Chapter 2: Who's Aeva?

2080 Words
Bella's POV "Mrs. Lim! What a coincidence." Tumayo si Lucas mula sa kanyang inuupuan at dumeretso sa direksyon ni mama para yakapin siya. Nagkatitigan muna sila sa mata bago tuluyang lumayo sa isa't-isa. Okay? What did I just witnessed? Lumingon ako kay papa at pati siya naguguluhan rin sa nangyayari.  "Care to explain why the two of you knew each other?" I asked, still looking at both of them. Lumingon si Lucas sa aking direksyon bago magsalita, "Mrs. Lim's husband is my father's friend, Mr. Eliezer Lim. I never knew that she's your biological mother, Bella," he explained. Tumango ako sa kanya bilang pagtugon.  Ang rason kung bakit iniwan ni mama si papa ay dahil nalulong sa mga bisyo at sugal ang aking ama noon. My father was an engineer and we owned a construction firm before. Masasabi ko talaga na magaan at angat ang buhay namin noon. Not until my father got influenced by his peers.  Walang gabi na uuwi si papa na hindi lasing, natuto na siyang humithit ng sigarilyo na noon ay ayaw na ayaw niya. Everything went wrong when he got bankrupt and had a huge debt on a casino. Isa-isa ng nawawalan ng kliyente ang aking ama at unti-unti na ring nawawala ang mga bagay na dapat ay sa amin, hanggang sa wala na ngang natira.  Tumingin ako sa direksyon ng aking ama at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagsisisi hanggang ngayon kung bakit kami iniwan ni mama para sa ibang lalake na makakapagpabigay sa kanya ng mga luhong gusto niya.  "So, why won't we enjoy the feast?" Inilalayan ni Lucas sa pag-upo si mama atsaka bumalik sa pwesto niya para umupo. Hindi nakatakas sa akin ang pagsunod ng tingin ni mama sa nobyo ko. There is something wrong here, I can sense it.  "Ma, buti nakarating ka. Namiss kita ng sobra," nakangiting sambit ni Bea sa aking ina. She caressed my sister's face and smiled at her genuinely. "Let's all dig in, shall we? Alam kong hindi lang ako ang gutom dito," Lucas said with a mocking tone. I smiled at him and started eating.  Habang kumakain kami, narinig namin ang pag-andar ng makina ng yate. Napalingon ako sa direksyon na 'yon at sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkasalubong ang tingin namin nung matangkad na lalake kanina.  Hindi ko masyadong naaninag ang kanyang mukha dahil sa distansya naming dalawa. Nasa may pool deck siya nakatayo habang may dala-dalang wine glass sa isang kamay at nakapamulsa. He's facing in my direction but I'm not really sure who he's looking at.  Hinahangin na ang kanyang tila malambot na buhok ng umandar na ang yate papalayo. May kung ano akong naramdaman ng bigla na siyang tumalikod at unti-unting nawala sa aking paningin ng tuluyan na silang makalayo. That's weird.  "Are you okay?" pagpukaw ni Lucas sa aking atensyon. "Oo naman, okay lang ako" I said and gave him an awkward smile.  ***** Pagkatapos naming kumain, binigyan ng regalo ni mama si Beatrice. It was a credit card for Beatrice's needs and wants. Alam kong bumabawi lang siya sa mga panahong wala siya sa tabi namin, pero ayoko naman mapunta ang kapatid ko sa punto na kailangan niyang lumapit parati sa aming ina kung sakaling magkandaleche-leche siya. "Ma, hindi ko 'to matatanggap," napaderetso ang tingin ko sa aking kapatid. I silently smiled at the back of my head.  "Bakit naman anak?" my mother asked with a hint of dejection in her voice. "Hindi ko po kasi kailangan ng--" "I insist, this is my way of making up to you. You did an incredible job in your studies and you deserve this. Kung may project ka man, babayaran sa school and activities mo, dito ka kumuha ng panggasto, okay? Para hindi na ganon mahirapan ang ate mo" lumingon si Bea sa aking direksyon tila naghihintay ng aking pag aproba. Ngumiti ako sa kanya at tumango kaya sinuklian niya rin ako ng isang matamis na ngiti.  Tinanggap na iyon ni Bea at nagpasalamat kay mama. Napalingon ako sa direksyon ni papa at kita ko ang saya sa kanyang mga mata habang nakamasid sa kanyang mag-iina. This would be better if they were still together.  After a little chat, we decided to end the night. Several customers from this restaurant already had left so might as well we leave this place bago pa kami tuluyang dalawin ng antok sa biyahe.  "Gagamit muna ako ng banyo, magkita nalang tayo sa parking lot," nakangiting sambit ni mama sa'min pero hindi nakatakas sa'kin ang panandaliang pagtingin niya sa aking nobyo. Hindi ko ma explain 'yon pero parang may mali talaga. Naglakad na siya papalayo sa'min kaya napagdesisyonan ko na sundan din siya. "Where are you going?" Lucas suddenly asked. "Magbabanyo din muna ako saglit bago tayo umalis" tumango siya sa'kin kaya tuluyan na akong naglakad papunta sa banyo. When I entered the restaurant's comfort room, I saw my mother facing in the mirror and retouching her lips with her favorite lipstick shade. Nude peach shade, my favorite lipstick color as well at nakuha ko 'yon sa kanya. Tumabi ako sa kanya at kinuha rin ang lipstick ko sa bag and silently put lipstick on my pouty lip. "Like mother, like daughter," she suddenly uttered after fixing her neatly low bunned brunette hair. "You have grown into a gorgeous woman" sabi nya habang nakatingin sa'kin.  I put my lipstick inside my bag and fixed my short straight brunette hair. I tucked the other side of my hair behind my ear before facing her. "Wag na tayong maglohokan pa dito, ma," I said in a straight face. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkabigla sa pagiiba ng inaasal ko. "What's between you and Lucas?" I bluntly asked. Nagsalubong ang kanyang kilay sa aking tanong. "What's in your mind right now is clearly wrong," she started, "for pete's sake, walang namamagitan sa'ming dalawa," pagpapatuloy niya. "Kung wala, ano ang meron sa mga tinginan niyo kanina? Akala mo ba hindi ko 'yon napansin?" humigit siya ng hininga atsaka deretsong tumingin sa'kin.  "The only thing I want to say as your mother is to stay away from that man. Leave him." I was taken back for what she suddenly told me.  "That man isn't good for you, Bell--" "Are you dictating me?" I asked in disbelief. "Pinoprotektahan lang kita kaya makinig ka nalang sa'kin" she said in an authoritative tone. Pinoprotektahan? Mula kanino? Kay Lucas? "Bella, anak..." kinuha niya ang dalawa kong kamay at tumingin sa'kin. "I'm sorry for all the things that I've done to you and to your father. I know you despised me for what I did, kaya ngayon ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para makatulong sa inyo lalong-lalo na sa'yo. It's okay if you won't believe me right now, but at least I did my part as your mother and that is to warn you," mahabang eksplenasyon niya.  "Sa tingin mo ba madali lang gawin yan? Kahit kailan hindi magiging madali sa'kin ang mang iwan ng iba lalo na't walang sapat na dahilan upang gawin 'yon. Hindi ako katulad mo," nabitawan niya ang aking kamay at napa atras nang dahil sa sinabi ko.  Bigla siyang nag-iwas ng tingin at ramdam ko na pinipigilan niya ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa kanyang mga mata. Kinuha ko ang bag ko at tumalikod sa kanya, bago pa ako tuluyang makalabas bigla siyang nagsalita. "Wala ako sa posisyon para sabihin ang dahilan kung bakit kailangan mo siyang layuan o iwan. Talk to him Bella, confront him and ask him who's Aeva in his life." I was taken back for what she said and for a split second, I stood froze, unwilling to move.  "Maybe that name would ring a bell for him," she continued. I automatically managed my composure this time and finally left the room.  **** "Nakatulala ka na namang bruha ka," nabalik ako sa reyalidad ng biglang magsalita si Eric. "Kape ka muna oh! Nang mabuhayan yang loob mo." Iniabot niya sa'kin ang dala niyang kape kaya kinuha ko 'yon.  Napatingin ako sa taas ng may marinig akong may nagpopokpok ng martilyo. "Hoy Maria Macey! Itigil mo yang pagpokpok mo diyan kay aga-aga nambubulabog ka." Tumigil naman ang ingay atsaka iniluwa sa loft ng condo si Macey na suot-suot ang kanyang overall na puno ng pintura.  "Bumaba ka nga muna diyan ng madamayan natin 'tong bruhang to na masyadong madrama ang buhay." Hinipan ko ang kape atsaka hinigop ito ng dahan-dahan. "Ewan ko ba at baket napagdesisyonan kong tumira sa'yo," supladang sambit ni Macey atsaka tinali ang kanyang mahabang buhok hindi inalintana ang mga pintura sa kanyang kamay. Napahawak naman sa dibdib si Eric na tila nasaktan. "Ugh! Ungrateful btch!" sabi nung bakla atsaka napahilot sa kanyang sentido. "Nastress ang kilay ko sa'yong haliparot ka." Hindi ko maiwasang mapangisi sa kanilang dalawa. Kung wala siguro ang dalawang 'to sa buhay ko, sobrang boring ko atang tao.  "Spill the tea," Eric said before sipping his coffee. "Mukhang may tinatago si Lucas mula sa'kin" napa "o" ang bibig ni Eric dahil sa sinabi ko. "As in si Fafa Lucas mo?" Tumango ako sa kanya. "Ayan, hindi kasi kayo naniniwala sa'kin," sabay kaming napalingon ni Macey ng bigla siyang magsalita. Nililinis niya ang kanyang mga kamay gamit ang isang basahan habang nakatingin sa'min. Napatayo ako atsaka umupo sa sofa nila, sinundan naman ako ni Eric at tumabi sa'kin. Sumandal si Macey sa pader at pinagkrus ang mga braso, "noon pa naman duda na talaga ako sa Lucas na 'yan eh. Mukha siyang inosente dahil sa hitsura niya pero may 'something' talaga eh alam niyo yon?" Napayuko ako sa sinabi niya. "Hindi ko pa naman nakukumpirma kung ano ba talaga 'yon" "Pero sa tingin mo ba may third party na nagaganap?" napalingon ako kay Eric at dahan-dahang tumango. "O-May-Ghad!" nasapo niya ang kanyang bibig. "Kailangan mo siyang makausap tungkol diyan, confront him. Mamamatay ka sa kakaisip niyan, sige ka maaga kang magkakawrinkles," pagpapatuloy niya. Ilang araw ko na tong dala-dala at halos hindi ko na maiwasang magduda sa tuwing may tatawag o magtetext sa cellphone ni Lucas habang magkasama kami. Simula nong gabing iyon, halos wala na akong saktong tulog sa pag-iisip kada gabi.  "Have you ever been in his place?" tanong ni Macey atsaka umupo na rin sa tabi ko. "Oo, pero matagal-tagal na rin nong huli kong bisita." Tumango siya atsaka tumingin sa itaas na tila nag-iisip. "Have you guys already had s*x?"  "Hoy Maria Macey! Anong klaseng tanong 'yan?! Wag ka ngang mangealam sa sexlife ng iba."  "Wag ka ngang hysterical baklang ka! Connected parin to sa topic okay? Dahil kung may nangyayari na sa pagitan nilang dalawa, walang rason upang mangaliwa si Lucas dahil binigay na ni Bella sa kanya ang lahat," pagpapaliwang ni Macey.  "May point ka ring tomboy ka." "Bisexual," Macey corrected as Eric rolled his eyes. "Actually, wala pa," mahinang sambit ko, napatingin naman silang dalawa sa'kin. Inabot ng ilang segundo ang katahimakan dito sa loob ng condo bago nagsalita si Eric. "If that so... There's a huge possibility na--kung totoo man yang third party third party na yan ha?-- yan ang isa sa rason kung bakit nagawa ni Lucas. Pero no pressure okay? It's your decision not to give yourself to him and hindi mo kasalanan kung hindi ka pa handa sa mga ganyang bagay. s*x isn't the foundation in relationship, tandaan mo 'yan. If a man really loves you, he will respect your decision and wait." Tumango si Macey sa sinabi ni Eric atsaka hinagod ang aking likod. Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako. Niyakap ako ng dalawa atsaka nila sinandal ang kanilang ulo sa bawat balikat ko. "I knew what the girl's name," I said when I already composed myself. Sabay silang tumingin sa'kin at tila naghihintay sa susunod kong sasabihin. "It's Aeva." Tumayo ako atsaka kinuha ang aking phone. I tried dialing his phone but he's not answering. Kinuha ko ang bag at ilang gamit ko sa lamesa at tinignan silang dalawa na halatang nalilito sa ginagawa ko. "Thank you for letting me stay at the night, pero may kailangan pa akong gawin," biglang tumayo si Macey atsaka kinuha ang susi sa kanyang sasakyan. "Nope. We're doing it together, let's go confront that man," sabi niya atsaka nauna pang naglakad papunta sa pinto. Tumayo rin si Eric atsaka kinuha ang bag ko at naglakad na rin papalabas. "Bella halika na!" rinig kong sigaw ni Macey sa hallway, kaya kaagad na akong naglakad papunta sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD