Pangalawang pasilip...

1189 Words
“Alam mo kasing amoy mo yung babaeng kasama ko kagabi sa hotel.” sigaw pa ni RJ habang mag kaangkas sila sa motor n’ya pauwi, ito ang driver buti na lang naka suot s’ya ng helmet na itim kaya hindi nito kita ang naging reaction n’ya. "Uso na ba ngayon na ginagamit na perfume ng babae ang downy.” tanong pa nito. “Naririnig mo ba ako?” sigaw pa ni RJ. “Oo, sa lakas ng boses mo paanong hindi ko maririnig. Hindi ko pinababango ang downy ha sadyang malakas lang gumamit ang labandera namin ng downy.”katwiran n’ya habang sobrang kaba ang nararamdaman ito na yung kinatatakot n'ya, wag naman sa s'yang ipahamak ng tadhana. “Hindi ba ikaw yung kasiping ko sa kagabi sa kama?” biglang tanong pa nito na talaga naman na ikinakaba n’ya ng husto buti na lang talaga nasa likuran s’ya nito. “Ako kasiping mo sa kama hibang ka ba? Gusto mo bang mapatay ni Daddy.” sagot n'ya na kulang na lang lumabas na sa rib cage ang puso n'ya sa sobrang bilis ng t***k. “Sure ka! Parang kasing ikaw yung babae na _______.” “Hoy! Tengi ka lampas ka na.” tinapik pa n’ya sa helmet na suot si RJ na nag menor naman ito at iginilid na ang motor n’ya saka bumaba na at hinubad ang suot na helmet saka isinabit sa braso nito. Lagi itong sa labas lang ng subdivision bumababa kapag sumasabay ng uwi sa kanila. Tapos mag lalakad na lang ito papasok ng subdivision dahil malapit lang sa bukana ang bahay ng Lola Odette nila na Mamita naman ni RJ. “Daanan mo ako bukas ha.” kumunot naman ang noo ni Summer na inaayos ang upo sa ducati ninja ng ina na mas matanda pa sa kanya pero sobrang ingat na ingat pa rin ng mama n'ya. Mabait ang mommy nila habang ang Daddy n'ya lagi n'yang kaaway na according sa lola Dana n'ya magkasing ugali daw kasi sila ng ama. Mas maganda ang motor ng ama pero ayaw nitong ipahiram sa kanya dahil pang lalaki daw ang motor hindi pang babae pero wala na itong nagawa ng ina ang nag bigay sa kanya ng motor nito. "Bakit? Asan ba ang motor mo?” takang tanong ni Summer. "Wala akong pang gas, 15k ang tumalsik sa akin sa hotel. Kailangan kong mag tipid para sa buong buwan na ito.” “Saan ka ba hotel nag punta?” patay malisya pang tanong ni Summer. “Sa mga Kuya Den na Hotel.” tukoy naman nito sa Hotel na minamangae ng Tito Denis n’ya. "Wow rich kid! Bigtime bakit dun ka nag check-in.” “Hay! Mahabang kuwento pero just for the record ka amoy mo talaga yung kasama ko kagabi.” wika pa nito habang naka tingin sa kanya buti na lang mata lang n'ya ang kita nito dahil naka taas lang ang visor ng helmer n'ya. “Ulol! Kung ako yun hindi na kita pagagastusin ng mahal puwede na ako sa tabi-tabi lang.” biro ni Summer na usual na sa kanila ang bardagulan na salita mahina naman s'yang sinapok ng kaibigan. “Dumali ka naman, over my gorgeous body. Mag lalaway ka pero hindi mo ako matitikman.” ngisi ni RJ na tinawanan naman ni Summer na nag paalam na rito habang paatras na nag lalakad habang kumakaway sa kanya. Gumanti naman s'ya ng kaway sa kaibigan bago sumibat ng alis. Habang nasa daan maya’t-mayang panalangin n’ya sa langit na sana walang ma-alala si RJ sa nangyari kagabi dahil kahit s’ya wala naman na aalala basta nagising na lang s’ya na katabi si RJ na most embarassment moment s buong buhay n’ya. Hindi n’ya alam kung anong mangyayari sa friendship nila kapag nalaman nitong s’ya ang babaeng kasama nito sa hotel room. Ibabaon na lang n'ya sa limot ang lahat at least sa tamang lalaki naman n'ya na isuko ang kanyang kalachuchi hindi na n'ya pag sisihan. ******** Natigil si RJ sa pag pasok sa loob ng bahay na Mamita Ode n’ya ng makita ang ama at ang stepmom n’ya na kasama nito . Kausap ang mamita Ode n’ya na kaibigan ng inang namayapa na kumopkop sa kanya ng lumayas s’ya sa kanila. “Ryco, umuwi na tayo.” bungad agad ng papa n’ya na tinaasan n'ya ng kilay. “Ayoko ko, dito lang ako. Kayo ang umuwi.” matigas na sagot ni Rj na derederetso na tinalikuran ang ama at ‘di man lang n’ya binati ang madrasta n’ya. Hinding-hindi s’ya babalik rito kahit anong mangyari. Sabihin ng suwail na anak pero hindi n’ya kayang tumira sa iisang bahay kasama ang babaeng sumira sa pamilya nila na akala mo ay kung sinong anak ng Diyos. "Rycko." galit ng tawag ng ama na sinundan pa s'ya sa pag-akyat ng hagdan at napigilan s'ya sa braso pero galit na binawi n'ya iyon at masama ang tingin ang ipinukol sa ama. "Umuwi ka na at this is the last time na makiki-usap ako sa'yo." pagak naman na tumawa si RJ. "And this is the last time na sasagutin ko kayo na ayoko." mariin na sagot ni Rycko sabay muling tumalikod. "Mas gusto mo pang mamuhay ng ganyan, kung saan-saan na mamasukan na halos wala ka ng oras para mag pahinga para lang kumita ng pera na kaya ko naman ibigay sa'yo." huminto naman si Rycko 4 na baitang mula sa ama at saka muling lumingon. "Kahit mamatay pa ako sa pag tatrabaho para buhayin ang sarili ko wala na kayong paki-alam and afterall ano nga bang paki-alam n'yo. Alam n'yo kesa sayangin n'yo ang oras n'yo sa akin ibigay n'yo na lang sa bagong pamilya n'yo and beside baka kulang pa ang yaman n'yo sa tatlong taong kinupkop n'yo na daig pa ang mga blood suck*ng leech." mariin na wika ni RJ sabay tingin sa stepmom n'yang nasa baba ng hagdan. "Sumosobra ka na RJ." wika pa ng babae. "Sino may sabi? Kulang pa nga. Kaya kung ayaw n'yong makarinig pa ng 'di maganda umalis na lang kayo dahil maayos akong pinalaki ni Mamita at Papi pero dahil sa inyo na sisira ang magandang asal na itinuro nila sa akin." inis na wika ni RJ sabay talikod. "Kapag hindi ka bumalik sa poder ko pahihirapan ko ang buhay mo, wala ka ng traba____." "Go ahead!" biglang malakas na sigaw ni RJ dala ng sobrang galit na agad naman na sinayaw ni Ode na napaakyat at niyakap s'ya. Hindi napigilan ni Rycko ang mapaluha sa sobrang galit na nararamdam. "Gawin n'yo sige lang kahit gupang pa ako sa hirap kakayanin ko. patunayan n'yo sa akin na tama lang na umalis ako sa poder n'yo, ipakita n'yo kay Mama na kung gaano s'ya ka selfish dahil iniwan n'ya ako sa amang tulad n'yo. Kakayanin ko ang lahat ng hirap mag-isa dahil parehas lang kayo ni Mama puro maka sarili." galit na wika ni Rj saka humingi ng pasensya sa mag asawang Odette at Arthur na mas nag pakita pa ng tunay na pag mamahal sa kanya kesa sa sarili n'yang mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD