Chapter 1

1009 Words
            "Hey hinayhinay lang. It's all yours," nakangiting sabi ni Tanda kay Sunny. Walang pagdadalawang-isip niyang nilantakan ang manok na nasa harap niya.                 Hay ang sarap!                  Ngumiti ng malamlam ang matanda sa inakto ni Sunny. Halos buto't balat na rin ang dalagita dahil sa ilang buwang pakikipagsapalaran sa kalsada. Panakanaka naman siyang napatingin sa kaniyang kaharap na matanda. Halatang nasanay ito sa marangyang buhay dahil sa magarang damit nito at makintab na relo. Giliw na giliw naman ito sa dalagita na siyag nagpalitaw ng mga kulubot sa gilid ng mga mata at noo nito.                 Hindi na niya naiisip nab aka lasunin siya nito, ipakulong, o itapon sa dagat. Ngayon lang siya ulit nakatikim ng matinong pagkain sa loob ng mahabang panahon. Simula nang nagpagala-gala siya sa kalye, ay mga tira-tira sa basurahan, limos, o nakaw na tinapay lamang ang laman ng sikmura niya.                 Pagkatapos siyang niligtas ni A-arturo ata ang pangalan ni Tanda, dinala nito si Sunny sa cabin, pinakain at pinalapatan ng first aid. ‘Di hamak naman na ito na ang pinakamagandang trato na naranasan ng dalaga, pero hindi pa rin niya maiwasan ang makaramdam ng kaunting pangamba.                 Paano kung aanihin lang pala nila ang lamang loob ko? Paano kung kagaya niya pala ang mga matatandang mahilig manyansing sa mga bata? Nako po!                 "So tell me, bakit mo sinubukang pumuslit sa cargo bay kanina?" seryoso tanong nito.                 Napatigil siya sa pagnguya pero nanatiling hawak-hawak pa rin ang pritong manok sa kaniyang kanang kamay at tanging takot na tingin lang ang ganti ni Sunny sa matanda.                 "Ano bang pangalan mo? Nasaan mga magulang mo? Are you mute?" sunod- sunod na tanong ulit ni Tanda.Napatigil si Sunny sa pagsubo at nakatulala lang sa kaharap. Mukha itong foreigner pero magaling managalog.                 "P-pasensya na po, Sir. Wala lang po talaga akong mapuntahan hindi po ako magnanakaw o rebelde." Bakas ang panginginig kahit sa boses niya.                 "Ah! So you can speak. Kailangan mong sagutin ang mga tanong ko para matulungan kita."                 "Ako po si Sunshine. P’wede rin pong Sunny. Parang awa niyo na po, Sir 'wag niyo po ako itapon sa dagat o ipakulong. Masipag po ako magtrabaho tapos kahit maliit katawan ko malakas po ako magbuhat." Bigla siyang napaluhod sa paanan ng matanda para nagmamakaawa nang bigla siya nitong tumawa at animo'y nalilibang.                 "Sunny, tumayo ka. Nangako ako kanina na wala akong gagawing masama sayo. Pero kung bibigyan ka ng pagkakataon wala ka na ba talagang kamag-anak na mauuwian? O kahit kakilala na p’wede hingan ng tulong?"                 Ikinwento naman ni Sunny ang dahilan bakit hindi na siya p’wedeng bumalik sa pinanggalingan niya. Mula sa pagka-ulila, hanggang sa ilang buwan na palaboy-laboy ako sa kalsada. Alam naman niya na hindi siya dapat basta-bastang magtiwala sa ibang tao lalo na pagtapos ng lahat ng kanyang pinagdaanan. Pero may bahagi sa utak na niya napanatag kasama ang matanda at sinasabing wala siyang dapat ikatakot.                 "Dear God. You poor child. Simula ngayon sa puder na kita. Pag-aaralin kita at patitirahin sa bahay.You are a survivor, Sunny. But now I will teach how to live. You don't have to be alone I will raise you as my own," pag-aalo nito sa kanya. Hindi naman na intindihan ni Sunny  ang kalahati ng sinabi nito. Mahina pa kasi siya sa Ingles e. Ang tanging alam lang niya ay limitado pa sa mga laging napapanood sa TV ng kapitbahay at radyo sa mga tindahan.                 Madilim na rin nang makaalis sa pier ng Tacloban ang cargo ship na sinakyan nila Sunny. Pinatuloy siya sa isang bakanteng staff cabin at binigyan na rin ng tshirt pamalit na may tatak na Lorenzo Shipping Company. Buong buhay niya, ang maliit na kwarto sa barko at simpleng kama na ang pinakakumportableng tulugan para sa kanya. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nanatiling siyang dilat ang mata halos buong magdamag. Ito na ang umpisang ng buhay na pinili niya para sa sarili at hindi niya maipikit ang mga mata sa takot na baka panaginip lang lahat ng iyon.                     Bagsak ang panga ni Sunny nang makadaong na barkong sinasakyan nila sa Lorenzo Commercial Port na siya ring pinamamahalaan ni Arturo Lorenzo. Naikwento kasi ng matanda tungkol doon nang nasa byahe sila. Nabangit din nito na siya rin ang may-ari ng Lorenzo Security Force. Nagkataon lang daw na personal nitong tinignan ang kundisyon ng mga bagong barko kaya  siya nito naligtas mula sa mga walang hiyang crew sa pier.                 Hindi nga nagsisinungaling si Tanda. Pagtapak pa lang nila sa pier ay mapapnsin na ang kakaibang rangya ng buhay nito. Pagdating nila ay may iilang mga lalaking nakaitim at nakashades na agad nang nakapalibot sa kanila at nakasunod lang kung saan pumunta si Tanda. Ang mga emplyado na nakakasalubong nila ay agad na bumabati nagba-bow.                 Grabe, Diyos ata sa paningin kay Tanda. Kailangan daw naka-bow.                 Hinatid sila ng mga escort sa isang nakaparadang mahabang itim na sasakyan.                 "Welcome back sir. The car is ready is this the kid you mentioned on the phone?" sabi ng isang unipormadong lalaki at pinagbukasan sila ng pinto.                 "Ah yes, Carlos. This is Sunny. Sunny, siya si Carlos my executive assistant. Kapag may kailangan ka he's the guy you need," magiliw na sagot naman ni Tanda.                 "Nice to meet to you Young Master Sunny." Yuyuko pa sana si Carlos nang maagap naming umiling si Sunny at pinigilan ito.                 "N-naku hindi na po kailangan mag-bow. Hindi po ako Young Master p-pero nice to meet you pa rin," naiilang na sagot niya.                 "And, Carlos, Sunny is not your young master she's a young lady. C'mon! We better go." Nanlaki ang mata ni Carlos at tipid na lang akong napangiti.                 Tahimik ang buong b’yahe sa sasakyan. Kung ano ka gara ito tignan sa labas doble pa pala ang ganda nito sa loob. Makintab at malinis. Halatang mamahalin rin ang mga upholstered seats nito at mawang ang na p’wede pa lagyan ng hapag na pampamilya.     Pati amoy ng sasakyan pang mayaman talaga.     "Ah Sir, about Sir Izaac nasa mansion na po siya," basag ni Carlos sa katahimikan.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD