itlog saka tocino sa freezer. “Ano bang akala mo sa akin santo, mag bihis ka! Pari nga tinitigasan ako pa kayang ordinaryong malibo*.” natawa naman si Summer na nilingon ang binata. “Wag mo akong tawanan, mabihis ka na sinasabi ko sa’yo kumukulo na ang dugo ko kapag ito tumayo sinasabi sa’yo iiyak ka na, lumpo ka pa sa akin.” biro pa ni RJ. “Edi magkalumpuhan na tayong dalawa.” hamon naman ni Summer. “Ano ba Summer.” sigaw na ni RJ. “Hay! May basbas ka naman sa akin kaya patigasin mo na yan ng magkaalaman na tayo ng lahi.” “Isa! Ingungod kita d’yan sa lababo makikita mo.” natawa naman na si Summer na napailig na lang na tumalikod. “Durugin mo yan kanin isasangag ko.” bilin pa ng dalaga bago nawala. Pag labas ni Summer naka pantalon na ulit si Rj at naka lilis na hanggang siko ang puti nitong long sleeve. “Batihin mo na yang itlog, magaling ka naman yata sa batehan.” ngisi ni Summer na kumuha ng bawang at sibuyas. “Bunganga mo talaga the best.” “I have a question.” tanong ni Summer habang nag gagayat, si RJ naman ay nag babati na ng itlog. “Paano kung nag-asawa ako. Anong gagawin mo?” “Bata ka pa wag ka munang mag-asawa.” “Kunwari lang naman?” “Ayoko.” “Anong ayaw mo?” “Ayoko na mag-asawa ka.” “E paano kung ikaw ang biglang makita ng babae na gustong pakasalan.” “Edi sana ikaw na lang ang pinakasalan ko bakit pa ako hahanap.” natawa naman si Summer na napalingon naman si RJ. “Ano na lockjaw ka nanaman, wag kang kiligin kunwari lang yun.” ngisi ni Ryko. “Kunwari, seryosong usapan. Hindi mo ba naisip na puwedeng tayo ang mag katuluyan sa future?” “Ayokong isipin ang future. Mahal kita ngayon at mahal pa rin naman kita sa future I guess pero as a friend not a lover or a partner.” “e paano nga kung tayo talaga ang nakatadhana anong gagawin mo.” “Edi I-eenjoy ko muna na mag kaibigan lang tayo ngayon at kung ikaw talaga ang nakatadhana na sa akin ‘di ko alam kung anong future natin together baka wala tayong mapalaking maayos na anak.” natatawang sagot ni RJ. “Bakit naman?” “Nagtanong ka pa talaga. Loka-loka ka, sira-ulo naman ako kasi nakikipag kaibigan ako sa loka-loka. Abay paano na ang magiging anak natin.” natawa naman si Summer. Nakain na sila ng mag ring ang phone ni Summer na agad naman sinagot ng makita si Shine ng natawag sa messenger. “Oh!” “Anong oh! ‘di ba may usapan tayo na mag kikita today.” ‘Oh shoot! I forgot.” natapik pa ni Summer ang noo. “Hi! My loves.” kaway pa ni RJ sa kakambal n’ya ng mag tungo si RJ sa ref para kumuha ng malamig na tubig. “Kaya naman pala nalimutan mo ang usapan natin nandyan nanaman ang oppalicious manialicious na Ryko james na yan. Don’t tell me d’yan nanaman yan natulog.” “pake mo! Sagot naman ni RJ na bumalik na sa upuan nito. “Isusumbong na talaga kita kay Daddy RJ.” “Hoy! Intact pa rin ang perlas ng silangan ng Ate Summer mo wag kany OA.” “Harap mo nga kay Ryko ang phone te.” utos ni Shine sa kakambal na sumunod naman. “Matakot ka kay Ate Summer, ikaw ang inaalala ko hindi ang ate ko.” natawa naman si Summer. “Ang gag* mo talaga.” “Pauwiin mo na yan bilisan mo. Iintayin kita dito sa condo ko.” “Bakit kasi kailangan ko pang makilala yang BF mo.” ‘Syempre! Kailangan muna ito ang makakilala bago ko ipakilala kila Daddy.” “My Loves ako na ang huhusga.” “Saka ka na! Kasama ng BF ko ang bestfriend n’ya irereto ko kay Ate Sum.” “Alam mo ang sama talaga ng ugali mo? Kanino ka ba nag mana, nanahimik dito ang ate mo mang -aabala ka. Crush pa naman kita kalimutan mo na lang.” natawa naman si Summer. “Juickolord naman Ryko James, 12 years na tayong mag kakakilala wala pa rin improvement yang pagiging shong* mo. Kelan ka ba gagraduate kapag meron ng lalaking darating para pakasalan ang Ate Sum. Hoy! Hindi lang ikaw ang anak ng Diyos.” wika ni Shine. “Daldal talaga ng kapatid mo kaya Mic drop sa kanya ang mga reporter, tinatamad ng interviewhin. Isa lang ang tanong sampu ang sinagot n’ya.” ani RJ. Natawa naman si Summer at Shine. “Basta ‘Te intayin kita sa condo ko ha, bilisan mo.” “Oo na sige na babye na.” ani Summer na pinatay na ang call. “Pupunta ka talaga? Paano tong shop mo.” “Nandyan si Lester. Bilisan mo na anong oras na o, malalate ka na sa trabaho saka isettle mo muna yung bayad mo sa pag papagawa mo ng motor mo 17,800.” bilin pa ni Summer bago pumasok sa kuwarto para mag bihis. Paglabas n’ya napakamot naman ng ulo ang dalaga ng makitang basta iniwan na lang ni Ryko ang mesa ng pinag kainan nila na hindi man lang inimpis. Hindi naman nito ugali na iwan ang kalat madalas basta nakikain ito, ito na ang nag liligpit ng lababo. Kaya napilitan na muna n’yang linisin ang kusina n’ya bago lumabas. “Felly nag bayad ba ang Sir RJ mo?” tanong n’ya sa sales clerk n’yang nasa table nito. “Hindi po.” “hay! Budol nanaman ang tolonges na yun kabuwisit.” inis na wika ni Summer na nag text sa kaibigan. Mag momotor ng mamahalin tapos ang maintenance sa kanya I-aasa kapal ng pag mumukha. Libre na nga ang labor pati materyales gusto libre din sarap ibenta sa mag bobote.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD