“Te’ may date tayong pupuntahan anong suot yan?’ rekalmo ni Shine ng makita ang porma n’ya na naka denim jumper at itim na blouse sa loob at sport Motorcycle shoes LS2 Dardo mat black.
“Hindi puwede yan sa fine dining ako nag pa reserve ng lunch date natin.” hila-hila na s’ya ng kapatid n’ya papasok sa condo
nito at nag mamadaling nag hanap ng damit sa wardrobe closet nito at naka pili ng asul na dress na simple at maganda naman. Hindi na s’ya nag inarte pa dhil nag susuot naman talaga s’ya ng dress wala lang s’ya sa mood kanina na mag suot ng dress dahil naka motor nga s’ya at wala naman s'yang kotse puro motor ang gamit n'ya. May pag kakuripot din kasi s'ya tapos ang mga motor pa n'ya puro sa Mommy n'ya na ina-upgrade lang n'ya. Ang dinadasalan n'ya ay ang motor ng ama n'yang si lightning volt na ayaw talaga nitong ibigay dahil nasa loob iyon ng bahay nila katabi ng motor ng ina n'yang si Lightining theft. Na parehas ng ginawang pang design ng magulang nila sa mansion ng mga ito. Ang sweet at ang gandang tingnan sayang lang kasi ang astig ng mga pang race motor ng magulang n'ya pero pinili ng mga itong i dislay na lang.
Inayusan pa s’ya ng konti ni Shine ng ma satisfied na ito agad na s’ya nitong niyaya at pinag heels pa s’ya na 2-inch lang naman ang taas. Pasakay na sila ng utusan n’ya itong picturan s’ya.
“Sus! Papakita mo nanaman sa Rj na yun na wala naman paki-alam sa’yo. Tatanda kang dalaga sa kanya ate wag ng umasa na paptulan ka ng nilalang na yun.” tarak ang matang turan ni Shine na hindi naman pinansin ni Summer na isined na kay Ryko ang picture n’ya na nilagyan pa n’ya ng caption na ito ba ang hitusra ng babaeng pinakakasalan.
“Magkaibigan kami okay na ako yun.” sagot n'ya sa kapatid habang sakay sila ng elevator. Napailing naman si Shine na humalukipkip.
“My gosh! Bata pa lang tayo dead na dead ka na sa nilalang na yun. Ang daming lalaking nag kakandarapa na mapansin mo if you don’t mind. Wag kang mag settle lang sa friendzone."
"Sino bang may sabi na mag sesettle ako sa friendzone lang, hindi ka ba na niniwala sa kasabihan na kapag may tyaga may nilaga. Maniwala ka sa akin mamahalin din ako ni Rycko ng higit pa sa kaibigan wag kang atat." kumpiyansang komento ni Summer.
"Saka walang magagawa we born beautiful kaya normal lang na maligawan tayo." dugtong pa n'ya nanapapangiti habang ka text pa rin si RJ.
"Tara ng matapos na itong kalokohan mo. Ang dami ko pang trabaho ngayon araw.” nauna pa s’yang lumabas ng elevator. Nanapapangiti pa rin napailing naman si Shine habang napapatingin na lang sa kapatid.
“Seriously iyan ang isusuot mo mukha kang shong* ang pangit mo. Asan ka ba meron akong bagong dating na mga RTW meron dito na bagay sa’yo. Where are you?” natawa si Summer sa haba ng text ni RJ.
“Te’ may sakit ka na.” puna pa ni Shine habang pinapanood pala s’ya nito pero inirapan na lang n’ya ito.
“Alam mo sa totoo lang tingin ko naman talaga may gusto din naman sa’yo si RJ kaso lang he is not man enough para panindigan ang feeling n’ya for you kaya pangit n’yang kabonding kaya tigilan mo na ang pakiligin ang sarili mo sa isang lalaki na na stock na sa friend zone.”
“Hay! Ingay mo naman ito na nga diba makikipag date na ako sa bestfriend ng BF mo just quite at wag mo na lang pansinin ang kabaliwan ko.” ani Summer na tuloy sa pakikipag text kay RJ.
"Paano hindi papansinin tingnan mo nga ang hitsura mo, para kang timang d'yan kanina ka pa pangiti-ngiti mukha kang alien." natawa naman si Summer na nilingon ang kapatid.
"Alam mo listen believe it or not, tingin ko hindi ka pa in love."
"May boyfriend ako ano at once na mag propose s'ya sa akin papayag agad akong mag pakasal."
'Akla ko ba gusto mo munang maka graduate ng Pharmacy at lalaban ka ng Ms. Universe. Nag promise ka kay Lola at Lolo na magiging crown Ms. Universe ka this year."
"Of course, at tutuparin ko yun this year promise pero s'yempre kapag inalok ako ng kasal hindi na ako tatangi. Ayoko ng maging chossy baka mauwi pa ako sa bungi." anito.
"Kaya ikaw tama na yang kabaliwan mo kay RJ, saka para naman wala s'yang plano sa future n'ya e kaya ayaw sa kanya ni Daddy e."
"Oi! yun ang akala n'yo meron s'yang ginagawa drawing ngayon mukha lang s'yang walang pangarap pero meron s'yang ginagawang plano at balak n'yang ipakita kay Mommy kung papa sa'ya." tumarak naman ang mata ni Shine.
"Okay sige pag palagay na na may future kayo together obviuos naman actually, pero ewan ko pa sa inyong dalawa. Hindi ko alam kung nag tataguan ba kayo ng feelings o hindi. Kasi malinaw naman na mahal n'yo ang isa't-isa at kami mismong nakakakita at na kakakilala sa inyo ang nakakakita ng samahan n'yo kaya akala talaga ng lahat may relasyon kayo. Masyado na kayong komportable sa isa't-isa pustahan ikaw lang ang iiyak sa huli." mahabang lintanya ni Sunshine na ikinakibit balaikat lang ni Summer dahil may point naman ito.
"One step closer lang end game na yun nga lang kita ko din na ikaw ang pilit na lumalampas sa boundary n'yo pero si RJ aatras at mag se-set lang ng bagong boundary. Si RJ ang kailangan tumawid para matapos na ang kabaliwan n'yong dalawa pero kung si RJ ang iintayin mong tumawid baka may apo na sa tuhod sila Lola bestfriend mo pa rin si RJ."
"Hay! Dami mo naman sinasabi kaumay bilisan na lang kaya natin dahil pakiramdam ko tinatamad na akong tumuloy." ani Summer na yumakap na sa braso ng kakambal.
"Ayoko lang na tumanda kang dalaga twiny kaya seryosohin mo ang sinabi ko okay. Don't close your door to others ipakita mo kay RJ na ang buhay ay parang isang malaking Quipo na maraming magna-nak_______.' natawa naman si Shine ng takpan ni Summer ang bibig n'ya saka hila-hila na s'ya patungo sa pinag paparadahan ng kotse nito.