Chapter 11: Blunt

2336 Words
Bella's POV All pairs of eyes are watching me right now. Parang gusto kong tumayo atsaka tumakbo papuntang dalampasigan at langoyin ang dagat papuntang syudad. Bakit ba kasi sa daming tao dito sa mundo, siya pa talaga ang makikita ko dito. Hindi ko inaakalang magkakilala pala sila ni Althea. I really have no idea that their families had this kind of bond. Kung noon ko pa lang nalaman, edi sana nagmatigas na lang ako na huwag sumama dito. "Magkakakilala kayo?" Althea asked that maked me shut my eyes again. "She became my patient yesterday when she passed out at the park," he said in a flat tone. Napakagat ako ng labi pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. "She what?!" Althea exclaimed at him before turning her gaze to me. Bakit hindi mo sinabi sa akin na nawalan ka ng malay kahapon?" may bahid ng pag-alala sa boses ni Althea ng sabihin niya iyon. Napatingin ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay, "ano kasi, hindi naman 'yon importante," sabi ko atsaka binigyan siya ng isang ngiti. "Ayos ka lang ba hija?" Napalingona ako sa ama ni Althea ng tanungin niya ako, binigyan ko siya ng isang ngiti rin bago tumango. "Don't worry about her, she undergoes different tests yesterday before she was discharged. I can assure all of you here that she's fine," he said and take his seat next to the little boy. Napaggitnaan namin ang dalawang bata ngayon dito. "Si Dale na ang nag-sabi na okay lang siya. I trust the words of my son and I know all of you do too," ani ni Sir Maxus at tinapik ang balikat ng kanyang anak na nasa tabi lang niya. "If you feel unwell hija, you can always ask Dale. He's one of the best doctors here," puri ng ama niya sa kanya habang nakangiti. "Uncle Dale is the bessst!~~" the little girl cheerfully said while clapping her hands in the air. Hindi ko tuloy maiwasang mapatawa ng bahagya sa ginawa niya. She's very bubbly and sweet. Nakangiti ang lahat at napatawa rin sa pag-uugali ni Amiethy pwera na lang ni Dale atsaka nong batang lalake. I guess they came from the same mold, parehong-pareho silang dalawa, walang emosyon, plain lang, ni walang happy hormones sa katawan. Hindi nagtagal, nagsimula na rin kaming kumain. Nagkukwentohan silang lahat, kinakamusta ang mga araw nila atsaka tinatanong din ako tungkol sa buhay ko. "Bella is my model and my consultant as well. Today is her first day and she's doing very well," Althea said with a hint of satisfaction in her voice. May hiya akong ngumiti sa kanila kahit na ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi magsalubong ang tingin namin ni Dale. "Cal, anak, bakit hindi mo masyadong ginagalaw ang pagkain mo? Is there's something wrong?" Nabaling ang atensyon naming lahat sa batang lalaki ng biglang magsalita ang kanyang ina. Nakita ko naman tinignan ng maigi ni Dale ang kanyang pamangkin sa mukha. Ginawa niya rin sa'kin 'yan kahapon, 'yong tipong tititigan ka lang niya and poof! Alam na niya kung may nararamdaman kang hindi maganda o kakaiba. Nagmumukha siyang walking scanner. Bahagya akong nagulat ng deretsong tumingin sa akin ang batang lalaki, kaya lahat din sila ay tuluyang napalingon sa aking direksyon. It took a few seconds of silence before the child suddenly uttered something that makes me widen my eyes in disbelief. "Are you single?" A-Ano raw? I heard Althea and his mother, Meredith, gasped after hearing what he said. Narinig ko namang nasamid ang ama niya sa iniinum na tubig ne'to. "Cal... *cough* It's rude to ask a lady like that especially when you just met her. *cough* It's not very manly," his father said. Kitang-kita naman sa mukha ni Sir Maxus ang pagpipigil ng tawa sa biglaang pagsabi ng ganong klaseng kataga mula sa kanyang apo hanggang sa tuluyan na nga itong napabuhakhak. "Dad," Meredith said in an authoritative tone that makes him stop. Hinahagod naman ni Meredith ang likod ng kanyang asawa habang umuubo parin. "Do you like tita Bella?" Amiethy got our attention again when she asked her brother bluntly. "She's beautiful... So there's a chance," Calumh said while still looking at me directly into my eyes. This kid is unbelievable... "Cally, it's the first time you compliment someone you just met," Althea uttered with bewilderment. Could someone please wake me from this dream? How come a kid like him could be so straightforward? "Uncle Dale said, there will always be a first time in everything," he said and took a spoonful of the meal and eat it. Napatingin naman ako kay Dale at sa hinding inaasahang pagkakataon, nakatingin na din pala siya sa akin. He might probably be thinking what I did to his nephew to act so strangely like that. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya at napainom ng tubig. Hindi ko na ata kaya pang mahandle ang sitwasyon ngayon. Kanina lang gusto ko nang lamunin ako ng lupa dahil biglang dumating si Dale, ngayon naman, may biglaang confession ang naganap mula sa kanyang pamangkin. And then after that, what's next? "I know I'm too young to be with someone who's five times older than my age, right mom?" Calumh asked his mother that makes her nod in response. "But tita Bella doesn't answer my question yet," he continued and look at me in the eye. "For the second time around, are you single?" Natigilan na naman ako sa tanong niya. Bakit ba sobrang lakas ng impact ng batang 'to? Mukha siyang hindi bata kung magsalita, para siyang kasing edad lang namin kung umakto. "Y-Yes, I'm single," nauutal kong sagot sa kanya. "That's good to hear... My uncle is single too." H-Ha? Anong bang gustong iparating ng batang 'to? Napabuhakhak uli ng tawa si Sir Maxus at ganon na rin ang ama ni Althea. Halos napaluha na sila sa kakatawa at sapo-sapo pa ang mga tiyan. Nagpipigil naman ng tawa si Nick sa gilid, takot na masermonan ng kanyang asawa. "He's been single since birth, right uncle? I guess it's already time for you to find a partner, I don't think being in a relationship will kill you," Calumh said bluntly straight into his uncle's face. Wala kang makikitang reaksyon sa mukha ni Dale habang nagtititigan sila ng tingin ng kanyang pamangkin. Dale suddenly pats his nephew's head before breaking the eye contact and started to eat again. "I have my own ways to get a woman, Cal," ani niya at panandalian akong tinignan sa aking direksyon habang nagsa-slice siya ng karne sa kanyang plato. Nagsalubong ang kilay ko sa ginawa niya. What was that for? "You're too young to understand it, but I know you will when the right time comes," he continued and inserted the food in his mouth. "Calumh, honey, just continue eating your food. Okay?" Pagkukuha ng atensyon ni Meredith sa kanyang anak. Walang pag-aalinlangan namang tumango ang bata atsaka sinimulan uli ang kumain. I saw Meredith mouthed the words 'I'm so sorry' to me which makes me smile at her in return. Grabe na talaga ang mga bata ngayon, daig mo pa ang matanda kung makapagsalita. Kahit sino naman siguro na nasa sitwasyon ko ngayon, magugulat din sa biglaang asal ng batang ito. He's bold and blunt yet serious and quiet, but once he started to open his mouth, you will be completely blown away by the words that he's using. Grabe ang batang 'to, saan ba to nilihi ng nanay niya? Parehong-pareho sila ng persona ni Dale, except for the physical features, halatang-halata kasi na nakuha niya ang kanyang mukha sa kanyang ama. He's like a small version of him but different in personality. Calumh got Nick's appearance and Dale's personality. Kung hindi ko lang alam na anak pala 'to ng kapatid ni Dale na babae, iisipin ko talaga na anak niya ang batang 'yon. Or maybe he raised that kid, dahil mukhang mas close silang dalawa ng uncle niya. Nagdaan pa ng ilang minuto bago kami natapos kuamin, isa-isa na silang nagsitayuan at nag-usap pabalik sa may dalampasigan kung saan naglanding ang sinasakyang chopper namin ni Althea kanina. Two of the little kids held their parents' hands while walking along this long passage in the garden. Sir Maxus and Sir Herbert, Althea's father, talk about businesses with Dale and Nick. Kanina ko lang din nalaman na 'yung hospital na napuntahan ko kahapon at halos dalawang taon na ang nakakaraan kung saan namin sinugod si papa, ay pagmamay-ari pala nila at ng ama ni Nick. Sobrang yaman ng mga taong nakapalibot sa akin ngayon, nagmumukha tuloy akong uling na itinabi sa mga ginto. "Before I forgot, how's your upcoming release of new collections Althea?" Napalingon ako kay Meredith ng bigla siyang magsalita. "Oh, right! That will happen next week on Saturday night. Sayang talaga at hindi ka makakasaling rumampa sa stage ng dahil diyan sa napakapossessive mong asawa," bulong ni Althea sa kanya na ikinatawa naman ni Meredith ng bahagya. "Rinig na rinig ko 'yon," pag-uusisa ni Nick sa gilid atsaka kinuha ang kamay ni Meredith at pinapunta sa kabilang side niya. "I won't let my wife wear something too revealing in front of a camera," says Nick. Althea rolled her eyes in annoyance and cling to my arm. "Whatever! At least I got Bella, she will walk on my runway like a supermodel. Hmpf!" Nagulat ako sa sinabi niya. Anong ako?! Rarampa?! Next week?! Akala ko ba consultant niya ako? Bakit nagdedesisyon lang siya ng kung ano-ano bago magpakonsulta sa akin? "I wanna be a model too like tita Thea and tita Bella," masayang sambit ni Amiethy atsaka ngumiti ng pagkalaki-laki. Sobrang cute niya talaga, ang sarap pisilin ng matambok niyang pisngi. "Oh, really sweetie?" Tumango-tango si Amiethy sa kanya. "Anak may ibang propesyon naman diyan, katulad ng doktor! You can be a doctor like your uncle Dale, or a businesswoman like your mother. Ah! A flight attendant would probably suit you!" Kumunot ang noo ni Althea ng biglang sumabat si Nick sa gilid. Heto na naman tayo... "Alam mo? Kung 'yan ang gusto ni Amiethy wag kang umepal. You're ruining your child's dream," Althea said while raising an eyebrow and rolling her eyes at Nick for the nth time. "Hon, just let her be." Pagpapakalma ni Meredith sa asawa niya. "B-But my baby will be exposed in the futur--" "Marco." Parang naging isang tuta bigla si Nick pagkatapos siyang matahan ng kanyang asawa. Under nga siya kay Meredith. Nang marating na namin ang dalampasigan, tanaw na tanaw ko ang isang napakaeleganteng yate sa di kalayuan. Amiethy raised her hands to her father who eventually knows what she wants. Walang kahirap-hirap siyang kinarga ni Nick bago hinawakan ang kamay ni Meredith gamit ang isa niyang kamay. Pumunta naman si Calumh sa kabilang side ng kanyang ina atsaka hinawakan din ang isang kamay neto. Ang ganda nilang tignan, isang masaya at buong pamilya. Mapait akong napangiti habang minamasdan sila mula sa direksyon ko. Someday, I want to have a family of my own, just like them, but that dream is so hard to achieve after what I've experienced in my past relationship. Meredith's family and her father bid their goodbyes at us and started walking away towards their elegant yacht. "Let's do this again sometime, Herbert," Sir Maxus said and waved a hand at Sir Herbert. Tinugunan naman siya neto ng ama ni Althea atsaka kumaway din pabalik. "It would be nice if Mateo will be present here too next time," Sir Herbert said pertaining to Nick's dad. They finally got inside their yachts and drove away from this beautiful paradise. "Dale, bakit hindi ka sumama sa kanila? Are you planning to stay here for a while?" Napalingon kaming tatlo sa direksyon ni Dale kung saan nakatingin lang siya sa yateng kakaalis lang. "No, I'm not. I brought my speedboat that's why I didn't come with them," ani niya atsaka inayos ang kakasuot niya lang na shades. "Dale, why won't you be my model?" Althea suddenly asked while rubbing her chin and looking intently to the man's features in front of her. Napalingon naman si Dale sa direksyon niya atsaka ibinaba ang kanyang shades. "I don't have time for that," ani niya atsaka bumalik ang paningin sa dagat. Halos ata lahat ng mga kakilala ni Althea ay inaalokan niyang maging model niya. "I guess my yacht is also ready, I shall go for now," Sir Herbert said and bid his goodbyes at us. Hinalikan naman siya ni Althea sa pisngi bago tuluyang naglakad papalayo sa amin. Kumaway kaming dalawa ni Althea sa kanya bago siya tuluyan pumasok sa loob. Napalingon ako sa kabilang side ng isla ng marinig ko ang tunog ng chopper na sasakyan namin pabalik sa kompanya niya. "Is your decision is final?" tanong ni Althea kay Dale ng magsimula na itong maglakad papunta sa speedboat niya. Sobrang yaman talaga ng pamilyang 'to. They have the influence, power, and connections in their hands. Dale looked back at us and removed his shades, "why won't you ask Van about that? Maybe he'll consider the offer." Kitang-kita naman sa mukha ni Althea ang gulat at biglang namula ng marinig niya ang pangalan na iyon. "And yes, my decision is final," he continued and smirked before wearing his shades again. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya atsaka napatingin ni Althea ng biglang nag-iwas ng tingin. "L-Let's go Bella, we have some important matters to do," nauutal niyang sambit atsaka hinila ako papunta sa chopper niya. Napalingon naman ako sa direksyon ni Dale habang hila-hila ako ni Althea. Nagulat ako ng biglang nagtama ang aming paningin. He's already in his speedboat and started the engine while looking at me. This man... How could he unlock a memory from me in the past? Do I met him before? Are we somewhat connected to each other? "Bella, let's go!" Napatingin ako kay Althea na nasa loob na ng chopper. Hinahangin na ang buhok ko kaya kaagad akong pumasok sa loob at nagseatbelt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD