Chapter 2

1263 Words
    "Ah Sir, about Sir Izaac nasa mansion na po siya," basag ni Carlos sa katahimikan.     "What? Since when did he get back from Italy?" baling ni Tanda sa assistant nito. Bakas ang pagkunot ng noo niya.     Teka sino ba to si Izaac? Tahimik na tanong ni Sunny sa sarili.     "Kaninang umaga lang po, Sir. I'm sorry I didn't tell you on the phone."     "Ah, that boy. He leaves whenever he wants and comes back whenever he wants. I need to talk some sense into his head." Napahilot na lang ng sentido ang matandang lalaki.     Napabuntong-hininga na lang ang matanda at blangkong tumingin sa daan. Naramdaman ni Sunny ang bahagyang pagbigat ng hangin sa loob ng sasakyan kaya nanatili na lang siyang tahimik at namamahang nakatingin sa mga gusaling nadadaanan nila.       Pumasok sila sa isang exclusive property na may malawak na bakanteng lupa. Tanging mga puno at tila walang katapusang damuhan ang nakita niya habang tinatahak ng limousine ang isang makitid na driveway. Nang tuluyang huminto ang sasakyan ay saka na lamang ni Sunny napansin ang mansion sa tapat nila. Pero basi pa lang sa unang tingin, parang hindi ito mansyon.     Parang palasyo!     Akala ni Sunny dati ay mayaman na ang may-ari ng lending na laging inuutangan ng Auntie niya. E, mukhang bahay ng aso lang ang bahay nila kumpara sa bahay ni Tanda!     Ang istilo nito ay kagaya ng mga mansion sa mga lumang telenovela pero halos double o triple ang lapad. Hindi pa kasama ang malawak na lupain na nakapalibot sa buong mansyon.     Hindi ba naliligaw ang mga tao rito?     Pagpasok sa loob, kagaya nga ito ng inaasahan ni Sunny. Sumisigaw ang karangyan. Puno mamahaling mwebles, malalaking vase. May dalawang hagdan rin na nakapaikot na disenyo kagaya sa mga palabas sa TV at sa gitna ay may mga kumikislap na crystal at pailaw na nakasabit mula sa kisame. Naka-uniporme rin ang mga kasambahay na naghihintay sa kanila at sabay-sabay na binati ang amo.     "Linda, pakihatid naman si Sunny sa guest room na pinahanda ko. I need to talk to Izaac," sabi ni Tanda sa babaeng 'di nalalayo ang edad sa kanya at bumaling ulit sa dalaga. "Sunny, sumama ka muna kay Linda mamayang hapunan na lang tayo mag-usap. Kung may kailangan ka 'wag kang mahihiyang magsabi sa kanila."     Sumunod naman si Sunny sa nakakatandang babae. Diretso silang umakyat sa pangalawang palapag ng mansyon at nala ilang liko pa bago binuksan ng matanda ang isang pinto.     "Ito na ang kwarto mo hija. Kung may kailangan kang gamit ilista mo na lang nang mabili bukas. 'Pag nagugutom ka pagbaba mo sa hagdan diretsuhin mo lang sa kaliwa ay kusina na. Nanroon lang ako," malumanay na sabi nito.     "Maraming salamat po -"     "Nanay Linda. 'Yon ang tawag nilang lahat sa’kin dito."     "Maraming salamat po, Nanay Linda," sagot ni Sunny.     "Hala sige maiwan na muna kita para makapag pahinga ka."     Nilibot ni Sunny ang paningin sa buong kwarto na mas malaki pa ata sa bahay ng tiyahin niya. May isang malaking kama sa gitna na may poste sa bawat sulok at maayos na nakalagay ang mga unan. Malinis ang buong kwarto at sa kulay pa lang ng mga beddings at kurtina ay halatang inihanda ito para sa isang bisitang babae. Simple lang pero halatang mamahalin ang mga m’webles.     Sa totoo lang ay tila natakot si Sunny na gumalaw-galaw dahil baka may mabasag siya. Mukhang mas mahal pa yata sa buhay niya ang mga kagamitan sa bahay ni Tanda.     Meron rin CR at TV sa kwarto niya! Masayang inihinagis ni Sunny ang katawan sa kama. Tama nga ang hula niya. Parang nasa ulap siya sa sobrang lambot ng higaan. Kahit sa panaginip niya ay hindi man lang sumagi ang ideyang makakatapak siya sa ganito kagarang bahay.     Nakaramdam na rin si Sunny ng pagod at tuluyang sinakop ng antok. Nagising na lang siya mula sa pagkakaidlip at napabangon dahil sa uhaw. Kaya nagpasya siyang bumaba sa kusina. Gusto niya rin malaman kung p’wede siyang tumulong sa mga gawain. Wala naman talaga siyang planong magpakasenyorita at maging alagain.     Nang nakababa siya sa hagdan malapit sa kwarto niya ay nahati sa dalawang direksyon ang hallway.     Teka paano nga ulit pumunta do'n? Kaliwa ba o kanan? Ayan tanga-tanga kasi! Bahala na.     Lumiko siya sa kanan at dumiretso pero kahit anino ng kusina ay di niya pa rin matunton. Ang naroon lang ay isang malaking pinto. Wala sa sarili niya itong binuksan at hindi ko inaasahan kanyang nakita.     Parang isang gym ang buong kwarto. May pader na salamin at malaki rin ang bintana, may nakita siyang dumbbells, barbell, at kung ano-anong mga kagamitan pang-ehersisyo. Sa gitna ng kwarto merong isang punching bag at higit sa lahat, isang hubad-barong Adonis!     Nanlaki lang mga mata ni Sunny, ni hindi man lang magawang iiwas ang tingin . Dumoble yata ang nararamdaman niyang uhaw dahil ngayon lang siya nakakita ng ganoon ka perpektong katawan.     Batak na batak ito. Lalaking-laki ang dating at may mga peklat ito sa braso at dibdib pero hindi ito nakabawas sa kanyang tikas. Kung siya lang nga ang tatanungin parang nakadagdag pa sa dating ng binata.     Anong ginagawa mo? Umalis ka na, nakahiya ka! Ang bata-bata mo pa mahalay na mata mo! Kinastigo ni Sunny ang utak.      ‘Di hamak na masyado pa siyang bata para sa kung ano mang kalahayang nasa kukote niya.     Paano niya ba iiiwas ang tingin kung nakakalunod ang asul nitong mga mata. Kumunot ang noo ng lalaki pero parang hindi nito nabura ang matangos na ilong,mapupulang labi, morenong kutis na pinakintab ng sariling pawis, at-     "Hey! Can you hear me? Paano ka ba nakapasok dito? HEY!" sabi ni pogi na siya namang nagpabalik sa diwa ni Sunny.     Lumapit ito sa kanya at saka niya lang namalayan na matangkad pala ang binatang kaharap niya. Sobra siguro sa isang ruler ang height nito kumpara kulang-kulang limang talampakang height ni Sunny. Patuloy lang ang pag-atras ni Sunny hanggang naramdaman na niya ang pader sa kanyang likod.     "So, let's see what kind of pathetic life form my father picked up today." Lumapit pa ito at hinarang ang dalawang braso sa magkabilang gilid ni Sunny. “What's the matter, kid? Cat got your tongue?”     Hindi naman siya makapag-isip ng mabuti dahil sa sobrang magkalapit ng mukha mga mukha nila na para bang sinusuri ang kanyang buong pagkatao. Hindi naman maiwasn ni Sunny na maramdaman na sobrang pangit niya sa ilalalim ng mapanuring mga mata ng binata.     Sino ba naman ang magmamaganda kung halos stick na kapayat ang katawan, puno ng pasa ang katawan, putok ang labi, at malamang may malaking black-eye?     "A-ano... s-s-sorry. Nasaan ba ‘yong kusina?" nauutal niyang tanong at hindi na sinalubong ang tingin ng lalaki.     "Mga batang katulad mo hindi dapat pagala-gala. Baka makasalubong ka pa ng halimaw." Mas nilapit pa nito ang sarili kay Sunny at sumamyo naman ang mabangong hininga nito.     Wala ba siyang kahit mabahong ano? Mas lalo tuloy nakakahiya.     "Hindi na ako bata! At saka masyado kang malapit nakakalalaki ka na." Sinubukan niya itong itulak at pinilit tapangan ang boses. Naaliw na napatawa naman ang kaharap niya.     "You think I'm an idiot? I know you're a girl. Hindi ka na bata, bakit ilang taon ka na ba?" nasusuyang tanong nito.     "Fourteen. Ikaw ba?" taas noong ganti niya. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila lumamlam ang mga mata ng binata dahil sa sinabi niya.     "Bata ka pa nga. I'm Izaac and I'm twenty-four . Kung may balak ka pang pumunta sa kusina do'n 'yon sa kaliwang wing." Iyon lang at mabilis itong nagsuot ng t-shirt at iniwan lang siya roon.     Izaac. Siya pala yung pinag-uusapan nilang Izaac. Ang gwapo niya pala! Sabagay, pangalan pa lang macho na.     Napailing na lang siya. Ano ba 'tong mga naiisip niya? Bakit ang lakas ng t***k ng puso niya?     Kaba lang ito.     Tama. Kaba at kahihiyan lang naman. Hindi ba?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD