Bella's POV
Kakatapos lang namin sa meeting ng mga bagong investors ni Althea. Akala ko nga matatagalan eh, yung punto na aabot ng halos dalawang oras? Pero less than 1 hour lang at natapos na kaagad ang pagpipirma ng mga papeles.
Nasa gilid lang kami ni Olga, personal assistant ni Althea, habang nag kakamayan sila sa gitna at kumukuha ng litrato bilang pagwe-welcome sa bagong investors.
Panay ngiti si Althea sa lahat ng compliments sa kanya ng mga investors, lalo na sa image niya. Ngayon ko lang din nalaman mula kay Olga na isa si Althea sa pinakabatang successful business woman dito sa bansa. Kaya pala ganoon nalang ang paghanga nila sa kanya.
Tunay na kahanga-hanga naman talaga siya, dahil naisipan niyang magtayo kaagad ng negosyo sa edad niya. Napakagaling niya ring magdisenyo ng mga damit katulad ng wedding gown, red carpet dresses, at kung ano-ano pa.
Ilang celebrities na rin ang nagawan niya ng damit at yung iba international actresses and actors pa. Halos malaglag nga 'yong panga ko ng sabihin ni Olga na si Althea raw ang gumawa ng Maria Clara gown ng First Lady ng Pilipinas noong umattend sila ng Pangulo sa ASEAN Summit.
Talagang ang First Lady pa raw mismo ang pumunta rito para kausapin siya ng personal tungkol sa pagpapagawa ng gown sa kanya.
Akala ko model lang si Althea, pero isa pala siya sa pinakabigating fashion designer sa buong bansa. It is truly an honor to work with her. Hindi ko talaga pinagsisihan na tinanggap ang offer niya.
"Phew! Kapagod!" rinig kong reklamo niya atsaka pasalampak na humiga sa kanyang malaking sofa. Nandito na kami sa loob ng opisina niya pagkatapos umalis ng mga bagong investors.
Kahit siguro ako ang nasa posiyion na, mapapagod din siguro ako. Nakita ko kasi ang mga schedules and appointments niya sa iPad na dala-dala ni Olga kanina, halos lumabas ang mata ko sa dami.
Pupunta pa siya sa iba't-ibang lugar, photoshoot doon, photoshoot dito, design doon, design dito at kung ano-ano pa 'yan.
"Miss A, the chopper is ready for taking off." Napalingon ako kay Olga ng bigla siyang magsalita. Binaling niya uli ang kanyang atensyon sa cellphone at tila may pinapakinggan sa kabilang linya.
"Your arrival to Isla Pueblo will be estimated 20 minutes from your departure," pagpapatuloy niya.
Napalingon ako sa direksyon ni Althea ng tumayo siya mula sa pagkakahiga. She fixed her clothes and took her signature shades and a hat... Teka lang, saan galing ang sombrero niya? Hindi ko 'yan napansin kanina ah.
"Let's go, dad might probably be waiting for me. Ayaw na ayaw niya talaga ang late, kahit ako na anak niya hindi makakatas sa sermon niya kapag nahuli akong dumating," she said and flipped her hair.
She extended her arms at me when she passed by my direction. Kahit nagugulohan, tinanggap ko ang kanyang kamay kaya sabay kaming lumabas sa kanyang opisina, sumunod naman si Olga sa likuran namin habang dala-dala ang iPad niya.
"You're coming with me." Deretso akong napatingin kay Althea ng sabihin niya 'yon.
T-Teka lang! So seryoso talaga siya sa sinabi niya kanina na isasama niya ako sa lunch nila ng ama niya? Nakatulala ako sa kawalan hanggang sa narating na namin ang rooftop ng building niya.
Sobrang lakas ng hangin dito sa taas sanhi na rin ng chopper. Napahawak si Althea sa suot niyang sombrero atsaka napalingon sa akin at kay Olga.
"Olga, call me immediately if the outfits for the upcoming Winter Fashion Show had arrived. Can I count on you on that matter?" Walang pagdadalwang isip na tumango si Olga sa sinabi ni Althea. "Good," she said and smiled at her. Bigla namang namula si Olga atsaka napangiti sa kanya.
"At ikaw naman, aalis na tayo," she said while smiling, showing her perfect set of teeth. She automatically grabbed my hand and approached the chopper. As the wind blows a handful of strands of my hair, I let Althea lead me until we got inside the chopper.
We wore something for our ears and for us to communicate well during the trip. Kinakabahan ako ng magsimula ng mag take off ang chopper, ilang beses pa nga akong napalunok ng laway. Hindi ko magawang tumingin sa baba. I have Acrophobia, a fear of heights.
This phobia started when I remember the last scene of the car accident that happened to my family almost 2 decades ago. Nahulog kami sa isang pangpang sanhi ng pagkatilapon ng sinasakyan naming kotse noon. A loud sound of impact is the last thing I heard before we were put on the edge of a cliff.
Looking at the bottom part of the cliff where the waves of the ocean are crashing makes me anxious during that time. At dahil ako lang ang nasa backseat noon, masyadong mabigat ang nasa unahan kung saan nakaupo ang tunay kong mga magulang.
Dahil sa bigat, tuluyan na kaming nahulog. My biological parents died on the spot during that time and I was the only one who survived. That's the only memory I remembered from the past, nothing more, nothing less.
Kahit mga masasayang ala-ala namin noon hindi ko magawang maalala, except for the park where I always go whenever I felt alone and misses them. Ang lugar lang na iyon ang naaalala ko. I want to remember everything so bad, I even wished I never woke up that time.
Kung hindi ko naman lang din maaalala ang lahat ng pangyayari noon, edi sana hindi nalang ako nabuhay pa.
My parents right now aren't my biological parents, they were my real parents' close friends. After the tragic accident, they decided to adopt me since they struggle of making a family of their own. They treat me as their own child and give me the love and care that I need, kahit na dumating si Bea sa aming buhay, hindi parin nagbago ang pagtrato nila sa akin.
And that's the thing that I will always be thankful for.
Napalingon ako kay Althea ng hawakan niya ang aking kamay. Concern was written all over her face while looking at me. "I'm so sorry, are you afraid of heights?" she asked. I inhaled deeply and nodded as a response.
Halatang-halata siguro sa mukha ko ngayon kaya nakapagtanong siya sa'kin ng ganyan.
"Pero okay lang, sabi nga nila diba? Always face your fears," sabi ko atsaka ningitian siya. Ayokong may mag-alala sa akin, giving someone assurance that I am okay and will be okay, will always put me at ease.
I squeezed her hand and smile at her to vanish the concern from her face. She eventually smiled at me back and squeezed my hand in return.
*****
Hindi ako makapaniwalang may ganitong klaseng lugar dito sa Pilipinas. Sobrang puti ng buhangin, ang linis ng dalampasigan, presko ang hangin at hindi ko talaga mararamdaman ang init ng araw kahit tirik na tirik ngayon.
May isang malaking rest house sa gitna ng isla at napakamoderno ng disenyo ne'to. May malawak na golf course sa kabilang parte at napakalaking infinity pool naman sa kabila. Mayroong mamahaling yate din sa may port at iilang sasakyang pandagat katulad ng speedboat, jetski, at iba.
As we finally stepped out from the chopper, several workers from this island approached and welcomes us.
"Your father had been waiting for your arrival, Miss Althea. He's in the pavilion right now," a middle-aged man said, "please follow me," he continued.
Nagsimula na kaming maglakad sa lugar na ito. Habang sinusundan ang lalake kanina, hindi ko maiwasang tumingin sa paligid at mamangha sa lahat ng nakikita ko. Para akong batang kakaapak lang sa amusement park.
Halatang inaalagaan talaga ang lugar na ito. Sobrang linis, wala kang makikitang tuyong dahon sa paligid. This place is a perfect description of the word 'paradise'.
Napunta na kami sa isang garden dito sa isla at nasa gitnang parte nakalagay ang isang malaking pavilion. Kitang-kita mula dito sa distansya namin ang dalawang lalakeng may edad na, sobrang nakakaintimidate silang tignan pareho. Sino kaya sa kanila ang ama ni Althea?
Nakacorporate attire ang dalawang lalake at kitang-kita na sa kanilang mga mukha ang katandaan ngunit hindi mo talaga maitatanggi ang kakisigan ne'to noong kabataan nila.
May dalawang bata akong nahagip sa aking paningin, isang lalake at isang babae. Nang mapatingin sila sa aming direksyon, kaagad na tumakbo ang batang babae papalapit sa amin, sinundan naman siya ng isang batang lalake pero kalmado lang ito sa paglalakad.
"Tita Theaaaa!~~" sigaw nong batang babae habang tumatakbo.
"Amiethy!" sinalubong naman kaagad siya ni Althea ng isang yakap. Sobrang liit niya at ang cute-cute ng suot niyang damit.
She's wearing a white floral dress paired with white sandals. Her healthy black wavy hair are tied in two pigtails with a white ribbon. Sobrang elegante niyang tignan, halatang galing talaga sa may kayang pamilya.
"You're here! You're finally here!" the little girl giggled.
"I never knew you are here," Althea said.
"It's a surprise!" Amiethy said cheerfully which makes Althea laugh. Napatingin ako sa batang lalake at ganun na lang ang gulat ko ng malamang nakatingin na rin pala siya sa akin.
His face is very serious, you can't determine if he's really a child or a grown-up man in a child's body. Atsaka may naaalala ako sa mga titig niyang sobrang lamig at walang ekspresyon.
"Who is she?" the little boy suddenly uttered without breaking our eye contact.
"Oh, her name is Bella. She's your tita's new friend," Althea said. "Will you please give your tita Thea a hug, Cal?" Napalingon ang batang lalake sa kanya atsaka lumapit bago tuluyang niyakap si Althea.
"Althea, anak!" Sabay kaming napalingon sa isang baritonong boses na tumawag sa kanya. Nakita ko ang isang lalakeng kumakaway sa direksyon namin. So the man wearing a maroon suit is Althea's father, but who's the other man?
"Hi, dad! Hi, tito Maxus!" Kumaway rin si Althea sa kanya pabalik.
Hinawakan ni Althea ang kamay ng dalawang bata atsaka sabay na naglakad papalapit sa direksyon ng dalawang lalake. Nakasunod lang ako sa kanila, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Bakit ba kasi ako sinama pa ni Althea dito, eh halata namang pang pamilya lang 'tong lunch nila eh.
Nang makarating na kami sa pavilion, hinalikan ni Althea ang kanyang ama sa pisngi, ganon din sa tito niya. "Dad, tito, I brought a friend. She's Bella," pagpapakilala niya sa akin sa dalawang lalake sa aming harapan.
Napalunok ako ng tignan nila ako ng sabay. "M-Magandang araw po sa inyo," sabi ko atsaka ngumiti sa kanila at bahagyang kumaway.
"Magandang araw din sa iyo hija," sambit ng ama ni Althea.
"You should take a seat with us," sabi nong lalaking naka black suit. Nakangiting nakatingin si Althea sa akin at sinenyasan ako na maupo na kaagad ko naman ding ginawa.
"Thank you po," sambit ko sa kanila.
"Meire, Nick, halina kayo. Nandito na si Althea," tawag ni Sir Maxus sa kabilang parte ng garden. Napalingon ako sa may fountain at doon ko nakita ang dalawang taong magkahawak kamay at sabay na naglakad sa direksyon namin.
They are a good-looking couple. The woman had porcelain skin like Althea's, sobrang kinis niya at kitang-kita ang ganda ng hubog ng katawan kahit nasa malayo. The man on the other hand had a well-built physique, his perfectly chiseled face like a greek god shouts power and strength.
"Mom! Dad! Hurry! The food is getting cold," the little girl shouted at my side. Hindi naman maiwasang mapatawa ang dalawang may edad ng lalaki sa sinabi ng batang babae.
After a few seconds, these little kids parents finally arrived and take their seats. Napalingon ang dalawang kakadating lang sa gawi ko, hindi ko naman maiwasang mailang sa mga titig nila.
"Oh, before I totally forgot, this is Bella. My friend," sabi naman ni Althea sa dalawa. Tumango-tango naman ang lalake atsaka ngumit sa akin.
"Hi, Bella, it's good to know Althea finally had a friend. It's actually surprising to know about that, sobrang suplada kasi niyan kaya walang gustong makipagkaibigan," sabi nong lalake.
"Shut up, Nick," Althea hissed making him laugh. Napatawa ako ng mahina sa inaasal ng dalawa. I guess they're good friends.
"Bakit ba? Totoo naman kasi talaga, masyado kang maldita sa iba kaya ayan tuloy natatakot silang makipagkaibigan sa'yo. You should break down the walls that you've built," Althea pouted after hearing what the man said.
"Hon, stop mocking her," the gorgeous lady suddenly speaks that making him shut his mouth.
"Bleh! Under ka naman pala eh," Althea said and made funny faces at Nick. Mukha silang mga bata sa ginagawa nila.
"Okay, tama na 'yan. We should eat right now, nagugutom na ang mga apo ko," the man with a black suit said. Sir Maxus smiled at his grandchildren and pats their heads.
"What about Dale, dad? Isn't he coming?" the gorgeous lady asked. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"He is, but I don't think he'll make it on time---"
"That's what you think, dad," I automatically froze when I heard that familiar voice again. Nanggaling ang boses niya sa likuran ko pero hindi ko magawang lumingon. An unfamiliar feeling suddenly flows throughout my veins in just a snap.
"Uncle Dale!" kaagad na bumaba sa inuupuan niya si Amiethy na katabi ko lang.
"How are you Mhey? Did you miss me?" rinig kong sambit niya sa likuran ko. Nakailang ulit na akong napalunok ng laway dito. My hands are sweating and my breathing suddenly became abnormal.
"Take your seat Dale and greet Althea's guest," wika ng kanyang ama na ikinalaki ng aking mata. Sana kainin na ako ng lupa ngayon. Parang gusto kong mawala kaagad ngayon na mismo, ilang Santo na ang tinawag ko ng dahil sa sitwasyon na meron ako ngayon.
I can hear his footsteps approaching my direction that makes my heart pound harder. Inilagay niya si Amiethy pabalik sa kanyang upuan dito sa tabi ko. Bahagya akong napayuko ng masilayan kong tumingin siya sa aking mukha.
"It's you," he said which makes me shut my eyes.
Punyeta talaga!