Bella's POV
"Sht, walang gas." Napasapo ako sa aking noo ng biglang tumirik ang sinasakyan naming kotse ni Macey. "Sorry guys, nakalimutan kong magpagas kagabi bago umuwi," pagpapatuloy ni Macey. Narinig ko naman ang pagreklamo ni Eric sa backseat.
Nilingon ko ang paligid nagbabakasakaling may makita akong gas station. "Mace, may gas station doon oh." Tinuro ko sa kanya ang malaking sign ng shell na nasa di kalayuan. Less than 200 meters lang ata ang distansya mula dito sa amin.
Ngumisi siya na parang baliw sa'kin at minatahan ang direksyon ni Eric sa likod. Nagets ko kaagad ang ibig niyang sabihin kaya sabay naming nilingon si Eric sa backseat. Takang tumingin sa aming dalawa ang bakla at kaagad na nanlaki ang mga mata ng mapagtanto niya ang gusto naming ipapagawa sa kanya.
"Huwag niyong sabihin ako ang magtutulak?!?!"
"Babalatan talaga kita ng buhay Maria Macey!" sigaw ni Eric habang nagtutulak, hindi ko naman maiwasang mapabungisngis sa nakikita ko.
"Balitaan mo nalang kami Bella ha!" rinig kong sigaw ni Macey sa loob ng sasakyan. Kumaway ako sa kanila atsaka sumakay na sa loob ng taxi na pinara ko.
Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang kabahan sa gagawin ko. Kakausapin ko lang naman siya at may karapatan din akong gawin 'yon bilang girlfriend niya. Mahal ko si Lucas at may tiwala ako sa kanya, pero simula nong may sinabi si mama tungkol sa nobyo ko hindi ko na maiwasang magduda sa bawat kilos niya.
Madiin akong napapikit ng bigla ko na namang naalala ang sinabi ng aking ina. At bakit ganon nalang ang reaksyon ni Lucas ng makita si mama? Nakakapangduda talaga.
Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang mag pop-up ang notification sa f*******:. Hindi ko pala na off ang data ko mula pa kanina.
Rijanyl Castellano sent you a friend request
Kumunot ang aking noo at tinignan ang profile niya. Nagsscroll lang ako sa timeline niya at tinignan ang bawat posts niya. Bihira mo lang makikita ang mukha niya dahil halos photographic photos ang laman ng kanyang profile.
"Ma'am andito na po tayo," kaagad kong inilagay ang aking phone sa loob ng bag atsaka nagbayad sa taxi driver. "Salamat po kuya," sambit ko bago tuluyang bumaba.
Deretso lang ang pagpasok ko sa condominium hotel kung saan palagi umuuwi si Lucas. Mag-aapat na buwan na rin mula nong huli kong bisita dito. Masyado kasi akong naging busy lately kaya hindi ko na nadalaw pa ang lugar na'to.
"Ma'am?" taka akong napalingon kay Manong Guard ng makita ko ang reaksyon niya.
"Magandang umaga ho," pagbati ko sa kanya.
"Magandang umaga rin ho sa inyo ma'am. Saan po kayo pupunta?" tanong niya sa'kin.
"Ah bibisitahin ko po si Lucas." Nagsalubong naman ang kilay ni Manong Guard sa sinabi ko.
"Si Sir Lucas po?"
"Opo, hindi niyo ba ako natatandaan? Ako po 'yong nobya niya," wika ko kahit nagugulohan na. Mag-iisang na buwan pa naman akong hindi nakabisita rito ha, bakit parang hindi na ako naalala ni kuya?
"G-Ganon po ba? Nako pasensya na po kayo, namamalik mata lang ata ako kagabi." Ang kilay ko na naman ang nagsalubong sa sinabi niya.
Anong meron kagabi?
Kinuha ko uli ang phone sa loob ng bag at hinanap ang phone number ni Lucas. I tried calling him earlier but he didn't answer his phone. It's almost 8 am in the morning at imposibleng tulog pa 'yon. Hindi rin pwedeng busy siya dahil linggo naman ngayon at may party siyang inattend kagabi kasama ang mga magulang niya.
Hindi naman siya tulog mantika at maaga siyang nagigising tuwing umaga pwera na lang siguro kapag sobrang puyat.
Inis kong binalik muli ang phone sa loob ng bag, bakit ko naman siya tatawagan uli ngayon? Eh nandito naman lang rin ako sa condo niya.
Nang makapasok na ako sa elevator kaagad kong pinindut ang close button at floor number 6 kung saan nakalocate ang room ni Lucas.
"Wait! Wait! Don't close the door!" bigla akong nagulat ng may sumigaw sa lobby. Kaagad kong pinindot yung 'open' button ng elevator pero tuloy-tuloy parin ito sa pagsarado. It leaves me no choice but to stop this using my own hands.
"That was close," sabi nong babaeng kakapasok lang sa loob. She's wearing heels, skinny jeans, a white tank top with a patterned blazer. She's holding a cup of coffee and a Gucci bag hanging on her slender arms. She looks like a model based on her outfit, pwede ring fashion icon o nagtatrabaho sa fashion industry.
She removed her shades and put them inside her bag as she looked at me. Wait, this girl is familiar. Mukhang siya ang nakita kong babae sa yate noong kumain kami sa labas.
"Nakakastress talaga ang mga lalake noh?" bigla niyang sambit atsaka pinindot ang huling palapag dito sa condominium hotel. "Napakamanhid, akala mo naman kung sinong gwapo. I knew several men who's hotter than him but I choose to ignore them. Ugh! That arrogant, ambitious man!" she flipped her hair and sipped her coffee.
"Oh, by the way, thank you pala kanina. I never expected you'll stop the doors using your hands, that was kinda heroic... yet scary," I awkwardly smiled at her.
"I'm not really friendly, but you're an exemption. By the way, I'm Althea Sforza," inilahad niya ang kamay sa'kin kaya tinanggap ko 'yon at nakipagkamay sa kanya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at napangiti.
"You could be a model if you want, I can see the potential in you," may hinalungkat siya sa kanyang bag at may ibinigay sa'kin na calling card. Kahit masyadong mabilis ang pangyayari, tinanggap ko nalang 'yon.
Biglang bumukas ang pinto ng elevator kaya nagpaalam na ako sa kanya. Nilingon ko ulit siya ng bigla niya 'kong tawagin. "What's your name?" she asked.
"Bella, Bella Dawn Madrigal," I said and smiled a little. As the elevator doors started to close, she waved her hands at me and smiled. "Think about my offer, Bella" and with that, the elevator finally closed.
I looked at the calling card she offered me earlier, nakadisplay ang isang telephone number, address at pangalan ng kompanya.
"Sforza Clothing Co." basa ko na nasa card. Nanlaki ang aking mga mata ng mapagtanto kong CEO ng isang kompanya ang babaeng nakilala ko lang kanina. Sfroza Clothing Co. hindi ba't Althea Sforza ang pangalan niya? So, siya nga ang may-ari.
Inilagay ko sa loob ng aking bag ang calling card na ibinigay niya sa'kin kanina at muling naglakad sa mahabang hallway ng condo hotel na'to. Wala namang nagbago sa lugar na'to, ganun parin ang hitsura mahigit apat na buwan na ang nakakalipas.
Nasa tapat na ako ng room 610 at nakahanda na sanang magdoorbell ng mapansin kong hindi nakasara ang pinto. Why did that man left his door open until morning?
Dahan-dahan ko itong tinulak at binuksan, nagsalubong ang aking kilay ng makita ko ang suit niya na nakahalata sa sahig. Kinuha ko 'yon at akmang ilalagay sa laundry room niya ng may mapansin akong heels sa di kalayuan.
I took the heels on the floor and looked closely at it. This thing is definitely not mine.
I felt a sudden pang on my chest as I realized what happened here. I looked at his bedroom door and it was close, I gulp a heavy lump on my throat and my vision was starting to blur. Walang malay kong tinahak ang kanyang kwarto at dahan-dahan na pinihit ang door knob.
Bakit ko pa ba 'to ginagawa? Sapat ng ebidensya ang nakita ko sa sala palang na may ibang babae siyang dinala rito kagabi. Bigla kong naalala ang sinabi ng guard kanina, kaya naikuyom ko ang aking kamao. This man is really playing innocently with me.
I suddenly opened his door and a tear escaped from my eye. I saw my man laying on his bed with a woman and both of their naked bodies are covered with sheets. Some of the clothes that they wore last night are on the floor and others are on the bed.
"Mga hayop!" napadilat si Lucas at kaagad na nagulat ng makita ako. "Walangya ka!" kaagad ko siyang sinugod at pinaghahampas. "Oh my god! What's happening!" nilingon ko ang babae na binabalot ang kanyang hubo't hubad na katawan.
"Lucas, who's this crazy woman?!" biglang pumitik ang aking sentido sa sinabi niya. "Isa ka pa!" sinugod ko rin siya at walang pag-aalinlangan na sinabunutan ang kanyang mahabang buhok. Nagsisisigaw naman siya sa ginawa ko at sinabunutan na rin ako.
Pero dahil kailangan niyang hawakan ang telang nakabalot sa kanyang katawan, mas nanaig ako. Napahiga na siya sa sahig kaya pumatong ako sa kanya at pinagsasasampal siya.
"Stop! Let go of me!" sigaw niya habang dinedepensahan ang sarili. "Bella!" rinig kong sigaw ni Lucas at bigla akong pinapalayo sa kabit niya. "Bitawan mo'ko Lucas! Bitawan mo'ko!" pinipilit kong kumawala sa mga hawak niya pero wala itong epekto dahil sa taglay niyang lakas.
"Huminahon ka muna!" sigaw niya sa'kin. The nerve! Ako? Hihinahon? Nagpapatawa ba siya? I can feel my blood boiling due to my anger. Wala akong ginawang masama sa kanya upang gawin niya sa'kin to. Buong lakas kong tinanggal ang mga kamay niyang nakapulupot sa'kin at nilingon siya.
PAK!
Isang malutong na sampal ang binigay ko sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko pagkatapos at hiningal sa ginawa ko. Ilang segundong namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto niya bago ako nagsalita.
"Ano bang nagawa 'kong mali?" Napayuko siya sa tanong ko. "Kailan pa 'to nangyari, ha? Ilang babae na ba ang dinala mo rito?" kahit mahirap nagawa ko paring itanong sa kanya ang mga iyon ng deretso.
"Lucas," tawag ko sa kanya na ikinatingin niya sa'kin ng deretso.
"Minahal mo ba talaga ako?" Naguunahan ng tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. "Oh dahil baka naawa ka lang sa'kin noon kaya mo 'ko pinatulan." Masakit isipin na baka awa lang talaga ang dahilan kung bakit ako nasa buhay niya ngayon.
"Sumagot ka! Tangina!" sigaw ko.
"Minahal kita Bella at 'yon ang totoo, pero..."
"Pero ano?" kitang-kita sa kanyang ekspresyon ang pagdadalawang isip na sumagot. He inhaled a deep breathe before saying the words that left me deaf for a second.
"Pero may hangganan 'yon," sabi niya atsaka umiwas ng tingin. Hindi ko maiwasang maikuyom ang aking kamao. Kung may hangganan lang naman pala edi sana hindi na lang niya inumpisahan. Sobrang sakit malaman mismo galing sa kanya ang mga katagang iyon.
"I want you in my life Bella, but Aeva is the one that I need," siya na mismo ang nagsabi sa pangalang 'yon. I looked at the girl behind me and tears are rushing down to my cheeks once again.
The next thing I knew, sinugod ko na naman ang babae at sinabunutan siya. "Sobrang landi mo! Bagay na bagay nga kayong dalawa! Mga ahas! Ginawa niyo 'kong tanga!" nagsisisigaw na naman ang babae at sinabunutan na rin ako.
"Lucas! Help me!" panghihingi niya ng tulong sa kanya.
"Bella stop it!" pilit na naman akong pinapalayo ni Lucas sa babaeng to pero hinding-hindi ko bibitawan ang buhok niya. "Kakalbohin talaga kitang malandi ka!" Nabigla ako sa sunod na nangyari ng bigla akong itulak ni Lucas sanhi ng pagkabagsak ko sa sahig.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa at tinignan siya. He's now comforting the woman who's crying in front of me. Lucas looked at my direction with rage in his eyes. In just a snap, biglang nag-iba ang kanyang aura. Kung kanina lang guilty na guilty siya sa pangangaliwang ginawa niya, ngayon siya pa ang may ganang magalit.
"Go home Bella, I don't want to see you again in this place," he said in a very cold manner, not even bothering to look in my eye. I stood up and gave him a questioning look.
"We're done! So get the hell out of here!" shock was written all over my face. At siya pa talaga ang may ganang sabihin 'yan? Ang kapal ng mukha!
"I swear Bella if you hurt my fiancee again, I won't hesitate to use my strength against you," napa atras ako sa sinabi niya.
F-Fiancee?
The girl was silently crying against his chest at ngayon ko lang napansin ang singsing na suot-suot niya. Dahan-dahan akong napa atras at halos matumba pa ako sa kalagitnaan ng aking paglalakad.
Sobrang bigat sa pakiramdam, halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. So all this time, I am the mistress? Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko ngayon. Napakagago niya upang gawin akong kabit.
Pinakilala ko siya sa buong pamilya ko, minahal ko siya ng walang pag-aalinlangan, tinanggap ko siya ng buo pero eto lang ang isusukli niya sa'kin?
Napaluhod ako sa gitna ng hallway dito sa labas ng unit niya at napahawak sa aking dibdib. Ang sakit. Sobra.
That's it. I will never believe in love again.
That 'thing' fcking hurts.