Chapter 1.2 : Suspicion

1603 Words
BELLA's POV "Si Rijanyl, batchmate ko noong highschool," sabi ko na ikinatango ng aking nobyo. "Rijanyl, si Lucas pala, boyfriend ko," pagpapakilala ko sa kanya, tumango naman siya atsaka inilahad ang kanyang kamay sa nobyo ko. "Uhm, aalis na ako baka hinahanap nako ng team ko. It's nice meeting you Lucas, and it's great seeing you again, Bella," at kumaway na siya sa'min paalis. "That guy obviously likes you." Napalingon ako kay Lucas ng bigla niyang sabihin 'yon, nakita ko siya nakatingin parin sa lalaking naglalakad palayo sa'min. "Excuse me? Bakit mo naman nasabi 'yan aber?" "I'm a man too and I knew if a certain guy likes a girl based on the way he looked at her." Is he some kind of a love expert now? This guy is silly. "Nagseselos ka lang eh," sabi ko at ngumisi sa kanya. "I'm actually proud." Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya. "Coz I got the girl he likes," he continued and winked at me. His words and gestures left me dumbfounded for a bit. Medyo kinilig ako sa sinabi niya... Okay, ako na ang haliparot. Nagpaalam na kami sa mga kaibigan ni Bea at umalis na. Napagplanohan namin na sa labas kumain, matagal-tagal na rin kase nong huli naming kain sa labas. Ayoko namang umasa kay Lucas ng dahil lang sa boyfriend ko na siya. Ayokong isipin ng iba na ginagamit ko siya para umangat kami sa buhay. Lucas came from a wealthy family, may impluwensiya ang pamilya niya dahil may negosyo silang real estate. As the only heir of Mendoza Real Estates, he needs to learn or study how the real estate business works. Indeed, being a writer is his passion pero kailangan niyang i-set aside 'yon para ipagpatuloy ang binuo ng kanyang mga magulang. Kaya ngayon hindi na kami pareho ng trabaho, sumasama na siya sa kanyang ama sa tuwing may business trip ito. "Nandito na tayo!" napalingon ako kay Lucas, hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. Napatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan at inilibot ang aking paningin sa buong paligid. "Kuya, dito tayo kakain? Ang sosyal naman!" rinig kong samit ni Bea mula sa backseat. "Hindi dito ang napag-usapan natin, Luc" mahina kong wika sa kanya, busy naman sila papa at Bea sa likod na tumitingin sa paligid. "I know, but this is my way of congratulating Bea," napapikit ako sa sinabi niya. Heto na naman kami. "Look, wag na natin tong pag-awayan okay? Minsan lang naman 'to mahal eh," pagrarason niya. He's showing me his pleading face right now, napairap ako sa ginawa niya. Hindi ko 'to matitiis. "Oo na," I said, giving in. Mabilis niya akong hinalikan sa labi at ngumiti na parang aso. "Tara na! Gutom na ako," wika ni Lucas atsakla lumabas sa sasakyan. Pinagbuksan niya ako atsaka inalalayan sa mabatong daan. "At nang dahil sa katigasan ng ulo mo, mahihirapan akong maglakad ne'to," bahagya siyang tumawa habang nakatingin sa suot kong heels bago niya hinawakan ang dalawa kong kamay. "Should I buy some sandals for you then?" hinugot niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa. "I will call Jerry to sent--," bigla kong inagaw sa kanya ang phone. "Wag na!" gagastos ka na naman. "Kaya ko naman eh, hindi ako lumpo" he raised his eyebrows on me. "Okay, I'll carry you--," tinakpan ko ang bibig niya. "Lucas," I said with a threatening tone. "Ate! Kuya! Bat antagal niyo diyan!" pareho kaming napalingon sa direksyon nina Bea at papa na medyo malayo-layo na sa'min. Sinenyasan ko siya na susunod kami. Lucas locked his car before turning his gaze on me. "Dinner on a floating restaurant... Bakit mo kami dito dinala?" tanong ko sa kanya habang naglalakad. "Wala lang, relaxing kasi dito kasi mahangin, presko, tsaka nasa ibabaw ka ng dagat kumakain," sabi niya at tumingin sa'kin. "Nagmeeting din sina dad at mga partners niya sa negosyo dito last week, kaya naisipan kong dalhin din kayo dito," pagpapatuloy niya. "But this place looks extravagan--," ang bibig ko na naman ang tinakpan niya. "Bella," he said in a threatening tone but in a mocking manner. Napairap nalang ako sa ginawa niya, 'tong lalakeng to talaga. Nagring ang cellphone ko sa loob ng bag kaya kinuha ko iyon. Napatingin ako sa screen at biglang nawala ang ngiti sa aking mga labi ng mabasa ko kung sino ang tumatawag. "Hindi mo ba 'yan sasagutin?" I flashed a little smile on Lucas and answered the call. "Hello," bungad ko [Bella, anak] rinig kong sabi sa kabilang linya. "Ma..." [Pasensya na kung matatagalan ako, may inasikaso kasi ako saglit. Paki send nalang ng location niyo ha?] ramdam ko sa boses niya ang pagmamadali. Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Okay, ise-send ko na ngayon." [Paki-congratulate nga pala ako ni Beatrice, nak] "Mas mabuti sigurong ikaw mismo ang magsabi sa kanya niyan pagkarating mo rito." Natahimik siya ng ilang saglit bago magsalita ulit. [Ah oo nga... Oh siya sige, papunta na'ko. Huwag mong kalimutan i-text sa'kin ang lokasyon niyo h--] "Okay, sige." Binaba ko na ang tawag atsaka tinext sa kanyang number ang eksaktong lokasyon namin ngayon bago ko inilagay ulit ang phone sa loob ng bag. Nandito na kami ngayon sa loob ng restaurant. Napakaelegante tignan ng mga disenyo sa loob, maraming mga bulaklak at may malaking chandelier pa sa gitna. Gawa sa mga magagandang klase ng kahoy naman ang mga upuan, lamesa, at sahig. Hindi na kailangan ng aircon dito dahil malamig ang simoy ng hangin lalo na't nasa ibabaw lang kami ng tubig. "This is your table Mr. Mendoza," ngumiti si Lucas at nagpasalamat sa lalakeng nag escort namin dito sa loob. "Umorder ka lang kung ano mang gusto mo Bea ha?" nakangiting tumango si Bea sa kanya. She's spoiling my sister too much, baka masanay na 'to. "Kayo rin ho, pa," baling ni Lucas sa aking ama. Masayang tumango rin si papa sa kanya. "Ate, papunta na ba si mama?" napahinto ako sa pagtingin sa menu at lumingon sa kanya. "Oo, papunta na 'yon" nakita ko naman sa gilid ng aking paningin na medyo hindi naging kumportable si papa. Limang taon na rin ang nakakapilas mula nung iniwan kami ni Mama at kahit na ganon, hindi parin ito naging madali sa aking ama hanggang ngayon. Habang naghihintay kami sa pagkain, nilibot ko muna ang aking paningin sa buong restaurant. Napukaw ang aking tingin sa isang lalakeng nakatalikod sa bungad ng isang yate. May ilang tao rin ang naroon na mukhang may ikabubuga sa estado ng lipunan. Nakita kong sinalubong ng yakap at halik sa pisngi ng isang babae ang lalakeng nakatalikod. A tall guy approached the both of them and greeted the other man in a friendly manner. "Those are VIPs, I guess they rent that yacht to have some exclusive dinner," napukaw ni Lucas ang aking atensyon ng bigla siyang magsalita sa gilid ko. Nag ring ulit ang phone ko sa loob ng bag kaya kaagad ko 'yon kinuha. Sinagot ko iyon ng makita kong si mama ang tumawag. "Hello?" [Nak, nandito na'ko. Saang table kayo?] "Pakisabi nalang na Mr. Mendoza para ma escort kayo ma." [Mendoza?] pag-uulit niya sa kabilang linya. "Opo, may problema ho ba?" halos magsalubong na ang aking kilay. [W-Wala naman, cgeh nak.] Binaba na niya ang tawag kaya taka akong napatingin sa screen ng aking phone. Weird. Biglang dumating ang isang waiter na may tulak-tulak na vintage bar tray. Inilapag niya sa aming mesa ang mga pagkain na inorder namin at isang boteng wine. He filled in our wine glasses before leaving. "Congrats Bea," nakangiting sabi ni Lucas sa kanya, hindi ko naman maiwasang mapangiti sa kanilang dalawa. "Let's have our toast to our graduate here," we raised our glasses and clashed them lightly with each other. "Congrats nak," bati ni papa sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Proud na proud kami sa'yo," pagpapatuloy niya. "Congrats bunso," bati ko sa kanya habang nakangiti. Kinuha ko naman ang isang regalo mula sa aking bag at binigay sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at pabalik-balik ang tingin sakin at sa regalong hawak ko. "Ate totoo ba 'to? Hindi naman to prank diba?" bahagya akong napatawa sa sinabi niya. "Buksan mo nang malaman mo," panghahamon ko sa kanya. "Thank youuu!" kaagad siyang tumayo at pumunta sa direksyon ko para bigyan ako ng yakap pagkatapos niyang mabuksan ang regalong binigay ko sa kanya. "Ingatan mo 'yan ha, inipon ko talaga yan para sa'yo," nakangiti kong sambit sa kanya. Mukha naman siyang maluluha habang nakatingin sa bagong cellphone niya. "Masyadong mahal to ate eh, bakit naman iPhone ang binili m--," tinakpan ko ang kanyang bibig. "Hayaan mo na nga ako, magpasalamat ka nalang," pagbibiro kong sambit sa kanya. Sunod-sunod naman siyang tumango kaya pinabalik ko na siya sa upuan niya. "Am I late at the celebration?" napalingon kaming apat sa babaeng biglang dumating. "Mama!" sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap ni Bea. "Congratulations anak!" sambit ni mama habang nakayakap sa kanya. Napalingon naman ako ni papa at kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot. I heaved a sigh as I witnessed my dad's reaction. Kaagad akong napalingon kay Lucas ng bigla siyang masamid sa iniinum niyang wine. "Mahal, okay ka lang?" hinahagod ko ang kanyang likod. "A-Ayos lang ako," wika niya at pinahiran ang kanyang bibig. "Ma? Okay ka lang? Bakit mukha kang nakakita ng multo?" napatingin ako sa direksyon nina Bea at mama ng bigla itong magsalita. I looked up into my mother's face and shock was written all over her face. Mas lalong akong nagtaka ng biglang magsalita si mama. "Lucas Ephraim Mendoza, anong ginagawa mo rito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD