Chapter 1: Suspicion

1278 Words
BELLA's POV "Ate!" kumaway ako ni Beatrice ng makita ko siya dito sa labas ng auditorium kung saan marami ng mga katulad niya na estudyante na nakasuot ng toga. Today is her graduation day as a Senior High School student and she completed the ABM strand with high honors. Nagmana talaga to sa'kin! Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit, "pasensya kana natagalan kami ng kuya Luc mo," ngumiti naman siya sa'kin atsaka umiling. "Ayos lang ate, hindi pa kaya nagsisimula," sabay kaming tumawa sa sinabi niya. "Congrats bunso! With high honors pa ah!" bati ni Luc sa kanya na nasa  gilid ko. "Thank you kuya Luc!" nakangiti niyang sambit. "Si papa nasan?" tanong ko sa kanya. "Pinapaupo ko muna siya sa isang bakanteng bench doon," sabi niya atsaka tinuro ang isang bench na nasa di kalayuan. Pinuntahan naman namin ang direksyon ni papa at nakita ko siyang may hawak na card at binabasa ang mga nakasulat doon na pangalan.  "Pa," bati ko sa kanya at nagmano, ganun din ang ginawa ni Luc. "Oh Bella, nandito na pala kayo," sabi niya atsaka tumayo. "Mukhang magsisimula na ang seremonya," dagdag niya at tumingin sa bungad ng auditorium kung saan nagsisimula na ngang pumila ang ilang estudyante.  "Tara na," naglakad na kami at pumila. "Mahal, akin na ang bag mo," tawag sa'kin ni Luc at kinuha ang dala kong bag. "I'll wait inside to take some pictures," sabi niya at ipinakita ang dala niyang camera. "Sure, go ahead," I said then he kissed my forehead before storming inside the auditorium.  Luc and I are now in a relationship, we've been together for almost 2 years already and I can totally say that I love this man wholeheartedly. Lucas is the only person who helped me when I was feeling down, he was there when my world starts falling apart, and he became my strength and my weakness as well. From being strangers to friends, and now as lovers.  "Huy ate nag de-daydream ka na naman diyan kay kuya Luc noh?" pukaw ni Bea sa'kin. "Kanina kapa nakatulala sa direksyon kung saan pumasok si kuya" napatingin ako sa kanya ng deretso. "H-Ha? Hindi ah! Ano kaba," pagdedepensa ko. "Pa oh si ate nagsisinungaling na naman," nakangising sambit ni Bea. Nakakainis talaga, hindi ko magawang magsinungaling dahil nahahalata ako, namumula ang tainga ko sa tuwing gagawin ko 'yon. Buti nalang sina Bea at Papa lang ang nakakaalam. Ilang minuto na ang lumipas at isa-isa ng naglakad ang mga estudyante kasama ang mga magulang nila sa mahabang aisle dito sa auditorium.  "Mabini, Christopher L." tawag ng emcee sa lalaking sinundan namin sa pila. "Ikaw na ang susunod na tatawagin," bulong ko sa kapatid ko, nakangiti naman siya tumingin sa'kin. Napakaganda talaga ng kapatid ko, manang-mana sa ate niya.  "Madrigal, Beatrice F." sabay kaming tatlo na naglakad sa gitna habang nakangiti. Nakita ko naman si Luc sa gilid at nakailang flash ang dala niyang camera habang nakatutok sa'min. Hindi ko tuloy maiwasang mapabungisngis sa ginawa niya. Paiba-iba kasi ang pagdala niya sa camera, naka landscape tas naka portrait na naman, tas balik na naman sa pagiging landscape. Hay, mukha talagang ewan. Nang makarating na kami sa dulo, naghiwalay na kaming tatlo. Inalalayan ko si papa habang pumunta naman sa kanyang pwesto si Bea kasama ang mga kaklase niya. Nang makita kami ni Luc, kaagad siyang lumapit samin at inalalayan din si papa sa upuan. "Kung makaalalay naman kayo sa'kin para akong lumpo," nakatawang sambit ni papa habang umiiling. Simula nung isinugod siya sa ER dalawang taon na ang nakakalipas ay mas naging maingat na kami sa kanya. Kung mangyari man ulit 'yon, baka hindi na siya mailigtas pa at 'yon ang ayaw kong mangyari. Narinig kong tumunog ang cellphone ang ni Luc kaya napahinto ako sa paglalakad. "Who's that?" I stopped walking and faced him. "Nothing, just Mark" sabi niya at pinatay ang phone. Kumunot ang aking noo sa sinabi niya, gusto ko pa sanang magtanong pero may nakasunod na sa'min kaya kailangan na naming umupo.  More than an hour had passed before the end of Bea's graduation rites. Nakangiting lumapit sa'min ang kapatid ko habang dala-dala ang diploma niya. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa'kin.  "4 years nalang bunso," sabi ko sa kanya na mas ikinalawak ng ngiti niya. "Anong kurso ang gusto mong kunin Bea?" tanong ni Luc sa kanya habang naglalakad kami palabas dito sa auditorium. "Accountancy po kuya," sagot naman ni Bea. "Trish!" napalingon kami sa babaeng nakatoga rin na papalapit sa aming direksyon, may kasama siyang dalawang lalake na kasing edad lang din ni Bea.  "Hello po!" masayang bati nila sa'min kaya tumugon naman ako sa kanila. "Oh Penelope, Vhor, Henry," rinig kong sambit ni Bea. "Trish, may ibibigay kami sa'yo," sabi nong isang matangkad pero payat na lalake. "Vhor, ibigay mo na," rinig kong sabi nang babae at siniko ang isa lalakeng matangkad rin na nakasalamin.  Iniabot niya ang isang kahon na may pulang ribbon sa ibabaw kinuha 'yon ni Bea at binuksan. Isang photo album ang nasa loob, nakita ko naman napangiti ang ang aking kapatid sa nakita niya. "Napagpasiyahan namin na bigyan ka ng photo album na may mga larawan nating apat para maalala mo kami" sabi nong Vhor.  "Diba papasok ka sa dream school mo? Eh kaso, hindi kami nakapasa doon eh. Masyadong mataas ang standard don grabe Trish, ikaw lang nakapasok sa ating apat," sabi nung Henry habang napakamot sa kanyang leeg.  "Hindi naman pwede na hindi ka tumuloy dahil lang sa hindi kami nakapasa, pangarap mo yun eh," nakangiting wika ni Penelope, kaagad naman silang niyakap ni Beatrice. Hindi ko maiwasang mapangiti sa nasaksihan ko ngayon. Masaya ako at may ganitong klaseng mga kaibigan ang kapatid ko.  "Salamat! Tatawag naman ako palagi eh, wag niyong i-mute yung gc!" nakatawang sambit ni Bea. "Congrats sateeen! Group hug!" sabi nung Henry at nagyakapan nga silang apat.  "Kukunan ko kayo ng litrato para may bagong idikit si Bea sa album niya," nakangiting wika ni Luc sa kanila. Tinignan ko naman ang aking ama na todo ngiting nakamasid sa aking kapatid. "Alam mo bang ganyan na ganyan ka rin noong grumaduate ka ng highschool? Sobrang daming kaibigan ang nagpaalam sa'yo noon dahil lilipat na tayo ng tirahan" mapait akong napangiti sa sinabi niya. Marami nga akong kaibigan noon, halos lahat ng ka batchmate ko nong highschool mga kakilala ko.  Kung gaano karami ang mga tinuturi kong kaibigan noon, ganun naman kaunti ngayon.  "Bella?" napalingon ako sa likod ng marinig kong may tumawag sa'kin. Bumunagd sa'kin ang isang matangkad na lalake na may saktong pangangatawan. Bagay na bagay sa kanya ang suot netong puting polo na nirelyo hanggang balikat, may dala rin itong camera katulad ng kay Luc. Nagsalubong ang aking kilay dahil hindi ko siya matandaan kung saan kami nagkakilala. "I guess you forgot about me," he said with an awkward smile plastered on his face. May kinuha siyang salamin sa kanyang bulsa at isinuot ito. Nanliit ang aking mga mata at kaagad na lumaki ng mapagtanto ko kung sino ang kaharap ko ngayon.  "Rijanyl? Rijanyl Castellano?!" lumapad ang kanyang ngiti at halos hindi na makita ang kanyang chinitong mga mata. Siya yung ka batchmate ko nong highschool, magkasama kaming lumahok sa essay writing contest noon.  Siya yung klase ng studyante na weird sa mata ng iba dahil sa pisikal na katangian at mataas na IQ. Noon, masyado pa itong payat halos walang bitamina sa katawan, magulo ang buhok, nakasalamin, pero napakatalino lalo na pagdating sa math. Kaya hindi ko siya kaagad nakilala kasi nagbagao talaga siya.  "Mahal, sino siya?" kaagad na sumulpot si Lucas sa aking tabi at ipinulupot ang kanyang kamay sa aking tagiliran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD