Chapter 9: Sisters by Soul

2080 Words
Bella's POV Sa ilang minuto kong pag-iisip sa daan habang naghihintay ng masasakyan, titig na titig ako sa isang maliit na calling card sa aking kamay. Kaya ko ba talaga ang ganitong klaseng bagay o trabaho? Kahit noong magaan pa ang aming pamumuhay, hindi ko talaga hilig ang mga ganito eh. Exposing too much flesh, posing in front of the camera, putting too much makeup on my face, all of it isn't really my thing. Pero ngayon na lang ba ako magpapakachoosy? Kung kailan may nag-alok na sakin ng trabaho at yung may-ari pa talaga mismo? Hayss! Bahala na! Kaya ngayon, nakasakay na ako sa isang Grab na pinabook ko kanina papunta sa eksaktong lokasyon ng pupuntahan ko. 15 to 20 minutes lang ang siya galing sa lugar kung saan ako nagtatrabaho noon kaya maliit-liit lang din ang nabayaran ko ngayon. "Salamat po, manong!" ani ko bago tuluyang bumaba sa sasakyan at pagkatapos kong iabot sa kanya ang aking bayad. Mang maisara ko na ang pinto ng kotse, napatingala ako sa isang building na nasa harapan ko ngayon. Tinignan ko ulit ang calling card sa aking kamay bago tuluyang napabuntong hininga at nagsimula nang maglakad papunta sa bungad ng entrance ng building na'to. Kinakabahan ako ngayon sa tuwing papalapit sa naturang kompanya, kumakalabog ang puso at nagsisimula nang manlamig ang aking kamay. Ganito talaga ako sa tuwing may bagong papasukan na trabaho. Madali lang akong nerbiyosin. Sanhi rin siguro to sa parating pag-iinom ng kape. Nang makapasok na ako sa loob, kaagad kong tinahak ang lobby dito at tinangnong sa front desk kung saan dito pwedeng mag-apply o audition ata tawag non para sa mga model? Hay ewan ko talaga. Ilang beses na akong napalunok, mukhang hindi pa talaga ako handa! Wala akong kaalaman-alam sa mga ganito, ni hindi ko nga rin alam kung ano ang gagawin ko doon kapag nandoon na ako sa mismong lugar. Tiningnan ako nong babae mula ulo hanggang paa bago ako sinagot. "Mag-aaply ka para sa designing department? Kung ganoon man, wala pa kaming hiring para doon," medyo masungit niyang bungad sa'kin. Hindi ata naging maganda ang umaga ng babaeng 'to. "Mag-aapply ako for modelling," sambit ko sa kanya na ikinatayo niya ng deretso. Dito na niya ako tinaasan gamit ang kilay niyang halos wala ng hibla ng buhok. Halatang drawing na drawing talaga eh. "Libre lang talagang mangarap..." "May sinasabi ka?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong marinig ang bulong niya. Ginagalit ata ako ng babaeng 'to ah, inaano ko ba siya? Hindi ba uso ang pagiging friendly dito? "Ah, wala naman. Heto, mag log-in ka muna diyan tsaka ilagay mo rin dito kung saan kang floor pupunta. Nasa 9th floor ang audition room," sabi niya atsaka inabot sa'kin ang isang log book. Nasa kalagitnaan ako ng pag-lolog ng mapansin kong parang nag-uunahan ang mga tao dito sa loob sa entrance sa building. Napalingon ako sa babaeng nasa aking harapan ng bigla siyang magsalita ng mag-isa. "Ang ganda talaga ni Miss A," she said with a hint of admiration in her voice while looking at the other side of the building. Her eyes twinkle like a child seeing her favorite toy. Due to my curiosity, I couldn't help but look in the same direction that she was looking. There, I saw the lady whom I started a conversation with earlier in her car. She's holding a cup of coffee in her hand and a Louis Vuitton handbag hanging on her slender arms while walking like a model. "Miss A, your appointment for the new investors will be this 11 am in the morning. You will be having lunch with your father afterward, and picking up a new collection for this upcoming Winter Fashion show will be from 3 pm in the afternoon until 5 pm. That's your only schedule for this day." Napahinto si Althea sa paglalakad at napatingin ng deretso sa assistant niya. Kitang-kita namang napalunok ang babaeng may makapal na salamin sa kanya. "When will be my photoshoot?" tanong ni Althea sa kanya. Ibang-iba siya sa Althea'ng nakakwentohan ko kanina. You will see her professional side this time, napakabossy niyang tignan sa aura niya. "I-It was moved, Miss... It will be held the day after tomorrow at exactly 9 am in the morning at Paraiso de Villamor," her assistant said while scanning her iPad. "Okay, you better remind me about it. That is very important." Napatango kaagad ang babae sa kanya ng ilang beses. Napalingon si Althea sa direksyon ko at inabot ng ilang segundo bago niya ako tuluyang makilala. Tinanggal niya ang kanyang shades at nagulat ng makita ako. "Bella!" she screamed and automatically walk in my direction and gave me an embrace. As her body collided with mine, her expensive scent leaves traces in my clothes. Napakabango niya talaga lalong-lalo na ang maganda at mahaba niyang buhok na halatang alagang-alaga niya. "You're here! At isa lang ang naiisip kong rason kung bakit ka nandito. Did you finally considered my offer?" she asked with a wide smile on her face. Napatango naman ako sa kanya na ikina yakap niya ulit sa akin. "OMG! I'm so happy!" she exclaimed like an excited little child who is about to get her favorite food. "Kaya nga ako nag-lolog dito para mag-audition," medyo may hiya kong sambit. Napakamot pa ako sa likod ng aking leeg habang nakatingin sa kanya. "Anong audition ang pinag-sasabi mo? Hindi mo na kailangan 'yan! Let's head to my office right away," ani niya atsaka ako hinila papunta sa isang elevator. Napatingin naman ako sa babaeng nasa front desk na halatang gulat na gulat sa pangyayari. Hindi ko tuloy maiwasang mapangisi. Libre lang talagang mangarap, ate. "A-ANO?!" hindi ko maiwasang mapataas ang aking boses pagkatapos ng lahat ng sinabi niya sa'kin dito sa opisina niya. "Yes! You're going with me later in the meeting for welcoming our new investors! Isn't it fun?" sabi niya atsaka nagpaikot-ikot sa swivel chair niya na parang bata. "Since I'm going to have a lunch with my dad, pwedeng-pwede ka ring sumam--Right! Samahan mo na rin ako mamaya, I'll introduce you to him," pagpapatuloy niya. Masyadong mabilis ang pangyayari ngayon, hindi ko kaagad ma process sa utak ko ang lahat-lahat ng sinabi niya. "A-Akala ko ba model lang ako r-rito?" "Yup, you're also a model here but I want to you be my consultant too. Hindi kasi ako gaanong magaling sa decision making and I would really be glad if you will also accpet my offer. Don't worry! I will pay you double!" Grabe napakahyper niya ngayon, hindi ko talaga mapantayan ang enerhiya niya ngayong araw. Parang in just a snap, ibang persona niya na naman ang nakikita at nakakahalubilo ko ngayon. "I appreciate your offer M-Miss A, but I don't think I have the capacity to be your consultant. I-I don't have any background in the business industry. Baka kung ano pa ang maipayo ko sa'yo," sambit ko sa kanya. At 'yon ang totoo, may business nga kami noon pero hindi naman ako interesado kaya wala talaga akong alam. Kaagad naman siyang napatingin sa akin ng deretso atsaka tumayo at naglakad papunta sa direksyon ko. Nang mapalapit na siya sa'kin, kinuha niya ang dalawa kong kamay atsaka ako pinaupo sa magandang sofa niya dito sa loob. "You see Bella, I am very comfortable when I'm around you. I feel like I can be all just by myself whenever you're around. Siguro dahil hindi lang kita nakikita bilang kaibigan, kundi bilang isang kapatid na rin," ani niya atsaka ngumiti sa akin. This time, mas naging kalmado na siya. "I never had a sister," she continued and smiled bitterly. "That's the only thing I ever wanted that I couldn't have." Hindi ko maiwasang malungkot sa sinabi niya. Kahit gaano ka pala kayaman, makapangyarihan, at maimpluwensiyang tao, may isang bagay talaga na kulang sa pagkatao mo. "Ay may isa pa pala, 'yong lalakeng gusto ko rin. Hmpf!" sabi niya at nagkrus ng braso. Bigla akong napatawa ng bahagya sa sinabi niya. Kahit kailan talaga 'to oh. "Pero ito seryoso, I know I only met you yesterday, but time doesn't do anything with me, character does. And based on how you talked to me earlier? It just felt like I've known you for a long time," she uttered and looked me straight in the eye. I smiled at her and squeezed her hand. Hindi ko inaakalang may makikilala akong ganitong klaseng tao sa buong buhay ko. Napakagaan sa pakiramdam malaman na ang gusto niya ay magkaroon ng taong ituturi niyang kapatid. Hinaplos ko ang kanyang buhok gamit ang aking kamay na ikinangiti niya ng malapad sa akin. "Hays, oo na nga! Tatanggapin ko na ang alok mo, hindi ko matitiis ang 'kapatid' ko noh," ani ko sa kanya. Halata ang gulat sa kanyang magandang mukha, at sa isang idlap bigla na lang siyang napaluha. Bigla akong nataranta sa nakita ko, "A-Althea, pasensya ka na hindi ko sinasadya na masabi ang mga katagang 'yo--" naputol ang gusto kong sabihin ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit at ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking dibdib. "T-Thank you," mahina niyang sambit. Napangiti ako atsaka hinaplos ang kanyang buhok. "Tahan na, may meeting pa tayong pupuntahan mamaya. It would be very unprofessional to see the CEO with puffy eyes," I uttered that makes her stop crying. Pinahid niya naman ang ilang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Tumayo ako atsaka kinuha ang isang tissue box sa isang maliit na lamesa sa gilid dito sa loob ng opisina niya at ibinigay sa kanya. Kaagad siyang kumuha ng ilang ply doon atsaka dahan-dahan na pinunasan sa kanyang mata. "Goodness! Ang mahal pa naman ng foundation ko, huhu," she mocked that makes the both of us laugh. "Wala nang bawian 'yan ha?" she said that makes me nodded as response. As her consultant, it is my duty to be aware of how her company really works in order for me to give her the right assistance that she needs. I guess I need to study this all night later. "So, Miss A? What are we going to do right now? Aren't we gonna make some preparations?" I asked. "Nope, don't call me that. Althea will do, please," napabuntong hininga ako sa sinabi niya. "Okay, Althea," I said which makes her smile again. Althea is indeed an epitome of beauty, she isn't just the CEO of her company, but she is also the image, heart, and mind. Kung ako man lang 'yon ang lalakeng nagugustohan niya, I would definitely be head over heels in love with this lady in front of me. She got the looks, physique, knowledge, intellect, humor, and a kind heart. Siguro hindi lahat nakikita 'yon dahil masyadong makapal ang barrier na ibinuo niya sa kanyang saril para sa ibang tao. Only the people who's close to her will definitely know her worth. Althea might be wearing a mask all the time to protect her fragile real self, but once she removes it, you will be amazed at how wonderful kind of a woman she is. Staring at her right now made me realize how lucky I am I met a friend like her. I will surely cherish this lady until the end of time because she deserves it. "Bella, may ipapakita nga pala ako sa'yo. I need your opinion about this." Napalingon ako sa direksyon niya atsaka tuluyang sumunod sa kanya papunta sa desk kung saan nakalagay ang kanyang laptop. "The day after tomorrow, I will be having my photoshoot for the front cover of my magazine. I want you to pick some outfits that would suit me," she said while scrolling on her laptop. After a few clicks, she gave me her laptop and let me decide what outfits should she wear. "Hmm, mas maganda siguro kapag nakikita ko sila na sinusuot mo talaga. In that case, it would be easier and faster for us to decide, what do you think?" I asked. "That's a great idea!" she exclaimed and press something on her desk. It was like a little box with some built-in speakers. "Olga, bring me all the outfits that I have listed for my photoshoot in my office right now," Althea speaks. [Right away, Miss A.] "Thank you," she said and smiled at me. I smiled at her in return and continue to scroll down on her laptop. I am starting to love this new job of mine. I guess being a consultant suits me better than a model...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD