Ang isip ko'y litong-lito, 'di ko alam ang gagawin
Hirap ako sa paghuli ng 'yong pansin
Kapag nasasalubong ka, dibdib ko'y kakaba-kaba
Pati ang tuhod ko'y nanlalambot na rin
Hayan na nga't sumulyap na
Ang mapupungay mong mata
Kasalanan ko ba ang mapatulala?
Ha, ha, ha
Mr. Dreamboy, Mr. Dreamboy
Ano kaya ang nasa isip mo?
Mr. Dreamboy, Mr. Dreamboy
Lagi kang nasa panaginip ko
Sana'y masabi ko sa'yo
Ang nakatagong lihim ko
Ikaw ang tanging dreamboy ko
Ang tanging dreamboy ko
“Hoy! Chuchay manahimik ka naman. Ingay mo!” napatigil sa pag kanta si Summer sa malakas na sigaw ng paparating na si Ryko. Umasim naman ang mukha ni Summer na binitawan ang hawak ng wrench bar na hinagis sa lagayan ng toolbox at sinalubong si Rycko na may kasama nanaman na bebot na sinundan naman ng tingin ng mga tauhan n’ya sa talyer.
“Ang ganda-ganda ng sikat ng araw sinisira mo!” wika pa nito. Natawa naman si Summer.
“Tang*** saan ang burol mo?” wika naman ni Summer na tiningnan ang kaibigan mula paa hanggang ulo. Plastado naka 3-piece suit ang manlolokong lalaking to. Napatingin naman s’ya sa babaeng kasama nito at mukhang bago nanaman nitong palabigasan sabay iling na muling napatingin sa kaibigan.
Siya si Summer Montenegro Lagdameo panganay na anak ni Arabella Montenegro at Devin Lagdameo. Ang pasaway ng pamilya. Ang mortal na kaaway ng ama. Wala ng nagawa ang mga ito sa kanya kundi hayaan na lang s’ya sa gusto n’ya. Fresh graduate s’ya ng Mechanical enginering at board passer na rin sa edad na 24 pero hindi s’ya mapilit ng magulang na mag trabaho sa Lagdameo Corportion, tulad din ni Sunshine na nag aaral pa rin ng kursong BS pharmacy dahil gusto lang nitong matawag na pharmacist. Mahilig si Sunshine sumali sa mga beauty pageant. Kambal sila pero hindi sila identical twins babaeng-babae ito samantalang s’ya parang tomboy.
Hindi naman s’ya literal na tomboy, mas komportable lang kasi s’yang kasama ng mga lalaki, mag suot ng mga damit na pang lalaki at hilig lang talaga n’ya ang mga extreme sport kaya mahilig s’ya sa pag kukumpini ng mga sasakyan. Pero parte ng pag babago n’ya si Rycko lingid sa kaalaman ng lahat.
Isa’t kalahati kasi s’yang shonga para s’yang tang* noon na habol ng habol kay Rycko bata pa lang s’ya dahil lang may gusto s’ya rito, hindi lang basta gusto. Gustong-gusto pero ayaw nito sa kanya na iinis ito kapag inaaway n’ya ang mga babaeng nilalandi nito. Kaya naka isip s’ya ng paraan para hindi na s’ya iwasan at pag tabuyan ni Rycko. Unti-unti n’yang binago ang sarili na hindi naman s’ya nahirapan dahil nga normal sa kanya ang boyish.
She became one of the boys. Hanggang sa na gustuhan na n’ya at naging kumportable na sila. Bagay na ikinagalit naman ng parents n’ya maging ang pag sali-sali n’ya sa mga extreme sport and to make the story short. She became Rycko’s bestfriend may mga pag kakataon na nilalandi n’ya ito pero ang ending tinatawanan na lang nilang dalawa.
“Gag* anong pang burol! Pang diinan ko to? Ano okay na ba si Blue.” tukoy nito sa motor nitong pina cha-change oil and tune up noong nakaraan.
“Mag momotor ka e paano yung bebot na kasama mo.”
“Aba! Bahala s’ya sinabi ko na sa kanya na mag taxi na dahil naka motor ako.” napatingin s’ya sa babae na busy naman sa kausap nito sa phone.
“Napaka mo talaga! E bakit kasama mo pa hanggang dito.”
“Sumama nga kulit!”
“After mong parausan ganyan ka! Kapal ng mukha mong bakulaw ka!”
“Tang* hindi ko tinikman yan na sisilam ako sa amoy ng kilikili.” natawa naman si Summer na binatukan si Rcyko.
“Edi sana pinaligo mo.”
“Kahit maligo yan aalingasaw pa rin eeeewwww!”
“Ang arte mo.”
“Hindi ako maarte no, kung maarte ako hindi kita pag titiyagaan.”
“Parang utang na loob ka pa ah!’
“Ikaw mukha ka lang mabaho pero kapag nahubad mo na yan lahat.” tukoy nito sa suot n’yang longsleeve na marumi at pantalon na puno ng grasa.
“Amoy ka paring Downy perfume.” ngisi ni Rycko.
“Gusto mo wag ka ng tumuloy sa lakad mo parang gusto kong magpabayo sa’yo.” napalingon-lingon naman si Rycko.
“Ikaw bunganga mo talaga inidoro, kaya na gagalit sa’yo ang Daddy mo e.”
“Sus! Ayaw pa… ako na nga ang nag offer ng init at sarap ayaw, ikaw pa itong pakipot, ano ka yummy."
“Tumigil ka na nga! Pag ikaw pinatulan ko iyak ka. Asan na susi? Nilalandi mo nanaman ako. Iging-igi na nahimik si Junjun aabalahin mo pa.” tumawa naman si Summer ng tumalikod ang kaibigan na sinundan na lang ni Summer. Hay! Kung alam lang sana nito ang lahat ng kaganapan 6 years ago pero okay na rin na hindi na nito na aalala dahil ibinaon na na lang din n’ya sa limot ang karanasan na iyon na hindi rin naman n'ya na aalala kung paano n'ya naisuko ang virginity n'ya kay Rycko.
“Hindi ako sasakay d’yan Ry naman.” reklamo ng babae ng nag susuot na ang gloves si Rycko.
“Chuchay, ikaw na bahala sa kanya. Una na ako.’’ walang paki-alam na wika ni Rycko na sinuot na ang helmet at hindi na pinansin pa ang babaeng na gagalit.
“Kainis!” padyak pa ng babae.
“Miss! Kung saan FAMAS award ang pupuntahan n’yo sumunod ka na lang, iyon ay kung tutuloy si Rycko.”
“Hindi s’ya puwedeng hindi aattend, birthday ngayon ni Tito Ryan.” natigilan naman si Summer. Ryan ang pangalan ng papa ni RJ na matagal na nitong iniiwasan. Wala s’yang masyadong alam sa background ni Rycko pero ayon sa Lola Odette na ina-inahan naman ni Rycko na bestfriend naman ng Lola Dana nila. Si Rycko ang nag iisang legal na anak ni Ryan Lopez. Ang may ari ng pinaka maraming shopping center sa buong Pilipinas na nasa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.
Ngunit lumayas si Rycko sa poder ng ama ng 9 years old pa lang ito na kinupkop naman ng Lola Odette dahil kaibigan nito ang namatay na ina ni Rycko. Namatay ang ina ni Rycko sa mismong araw ng birthday ng Papa nito dahil na kita daw nito ang ama ni Rycko na nakikipag tali* sa ibang babae sa bahay ng mga ito. Habang busy ang lahat sa pag didiwang ng kaarawan ng ama ni Rycko. Ang ama ni Rycko busy daw naman sa pagkana ng ibang kuweba na na aktuhan pa ng ina ng kaibigan kaya ng araw na yun lumayas ang mama ni Rycko na kasamaang palad na aksidente ang ina dahilan para mamatay ito.
Wala pa daw isang taon na namamatay ang Mama ni Rycko inuwi na ng ama nito ang isang babae na may anak na dalawa isang babae at isang lalaki. Mula daw nun hindi na naging maayos ang samahan ng mag-ama. Madalas na daw pag buhatan ng kamay si Rycko ng mismong ama dahil inaaway ni Rycko ang anak ng babaeng inuwi ng Papa nito.
Kaya si Rycko na daw ang kusang umalis sa poder ng ama. Ilang beses daw naman itong kinaon ng Papa nito pero ayaw nitong sumama hanggang sa sinukuan na daw ng ama ang panunuyo sa anak at hinayaan na lang sa pangangalaga ni Odette. Hindi daw naman pinakasalan ng ama ni Rycko ang babaeng inuwi nito sa bahay at hindi rin nag kaanak ang mga ito kaya solo pa rin daw na taga pag mana si Rycko pero ayaw daw tanggapin ni Rycko ang kahit anong pera na galing sa ama nito.
Mas gusto pa ni Rycko ang mag tinda online kesa daw tangapin nito ang mana. Kilalang -kilala naman si Rycko sa online business nito dahil sa mga kuwelang pakiki pag bardagulan nito sa mga babaeng customer, kaya tinagurian itong budol king dahil ang dami nitong na papa order basta nag live selling ito ang dami na agad naka abang at kahit hindi gusto ng mga itong umorder panay ang mine ng mga watcher para lang makita sa personal si Rycko.
Along Metro manila lang nag dedeliver si Rycko. Kapag outside Metro meron itong courier service na kinukuha. Dahil sa kaguwapuhan at kamachohan ni Rycko patok na patok ito sa online business. Ilan na bang offer ang tinangihan nitong maging artista or mag guesting sa ilang TV segment. Bored lang daw ito kaya nakikipag bardagulan ito thru live selling dahil ang totoo meron naman itong permanenteng trabaho, mukha lang itong patapon ang buhay pero company director ito ng isang company na pag-aari ng pamilya nila.
“Lester, ikaw na muna ang bahala rito.” tawag n’ya sa assistant n’ya saka nag mamadaling tumakbo papasok sa loob ng shop n’ya kung saan nasa likod ang bahay n’ya. Mabilis lang s’yang na ligo saka nag bihis ng damit at kinuha ang susi ng motor n’ya para sundan ang kaibigan.